logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 4 four

Umuwi ako sa bahay, wala roon si Dad. Panigurado ay nasa trabaho pa rin siya. Gusto ko sanang bulabugin siya sa paggawa ng panibagong kalokohan kaso tinatamad ako ngayong araw. Itinapon ko sa kama ko ang bag ko pati na rin ang notebook ni Jade. Maglalaro na lang ako ng PS4. Bumaba ako sa kusina para kumuha ng pagkain sa ref kaso walang pagkain doon. Tinawag ko si Manang Delia, katulong namin mula pagkabata ko, at tinanong kung mayroon bang chips dito pero sinabi niyang wala. So, no choice kaya, umorder ako.
Abala akong nakatitig sa screen habang nakafocus sa paglalaro nang may kumatok. Padabog akong tumayo saka nakasimangot na binuksan ang pinto. Baka si tandang Leon na naman. Pagbukas ko sa pintuan ay nabura ang simngot ko nang bumungad sa akin ang blankong mukha ni Manang Delia.
"Nariyan na ‘yung order mo, Baste," Sambit niya sa akin habang nakatingin ng tila ba hindi siya natutuwa.
Ngumiti ako sa kaniya at lumabas saka siya inakbayan.
"Eh, Manang, minsan lang naman," Sambit ko habang naglalakad pababa ng hagdanan.
Tinaasan niya ako ng kilay saka tumigil at binatukan ako.
"Ikaw talagang bata ka. Wala sa akin kung kumain ka ng pizza araw araw pero ang uminom ka ng alak ay hindi ako natutuwa! Ke bata bata mo pa! Desi otso ka pa lang kung ano ano nan---"
"Aray! Manang! Manang! HAHAHAHA" pagsalag ko sa bawat hampas niya sa akin ng tumatawa.
Tumigil siya sa pagsasalita nang mapagtanto niyang huli na ang lahat para magalit dahil nariyan na ang alak na pinadeliver ko rin. Bumuntong hininga siya saka ako inirapan
"Hay naku! Ewan ko ba sa iyong bata ka! Siyang siya ka ng Mama mo! Napakatigas ng ulo!" Sambit niya saka nagmartsa paalis.
Napangiti naman ako. Kapag talaga sinasaktan ka ng isang tao na alam mong may pakialam sa iyo, hindi ka nasasaktan.
Manang Delia is my Mom's nanny since she was a kid. Si Manang Delia ang nagpalaki sa Mommy ko at pati na rin sa akin. Napahawak ako sa braso at ulo ko na pinagpapalo niya. Sa lahat ng nagbubunganga sa akin ay sa kaniya lang ako hindi nagagalit. Nagpatuloy ako sa pagbaba para kuhanin ang inorder kong pizza at beer. Nakita ko namang nasa lamesa na iyon at wala ang mga lata ng beer.
Si Manang talaga. . .
Kinuha ko ang kalahati noon at iniwan ang kalahati. Alam na ni Manang Delia na para sa kaniya ‘yon. Bumalik ako sa kuwarto ko at naupo na lang sa may table malapit sa bintana saka kinain ang pizza habang nagbubuklat sa notebook ni Jade.
Mas maraming drawing pa ang nandoon at hindi ko maintindihan kung bakit panay expressionism ang drawing niya at may kasama iyong mga tula.
______________
_______________________
Grip
A child, like a plant, needs water to grow,
Needs care and attention, in order to glow,
So, loosen your grip so nutrition could flow,
A child needs love not the punches you throw
______________________________
Poem by: I N K A
______________
~*~
_______________
_______________________
Mistakes
In every mistake a child could learn,
How to value the chance or it'll be torn,
Just gave them suppport and you'll see them earn,
Give them love so they'll give it as well in return
__________________________
Poem by: I N K A
_______________
Sa lahat ng nandito, ilan lang ang mga tulang iyan. Hindi ko alam ang kwento sa likod nito pero hindi ko maiwasang mag isip. Napalingon ako sa gawi ng bintana niya. Wala siya roon dahil nasa scool pa siya. Isinara ko na lang ang notebook niya saka nahiga sa kama ko. Limipas ang oras, sumapit ang gabi. Dumating si Dad dahil nakita ko ang kotse niya na pumarada sa driveway. Nandito na naman siya, ayoko na dito.
Mabilis akong naligo saka nagbihis. Gagawa ako ulit ng ikasasakit ng ulo niya lalo pa ngayon na pagod siya sa trabaho. Suot ang isang itim na hooded jacket at maong pants ay minabuti kong sa bintana ko dumaan. Aktong papatalon na ako sa bintana ko nang masilayan kong bukas na ang ilaw ng lampshade sa kuwarto ni Jade kaya't napalingon ako sa kama ko kung saan nandoon ang notebook niya. Isosoli ko na. Baka mapagkamalan pa akong stalker.
Bumalik ako sa loob at isiniksik sa jacket ko ang notebook niya saka bumaba sa may bintana. Hindi maman ganoon kataas kaya nang bumagsak ako ay gumulong ako para hindi ako mabalian. Natutunan ko ito sa pagtakas ko sa iba't ibang sitwasyon at kalokohang ginawa ko noon.

Tahimik akong naglakad palapit sa may tapat ng bintana ni Jade. Binato ko ang bintana niya ng maliit na bato para tawagin ang atensyon niya. Hindi naman nagtagal ay bumukas iyon kaya't ibinato ko ang papel na binalot sa maliit na bato. May nakalagay doon na “I have your notebook with poems. Meet me outside.” -Baste
Pagkatapos kong maibato iyon at masigurong pumasok sa loob ng kuwarto niya ay naglakad na ako paalis. Ilang minuto na akong naghihintay pero wala pa rin siya. Hays. Dapat nakagawa na ako ng sakit ng ulo ng daddy ko kung hindi ko lang naisipan isoli ito. Hindi na yata siya dadating kaya --- oo nga mananatili ako rito sa kinauupuan ko, paparating na siya.
Iniisip ko na sanang umalis pero nakita ko siyang maingat na nagmamasid sa paligid habang nakasuot ng isang itim na jacket na may hood habang suot pa sa loob ang kaniyang pangtulog.
Napa ngiti ako, hindi ko alam kung bakit pero natatawa ako. Mukha siyang gf ko na tumakas sa parents para makipagkita sa boyfriend niya sa disoras ng gabi. Napailing ako. Ang creepy ng iniisip ko pakshet! Haha
"Baste?" Utas niya na nagpabalik sa akin sa katinuan.
Wait? She called my name? Napatitig ako lalo sa kaniya. Nakatingin lang siya sa akin ng walang emosyon.
"Jade," Sambit ko naman ng mahina habang tinigitigan siya.
Umiwas siya ng tingin sa pagtungo saka sinabing,
"Y-yung notebook,"
"Oh! Righ," Sambit ko saka hinugot ang notebook niya mula sa jacket ko. "Here," Sabi ko saka inabot sa kaniya ang notebook.
Tinanggap niya iyon.
Nang paalis na siya ay nakita kong lumabas si Manang Delia para magtapon ng basura kaya't mabilis ko siyang nahigit para magtago sa likod ng pader ng kasunod na bahay. Sinilip ko si Manang at pinanood siyang matapos at pumasok sa loob. Nang makita ko siyang pumasok ay napagtanto kong masyado kaming malapit sa isa't isa ni Jade. Agad akong lumayo, siya naman ay nag-iwas ng tingin sa akin. Nanatili ang katahimikan sa pagitan namin. Ang awkward naman. I cleared my throat para sana alisin yung awkwardness dahil sa wala nang nagsalita.
"Ahh, ang galing mo magdrawing," Sambit ko para basagin ang katahimikan.
Napatingin siya sa akin ng tila nagulat siya.
"T-tinignan mo?" Tanong niya sa akin.
Tumango ako.
"Oo. Bakit?" Tanong ko sa kaniya pabalik.
Umiwas siyang muli ng tingin at saka nagsalita ng malamig at mapait.
"Wala," Sabi niya.
I stared at her. She looks uncomfortable with the thought of me, reading her poems.
"Jade?" Tawag ko sa kaniya.

Tumingin siya sa akin at nagtama ang mga mata naming dalawa. Nakita ko ang santumpok ng lungkot doon.
Hindi ko alam kung bakit. Gusto kong itanong kung anong kwento sa likod ng mga tula niya pero pinili kong huwag na lang. Mukha siyang malungkot—hindi. Nalulunod siya sa lungkot at kitang kita ko iyon sa mga mata niya.
"Ahh, may gagawin ka ba?" Tanong ko.
Wala sa sarili akong nagsasalita. Hindi ko alam kung bakit ko itinanong pero nagawa ko. Umiling si Jade.
"Wala, matutulog na," Sabi niya sa akin. "Bakit?" Tanong niya.

I don't know why am I planning to ask her to hang out with me. Ang dami kong gustong alamin tungkol sa kaniya. Pero naisip ko, baka mapagalitan siya. At saka, hindi naman siya sasama e. Baka isipin niya pa na may balak ako.
"Ah, wala naman. Sige na, bumalik ka na," Sabi ko saka ngumiti sa kaniya.
Tinitigan niya muna ako saka marahang tumango at nagsilay ng isang pilit na ngiti bago tumalikod at umalis. Pinagmasdan ko siya. She looks beautiful even with her fake smile. Ano bang meron sa kaniya at tila isa siyang naglalakad na yelo na ang anino ay mas madilim pa sa kaluluwa ng ama ko?
I watched her as she walked back cautiously towards their house. Nang makapasok siya ay napagdesisyunan kong umuwi na lang rin. I don't know what exactly and why. But... There's something about her that draws my attention. There's something about her that tickles my curiosity.
Something... I really want to know.

Komentar Buku (24)

  • avatar
    Jonjon Bao

    uigdhi

    25/07

      0
  • avatar
    Johara Vicente

    Hi thank you

    22/07

      0
  • avatar
    AlvesRaissa

    é um livro muito bom

    16/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru