logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 4

Kabanata 4
Anak
--
Tulala ako nang makarating sa bahay. Nahinto ang paglalakad ko sa teresita namin at hindi na muna pumasok sa loob. Nanghihina ang mga tuhod ko kaya napahawak ako sa barandilya para maalalayan ang sarili. Malungkot akong ngumiti habang inaalala ang mukha ni Joshua.
Hindi ko akalaing makakaya ko pang alalahanin ang kanyang mukha. Dinudurog noon ang puso ko ngunit wala naman ako magawa. Kahit pumikit ako, mukha nya ang aking nakikita.
Pumikit ako at ang tanging naririnig ko lang ay ang kuliglig at ang malamig na simoy ng hangin.
Alam kong sa mundong ito, bawal kang humingi ng sobra. Sa mundong ito, dapat sapat na sayo ang kung ano man ang meron ka. Pero sa pagkakataong ito gusto kong humiling na sana, mayaman nalang ako. Para... para maging pwede na... para maging pwede na ako sa kanya.
Natawa ako sa sarili ko. Ang kapal ng mukha mong humiling nyan, Amora. Sa ginagawa mong ito, sa tingin mo ba deserve mo pa ang lalaking yon? Hindi na. Dahil sumobra ka na. Sobra mo na syang sinaktan. Kaya para saan pa ang paghiling mo na yan?
Pero may mga dahilan naman ako. Hindi ko naman sya ipagtatabuyan kung wala akong matibay na dahilan. Mahal na mahal ko sya at hindi ko sya kayang iwan ng ganon. Hindi ko sya kayang saktan ng ganon. Pero kinaya ko dahil iyon ang makakabuti sa kanya. Ang layuan na ako.
Magtatrabaho ako. Kukuha ako ng magandang trabaho. Yung kikita ako ng malaki araw araw. Yung trabaho na mabilis kaming payayamanin. Para kapag nagawa ko na yon, pwede na.
Natawa ulit ako. Desperada ka na talaga, noh, Amora? Gagawin mo na talaga ang lahat para sa kanya? Kailan ka pa naging ganyan kabaliw?
At isa pa, kailan ka pa naging interesado sa mga malalaking trabaho? Kailan mo pa yon pinangarap? Pagsasayaw lang ang pangarap mo kaya paano mo gagawin ang mga bagay na yon? Pagsasayaw lang ang nakikitaan mo ng interes kaya paano ka yayaman?
Umiling ako sa sarili. Tama na, Amora. Kahit anong gawin mo, kahit anong sabihin mo, wala na talaga. Hindi kayo nararapat sa isa't isa. Hindi ka nararapat sa kanya. Kaya tama na.
Nakakainis lang dahil sa dinami dami ng lalaki sa mundo, bakit sya pa? Bakit sa taong hindi ko pa abot kamay? Bakit sa taong hindi pwede sakin? Bakit sya pa?
Hindi ko pinagsisisihan na sya ang lalaking minahal ko. Pero ang sakit sakit lang dahil hindi naman sya pwede sakin kaya bakit pa sya ibinigay? Yumuko ako at tinakpan ang mukha.
Pinigilan ko ang mga luha at pilit na ngumiti. Wala kang dapat pagsisihan, Amora. Hindi mo naman ginustong mahalin sya. Hindi mo naman napipigilan ang damdamin mo. At nung minahal mo sya, unti unti mo na rin iyong nagustuhan kaya wala kang dapat pagsisihan. Ginusto mo rin yan. Kaya tanggapin mo lahat ng kapalit.
Pinakalma ko ang sarili at pinalakas ang loob. Ngumiti ako at huminga nang huminga ng malalim. Hindi naman talaga ako nagsisisi. Sobrang saya ko nga at nakilala ko sya, na dumating sya sa buhay ko. Sobrang dami kong natutunan sa kanya. At gagamitin ko lahat ng yon sa magdadaang mga araw ko. Hinding hindi sya kalilimutan ng puso ko.
Pumasok ako sa loob ng bahay at naabutan ulit si Amara sa sala, busy na naman sa pag aaral. Napatingin sya sa gawi ko at ngumiti naman ako agad, pilit itinago ang lungkot na nararamdaman.
"Good evening, maganda kong kapatid!" Bati ko pa.
Tumango lang sya at bumalik na sa mga libro nya. Ngumisi ako at lumapit sa kanya.
"Ano yan? Pwede kitang tulungan," sabi ko.
Kanina pa sya nandito. Hindi na ako nagulat na hanggang ngayon nag aaral sya dahil palagi naman syang ganito.
Tinignan nya ako. Seryoso ang mga mata nya habang nakatitig kaya bahagya akong kinabahan. Naglaho ang ngiti ko nang makitang seryoso talaga sya.
"Ano?" Kunyari naghahamon kong tanong.
"Tss," bumalik sya sa kanyang libro. "Matagal ko nang napapansin ang pamumugto ng mata mo. Namumula rin palagi kaya nagtataka ako. Umiiyak ka ba?" Muli nyang baling sa akin.
Natigilan ako. Pinilit kong matawa kahit pa gustong gusto ko nang magsabi sa kanya. Inirapan ko sya at tumingin sa ibang bagay.
"Stress lang sa school at palagi pang pagod sa trabaho. Umiiyak ka dyan," tawa ko at tumayo na.
Tiningala nya ako habang seryoso pa rin ang mga mata. Nag iwas naman ako ng tingin at nagpaalam na. Ayokong madamay pa sya sa mga problema ko, sila ni Mama. Ayokong malungkot rin sila nang dahil lang malungkot at nasasaktan ako. Kaya kong itago ang mga nararamdaman ko wag lang silang mag alala at malungkot.
"Una na ako. Pagod na pagod ako, eh," sabi ko at ngumiti sa kanya. Kumaway pa ako habang seryoso lang naman sya, hindi manlang nagpaalam o kumaway pabalik.
Bumuntong hininga ako nang makarating sa kwarto. Kahit pala anong pagtatago ko, nakikita nya pa rin ang lahat. Kung sya napapansin nya na, paano pa kaya si Mama? Alam kong alam naman nila ang pinagdadaanan ko kaya normal lang na alalahanin nila ako. Pero simula nang lumipat kami rito, pinakita ko nang okay na ako. Kaya hindi ko inakalang malalaman pa rin nila ang totoo kong nararamdaman.
Si Amara, sobrang galing kumilatis nyan. Wala kang maitatago dyan. Alam nya kung kailan ka nagsisinungaling at nagsasabi ng totoo. Alam nya kung kailan ka malungkot at masaya. Alam nya ang mga nararamdaman mo tignan ka lang nya sa mata. Hindi ko alam kung paano nya yon nagagawa pero pinipilit ko pa ring itago. Pero bigo pa rin talaga ako.
Bumuntong hininga ulit ako at dumeretso sa damitan. Kahit pagod, gusto ko pa ring maligo. Kumuha ako ng mga damit at nagpunta na sa banyo sa labas. Natanaw ko pa si Amara na lumingon rin sa gawi ko pagkalabas ko ng kwarto. Malawak akong ngumiti sa kanya ngunit gaya ng inaasahan, hindi nya iyon sinuklian at seryosong mga mata lang ang iginawad sa akin. Binalik nya ang tingin sa libro at hindi ako pinansin.
Ngumuwi ako. Napaka suplada talaga ng babaeng to.
Dumeretso nalang ako sa banyo para makaligo. Nang matapos ay nagpunta ako sa kusina para maghanap ng pagkain. Hindi naman ako nabigo at nakitang may pagkain roon. May takip roon at handang handa. Nakasandok na ang kanin sa plato at may isang mangkok ng adobo na roon. Bahagya akong ngumiti dahil alam kong hinahanda na talaga ito ni Mama. Palagi nya akong hindi nakakalimutan.
Paniguradong tulog na sya ngayon. Sigurado kasi akong marami na naman syang ginawa sa araw na ito. Hindi yon mapipirmi sa isang tabi at gusto palaging may ginagawa. Unfair lang dahil kapag ako ang maraming ginagawa, nagmumukha akong adik. Kapag sya naman ay maganda pa rin. Tsh. Unfair talaga!
Mag isa akong kumain habang ang kalungkutan ay nandoon pa rin sa puso ko. Pilit ko mang pasayahin ang sarili at kalimutan ang nangyari kanina, hindi ko magawa. Parang linta na nakadikit iyon sa utak ko dahilan para bahagya akong mawalan ng ganang kumain.
Pero pinilit ko pa rin at nag isip nalang ng iba. Pero tulad nga ng sinabi ko, hindi talaga mawala wala. Bumuntong hininga ako.
Nagulat ako nang biglang tumayo si Amara at naglakad papunta sa gawi ko. Seryoso sya habang naglalakad. Binaba ko naman ang tingin sa pagkain at nagpatuloy roon. Umupo sya sa harapan ko at humalukipkip.
"Oh? Tapos ka na?" Tanong ko pagkatapos sumubo ng isa.
"Oo," simple nyang sagot.
"Ano pang ginagawa mo rito? Matulog ka na. May pasok ka pa bukas,"
"Hihintayin kita,"
Bumuntong hininga ako at tumango na lamang. Minsan ganito sya. Hihintayin ako at sabay na kaming pupunta sa kanya kanya naming kwarto. Gumagaan naman ang pakiramdam ko dahil napaka lungkot kayang kumain mag isa. Atlease sinasamahan nya ako.
Minsan hindi na nya ako sinasamahan dahil pinapagalitan ko na sya. Gabing gabi na kasi at may pasok pa sya kinabukasan. Mapupuyat sya sa ginagawa nya. Ngayon hindi ko sya magawang pagalitan dahil bukod sa nanghihina ako, paulit ulit pa ring tinutusok ang puso ko.
"Nandoon sya sa coffee shop, tama ba ako?" Si Amara na ikinagulat ko.
Napatingin ako sa kanya sa nagugulat na mata. Kahit hindi nya binanggit kung sino ang tinutukoy nya, alam ko kung sino iyon. Paano nya nalaman yon?
Bumuntong hininga sya. "Pumunta kami sa bahay ng kaklase ko para gumawa ng irereport sa school nung sabado. Napadaan kami sa coffee shop at nakita ko sya roon," para bang nabasa nya ang tanong sa isip ko.
Lumunok ako at nag iwas ng tingin. Binaba ko ang tingin sa pagkain.
"Kaya ka ba nagkakaganyan? Dahil nandoon sya palagi?"
Hindi ako sumagot. Alam kong kahit itanggi ko yon, hindi pa rin sya maniniwala. Tsaka kahit hindi ako sumagot ngayon, alam kong alam na nyang iyon nga ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Kaya ano pang silbi?
"Alam kong ayaw mo itong pag usapan. Pero bakit sya nandoon? Obvious na dahil sayo kaya sya naroon pero bakit? Hindi mo ba sya binigyan ng sapat na dahilan nung iniwan mo sya? Bakit nangungulit pa rin sya?" Napaka dami nyang tanong!
"Amara.. sa tingin ko hindi mo naman na ito kailangang malaman..." marahan kong sinabi.
"Gusto kong malaman," parang iritado sya sa kung ano.
Alam kong galit sya sa mga Salvador dahil sa ginawa nila sa akin. Hindi nya man ipakita, alam kong hindi nya pa rin nakakalimutan ang mga kinwento ko at ang mga pag iyak ko. Ano pa nga ba ang inaasahan ko? Amara yan, eh.
"Nalaman nya na ang totoo," sabi ko.
"Anong totoo? Na pinapili ka ng lolo nya? Pera o sya?" Mas lalo syang nagiging iritado.
"Oo,"
"Iyon lang?"
"Amara, ayoko nang pag usapan ito. Please?"
"Bakit hindi mo sabihin sa kanya ang totoo, ate? Yung pinaka totoong dahilan kung bakit mo sya iniwan?" mas mariin na ngayon ang mga salita nya.
Nagulat ako roon. Galit sya sa mga Salvador kaya hindi ko inaasahan na sasabihin nya ito sa akin. Kung galit sya, dapat hindi nya na ito pipilitin dahil alam nyang kapag sinabi ko ang totoo kay Joshua, hindi na ako titigilan noon. Dapat kung galit sya sa pamilya na yon, hindi nya na hahayaang mapalapit pa sa akin si Joshua.
Bumuntong hininga sya, para bang nabasa na naman ang iniisip ko. "Galit ako sa kanila, ate. Pero sa tuwing nakikita kitang nagkakaganyan, mas umuusbong ang kagustuhan kong bumalik nalang kayo sa isa't isa. Wala na akong pakialam sa pamilya nya basta masaya ka,"
Napailing ako roon. Alam kong isang taon lang ang tanda ko sa kanya pero alam kong wala pa syang alam sa mga ganito. Hindi pwede ang sinasabi nya.
"Alam mo ang mangyayari kung gagawin ko yan, Amara," mariin ko nang sinabi. "Please, wag na nating ipilit ang hindi pwede. Magiging ayos rin ako. Magiging masaya rin ako. Ang totoo nga nyan, masaya na ako. Kaya hindi mo na kailangang mag alala,"
"Sinungaling..." halos ibulong nya yon.
"Tss. Tama na," tinapos ko na ang pagkain. "Inaantok na ako. Matulog ka na rin,"
Bumuntong hininga sya at tumango na lamang. Iritado pa rin sya pero alam kong mas nangingibabaw ang pag aalala nya sa akin. Hinintay nya pa rin ako hanggang sa mahugasan ko na ang pinagkainan ko. Bahagya na lamang akong napangiti nang makarating na sa kwarto.
Kahit anong pilit na ibalik ang kasiyahan ko, hindi na iyon babalik. Siguro magiging masaya ako, pero may magiging kulang pa rin.
Dumating ang bukas na ganon pa rin ang nararamdaman ko. Lalo na nang pagdating ko sa trabaho, kahit anino nya, hindi ko nakita. Kumirot ang puso ko pero inalala kong ito ang gusto ko. Ito ang nararapat. Kaya tahimik na lamang akong nagtrabaho.
Ibang banda na ang tumugtog sa araw na yon at parang kinurot na naman ang puso ko. Huminga na lamang ako ng malalim at nagpatuloy sa mga ginagawa. Ito ang gusto ko, ito ang napag usapan namin kagabi, ginagawa nya lang ang gusto ko kaya dapat maging masaya na ako.
Pero alam ko sa sarili ko na nanghihinayang rin ako. Hindi ako masaya.
Umaasa ako palagi na pagdating ko sa coffee shop, nandoon sya. Pero palagi akong bigo. Wala sya sa table o sa kahit saan. Kahit si Zil ay hindi ko na nakita pa. Nanghihina ako kapag ganon ang naabutan ko at naaabutan ko na naman ang sarili kong umiiyak mag isa sa kwarto.
Nagpatuloy ako sa pag aaral. Kahit na sobra pa ring daming ginagawa, sulit naman dahil nakakakuha ako ng magagandang grades. Palagi kaming magkasama ni Candy at napaka rami nyang kwento palagi. Minsan nalang kami nakakapag usap ni Lance dahil parehong busy. Kapag naman lunch, busy rin sya at maraming ginagawa sa library. Gusto kong alalahanin ang pagkain nya pero masyado akong wala sa sarili para alalahanin pa yon. Kaya rin hindi ko na sya naipakilala kay Candy.
Sa trabaho, kahit ayoko na, umaasa pa rin ako na nandoon sya pagdating ko. Yung bubungad ang mukha nya sa akin pagkapasok ko palang sa coffee shop. Yung makikita ko agad ang seryoso nyang mga mata. Ngunit tulad nung mga nakaraan, bigo ako palagi. Kaya naman wala akong gana sa pagtatrabaho. Madalas rin akong matulala kaya medyo naiinis sa akin ang ibang katrabaho. Nagsosorry naman ako agad at kikilos na ng mabilis.
Sa tuwing may kakanta ay malungkot akong napapangiti dahil hindi na sya ang kumakanta roon. Nami-miss ko pero alam kong iyon lang ang dapat. Kaya naman pinilit ko pa rin ang sarili kong magpatuloy kahit pa madalas talaga akong natutulala dahil sa bigat ng nararamdaman.
Malalim akong bumuntong hininga. Ano ka ba, Amora. Kaya mo yan. Sabi mo kaya mo? Kaya mo yan! Malalagpasan mo rin yan. Makakaya mo ring wala sya. Makakaya mo ring hindi sya nakikita. Gusto mo yan kaya kayanin mo. Magpakatatag ka lang.
Madalas ko pa ring nililinis ang office ni ate Bianca. Nadagdagan nga ang sahod ko dahil roon. Masaya naman ako roon. Tapos kapag sabado at linggo, bumibisita ang mga kaibigan ko sa bahay at tatambay sa coffee shop kapag nagtatrabaho na ako. Hindi sila nagtatanong sa akin tungkol kay Joshua kaya magaan naman ang pakiramdam ko kapag nandito sila.
Masaya ako. Nandito si Mama, si Amara at ang mga kaibigan ko. Nandito rin si Candy at Lance. Kaya anong dahilan para hindi ako maging masaya?
Pero gaya nga ng sinabi ko, may kulang pa rin. Bukod kay Joshua, nami-miss ko rin ang Papa ko. Sobrang tagal na talaga simula nang iwan nya kami. Nasaan na kaya sya ngayon?
Masakit pa rin, symepre. Sobrang daming nangyari sa nakaraan. Idagdag mo pa yung nangyari sa amin ni Joshua. Nawala na nga si Papa, nawala rin si Joshua. Dalawang lalaking sobrang importante sa akin ang nawala sa piling ko. Naisip ko tuloy, mali bang mahalin ang isang lalaki? Mali ba silang mahalin?
Naisip ko si Lance. Kaibigan ko na sya at sa nagdaang mga araw, medyo napapamahal na sya sakin. Mawawala rin ba sya?
Nakakatakot na tuloy magmahal. Kaya ko pa kaya?
Natawa ako sa sarili. Syempre kaya mo pa, Amora. Matatag ka, diba? Kaya mo yan. Malalagpasan mo rin ang lahat.
Paulit ulit ko iyong sinasabi sa sarili ko. Dahil isa iyon sa mga dahilan kung bakit ko kinakaya. Pinapalakas ko ang sarili ko. Naniniwala ako sa sarili ko na makakaya ko ang lahat. At sa paraang iyon, alam kong makakaya ko nga ang lahat.
"Ayos ka lang ba?" Lumapit sa akin ang nag aalalang si Candy.
Tinignan ko sya. Natulala na naman pala ako. Pilit akong ngumiti.
"Sorry..." sabi ko.
"Matagal ko nang napapansin na matamlay ka. May problema ba?" Marahan nyang tanong.
Yumuko ako at hindi agad nagsalita. Nasa oras kami ng trabaho at kahit gusto ko nang sabihin sa kanya ang lahat, hindi naman pwede dahil maraming ginagawa.
Simula nung hindi na pumunta sina Joshua at Zil rito, unti unti na ring nabawasan ang mga customer. Yung iba ay umaasa pa ring bibisita ulit sila rito pero nabibigo lang palagi. Pero patuloy pa rin sa pagpunta ang iba kaya medyo marami pa ring tao. Wala akong pagkakataong magkwento kay Candy.
"Wala naman akong problema," ngumiti ako sa kanya. "Pasensya na..."
"Wala yon. Wala naman masyadong tao kaya ayos lang. Kaso kasi.. nagagalit yung iba dahil wala ka raw ginagawa. Akala nila tamad ka," inirapan nya ang mga kasamahan naming kumukuha ng order sa mga table. "Nakakainis lang dahil halata namang may problema ka pero ganon pa rin ang iniisip nila,"
Ngumiti ako. "Ayos lang yon. Wag mo nalang pansinin,"
Tinignan nya ako at bumuntong hininga. "Hindi ako naniniwalang wala kang problema. Sabihim mo na sakin. Nandito lang naman ako. Makikinig ako,"
Napangiti ako lalo sa sinabi nya. Naging mabuti talagang kaibigan si Candy sa akin. Hindi ko man sya masyadong pinagsasabihan ng tungkol sa buhay ko, hindi pa rin sya nagreklamo at sya pa ang nagkwento sa buong buhay nya. Masaya ako at naiintindihan nya ako. Alam kong alam nyang may malaki ang problema sa nakaraan kaya hindi ko magawang magkwento.
Ngumiti ako kay Candy. "Sa ibang araw nalang siguro natin pag usapan. Maraming ginagawa, baka magalit rin sila sayo,"
"Sus," inirapan nya ng palihim ang mga kasamahan namin. "Mga inggit lang yan kasi ikaw nadadagdagan ang sahod mo dahil sa paglilinis mo sa offife ni Ma'am Bianca. Gusto rin madagdagan ang sahod nila, eh, wala namang dagdag na trabaho sa kanila. Tss,"
Natawa ako. "Hayaan nalang natin..."
"Ang kakapal kasi ng mukha. Dapat daw madagdagan rin sahod nila dahil may dagdag yung sayo. Eh, alam naman nilang kaya nadadagdagan ang sahod mo dahil naglilinis ka ng office ni Ma'am Bianca. Sila hindi naman naglilinis kaya bakit dadagdagan ang sahod nila? Sarap upakan isa isa, eh,"
"Tama na," natatawa kong sinabi. "Hayaan mo na sila. Tara na,"
Nagpatuloy kami sa pagtatrabaho pero nagpatuloy rin ang pagtataray nya. Natatawa ako at binabawalan sya minsan dahil nahahalata na ng iba pero hindi sya nagpapapigil. Talagang pinapakita nya sa kanila ang inis nya. Napailing nalang ako.
Nang magsara na ang shop ay sabay kaming naglakad ni Candy sa may daanan para mag abang ng taxi. Hindi kami pwedeng sabay dahil magkaiba ang direksyon namin kaya nang dumating ang isang taxi, pinauna ko na sya tulad ng madalas kong ginagawa.
Nang maka alis sya ay tumunog ang cellphone ko tanda na may nagtext kaya kinuha ko yon at tinignan. Nakita ko si Sofia ang nagtext kaya bahagya akong naexcite.
From: Sofia
Bea, Pearl, Joy and I are here in your house. Please, go home quickly, Amora.
Nagtaka ako dahil pinagmamadali nya ako pero na-excite ako dahil nandoon sila sa amin! Whaa! Bakit kaya sila napabisita? At tsaka bakit wala si Thea? Hindi pinayagan? Siguro. Gabi na rin, eh.
Pero bakit sila nandoon ngayon? Gabi na, ah? Biglaan naman yata ang pagpunta nila ngayon? Sabado at linggo lang sila bumibisita, ah?
Pero hindi na ako nagtanong pa. Nang makakita ng taxi ay agad ko nang pinara yon at sumakay. Excited akong makita sila. Gosh. Biglaan ito, ah?
To: Sofia
Sige! Pero bakit nandyan kayo? Gabi na, ah?
Ilang minuto ay hindi na nagreply pa si Sofia. Nagtaka ako pero mas nangibabaw ang excitement na nararamdaman ko. Doon kaya sila matutulog? Mag s-sleep over sila? Gosh! Excited talaga ako!
Nang makarating ay agad na akong nagbayad sa taxi driver. Lumabas ako at natigilan nang makita ang isang itim na van na nakapark sa harap ng aming gate. Sobra akong nagtaka roon na hindi pa ako nakagalaw sa kinatatayuan ko ng ilang sandali sa paninitig roon.
Kanino ito? Kay Aling Ninda? Si Aling Ninda ang may ari ng bahay na inuupahan namin. Nasa tabi lang rin ng bahay nya ang bahay namin kaya posibleng sa kanya nga ito?
Nagkibit balikat nalang ako at pumasok na sa loob. Sinarado ko ang gate at muli pang pinagmasdan ang van bago tumalikod at maglakad patungo sa aming bahay.
May ganon pala kagandang van si Aling Ninda? Parang nitong mga nakaraang araw lang ay parang hirap sya, ah?
Excited akong tumapak sa terrace namin at tumingkayad pa para silipin sa bintana kung nandoon ba talaga ang mga kaibigan ko. Baka kasi nagsisinungaling lang sila at pinapaasa ako. Alam kasi ng mga yon kung gaano ko sila kagusto palaging makita. Pinagtitripan siguro ako ng mga yon ngayon.
Ngunit nang may mga tao akong natanaw sa sala ay na-excite na ako. Nandoon nga sila! Hindi ko man makita ng maayos, siguro naman sila na yon? Whaa!
Agad agad na akong lumapit sa pinto at binuksan iyon. Tumapak ako sa sahig namin at napatigil sa nakita. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at agad akong nanigas sa aking kinatatayuan. Unti unting nawala ang ngiti ko at nakaramdam ako ng iba't ibang emosyon sa nakita. Sakit, gulat, saya, lungkot at pagkamangha. Iyon ang mga naramdaman ko.
Napatayo sina Sofia, Joy, Pearl at Bea nang makita ako. Ganon na rin sina Mama at Amara na may mga luha sa mata, halata ang matinding pag iyak. Nakita ko pang tahimik na humihikbi si Mama, ang mga kamay ay nasa bibig at nakatingin sa akin.
Huling tumayo ang lalaki sa tabi nila. Nakita ko rin ang luha sa kanyang mga mata. Mabilis na nangilid ang aking nga luha. Labis na kumirot ang puso ko at hindi ako makapaniwala sa nakikita ngayon. Hindi ako makagalaw at kahit yata paghinga, hindi ko na magawa.
"A-Amora..." si Mama.
Ngunit hindi ko naalis ang paningin ko sa lalaking may pag aalinlangan ang mga mata, mukha at kilos. Natatakot lumapit sa akin. Tinitigan ko sya at hindi ko na napigilan pa ang pagbuhos ng mga luha. Parang gripo iyong tumulo at ang puso ko ay mas lalo pang sumakit, kumirot at piniga.
Nahanap ko ang boses ko. Nakahinga ako at ang pagkuyom ng kamao ay hindi na napigilan. Hindi iyon dahil sa galit kundi dahil sa pagpipigil na masaktan pa ng sobra pero hindi iyon tumatalab.
Humikbi ako. Hindi talaga makapaniwala sa nakikita ngayon sa harapan ko. Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa at sa huli ay bumalik muli sa kanyang mukha sa takot na baka mawala sya kapag inalis ko ang tingin sa kanya.
Humakbang sya ng isang beses. Hindi naman ako makagalaw dahil hindi pa rin ako makabawi. Patuloy ang mga luha ko at ang pagkirot ng puso ko.
Dahan dahan syang ngumiti. Inangat ang kamay para sakin.
"Anak..."

Komentar Buku (155)

  • avatar
    tearShall

    It's an interesting story and how painful they suffer as well

    23/12/2021

      0
  • avatar
    Nawaf Sultan Mustapha

    goods

    30/04

      0
  • avatar
    Erika Evangelista

    ganda 🥰

    14/04

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru