logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 9

Kabanata 9
Leaving
--
Kinabukasan, kagaya ng sinabi ni Papa, pumunta nga ulit sya rito sa amin. Maagang maaga palang, kagigising palang namin ni Amara, kumatok na sya sa bahay. May dala ulit syang mga luto nang pagkain na paniguradong sya na naman ang nagluto. Mabilis akong naligo at nang matapos ay si Amara naman ang sumunod. Naabutan ko si Papa na naghihintay sa kusina, nandoon na rin si Mama na mataray na naman ang mukha.
"Ano na naman yan?" Nakahalukipkip at nakataas ang isang kilay ni Mama.
"Uh... eggs, ham, bacon, panca--"
"Tss..." umupo na si Mama, hindi ko alam kung anong problema nya. Paniguradong trip nya lang magtaray.
Kahit medyo napanguso ako sa pagtataray na naman ni Mama ay masigla pa rin akong bumati sa kanila.
"Good morning!" Ngumiti ako.
Nag angat ng tingin si Papa at napangiti nang makita ako. "Good morning, anak. Si Amara?"
"Naliligo pa po," sabi ko at umupo na sa kaharap na upuan ni Mama. "Good morning, Ma!"
"Mmm," tumango lang sya sakin. Ngumuso ako.
Nag usap kami ni Papa roon. Kinakausap ko rin naman si Mama para naman hindi matahimik itong hapag, tsaka para na rin hindi sya palaging nakatahimik. Sigurado kasi akong wala syang balak sumali sa amin kung hindi ko sya isasali. Hanggang sa matapos na si Amara at nagsimula na kaming kumain.
"Ako nga pala ang maghahatid sainyo ngayon sa school. Ako rin ang magsusundo," si Papa.
Tumango kami ni Amara, naging masaya sa sinabing iyon ni Papa.
"Ano?" Si Mama na nagsalubong ang kilay.
Napatingin kaming lahat sa kanya.
"Uh... may problema ba?" Si Papa.
"Paano kung may makakita sayo roon? Alam mo na ito, Brayden!"
Natigilan si Papa. Napanguso naman ako habang si Amara ay bumuntong hininga.
"A-Alam ko naman yon. Ihahatid ko lang naman sila at hindi lalabas ng sasakyan..." marahang paliwanag ni Papa.
Inis na bumuntong hininga si Mama. "Bahala kayo," nagpatuloy sya sa pagkain.
"Mama, wag na kayong mag alala. Tsaka kung may makakita naman kay Papa, ano naman?" Singit ko.
Kunot noo syang bumaling sa akin. "Hindi mo ba alam kung gaano na kagulo ang buhay ng Papa mo ngayon? Magulong magulo na ngayon ang buhay nyan, anak. Akala mo artistang sobrang sikat. Kaya hindi maganda kung may makakita sa kanya. Magugulo rin kayo sa school at baka maka apekto pa yon sa pag aaral ninyo."
Kumunot ang noo ko. Alam kong mayaman na si Papa ngayon, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung gaano na sya kasikat. Engineer na sya ngayon, sumisikat ba ang mga engineer? Hindi ko alam pero naguguluhan pa rin talaga ako. Ano na ba ngayon ang estado ng buhay ng Papa ko?
Bumuntong hininga si Papa at binaba ang mga kubyertos nya. Binigay nya ang buong atensyon sa aming dalawa ni Amara. Para bang alam nyang nagtataka pa rin kami hanggang ngayon.
"Anak, hindi naman ako ganon kasikat--"
"Tss. Hindi daw," si Mama.
"Sige. Sabihin na nating kilala na ako ngayon ng marami. Iyon ay dahil engineer ako at... hindi sa pagmamayabang pero magaling ako sa trabaho kong ito. Marami ang gustong... you know... makipag business? Makipagkilala? Makipag kaibigan? Lalo na at..." natawa sya ng bahagya. "Gwapo ang Papa nyo."
"Tss," si Mama na naman na halos mandiri, umiirap irap.
"Gaano kakilala, Papa?" Si Amara. "Kilala ka rin ba sa ibang bansa? Umaabot ba ng dyaryo? Media? Umaabot ba sa balita? Gaano ka kakilala?"
"Well... yes," huminga sya ng malalim. "Umaabot ako sa media and... news. Pero ginawa ko munang pribado ang pagkatao ko dahil nga sa pagtatago ko sainyo noon. Natatakot akong makita nyo ako kaya... hindi ako masyadong lumalabas o... nagpapa interview."
Napanganga ako. Hindi ako nakapag salita agad at hindi na naman tinanggap agad ng utak ko lahat ng sinabi nya. Parang ganon rin si Amara na kumunot pa ang noo habang nag iisip. Umirap naman si Mama kay Papa tapos nagpatuloy sa pagkain.
"Kaya hindi ako pwedeng magpakita nalang sa kung saan saan. Lalo na at mas maraming naging interesado sa akin noong ginawa kong pribado ang pagkatao ko. Mas rumami ang gustong makakilala sa akin, mas rumami ang gustong makipag kaibigan at... mas lalo akong naging kilala..."
Wow. Hindi talaga ako makapaniwala. Ganon na sya kakilala? Papa ko? Sikat? Media? Balita? Gosh! Parang masisira ang utak ko sa pag iisip. Gulat na gulat ako at hindi talaga makapaniwala! Oa na ba ako? Ano? Pero nakakagulat naman kasi talaga!
"I'm sorry. Alam kong ayaw nyong pumasok sa ganong buhay. Alam kong ayaw nyo ng magulo. Hindi ko naman kasi alam na magkakaganon. Hindi ko rin akalain na maraming magiging interesado sa akin samantalang ang gusto ko lang ay ang magkaroon ng magandang trabaho para kumita ng sapat na pera."
"Tss. Gwapo ka kasi..." si Mama, hindi na napigilan pa ang bibig.
"What did you say?" Si Papa na napa ahon.
Halata ang pagkakatigil ni Mama, nagulat rin sa sinabi nya. Namula ang pisngi nya at nag iwas ng tingin kay Papa.
"W-Wala naman akong sinasabi..." napaka corny ng palusot nya.
"I heard that, Annalea," si Papa na may ngiti na sa labi.
"Narinig mo naman na pala, eh! Nagtatanong ka pa?" Si Mama na iritado na naman, pilit sinasalba ang sarili kay Papa.
Bahagyang natawa si Papa. "Can you repeat it again?"
"Tss. Para saan? Ang kapal ng mukha mo. Hanggang ngayon talaga gustong gusto mo pa ring napupuri ka, eh, noh?"
Napanguso si Papa. "Palagi mo naman kasing sinasabi sa akin yon noon."
"Ah, so kasalanan ko pa? Mahangin!"
Hindi ko na narinig pa ang sunod na pagtatalo nila dahil busy na ako sa pag iisip nung tungkol kay Papa. Kung ganon mayaman na nga talaga sya? Gosh! Hindi talaga ako makapaniwala. Ilang taon ba ang nakalipas at bakit ganon na sya kayaman? Sabagay. Matagal na nga rin pala. Pero nakakamangha pa rin! Ni hindi ko nga alam kung kaya ko bang yumaman ng ganon karaming taon. Pakiramdam ko hindi! Kaya nakakagulat na mayaman agad si Papa! Hindi ko na alam ang iisipin ko. Sasabog yata ang utak ko kakaisip!
"Here. Take this," si Papa at inabot sa amin ni Amara ang perang nasa dalawa nyang kamay, para sa aming dalawa ni Amara.
Nandito na kami sa school. Nagulat kami nang bumaba si Papa sa sasakyan at tawagin kami. Ngunit mas nagulat kami nang makita ang mga inaabot nyang pera. Napaka raming isang libo sa kanyang kamay! Hindi ko mabilang!
"A-Ang laking pera nyan, Papa," si Amara na nagulat rin.
Umiling si Papa. "Para sainyo yan. Matagal ko nang pangarap na bigyan kayo ng ganito kaya sige na. Tanggapin nyo na."
Nagkatinginan kami ni Amara. Napalunok ako at ilang sandali pa ang nakalipas bago namin abutin iyon at kuhanin. Napangiti si Papa at lumapit sa amin. Niyakap nya kami ng mahigpit.
"S-Salamat, Papa..." sambit ko.
"Salamat, Pa," si Amara naman.
"Walang ano man. Sige na. Pumasok na kayo. Susunduin ko kayo mamaya," nakangiting anya.
Doon lang ako natauhan. Agad akong napatingin sa paligid at nakitang kaunti palang naman ang students na pumapasok sa loob ng school. Nasa may gilid kami kaya hindi nila masyado kaming nililingon at napapansin. Hindi naman ako kinakabahan dahil para sa akin, ayos lang na masali sa magulong buhay ni Papa. Tanggap ko na ganon na ang buhay nya kaya tanggap ko na rin na magiging ganon na rin ang buhay ko. Pero ang inaalala ko rito ay si Mama, hindi pa sya handa sa ganon kaya hindi pa muna siguro sya pwedeng makita ng sino man.
Ngumiti ako kay Papa. "Sige na, Pa. Baka may makakita pa sainyo rito. Magalit pa lalo sayo si Mama," bahagya akong humalakhak.
Ngumiti sya at tumango. "Aalis ako kapag pumasok na kayo. Sige na."
Tumango kami ni Amara at aalis na sana ngunit nagulat ako nang nakita ko si Candy. Napangiti sya nang makita ako at agad nagtatakbo papunta sa amin!
"Amora!" Nakangiti nyang salubong. "Hi!" Binati nya rin si Amara na bahagya ring natigilan.
"C-Candy..." gulantang kong sambit, may kaunting kabang nararamdaman.
"Hi--" nabitin ang pagbati nya sa likuran namin. At doon napagtanto ko na kilala nya si Papa!
Nanlaki ang mga mata nya at namilog ang bibig. Napapikit ako.
"Oh my gosh!" Si Candy na napahawak sa bibig. "M-Mr. B-Brayden Legaspi? A-Architect Legaspi?
Pormal na ngumiti si Papa. "Hi."
"OMG!" Mas lalong namilog ang mga mata ni Candy.
"C-Candy..." pagtawag ko, hindi alam ang sasabihin, natataranta na.
"She's your friend, Amora?" Si Papa! Napabaling ako sa kanya. Hindi ko nakikitaan ng takot at pag aalala ang mga mata nya kaya medyo kumalma ako. Pero nag aalala pa rin ako!
"O-Opo..." sagot ko. "S-Sya po si Candy..."
Napatingin ako kay Amara na napatingin rin kay Papa tapos sa akin. Kinagat nya ang kanyang labi at pinanlakihan ako ng mata. Pinanlakihan ko rin sya. Para kasing sinisisi nya ako.
"Nice to meet you, Candy," ngumiti si Papa at naglahad ng kamay.
Hindi pa rin makapaniwalang inangat ni Candy ang kamay nya at nakipag kamay sa Papa ko. Titig na titig sya rito at hindi talaga makapaniwala. Para syang nakakita ng artista o ng kung sinong sikat na tao.
"Oh my gosh! Nice to meet you din po! Idol na idol ko po kayo! Gusto ko rin pong maging Architect at Engineer katulad nyo!" Excited na excited si Candy.
"That's good. Keep studying. Magiging katulad mo rin ako. O baka malagpasan mo pa."
"OMG!" Tumili si Candy.
"Candy!" Mahina kong saway dahil bahagya syang naka agaw ng pansin.
Mabuti nalang at medyo tago si Papa sa may van. Pero hindi pa rin ako sigurado. Paniguradong may nakakita na sa kanyang iba!
Napatigil si Candy at napatingin sa akin. Natigilan sya at napatingin rin kay Amara. Tapos kay Papa. Nagpabalik balik ang tingin nya sa aming lahat na para bang may binubuo syang puzzle sa utak nya. At nang siguro ay may napagtanto, nanlaki na naman ang mga mata nya.
"OMG! M-Magkasama kayo?" Hindi ulit sya makapaniwalang nagpabalik balik ang tingin sa amin. "M-Magkakamukha kayo!"
Napapikit ako lalo roon.
Bahagyang natawa si Papa. "They are my daughters, Candy. And I'm their father."
"Ano?!" Gulantang na gulantang si Candy.
Dahil doon ay hinawakan ko na si Candy sa pulsuhan. Hinila hila ko sya para mapatingin sya sa akin.
"T-Tama na," bumaling ako kay Papa. "S-Sige na po, Pa. Papasok na po kami. Mamaya nalang po."
"Don't worry, Amora. Kung malaman man ito ng lahat, hindi ko naman kayo pababayaan. Hindi sa wala akong paki sa nararamdaman ng Mama nyo pero... ayokong nililihim kayo."
Lumunok ako roon at napatingin kay Amara. Napatitig sya kay Papa ngunit ang pag aalala ay nasa kanyang mukha.
Ngumiti si Papa. "Sige na. Pumasok na kayo. Babalik ako mamaya."
Tumango ako at hinila na si Amara at Candy palayo roon. Hindi pa rin makapagsalita si Candy dahil sa sobrang gulat. Hindi ko nga alam kung alam ba nyang hinila ko na sya papasok sa loob.
Humiwalay na si Amara nang makapasok kami. Nakailang buntong hininga sya bago nagpaalam. Habang ako ay bumaling kay Candy na ngayon ay tulala pa rin, nanlalaki ang mga mata at parang malalim ang iniisip.
"Candy!" Gising ko sa kanya.
Napatingin sya sa akin. "OMG, Amora..."
"Shh! Please! Wag ka munang maingay," pakiusap ko.
"Gosh! Totoo ba? Father? Father mo si Architect Legaspi?" Napalakas ang boses nya kaya agad ko syang pinatahimik.
"Wag ka munang maingay! Ipapaliwanag ko sayo mamaya lahat. Please? Wag ka munang maingay..."
Ilang sandali pa syang tumitig sa akin bago tumango. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag roon. Kinailangan na rin naming pumasok sa kanya kanya naming klase kaya naman naghiwalay rin kami agad. Halatang gulantang pa rin sya pero maayos na kumpara kanina. May tiwala naman ako sa kanya. Alam kong hindi sya magsasalita sa kung sino sino lang tungkol roon.
"Amora!" Ang nakangiti at tumatakbong si Lance ay papalapit sa akin.
Agad akong ngumiti. "Lance!"
Medyo hindi ko na prinoblema pa ang pagkakakita ni Candy kay Papa. Ipapaliwanag ko nalang mabuti kay Candy mamaya ang lahat kapag lunch na. Mahaba habang kwento ang sasabihin ko pero bahala na. Alam ko namang mapagkakatiwalaan ko sya.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko kay Lance.
Naglakad na kami.
"Papunta na ako sa class ko pero nakita kita kaya naisip kong sabayan ka na. Uh... nasan pala yung... kaibigan mo?"
"Kaibigan? Si Candy?"
"Uh... yes. C-Candy siguro yung pangalan noon. Yung... kasama mo kanina?"
"Ah..." tumango ako. "Oo, si Candy. Pumunta na sya sa klase nya kaya naghiwalay na kami."
Dahan dahan syang tumango at nag iwas ng tingin. Ngumiti ako.
"Pasensya na at hindi kita naipapakilala sa kanya. Pare pareho kasi tayong busy, eh, kaya walang time. Siguro mamayang lunch? Hindi ka ba busy noon?" Tanong ko.
"Uh..." hindi agad sya nakasagot. Hinintay ko hanggang sa magsalita sya. "S-Sige. Free naman ako mamaya. W-Wala na akong gagawin sa library..."
Tumango ako at nagpaalam na sa kanya dahil nakarating na kami sa classroom ko. Nagpaalam na rin sya at dumeretso na sa kabilang classroom. Pumasok naman na ako at maya maya pa ay dumating na ang teacher. Nagsimula na naman ang napaka daming gawain. Ayos lang naman sakin yon. Malaki naman ang nakukuha kong grades kapag ganitong maraming ginagawa kaya ayos na ayos lang.
Nang matapos ang napaka hectic na umaga, lunch na! Ginutom ako ng sobra sa dami ng ginawa. Hayy.. nakakapagod!
"Hoy!" Biglang sumulpot si Candy sa kung saan at umupo sa tabi ko. Tinignan nya ako.
Alam ko na ang tingin nya na yon sa akin. Para bang sinasabi nyang kailangan kong magkwento sa nangyari kanina. Bumuntong hininga naman ako at umayos ng upo.
"Ano yon, ha? Ano yung kanina? Gosh! Alam mo bang hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala? Lalo na at nalaman kong tatay mo pala sya?"
"Shh!" Agad kong sabi. "Wag ka munang maingay!"
"Tsh. Alam ko naman. Pero ano nga? Paano nangyari yon? Magkwento ka! Gosh! Gustong gusto ko nang malaman ang lahat! Paano nangyari yon? Paanong... tatay mo sya?" Hindi talaga sya makapaniwala.
Huminga ako ng malalim at nagsimula nang magkwento sa kanya. Mahaba habang kwento ang gusto nyang malaman kaya pinaikli ko. Yung mga hindi naman importante ay hindi ko muna sinabi sa kanya. Tulad nung pagtatrabaho ko sa mga Salvador dati. Hindi ko pa yon kayang ikwento kaya yung tungkol muna lahat kay Papa. Nang matapos kong ipaliwanag lahat sa kanya ay sinabihan ko syang wag na munang maingay. Sya palang ang nakaka alam nito rito sa school kaya dapat hindi sya basta basta mag ingay.
"Gosh!" Napahawak sya sa kanyang noo. "Hindi ako makapaniwala," tumingin sya sa akin. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. Nagtaas ako ng kilay. "Kaibigan ko pala ang anak ng matagal ko nang iniidolong arkitekto! Hindi ako makapaniwala!"
Mas lalo kong napagtanto ngayon na kilalang kilala na nga si Papa. Napabuntong hininga nalang ako. Tama nga si Mama at magugulo kami. Kung si Candy palang ay ganito na, paano pa kaya ang iba? Sobrang gulo.
Pero gaya ng sinabi ko kanina, tanggap ko na ang ganong buhay ni Papa. Tanggap ko na rin na magiging ganon na ang buhay ko sa oras na lumabas na ang totoo sa publiko. Tanggap ko na ang magiging buhay ko kung sakali. Tanggap ko na ang lahat. Ayoko ring ilihim pa si Papa kaya naman... bahala na. Kung may makakita man sa kanya habang kasama ko sya, ipapakilala ko sya bilang Papa ko. Bahala na sa lahat. Basta ayoko syang ilihim katulad ng pag ayaw nya na ilihim kami.
"Gosh! Gosh talaga! Alam mo ba kung gaano kasikat ang Papa mo? Alam mo ba kung gaano na sya kayaman ngayon? Gusto kong magtampo sayo sa pag alis mo sa coffee shop pero mukhang hindi mo na nga kailangan pang mgatrabaho! Gosh! Gosh! Gosh!" Ang ingay ni Candy.
Ngumuso ako. "Mangako kang hindi mo ito ipagsasabi. Ayaw pa ni Mama na madawit sa magulong buhay ni Papa kaya kailangan mong tumahimik."
Tumango sya. "Pangako, okay? Kilala mo naman ako. Madaldal ako pero kapag kailangang tumahimik, tatahimik ako."
Napangiti ako roon. "Mabuti naman!"
Ngumisi sya at may sasabihin pa sana pero isang tawag ang nakapag patigil sa kanya.
"Amora!" Boses iyon ni Lance.
Napatingin ako kay Lance na papalapit na sa amin ngayon. Hinihingal pa sya at mukhang kagagaling nya sa pagtakbo.
"Lance!" Ngumiti ako. "Tara! Upo ka rito!"
Bigla akong na-excite dahil sa wakas! Mapapakilala ko na rin sya kay Candy! Palagi kasi talaga kaming busy lahat kaya walang oras. Excited rin ako rito dahil pareho ko na silang kaibigan, gusto ko silang magkakilala na para magsasama sama na kami sa susunod.
Nag aalinlangang umupo si Lance sa table namin. Sa huli ay umupo nalang rin sya habang nakatingin kay Candy. Pabilog ang upuan namin at walang magkakaharap.
Tinignan ko si Candy na naka awang ang labi habang nakatingin kay Lance. Sa huli ay nag iwas sya ng tingin at tumikhim.
Ngumiti ako. "Uh, Candy, si Lance nga pala. Bago kong kaibigan rito. Lance, si Candy, kaibigan ko. Kasama ko rin sya sa coffee shop na pinagtatrabahuan ko noon."
Nag aalinlangang ngumiti si Lance kay Candy. "Nice to meet you... Candy."
Tumikhim si Candy at ngumiti. Isang sulyap ang ginawad nya kay Lance at nag iwas ulit ng tingin. "N-Nice to meet you din..."
Ngumiti ako at tumayo na. "Sandali lang. Ako na ang mag oorder. Libre ko ngayon. Anong gusto nyo?"
"Uh, hindi na, Amora. Ako nalang magbabayad nung sakin," si Lance.
Hindi naman nagsalita si Candy at mukhang hindi komportable.
"Naku! Ako na! Libre ko na ito ngayon! Ngayon lang naman ito, promise! Sige na! Anong gusto nyo?" Nakangiti kong tanong.
"Uh... menudo nalang sakin," si Candy.
Ngumiti ako at bumaling kay Lance. "Sayo, Lance?"
"N-Nilaga..." pilit syang ngumiti.
Tumango ako. "Okay! Sandali lang. Babalik rin ako agad."
Tumango si Lance at binaling na ang paningin kay Candy na hindi makatingin sa kanya. Dumeretso naman ako sa pila para maka order na. Gusto ko rin kasing hayaan muna silang mag usap since kakakilala palang nila.
Medyo nagtagal ako dahil mahaba ang pila. Kaunti nalang ang oras ko ngayong kumain dahil magta-time na. Naubos ang oras namin ni Candy sa pagkukwento ko. Dapat pala umorder na muna kami bago nagkwentuhan. Tsk. Kailangan ko nang bilisan.
Nang maka order na ay bumalik na ako sa table namin. Dala ko na ang tray na may mga pagkain namin. Natigil naman sila sa kung ano man ang pinag uusapan nila. Nag iwas ng tingin si Candy at pilit na ngumiti si Lance sa akin.
"Thank you," si Lance.
"Welcome!" Nakangiti kong sinabi.
Nagsimula na kaming kumain. Nagtaka ako dahil hindi sila nag uusap. Kaya naman ako nalang ang nagbukas ng pag uusapan para hindi kami matahimik rito.
"Kamusta? Nakapag usap na ba kayo? Madaldal itong si Candy kaya imposibleng wala kayong napag usapan," bahagya akong humalakhak.
"Ah..." pilit na tumawa si Lance. "O-Oo nga..."
"So ano? Ang tahimik nyo naman!" Humalakhak ako. "Candy magdahan dahan ka naman."
Sunod sunod kasi ang subo ni Candy. Kapag hindi na nagkakasya sa bunganga nya ang mga sinusubo ay umiinom sya ng tubig para mabilis na malulon iyon. Bahagyang nagsalubong ang kilay ko sa kilos nya pero naisip ko na baka nagmamadali na sya dahil tulad ko, oras na rin ng klase nya.
"P-Pasensya na. M-May klase pa kasi ako, eh..." si Candy at uminom na nang tubig tsaka tumayo.
Nagulat ako dahil sobrang bilis naman yata nya! Wala pa ngang limang minuto!
"T-Teka--" pigil ko na pinutol nya.
"Pasensya na, Amora. May klase pa talaga ako. Male-late na ako. Bawi nalang ako sayo mamaya. Bye!" Halos tumakbo sya palabas.
Nagsalubong naman ang kilay ko at binalik ang tingin sa pagkain.
"Problema nun?" Tanong ko pa. "Hayy.. ewan ko dun sa babaeng yon," ngumiti ako kay Lance. "Pasensya na. Male-late na nga siguro talaga yon."
Tumango sya. "I understand..."
Nagpatuloy na ako sa pagkain.
"Actually... I want to tell you something..." si Lance maya maya.
"Mmm? Ano yon?"
"Naalala mo yung kinwento ko sayong... ex ko kaya ako nag aral rito?"
Sandali akong napaisip sa sinabi nya. At nang maalalang kinwento nya nga sa akin yon, nung una naming pagkikita, tumango ako.
"Oo. Bakit? Anong tungkol sa kanya?" Ngumisi ako, nanunukso.
Tipid syang ngumiti. "That ex I am talking about is... Candy. Candy is my ex girlfriend, Amora..."
Ilang sandali akong hindi nakapag salita sa sinabing iyon ni Lance. Natulala ako sa kanya at ang labi ko ay unti unting umawang. Nanlaki ang mga mata ko at agad napasigaw.
"Ano?!"
"Yeah..." malungkot syang ngumiti.
"E-Ex? Yung ex mo? Si Candy yon? Yung tinutukoy mo?" Sunod sunod kong tanong.
Tumago sya. "Yeah..."
"Whoa..." hindi makapaniwala kong sinabi. "Bakit ngayon mo lang sinabi? At..." napatingin ako sa pinaglabasan ni Candy. "Kaya ba sya umalis dahil..."
Tumango sya. "She's not comfortable with me so..." nagkibit balikat sya at malungkot muling ngumiti. "I'm sorry if ngayon ko lang sinabi. I'm not ready and... nahihiya pa akong lumapit sa kanya..."
"Kaya ba palagi kang nasa library? Kaya ayaw mong sumabay sa aking kumain kapag inaaya kita? Dahil kay Candy?"
"Yeah. I'm sorry..."
Bumuntong hininga ako at ngumiti. "Ayos lang, ano ka ba. Naiintindihan ko. Siguro... kailangan nyong mag usap muna?" Hindi ko alam ang sasabihin, medyo nagkagulo gulo ang utak ko.
Umiling sya. "I don't think papayag sya. Hindi naging maganda ang pagtatapos ng relasyon namin noon kaya sigurado akong ayaw na muna nya akong makausap. Tsaka... malaki ang naging kasalanan ko sa kanya. Ako ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay..."
Tumango ako. "Pwede ko bang malaman kung ano ang nangyari? Baka matulungan kitang makipag ayos sa kanya."
"Well... she saw me and her bestfriend in one room. Naked..." malungkot syang ngumiti. Nagsalubong ang kilay ko. "I don't know how I got to the same room with her bestfriend. All I remember is, we went to the bar because it was my classmate's birthday and I got drunk. Wala na akong ibang matandaan."
Napaisip ako. "Ibig sabihin, hindi mo sinasadya yon? Na mapunta sa iisang kwarto kasama bestfriend nya?"
Umiling sya. "Wala talaga akong matandaan. Sobrang lasing ako at... hindi ko alam ang mga ginagawa ko kapag lasing..."
Bumuntong hininga ako. "Mahirap nga yan. Eh, natanong mo na ba yung kaibigan nya? Baka iyon may alam?"
"I asked her. But she said she also can't remember anything. Lasing rin sya."
Napailing iling ako. "Mahirap magpaliwanag kapag ganyan. Pero subukan mo pa rin. Ipaliwanag mo kay Candy ng maayos. Sabihin mo wala kang alam, na wala kang maalala."
Bigo syang umiling. "Sinabi ko na yan sa kanya. But she didn't believe me..."
"Yung kaibigan nya? Nagpaliwanag rin ba yon?"
"Nope. Hindi na nya nilapitan pa si Candy pagkatapos noon. I asked her to explain to Candy about what happened, na wala kami parehong alam sa mga nangyari. Pero hindi nya ako pinakinggan. Hindi nya ako tinulungang magpaliwanag."
Nanliit ang mga mata ko. "Baka sinadya nyang babaeng yan? May gusto ba yon sayo?"
Ilang sandali syang hindi nakapag salita. Mas lalong nanliit ang mga mata ko.
"Hindi ko... naisip yan," anya na para bang may napagtanto.
"May gusto nga sayo?"
"Y-Yes. But..." hindi nya matuloy tuloy, napaka lalim ng iniisip nya.
Nagsimula akong makaramdam ng galit sa kung sino man ang babaeng yon. Ha! Alam kong hindi pa naman sigurado pero kapag nalaman kong sya ang dahilan kung bakit naghiwalay ang dalawang ito, pupuntahan ko sya kung nasaan man sya at isusubsob ko sya sa putikan!
Kaibigan ko si Candy. At napapansin ko kanina ang pagkakailang nya kay Lance. Akala ko naiilang lang sya dahil bagong kakilala pero iba pala ang dahilan kung bakit. At may nakita rin akong kahit papaanong... sakit sa kanyang mga mata kaya kung sino man ang babaeng yon, magbabayad sya kapag nalaman kong may kinalaman sya sa nangyari sa nakaraan.
"Kausapin mo si Candy. Mag usap kayo ng masinsinan. Kapag hindi sya pumayag, tutulungan kitang kausapin sya," sabi ko.
Tumingin sya sa akin at tumango. "Thank you. Thank you very much, Amora," kitang kita ang saya sa kanyang mga mata.
Tumango ako at ngumiti. Hayy.. gulat pa rin ako sa lahat ng sinabi nya pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Tsaka nagmamadali na rin ako dahil male-late na ako sa susunod kong subject. Kailangan ko nang magmadali. Sa susunod ko nalang iisipin ang problema nilang dalawa at tutulungan.
Syempre, hectic na naman ang buong pag aaral ko sa hapon na yon. Kaklase ko si Candy sa isang subject at nakita kong bahagya syang matamlay. Pero pinipilit nyang ipakita sa aking masaya sya. Hindi ko masabi sa kanyang alam ko na ang lahat dahil busy talaga. Marami na namang ginawa. Maraming pinasulat at napaka raming quizes rin ang ginawa, marami ring reporting at marami pang pina assignments. Ganon naman palagi kaya medyo sanay naman na ako.
"Ayos ka lang?" Tanong ko kay Candy nang magkaroon ako ng pagkakataon. Uwian na kasi namin ngayon at sabay na kaming lalabas.
"Oo naman," pilit syang nguumiti sa akin. "Bakit naman ako hindi magiging okay?" Humalakhak pa sya.
Bumuntong hininga ako. "Alam ko na ang lahat, Candy. Kaya wag ka nang magkunwari. Sinabi na sa akin lahat ni Lance."
Natigilan sya at gulat na napatingin sa akin. Ilang sandali ang nakalipas ay nag iwas sya ng tingin, ang pilit na ngiti at saya kanina ay wala na. Bumuntong hininga ulit ako.
"Gusto ka nyang makausap. Gusto nyang magpaliwanag sa lahat," sabi ko.
Yumuko sya. "Kailangan pa ba noon? Kung nakwento na nga nya lahat sayo, dapat alam mong wala na dapat kaming pag usapan pa."
"Meron pa, Candy. Hindi nya sinasadya ang nangyari. Mag usap kayong dalawa. Please?"
"Iyan rin ang sinabi nya sa akin noon," tumingin sya sa akin. "Nagsisinungaling lang sya."
Nagsalubong ang kilay ko. "Candy, hindi. Mag usap kayo. Ipapaliwanag nya lahat sayo. Pakinggan mo sya."
Bumuntong hininga sya. "Matagal naman na yon, Amora."
"Pero hindi mo pa rin sya napapatawad, hindi ba?"
Hindi sya nakapag salita.
Ngumiti ako. "Kung nakita mo lang kanina, habang nagkukwento sya sa akin, malungkot na malungkot ang mga mata nya. Gusto nyang magkausap kayo at makapag ayos. Kahit magka ayos nalang at hindi na balikan. Kahit iyon nalang, Candy."
Bumuntong hininga sya at tumigil sa paglalakad. Tinignan nya ako. Kitang kita ko ang pangingilid ng kanyang mga luha kaya agad ko syang niyakap.
"Kita mo na? Nasasaktan ka pa rin. Kaya kailangan nyong mag usap. Kailangan nyo ng closure. Hindi maaayos ang lahat kung hindi kayo mag uusap."
Tumango sya at niyakap rin ako pabalik. Tuluyan na syang umiyak kaya hinimas himas ko ang kanyang likod. Hinayaan ko sya hanggang sa mahimasmasan na sya at humiwalay sa yakap. Namumula ang kanyang ilong at mga mata. Ngumiti ako habang pinagmamasdan ang maganda kong kaibigan na umiiyak.
"Salamat. Pangako, makikipag usap ako sa kanya," sabi nya.
Napangiti ako at tumango. Pinunasan ko ang mga luha nya sa pisngi. "Tama na yan. Halika na. Itabi mo nalang yang mga luha mo. Kapag nag usap na kayo, doon mo ilabas lahat yan."
Hinampas nya ako sa braso kaya humalakhak ako. Inakbayan ko sya at naglakad na kami palabas ng school.
"Bye!" Kumaway ako nang sumakay na sya ng tricycle. Kumaway rin sya sa akin.
Bumuntong hininga ako nang maka alis na sya. Naglakad na ako kung saan pinark ni Papa kanina ang kanyang van. Nakita ko naman na doon ulit sya nag park kaya agad agad na akong pumunta roon.
"Papa!" Maligaya kong bati nang makapasok at lumapit sa kanya para makahalik sa pisngi.
Napangiti naman sya at ini-start na ang van. "How's school?"
"Ayos naman po. Medyo maraming ginawa pero ayos lang naman. Ganon naman talaga kapag college na."
"Mmm. Pagbutihin mo ang pag aaral mo. Kahit mahirap, tiisin mo. Iyan lang ang tanging magiging susi mo sa tagumpay," payo pa ni Papa.
Tumango ako at ngumiti. Napatingin ako sa likod at nakitang walang tao roon kaya bumaling ulit ako sa kanya.
"Nasaan po si Amara?"
"Sinundo ko na kanina. Mas maaga ang uwian nila. Sabi nya rin kasi ay gusto na nyang umuwi, marami pa syang gagawin."
Tumango tango ako.
"Do you have a dream? Or something you wanted to do? Like Engineering or Architect? Or other jobs?" Tanong bigla ni Papa na ikinatigil ko sandali.
Agad akong umiling nang makabawi. "Hindi po ako interesado sa mga trabahong ganyan. Bakit po?"
"Mmm, wala naman. I just want to know," ngumisi sya. "It looks like dancing is still your passion."
Nagulat ako roon. Hindi ko inaasahang maalala nya pang pagsasayaw ang gusto ko. Sa huli ay natawa nalang ako.
"Hindi ko po alam, eh. Iyon po talaga ang gusto ko."
Tumango sya. "Do what you want to do. I will support you."
Natigilan ako. Isang alaala ang pumasok sa isipan ko ngunit agad ko iyong inalis sa isipan ko. Tumikhim na lamang ako at ngumiti kay Papa.
"S-Salamat po, Papa..."
Pait, lungkot at sakit ang naramdaman ko. Naalala kong ganon rin ang sinabi sa akin ni Joshua noon. Napaka sakit pa rin talagang maalala sya. Umiling nalang ako at pumikit. Inalis ko na lamang sya sa aking isipan at nag isip ng iba. Gumawa rin ako ng panibagong pag uusapan namin ni Papa para malibang ako, para makalimutan ko sya.
Nang makarating sa bahay ay naabutan naming nag aaral si Amara sa sala habang si Mama naman ay nagwawalis. Napatingin silang dalawa sa amin nang dumating kami.
Ngiti ang sinalubong ko sa kanila. Nakita ko na naman ang pag irap ni Mama nang makita si Papa. Ngumuso nalang ako at nagtungo na sa kwarto para makapag palit na. Para na rin magawa ko na ang mga projects at assignments.
Ilang oras ang tinagal ko sa kwarto. Hindi naman ako kinatok ni Papa. Siguro alam nyang busy ako sa mga gawain sa school kaya ganon. Nag alala tuloy ako. Busy rin si Amara at masungit pa rin sa kanya si Mama. Sino kaya ang kasama nya sa labas?
Kaya naman dali dali ko nang tinapos ang mga gawain ko. Kaya lang, kahit anong pagpapabilis ko, inabot pa rin ako ng gabi. Nang lumabas ako ay naabutan ko nang nagluluto si Papa. Wala na rin si Amara sa sala at baka nasa kwarto na.
Ngunit parang tumalon ang puso ko nang makita si Mama na nandoon rin sa kusina. Nakaupo sya sa harap ng lamesa at nakahalukipkip. Nakatingin sya kay Papa na nagluluto ng mabagong sinigang. Umupo ako sa upuan sa sala at pinanood sila.
"Do you... need something? Are you hungry?" Malambing na tanong ni Papa kay Mama.
Pakiramdam ko isa na akong chismosa. Palagi nalang akong nakikinig sa usapan nila. Pero wala akong pakialam. Gusto kong makita ang pagkakalapit ulit nila sa isa't isa. Palagi ko naman itong ginagawa bata palang ako. Palagi akong nanonood sa kanila at palagi kong hinihiling na sana makahanap ako ng katulad ni Papa at maging kagaya nila ang relasyon naming dalawa.
Malungkot akong ngumiti.
"Wala. Hindi ako gutom," malamig na sinabi ni Mama.
"Then... why are you here?"
"Sinasamahan ka. Naaawa ako sayo, mag isa ka, eh. Ayaw mo ba? Kung ayaw mo aalis nalang ako."
Akmang tatayo si Mama pero agad syang pinigilan ni Papa sa braso.
"No. No. That's not what I mean," si Papa. "Of course I want you here," ngumiti sya. "Thank you."
"Tss," umirap at naupo ulit si Mama. "Magpatuloy ka na."
"Okay..." kinagat ni Papa ang kanyang labi, nangingiti.
Halata na naman na patay na patay sya kay Mama. Napailing ako.
Pagkatapos lang rin ng ilang sandali ay tinawag na nila kami para kumain. Masaya kaming kumain roon. Lalo pang naging masaya nang nakikisama na si Mama, ngumingiti na at nakikipag usap na ng maayos kay Papa. Hindi ko mapigilan ang kiligin lalo na kapag nangingiti na talaga sya. Kaya ayun. Todo kilig din si Papa. Natatawa ako.
Pero natigil ang masayang hapunan naming iyon nang ang tumatakbong si Daniel ay pumasok sa loob ng bahay at nagtungo sa amin. Lahat kami ay napatingin sa kanya.
"Sir. I'm sorry. Pero marami pong tao sa labas. May mga reporters rin at marami ring media. Nagpupumilit po silang pumasok. Pinipigilan na sila ng mga tauhan. Mukhang nalaman na nila ang tungkol rito, Sir," si Daniel!
Agad napatayo si Papa. Ganon rin si Mama at sumunod na rin kami ni Amara. Agad kaming nakaramdam ng kaba at nagkatinginan pare pareho.
"Pack your things. We're leaving," utos ni Papa.
"Ano?" Nagulat si Mama. "Ano bang nangyayari? Paano nila nalaman na nandito ka?"
"I'm sorry. Mukhang may nakakita nga sa akin."
Nagsalubong ang mga kilay ni Mama, nabubuhay na naman ang iritasyon. Nilapitan sya ni Papa nang makita nya yon. Hinawakan nya sa balikat si Mama at pinakalma.
"Please, Anna. I'm sorry. All we can do now is to leave or the media will see you and our daughters. Please? Listen to me?"
Ilang sandaling tumitig si Mama kay Papa bago tumango at maglakad papunta sa kwarto.
"Mag impake na kayo, Amora, Amara. Aalis na tayo."
Agad kaming sumunod ni Amara sa kaba at takot. Kahit naman payag na akong madamay sa buhay ni Papa ngayon, kinakabahan pa rin ako rito. Hindi ako handa sa mga ganito. Hindi ko alam ang mga isasagot ko kung sakaling magtanong nang magtanong ang mga reporters. Huminga ako ng malalim at mabilis na nag impake ng mga damit.
Hindi ko na halos maayos ang lahat at nagkalukot lukot nalang sa isang bag. Pero kailangan na kasi naming magmadali. Narinig ko na agad ang katok ni Mama sa labas kaya mas lalo ko pang binilisan.
"Let's go," sinuotan kami ni Papa ng sumbrero at mask.
Nang maayos na ang lahat ay naglakad na kami palabas. Hawak ni Papa ang kamay naming tatlo. Agad sumalubong ang maingay na mga tao. Ang kislapan ng nga camera ay nagpasilaw sa akin kaya yumuko ako. Ang mga bodyguards ni Papa ay agad pumwesto sa gilid namin, pinoprotektahan kami sa mga taong may hawak na mic at camera.
"Mr. Legaspi, sino po sila?"
"Mga kamag anak nyo po ba?"
"Kapatid?"
"Pamilya nyo po ba sila?"
"Totoo po bang may mga anak na kayo?"
"Isa po ba sa kanila ang asawa ninyo?"
Dumagsa ang mga tanong. Dito ako hindi handa. Sa mga ganitong magugulong tao. Siguro nga ay tama si Mama, hindi pa kami handa sa mga ganito.
Nauuna si Papa sa paglalakad, hawak nya ang kamay naming tatlo at nasa likod lang nya kami. Nakayuko lang kaming tatlo nina Mama at Amara dahil sa mga kislap ng camera. Muntik pa akong madapa dahil halos pumikit na ako. Nakakasilaw!
Binuksan ng isang bodyguard ang pintuan ng van at agad kaming pumasok roon. Humabol ang mga media ngunit agad nang naisarado ng bodyguard ang pintuan kaya naman hindi na sila naka abot. Kitang kita ko ang paghahabol nila, ang kauhawan sa impormasyon, handa talaga silang makipag siksikan ng ganyan makakuha lang ng sagot.
Bumuntong hininga ako at tumingin kay Amara, Mama at Papa na tahimik lang na nakaupo. Walang nagsalita ni isa sa amin. Tumingin nalang rin ako sa harapan at hindi na nilingon ang mga tao sa labas. Tinted ang sasakyan ni Papa kaya hindi kami kita sa loob.
Ini-start ng bodyguard ang van at umalis na kami roon.

Komentar Buku (155)

  • avatar
    tearShall

    It's an interesting story and how painful they suffer as well

    23/12/2021

      0
  • avatar
    Nawaf Sultan Mustapha

    goods

    30/04

      0
  • avatar
    Erika Evangelista

    ganda 🥰

    14/04

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru