logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 10

Kabanata 10
Kaligayahan
--
"Ayos lang kayo?" Tanong ni Papa pagkatapos ng napaka habang katahimikan rito sa sasakyan.
"Ayos lang, Pa..." si Amara.
Tipid naman akong ngumiti kay Papa habang si Mama ay napahawak sa kanyang noo. Hindi ko alam kung galit na naman ba sya o ano. Basta ang alam ko lang ay paniguradong magagalit na naman sya ngayon.
"Ano ba kasing nangyari, Brayden? Paano nila nalamang nandoon ka?" Si Mama. Ikinagulat ko ang mahinahon nyang boses.
"Hindi ko rin alam, Anna. Siguro may nakakita sakin. I'm sorry..."
Bumuntong hininga si Mama. "Paano na yan? Saan tayo pupunta ngayon?"
Isa pa yan. Naisip ko na rin yan kanina pero hindi ko na masyado pang napag isipan dahil sa gulat ko sa dami ng tao na nasa bahay namin kanina. Saan nga ba kami pupunta ngayon? Saan kami patungo?
"Kung papayag ka... dadalhin ko kayo sa bahay natin para siguradong safe. Pero kung ayaw mo naman... pwede ko naman kayong ikuha ng safe na condo unit," si Papa.
Napatingin kami ni Amara sa kanila dahil roon.
"Natin? Bahay natin? Sa Tondo?" Si Mama na nagtaka at nagulat.
Bahagyang natawa si Papa. "Hindi. Sa bago nating bahay. May pinatayo akong bahay. Malapit lang rin yon rito."
"Eh, bakit natin? Tss. Baka bahay mo?"
Umiling si Papa. "Pinatayo ko yon para sainyo, para sa atin. Kaya sa atin iyon, hindi lang sa akin."
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko roon, ganon na rin sina Mama at Amara. Si Mama ay namula ang pisngi at nag iwas agad ng tingin habang ako ay unti unting napangiti. May bahay na kami? Pinatayo ni Papa? Whaa! Parang nakalimutan ko agad yung nangyari kanina dahil sa nalaman. May bahay na kami! Malaki kaya? Pero ayos lang kung maliit o malaki! Basta may bahay na kami! Whaaa!
Hindi nga ganon katagal ang byahe namin papunta sa bahay na tinutukoy ni Papa. Pumasok kami sa isang village kaya namangha at nagulat ako. Village. Ibig sabihin, hindi lang basta basta maliit ang bahay na tinutukoy ni Papa! Gosh! Na-excite tuloy akong makita.
Nakatingin ako sa labas at pinagmamasdan ang mga malalaki at magagandang bahay nang naging mabagal ang takbo ng van. Napalinga linga tuloy ako at nakita kong pumasok kami sa isang gate. Binuksan ng isang nakaitim na lalaki ang gate, mukhang bodyguard rin ni Papa.
Napanganga ako nang makita na kung gaano kalaki ang bahay na tinutukoy ni Papa. Ito ang bahay namin? Ito yon? Gosh! Ang laki! Bahay pa ba ito? O mansyon?
Nang huminto ang sasakyan ay mabilis binuksan ng isang bodyguard ang sliding door ng van kung saan ako nakaupo. Kung hindi lang ako bahagyang tinulak ni Amara ay hindi ako mapapalabas. Nang makatapak sa lupa ay literal akong natigilan.
Hindi ito bahay! Mansyon ito! Mansyon! Sa amin ba talaga ito? Gosh! Imposible!
"P-Papa, tama ba itong bahay na napuntahan natin?" Napatanong tuloy ako kay Papa.
"Oo naman, anak. Bakit? May problema ba?"
Napahawak ako sa bibig ko. Kung ganon ito nga! Gosh! Oa na kung oa pero ang laki ng bahay! O mansyon na! Ito ang bahay namin?!
Ngumiti si Papa, mukhang nakuha na ang reaksyon ko. "This is our house, Amora. This is your home."
Whoa. Napatingin ako sa bodyguard na kinuha sa braso ko ang bag na dala dala ko kung saan nandoon ang mga gamit ko. Nagpasalamat ako sa kanya at hindi na kumontra dahil sobra akong namamangha sa laki at ganda ng bahay.
Dahil gabi, hindi ko masyadong makuha ang itsura ng bahay. Basta maganda iyon at malaki. May malaking halamanan sa harapan bago ang bahay. Maraming halaman at mga bulaklak roon. May bench pa at duyan. Tapos sa gilid ang garahe, kung nasaan ang mga sasakyan. Damo ang matatapakan mo sa lapag.
Giniya kami ni Papa papunta sa isang malaking pintuan, papasok sa malaking bahay. Sumunod naman kami. Binuksan ng isang bodyguard ang pinto at bumungad sa amin ang napaka gandang bahay. Sala agad ang bumungad pagkapasok. May sofa roon, lamesita, carpet, lamp, paintings, tv at kung ano ano pa. May isang pintuan sa kaliwa sa malayo na hula ko ay kusina. Tumingala ako at nakita ang napaka ganda at napaka laking chandelier. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makita iyon dahil sobrang laki talaga at sobra ring liwanag.
Maluwag ang pabilog na lugar na iyon. Marami pang mga pintuan roon na hindi ko na alam kung ano pa ang mga laman. Maliwanag sa buong paligid at malamig rin. Modern na modern ang bahay. Nakita ko ang hagdan, hindi naman yon ganon kataas pero maganda pa rin. Glass rin ang tapakan ng hagdan. Namamangha kong nilibot ang mga mata ko roon.
"From now on, dito na kayo titira. May mga kwarto sa itaas. May sari sarili na kayong kwarto kaya hindi nyo na kailangan pang pumili. Hinanda ko na lahat," si Papa at ngumiti.
"Sigurado ka bang hindi nakita ng mga media ang mukha namin?" Si Mama na hindi pa rin mapakali sa nangyari kanina.
Bumuntong hininga si Papa at lumapit kay Mama. "Hindi ko alam but... gagawa ako ng paraan kung sakaling nakita kayo. Hindi kayo nila magugulo."
"Paano ka nakakasiguro? Maraming interesado sayo kaya paniguradong hindi ka titigilan ng media. Paano kung dito naman sila pumunta?" Nag aalala na ngayon si Mama. "At paano rin kung hindi na maging maayos ang pag aaral ng mga anak mo? Brayden, kailangan nilang makapag tapos."
"Yes. Yes, I know. Gagawa ako ng paraan. Sisiguraduhin kong hindi sila magugulo. Aayusin ko itong lahat. Please..."
Sinubukan nyang hawakan ang braso ni Mama. Hindi naman umiwas si Mama sa kanya.
"Sisiguraduhin ko rin na hindi sila makakapunta rito. Ligtas at maayos ang village na ito kaya wag ka nang mag alala. Kakausapin ko ang mga guards ng village na wag papasukin ang mga media kung sakali mang pumunta nga sila."
Bumuntong hininga si Mama. Kitang kita ko ang pagod at pag aalala sa kanyang mukha. Nag alala ako kaya nilapitan ko sya. Ganon rin ang ginawa ni Amara. Hinawakan ko sya sa balikat at pinakalma.
"Sige. Wala na akong pakialam kung makita ako sa publiko. Basta siguraduhin mo lang na magiging maayos pa rin ang pag aaral ng mga anak mo."
Tumango si Papa at niyakap si Mama. "Yes. Trust me. Aayusin ko lahat ng ito..."
Sa totoo lang, may nararamdaman din akong takot. Kahit pa tanggap ko na na ganito ang buhay ni Papa, mahirap pa rin sa akin kung sakali mang manggulo nga ang mga media o kung sino sino dahil lang anak nya ako. Hindi na nga tulad ng dati ang buhay ni Papa. Kilala na sya ng marami. Marami nang interesado sa kanya. Marami nang tao ang iniidolo sya. Marami na syang fans! Kaya mahirap na. Sobrang hirap na.
Siguro nga kailangan pa namin ng oras. Hindi pa kami handa sa ganitong buhay. Kailangan muna naming magtago. At kapag dumating na ang araw na handa na kami, iyon na rin siguro ang araw na magpapakita kami sa lahat. Sa lahat ng interesado kay Papa.
Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung bakit pati kami kailangang makilala ng mga taong humahanga sa Papa ko gayong si Papa lang naman ang sikat. Pero nang maisip ko na kung may iniidolo rin akong artista o kung ano pa man, gusto ko ring malaman ang lahat ng tungkol sa kanya. Magiging interesado rin ako lalo na kapag may kumalat na may asawa't anak na pala sya. Kaya kalaunan ay naintindihan ko rin. Iniidolo nila si Papa kaya normal lang na maging interesado sila sa buhay nito. Napabuntong hininga nalang ako.
"Halika. Ihahatid ko na kayo sa mga kwarto nyo," si Papa pagkatapos pa naming mag usap usap sa mga bagay bagay.
Tumango kami at sumunod na sa kanya. Tahimik ang buong bahay. Habang pumapanik kami ay tanging ang mga sapatos lang namin ang naririnig. Mabuti nalang at nagsalita si Papa.
"Ako ang nag ayos ng lahat rito sa bahay kaya sana magustuhan ninyo ang mga ginawa ko sa kanya kanya ninyong kwarto," si Papa at ngumiti sa amin ni Amara.
"Ako? May kwarto rin ba ako?" Si Mama na nakahalukipkip.
"Uh..." hindi agad nakasagot si Papa. "M-Meron syempre."
"Saan?" Nagtaas ng isang kilay si Mama.
"Uh... sa kwarto ko rin?"
"Ano?" Napahinto si Mama. Namilog ang mga mata nya. "Ayoko nga! Ilagay mo ako sa ibang kwarto! Yung ako lang mag isa!"
Bahagyang ngumuso si Papa. "Okay..."
Nang makarating sa pinakataas ay nakakita kami ng napaka raming pinto. Nasa lima yata ang pinto roon, hanggang dulo. Marami pa ring paintings sa ding ding at kung ano anong mga mamahaling vase ang naroon na may nakalagay na mga halaman. Mangha naming pinagmasdan iyon.
"Dito ang opisina ko kung saan ako nagtatrabaho kapag hindi ako pumapasok sa opisina ko sa OALH," si Papa at binuksan ang kauna unang pintuan.
OALH?
Bumungad sa amin ang mala opisina ngang kwarto nang buksan ni Papa ang pintuan. Pumasok kami roon at tinignan ang bawat sulok ng kanyang opisina. May table sa gitna at isang upuan. May sofa rin sa gilid, may mga bookshelf naman sa kabilang gilid at katabi noon ay isang pinto na hula ko ay banyo. May malaking bintana rin sa gilid at may nakalagay na kurtina roon.
Sunod namang binuksan ni Papa ay ang pangalawang pintuan pagkatapos naming pagmasdan ang kanyang opsina.
"Dito naman ang library. Mahilig ako sa libro at mahilig rin kayo roon kaya naglagay na rin ako."
Umawang ang labi ko nang makita ang malaking library na iyon. Matatayog na bookshelf ang nakita ko at punong puno iyon ng mga libro! May dalawang mahabang table sa gilid, may mga sofa rin at may bintana. Malamig sa loob noon katulad nung opisina ni Papa. Nakanganga ko iyong pinagmasdan.
Ngumiti si Papa. "Pwede kayong pumunta rito kahit kailan nyo gusto. Pwede kayong magbasa kahit kailan nyo gusto. Kapag may libro kayong kailangan tungkol sa pag aaral nyo, pwede nyo ritong hanapin."
Tumango kami ni Amara, namamangha pa rin. Halata rin ang pagkamangha ni Mama. Mas malaki pa yata ang library na ito kesa sa library ng school! Parang nasa isang bilihan ako ng mga libro! Gosh! Ang laki!
"Dito naman ang kwarto... ko," medyo nabitin si Papa roon at sumulyap kay Mama na umirap lang.
Malaki rin ang kwarto ni Papa. Namangha ulit kami. May king size bed roon na kulay grey at black ang kulay ng mga kumot at unan. Sa tabi ng king size bed ay ang side table na may drawer, lamp at alarm clock. Napapagitnaan ng dalawang malalaking bintana ang king size bed. Sa gilid ay may isang pintuan. Nang buksan namin yon ay namangha kami sa laki ng walk in closet. Malaki rin ang banyo. Malaki ang lahat! Nakakamangha ang lahat ng iyon.
"Are you sure you want to sleep in another room?" Si Papa kay Mama, umaasa ang kanyang boses na magbabago pa ang isip ni Mama.
Nagtaas ng isang kilay si Mama. "Syempre naman! Asa kang tatabi ako sayo!"
Tsh. Para na naman silang mga bata. Napailing nalang ako.
Ngumuso si Papa at sumuko nalang. Nagtungo na kami sa pang apat na kwarto. Malalaki ang agwat bawat pinto kaya habang naglalakad kami ay nilibot ko ang paningin ko. Napaka rami talagang paintings. Marami ring ilaw sa itaas, modern na modern talaga. Hindi ako makapaniwala na titira ako rito, na titira kami rito! Napaka laking bahay nito at pakiramdam ko mayaman na ako! Gosh!
"Dito naman ang kwarto mo, Amara. I hope you'll like it," si Papa habang nakangiti.
Binuksan nya ang kulay brown na pintuan at bumungad sa amin ang black and white na kwarto. Itim ang kalahati ng ding ding at puti naman ang kalahati. Puti at itim rin ang queen size bed ni Amara. May sofa sa gilid, study table, maliit na bookshelf, may malaki ring bintana na may kurtinang puti sa tabi ng kanyang kama. Sa tabi rin ng bintana na yon ay may isang pinto, hindi ko alam kung anong laman noon. Sa gilid ay may isa pang pintuan, sa tingin ko iyon na ang kanyang banyo.
"Paborito mo ang itim kaya naisipan kong gawing ganito ang kwarto mo. Mahilig kang magbasa ng mga libro kaya nagpalagay na rin ako ng maliit na bookshelf," si Papa at nagtungo sa pintuan na iyon sa tabi ng bintana. "Nilagyan ko rin ng terrace dahil alam kong gustong gusto mo ang simoy ng hangin."
Napanganga ako roon. Nagtungo kami sa terrace na sinabi ni Papa at bumungad agad ang malamig na simoy ng hangin ng gabi. Medyo malaki ang terrace ni Amara, may dalawang maliliit na malambot na upuan pa roon. Kitang kita sa labas ang magandang hardin sa likod ng mansyon.
"Dito naman ang walk in closet. Kaunti palang ang damit dahil hindi ko pa alam kung magkakasya sayo ang mga bibilhin ko."
Namangha na naman ako sa laki ng walk in closet. Hindi lang pala banyo yon, may walk in closet rin! Grabe! Ang laki laki ng kwarto ni Amara! Gusto ko ring matulog rito!
"Do you like it?" Si Papa.
Namamanghang ngumiti si Amara. "Salamat po, Papa. Nagustugan ko po. Sobra."
Napangiti si Papa roon at pagkatapos pa ng ilang sandaling paglibot ay lumabas na kami para sa pang huling kwarto. Nasa dulo na yon pero tanaw pa rin ang mga naunang pinto. Maliwanag rin at kulay brown ang pinto.
"And this is your room, Amora," si Papa at binuksan na ang pintuan.
Tulad ng inaasahan, maganda na naman ang kwartong yon! Puting puti ang kwarto. Ang queen size bed ay may napaka gandang headboard. Bilong bilong ang headboard at sa gitna ay may nakalagay na kumikinang na mga diamond. May sofa rin roon at maliit na bookshelf. May dalawang bintana at napaka raming paintings. May dalawa ulit pinto. Nakanganga kong tinignan lahat ng nandoon.
"Tulad nung kay Amara, pinalagyan ko rin ng terrace ang kwarto mo. Alam ko ring hilig mo ang simoy ng hangin. Manang mana kayo sa Mama nyo," bahagyang natawa si Papa.
Nagtaas ng isang kilay si Mama at hindi na nagsalita. Pairap syang nag iwas ng tingin at nilibot libot ang paningin sa buong kwarto ko.
"Ang... ganda, Papa! Kwarto ko po talaga ito?" Manghang mangha pa rin ako.
"Yes, Amora. This is your room. Pwede mong gawin lahat ng gusto mo rito. Sabihin mo lang sa akin kung may hindi ka nagustuhan at papalitan natin."
Umiling ako. "Gustong gusto ko po, Papa! Lahat!"
Natawa sya at nagtungo sa pintuan na iyon malapit sa mga sofa sa gilid. Binuksan nya iyon at natanaw ko agad ang labas kaya naman agad agad akong sumunod sa kanya. Sumunod rin sa akin sina Mama at Amara. Pare pareho kaming lumabas sa teresita at sinalubong ang malamig na hangin ng gabi.
Pumikit ako at nakangiting sinalubong ang hangin. Napaka sarap na naman noon sa pakiramdam. Hindi talaga ako magsasawa sa natural na hangin ng mundo. Hinding hindi ko pagsasawaan ito.
"Magkatabi lang halos ang teresita ninyo ni Amara kaya pwede kayong magkita o mag usap rito," si Papa at ngumiti sa amin.
Tinignan ko ang kaliwa at nakitang nandoon nga ang teresira ni Amara. Mas lalo akong napangiti. Nagkatinginan kami ni Amara. Ngumiti ako sa kanya habang sya ay ngumisi lang.
"Whoa! Pwede tayong magkita rito, Amara!" Excited kong sinabi.
"Oo, ate. Kasasabi lang ni Papa," sarkastiko nyang sinabi.
Napanguso ako. "Tsh. Inuulit ko lang!"
Natawa sa amin si Papa at pumasok na kami ulit sa loob. Muli kong nilibot ang paningin ko, manghang mangha pa rin.
"Doon ang walk in closet mo, Amora," turo ni Papa sa isang pinto sa gilid. "Kaunti palang rin ang mga damit dyan. Don't worry, magpapabili ako bukas."
Parang may humaplos sa puso ko. Halos maiyak na ako sa sobrang saya. Lumapit ako kay Papa at yumakap sa kanyang baywang.
"Thank you, Papa! Ang ganda!"
Natawa sya at niyakap na rin ako pabalik. "Kapag may kailangan ka, sabihin mo lang sakin, okay?"
Tumango ako at mas lalo pa syang niyakap ng mahigpit. Narinig ko ang pag angal ni Amara sa kadramahan ko pero hindi ko na sya pinansin. Niyakap ko lang si Papa ng mahigpit.
Hindi ko akalaing aabot kami sa ganito. Buong akala ko lang noon ay mamumuhay lamang kami ng simple at masaya. Masaya naman ngayon pero ibang iba na ang estado ng buhay. Mayaman na si Papa kaya ibig sabihin... mayaman na rin kami! Hindi ako makapaniwala. Naiiyak ako lalo na kapag naiisip kong ginawa lahat ito ni Papa para sa amin. Para hindi na kami maghirap. Sya ang naghirap para hindi na kami mahirapan. Mas lalong lumalambot ang puso ko at ang kaunting pagtatampong nasa puso ko ay bigla nalang naglaho.
Hindi nya talaga ako, kami, binigo sa pagmamahal nya. Palagi nya iyong pinaparamdam sa amin sa kahit anong paraan. Hindi ko kailanman naramdaman na balewala kami sa kanya. Para sakin sya ang pinaka the best na Papa sa buong mundo. Hinding hindi ko na kakayanin kung mawala pa ulit sya sa amin.
Pagkatapos namin roon ay binaba ko lang ang bag ko at nagtungo na kami sa magiging kwarto ni Mama sa ibaba. Sakto lang ang bilang ng mga kwarto para sa amin kaya sa guestroom sya matutulog ngayon. Ayaw ni Papa na doon sya patulugin pero wala syang magawa dahil iyon ang gusto ni Mama.
"Pwede ka namang matulog sa kwarto ng mga anak mo, Anna, kung ayaw mo sa kwarto natin. Maliit ang kwarto na ito at--"
"Ayos lang ako rito, Brayden. Sanay na ako sa maliliit na tulugan. Baka nakakalimutan mo kung saan tayo nanggaling?" Pagtataray na naman ni Mama.
"Hindi ko naman nakakalimutan yon. Pero pwede ka namang matulog sa kwarto ni Amara o ni Amora. Maluwag ang kama nila. Pwede ka roon. Wag na dito."
All white ang kwarto na ito. Hindi tulad nung mga kwarto sa taas, plain lang ito. Plain na kama, plain na ding ding, plain na bintana at kung ano ano pa. Malinis tignan ang lahat. May isang pinto kung saan ang banyo na maliit lang rin. Sa totoo lang, malaki na para sa akin ito. Yun nga lang, naging maliit dahil sobrang lalaki ng mga kwarto sa itaas. Pero ayos lang naman itong kwarto na ito. Kung papipiliin nga ako, mas gusto ko rito dahil simple lang at malinis.
"Ayos na ako rito, Brayden. Gusto kong maranasan ng mga anak natin ang matulog sa malaki at magandang kwarto nang mag isa kaya ayos na ako rito. Malinis naman ito at malaki rin. Anong maliit ang sinasabi mo dyan? Tss. Porket yumaman ka na maliit na para sayo itong mga kwarto na ganito?" Umirap irap si Mama at umupo sa kama.
Parang may humaplos sa puso ko sa nauna nyang sinabi. Gusto nyang maranasan naming matulog sa malaki at magandang kwarto nang mag isa? Gusto kong maiyak roon. Nabawi lang dahil sa mga sunod nyang sinabi.
"Hindi naman sa ganon. Pero kasi..." bumuntong hininga si Papa, sumusuko na. "Fine. Are you really fine in this room?"
"Oo nga. Tss. Ulet ulet? Ayos lang nga ako rito. Wag ka nang mag alala."
Bumuntong hininga ulit si Papa at wala nang nagawa. Ngumiti naman ako at umupo sa tabi ni Mama.
"Tama naman si Papa, Ma. Pwede kang doon sa kwarto ko matulog o sa kwarto ni Amara. Hindi naman problema sa amin yon," sabi ko.
Tumango si Amara bilang pagsang ayon.
Umiling agad si Mama. "Hindi na, anak. Ayos na ako rito. Matulog na kayo at ang dami daming nangyari ngayong araw. Alam kong pagod kayo sa school kaya kailangan nyo nang magpahinga. May pasok rin bukas kaya kailangan nyo nang matulog ng maaga."
Tumango ako at wala na ring nagawa.
"Kumain muna kayo. Hindi kayo nakakain ng marami kanina dahil sa nangyari. Magluluto ako," si Papa at ngumiti.
"Sige, Pa!" Agad kong sabi at ngumiti. "Tara na!"
Ganon nga ang nangyari. Nagluto si Papa ng adobong manok at sabay sabay na kaming kumain. Naging maayos na ang hapunan namin at wala nang nangyaring gulo. Pagod akong umupo sa kama ko nang matapos at ininat inat ang braso. Pagkatapos gawin yon ay nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto ko.
Napaka ganda talaga ng kwartong ito. May medyo malaki pang chandelier sa itaas kaya naman mas lalo akong namangha. Hindi ko ito napansin kanina. Napangiti ako.
Sobra sobra talaga ang ginawang ito ni Papa. Talagang nagsikap syang magtrabaho para mabigyan kami ng ganitong klase ng buhay. Masayang masaya ako. Proud na proud ako na may Papa ako na kagaya nya. Sya talaga ang the best para sa akin.
Binuksan ko ang walk in closet at nakitang kaunti pa nga lang ang damit roon. Puro t-shirt at dress. Hindi ko masyadong pinansin ang mga yon at naghanap ako ng panjama. Hindi naman ako nabigo at nakahanap ako roon. Ternong kulay pink na panjama at t-shirt iyon. Napangiti ako at agad agad nang naligo.
Ang banyo ay malaki talaga. May sink, shower at may bathtub pa! Magkahiwalay ang shower at bathtub. Ang naghihiwalay rito ay ang malabong glass na nakaharang roon. May harang rin ang shower kaya pagpasok mo ay hindi agad makikita na may naliligo. Ang makikita mo lang ay ang sink at salamin.
Hindi ko pa alam kung paano gamitin ang bathtub kaya naman nag shower na muna ako. Hindi ko talaga alam kung paano gamitin yon. Nag init ang pisngi ko. Nahiya ako kahit wala namang ibang tao ang nakaka alam na hindi ako marunong gumamit noon. Nahiya talaga ako sa sarili ko. Tsk.
Dahan dahan akong nahiga sa kama nang matapos. Maliwanag pa sa buong kwarto ko. Tumingin ako sa kisame at naisip ang mga nangyari kanina. Pumasok sa isipan ko ang napaka raming media, tao, bodyguard na pumoprotekta sa amin at ang mga flash ng camera. Pumikit ako at humiling na sana walang nakakita sa mukha ko. Tama nga si Mama, hindi pa kami handa sa ganong buhay. Yung magulo at walang laya. Kaya sana walang nakakita ng mukha ko. Gosh. Baka mamaya sumikat rin ako lalo na at ang ganda ganda ko.
Pero totoo, ayoko munang magpakita. Binabawi ko na ang sinabi kong handa na ako sa mga ganito. Pero hindi ko binabawi ang sinabi kong kapag may nakakita sa amin at nagtanong kung sino ang kasama ko, sasabihin ko agad na sya ang Papa ko. Hindi ako maglilihim. Tsk. Ang gulo ko ba? Bahala na.
Napalingon ako sa pintuan sa gilid kung saan ang aking teresita. Bumangon ako at nagtungo roon. Binuksan ko ang pintuan at sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Sinarado ko ang pintuan at nilagay sa bakal ang dalawa kong siko. Nakapikit kong nilanghap ang pang gabing hangin.
Sa totoo lang, hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nangyayari. Sa pagbabalik ni Papa, sa mga sinabi nya, sa nalaman kong mayaman na sya, sa mga media at rito sa bahay na ito. Hindi pa rin ako maka move on sa lahat. Pakiramdam ko kahapon lang ay masaya pa akong nag aaral, masaya pa akong nagpapractice sumayaw, masaya pa akong lumalabas kasama sya at masayang natutulog dahil sa kanya.
Napaka bilis ng mga nangyayari. Sa isang iglap lang, nawala ang lahat. Sa isang iglap lang, napalitan lahat ng magulong buhay ang masaya at tahimik kong buhay.
Pero masaya pa rin naman ako. Masaya ako na nakita ko na ulit si Papa, na nakasama ko na sya ulit, na nandito na sya ulit. Masayang masaya ako. Kaya lang... ganon naman yata talaga. Kahit gaano ka kasaya, kahit gaano ka kaginhawa, kahit gaano ka ngumiti, alam mo pa rin sa sarili mo na may kulang. May kulang sa puso mo na hanggang ngayon pinapakirot, pinapalungkot at pinagdudusa pa rin iyon. May kulang na hanggang ngayon hindi mo pa rin magawang makumpleto dahil hindi mo kayang gawin lang iyon mag isa, kailangan mo pa rin sya. Dahil sya ang kulang, sya lang ang makaka kumpleto ng lahat.
Naramdaman ko ang pagtulo ng aking mga luha habang inaalala ang mga sandali namin ni Joshua noon. Nung una naming pagkakakilala kung saan pinahirapan nya ako. Pinagbitbit nya ako ng mga pinabili nya sa mall at pinagpanik panaog nya ako sa kanilang hagdanan. Yung mga pagpapahirap nya sa akin hanggang sa school. Yung mga titig nya na palagi ko nang napapansin. Yung mga pagliligtas nya sa akin. Niligtas nya ako sa dalawang manyak na lalaki at niligtas nya rin ako noong muntik na akong masagasaan ng truck. Yung pag amin nya. Yung pagpapakita nya ng pagkakagusto. Yung pagkanta nya habang nakatingin sa akin. Yung masasaya nyang mga mata habang kasama ako. At yung lungkot, takot at sakit na nakita ko sa kanyang mga mata nung sinabi kong ayoko na.
Lahat yon naalala ko. At hindi ko na naman napigilan ang pagbuhos ng mga luha ko. Hindi lang ang tahimik at masaya kong buhay ang nami-miss ko ngayon. Pati sya nami-miss ko na rin. Lahat sa kanya ay nami-miss ko na. Ano na kayang ginagawa nya ngayon?
Naisip ko tuloy si Papa. Mayaman na sya ngayon. Ibig bang sabihin... mayaman na rin kami? Kung ganon... ngayon ba pwede na? Ngayong mayaman na rin ako, pwede na ba ako sa kanya?
Dumilat ako at pinunasan ang nga luha. Suminghot ako pero barado na agad ang ilong ko. Ramdam ko agad ang pamumula ko at wala akong nagawa kundi ang bahagya na lamang matawa. Hindi ko alam kung paano pa ako nakakatawa sa sitwasyon ko na yon. Baliw na yata ako.
Oo, Amora. Baliw ka na. Oo, mayaman ka na ngayon. Siguradong tatanggapin ka na ng kanyang lolo. Pero tanggapin ka pa ba nya? Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo, sa tingin mo tatanggapin ka pa nya? Paniguradong galit na sya sayo ngayon. Paniguradong hindi ka na nya gusto. Kaya hindi, Amora. Hindi ka na nya tatanggapin pa.
Mas lalong bumuhos ang mga luha ko at naitakip ko nalang ang mga kamay ko sa aking mukha. Pinigilan ko ang paghagulgol ko dahil baka marinig ako ni Amara sa kabila. Pumikit ako ng mariin.
Hanggang ngayon masakit pa rin talaga. Hanggang ngayon sobrang bigat pa rin ng nararamdaman ko. Hanggang ngayon nandito pa rin ang lahat. Ang sakit sakit pa rin. Ang hirap hirap pa rin. Paano ko nakayanang iwan sya?
Tinanggal ko ang pagkakatakip sa mukha at hinawakan ang dibdib kong sumasakit ng sobra. Pinunasan ko ang mga luha ko at mariing kinagat ang labi. Wag ka nang umiyak, Amora. Please. Tama na. Sobrang sakit na at hindi ko na kaya.
Sa ilang linggong nagdaan, magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko sya naiisip sa araw araw. Sa tuwing nakikita ko sina Mama at Papa, hinihiling ko na sana maging katulad nila kaming dalawa. Hindi ko rin maiwasang malungkot at masaktan kapag naiisip ko yon. Pilit kong tinago at ngayong naiisip ko lahat ng mga pagtitiis ko, sobrang sakit at hirap pala. Sa sobrang hirap, wala akong magawa ngayon kundi ang bumigay at umiyak nang umiyak.
Para sa kanya naman yung ginawa ko kaya ayos lang naman yon, diba? Ayos lang yon. Ayos lang yon, Amora. Para sa kanya yon kaya ayos lang. Ayos lang, Amora. Ayos lang!
Ayos lang, Amora...
"Ang galing mong magtago. Pero ngayon bistado ka na," narinig ko bigla ang boses ni Amara!
Gulat akong napalingon sa kanyang teresita at nakitang nandoon nga sya! Nakahalukipkip sya at walang emosyong nakatingin sa akin. Nakapantulog na rin sya kagaya ko at mukhang kagaya ko rin, gusto nya munang magpahangin.
"A-Amara--"
"Nasasaktan ka pero imbes na sabihin mo, kinimkim mo pa. Anong silbi ko rito, ate?" Seryoso at halos galit nyang sinabi.
Pumatak ang mga panibago kong luha kaya agad akong nag iwas ng tingin at pinunasan iyon. Pinilit kong tumigil pero wala yatang balak tumigil ng mga luha ko. Wala kong tinigil pinunasan ang mga patak. Bawat pagpatak, pinapa alis ko. Paulit ulit ko iyon ginawa hanggang sa mapagod ako at mapatakip na lamang ulit sa mukha.
Bakit ngayon pa ako nagkakaganito?
"Sabihin mo sakin lahat ng gusto mong sabihin, ate. Makikinig ako. Hindi pwedeng palagi mo nalang sinasarili ang lahat," lumapit si Amara at tinukod ang mga siko sa barandilya. Nasa gilid ko na sya ngayon. "Hindi mababawasan yang bigat na nararamdaman mo, kung hindi mo ilalabas."
Pinunasan ko ang nga luha ko at humarap sa kanya. Pag aalala ang nakikita ko sa kanyang nga mata ngunit pinipilit nyang iseryoso ang kanyang mukha. Yumuko ako at umiling. Humarap muli ako sa barandilya at tinukod ang mga siko roon. Tinignan ko ang langit na punong puno ng mga bituin. Mas lalong bumuhos ang mga luha ko.
"Gusto kong bumalik, Amara..." namamaos kong sinabi. "Gusto kong bumalik sa kanya..."
"Mmm..."
"Pero alam kong wala na akong babalikan. Siguradong galit na sya sa akin dahil sa lahat ng ginawa ko..."
"Bakit hindi mo subukan?"
Umiling ako. "Kapag bumalik ako... alam mo na ang mangyayari," tinignan ko sya. "Iyan rin ang isa sa dahilan kung bakit pinipigilan kong bumalik..."
"Mayaman ka na ngayon. Tatanggapin ka na nila, ate..."
Malungkot akong ngumiti. Ganon ba? Dahil mayaman ako ay pwede na? Bakit? Kapag naging mahirap ba ulit ako, hindi na ulit pwede? Ganon ba? Ganon ba yon? Talaga bang estado nalang ng buhay ang tinitignan? Bakit hindi ako pwede sa kanya kapag mahirap lang ako? Kailangan ba talagang maging mayaman pa?
Bumuntong hininga si Amara. "Alam ko ang iniisip mo. Hindi ko alam ang nararamdaman mo dahil hindi ko pa naman nararanasang masaktan pero... kahit estado lang ng buhay ang tinitignan nila, bakit hindi mo pa rin pagbigyan ang sarili mo? Ikaliligaya mo naman yon..."
Umiling ulit ako. Hindi nya ako maiintindihan. Kahit kailan hindi nya ako maiintindihan. Mahirap ring ipaliwanag kaya hindi na ako nagsalita. Pinunasan ko na lamang ang mga luha kong ayaw pa ring tumigil.
Bumuntong hininga si Amara. "Sabi sa amin ng teacher namin sa ESP sa Tondo, ang tunay na pag ibig, hindi iniisip ang sasabihin ng iba. Kung talagang mahal nyo ang isa't isa, magpapatuloy kayo kahit pa puro panghuhusga lang ang mga sinasabi nila."
Napatingin ako kay Amara sa sinabi nya.
"Tanggap ka nya kahit maid ka lang nya. Tanggap ka nya kahit alam nyang mahirap ka lang. Tanggap ka nya sa lahat. Ibig sabihin, mahal ka nya. Kaya bakit mo pa iisipin ang iba kung sya, tanggap ka?"
Hindi ako nakapag salita. Pina alis ko ang mga luhang lumandas ulit sa aking pisngi. Mas lalo akong naiiyak sa mga sinasabi ni Amara.
"Hindi kita pinipilit, ate. Sinasabi ko lang ang opinyon ko dahil baka sakaling makatulong. Bakit hindi mo subukan? Wag mong isipin ang sasabihin ng pamilya nya. Na kesyo mayaman ka kaya tatanggapin ka na nila tapos kapag mahirap ka, hindi ka na nila tatanggapin," bumuntong hininga sya at seryoso akong tinignan. "Isipin mo nalang, pwede na kayo sa isa't isa."
Hindi ko na napigilan, napahagulgol na ako. Tinakpan ko ang aking mukha at pilit pinatahimik ang pag iyak. Hindi ko alam kung tama ba ang sinasabi ni Amara pero may kung ano sa puso ko ang sumasang ayon. Tama ba sya? Tama bang sundin ko sya? Tama bang bumalik ako?
"Tulad ng sinabi ko kanina, opinyon ko lang ito. Hindi kita pinipilit. Nasa sayo pa rin ang desisyon. Pero sana... gawin mo ang makapag papaligaya sayo. Ang kaligayahan mo ang isipin mo, hindi ang sasabihin ng ibang tao..."

Komentar Buku (155)

  • avatar
    tearShall

    It's an interesting story and how painful they suffer as well

    23/12/2021

      0
  • avatar
    Nawaf Sultan Mustapha

    goods

    30/04

      0
  • avatar
    Erika Evangelista

    ganda 🥰

    14/04

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru