logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 7: Blood Type

ELYSE P.O.V
"Nurse! Nurse! please help my son!" Sigaw ko habang papasok ng hospital karga karga ang anak ko sa mga bisig ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil sa takot, hanggang ngayon umaagos parin ang dugo sa kanyang ilong.
"Put him here." Sabi ng isang nurse at binigay sakin ang isang wheel chair nilagay ko naman doon ang anak ko bago nila ito tinulak papuntang ICU kaya nagtanong ako dahil bakit nila dadalhin ang anak ko doon.
"Nurse! bakit sa ICU siya dadlhin? hindi naman siguro malala ang condition ng anak ko?!" Natatakot kong tanong sa nurse.
"Misis! idederitso kuna siya sa ICU dahil unang tingin ko palang sa kanya ay parang hindi siya makahinga at subrang putla rin niya na para bang naubusan ng dugo at kaya ko siya dadalhin agad sa intensive care unit at baka masalinan siy a ng dugo kaya ihanda niyo ang sarili niyo o ang ama ng bata dahil sa inyung dalawa lang makukuha ang type ng dugo ng anak niyo." Sabi niya kaya mas lalong tumibok ang puso ko dahil paano kung hindi kami magka type blood ng anak ko? saan ko hahanapin ang ama ng anak ko.
"Hanggang diyan na lang po kayo misis, nurse len paki tawag si Dr. Ramerez!" Dinig kong sabi ng nurse pagpasok pa lang niya sa ICU, parang sinaksak ng libo libong karayum ang puso ko dahil sa kalagayan ng anak ko. Napahilamos na lang ako ng mukha gamit ang dalawang palad ko dahil sa nangyayari.
"H-hindi...ko alam kung saan ako hahanap ng blood donor kung sakaling hindi kami magka type ng dugo ng anak ko, para na akong mababaliw. Naka upo lang ako sa gilid habang nasa mukha ko parin ang dalawang tuhod ko at umiiyak ng tahimik.
Hindi ko alam kung ilang oras akong naka upo sa sulok at biglang bumukas ang pintuan ng ICU kaya napa tayo agad ako.
"Dr. how's my son?" Tanong ko sa kakalabas lang na doctor.
"Mrs. stable naman ang kalagayan ng anak mo, sa ngayon diyan lang muna siya sa loob ng ICU mananatili hanggang hindi siya nasasalinan ng dugo." Saad ng doctor kaya naka hinga naman ako ng maluwag.
"Doc, anong type blood ng anak ko? baka pwedi ako type B ako doc." Sabi ko sa doctor napailing naman ito kaya kinabahan na naman ako.
"Hindi kayo pareho ng anak mo Mrs. dahil type A ang dugo ng anak mo kaya, papuntahin muna ang asawa mo dito dahil siya lang ang makukuhan namin ng dugo na isasalin sa anak mo." Dahil sa sagot niya ay nanghina akong paupo bago naka tulalang napa tingin sa kawalan.
"Mrs, okay lang ba kayo?" Nagaalalang tanong ng doctor pero parang wala akong narinig at doon lang bumalik sa alaala ko ang isang bagay na nagpabuhay ng pag asa ko.
"I'm your husband..."
"I'm your husband..."
"I'm your husband..."
Pa ulit ulit na nagpa balik balik sa utak ko ang mga katagang iyun, napa tayo ako bigla bago tingnan ang doctor.
"Doc, paki bantayan muna ang anak ko dahil pupuntahan ko lang muna ang ama ng anak ko." Madaling sabi ko at diko na ito inantay na maka sagot dahil tumakbo na ako palabas ng hospital kahit puno ako ng dugo.
Paglabas na paglabas ko ng hospital ay agad kong pinara ang isang taxi at sumakay doon.
"Sa wolf gang po tayo." Sabi ko sa driver at hindi mawala wala ang kaba sa dibdib ko halos ang dalawang kamay ko ay nanginginig na dahil sa kaba at takot na kapag di nasalinan ng dugo ang anak ko ay baka mawala na ito ng tuluyan sakin. Napailing na lang ako dahil sa iniisip ko.
Ilang oras ang lumipas ay huminto ang taxi sa mismong harapan ng napaka taas na building na may ulo ng lubo sa pinaka taas na para bang ito ang design niya. Nagbayad ako sa taxi driver bago bumababa sa kotse at naglakad ng deritso papasok ng building pero ng nasa harapan ng ako ng building upang pumasok ay biglang hinarangan ako ng guard.
"Ms. bawal ka dito dahil puno ng dugo yang damit mo baka may masama kang balak kahit nakita kitang pumasok kanina hindi kita pweding papasukin bigla." Harang ng guard sakin kaya naman nag maka awa akong papasukin ako.
"Guard p-please.... kailangan kong maka usap ang boss niyo.....I n-need him." Naluluha kong sabi at naghihina narin dahil sa pagod at gutom at subrang pag aalala sa kalagayan ng anak ko.
"Bawal talaga miss, kung gusto mo ayusin mo muna sarili mo bago bumalik dito." Sabi pa niya kaya diko maiwasan na mapasigaw.
"Guard! Papano ko aayusin ang sarili ko sa ganitong situation kung nanganganib na ang buhay ng anak ko! kailangan kong maka usap ang boss niyo kahit saglit lang pagbigyan niyo na ako!" Sigaw ko sahil sa frustration. At pilit na pumasok pero hinawakan ako ng guard bago itulak, halos nag silabasan na din ang mga ibang employee dahil sa eksinang ginawa ko.
"Bawal nga diba!" Inis ding sigaw ng guard kaya hindi ko maiwasang umiyak at lumuhod sa harapan niya.
"P-please.....Nagmamaka awa akong papasukin niyo na ako....hik.....kailangan ko lang maka usap ang boss niyo kahit saglit lang." Nagmamakaawa kong sabi sa guard habang nakaluhod sa harapan niya.
"Oh my god...ang ganda pa naman niya para lumuhod at umiyak lang sa isang guard."
"Tawag niyo si boss.. dali dahil naawa ako sa kanya."
"Sige na nga ipanalangin niyung wag akong masigawan at mapaalis sa trabaho dahil isasama ko kayo sa libingan ko!" Rinig kung pag uusap ng iba. Wala akong maramdamang hiya dahil lahat ng naramdaman ko ay takot at panghihina.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong naka luhod at naka yuko sa labas ng building ng biglang may sigaw na umalingaw ngaw sa pagilid na nagpatigil sa lahat at parang may demonyong dumating.
"DAMN YOU ALL! WHO F*CKING TOLD YOU TO MAKE MY WIFE KNEEL, DAMN!" Sigaw ng lalaki gamit ang malalamig niyang tinig at alam kung siya iyun. Ingat ko ang ulo ko at tiningnan siya, kitang kita ko ang galit sa kanyang mala abo na mata, naiiyak akong naka tingin sa kanya habang papa lapit ito sakin.
"Damn! wife, who hurt? bakit puno ng dugo ang damit mo? F*ck sinaktan niyo ba siya?!" Galit niyang baling sa mga employees niya na namumutla na dahil sa galit ng kanilang boss.
"Wife, answer me, are you okay?" Nagaalalang tanong niya habang nala luhod din na pinantayan ako.
"I'm o-okay...but my son is not." Naluluhang sabi ko sa kanya at alam kong mababakas sa boses ko ang pagod dahil anghihina at pawis na rin ako, pati ang dugo sa damit ko at parang tuyo na.
"Stop crying okay, tell me what happened to our son, did something bad happened to him?" Mahinahon niyang tanong kaya tumago tango ako na parang bata sa kanya.
"He needs you....gusto ko lang naman na maka usap ka kaya ako nandito pero ayaw nila akong papasukin." Pagsusumbong ko sa kanya kasama ng pag hikbi ko.
"Let's go." Sabi niya at dahan dahan akong pinatayo pero hindi ko alam kung bakit at nang hina ako at biglang nandilim ang paningin ko kasabay ng pag collapse ko ang pagsalo niya sakin at galit na galit na tinig na huling narinig ko.
"F*CK YOU ALL, PREPARED ALL YOUR SELF WHO WATCH AND MAKE MAY WIFE KNEEL!!!!" Huling narinig ko. Bago ko ramandamang parang lumutang ako, I feel safe in his arms.
Time passed napa balikwas ako ng bangon ng maalala ko ang anak ko, nakita kong nasa isang hospital bed ako at nilibot ang tingin ko wala akong kasama, parang panaginip lahat ang nangyari kanina, umalis ako ng dahan dahan sa hospital bed kahit nahihilo ako ay kinaya kong maka abot sa pintuan sa abut ng makakaya ko bago lumabas at napansin kong nasa same hospital parin ako.
Naglakad ako ng mabilis papuntang ICU upang tingnan kung anong kalagayan ng anak ko, Pag abot ko doon ay wala akong naabutan, natakot ako bigla at tumulo na naman ang luha ko, lumabas akong umiiyak sa ICU at agad na hinawakan ang braso ng isang nurse na dumaan.
"Nurse! nasaan ang anak ko na nadidito kanina sa ICU?" Natatakot kong tanong sa nurse na tumigil sa paglalakad dahil sa paghawak ko sa kanyang braso.
"Anak mo pala ang batang lalaki kanina diyan ma'am, Nalipat na po ito sa private room, at nasalinan na ito ng dugo." Sagot niya habang naka ngiti kaya nabitawan ko ang kanyang braso.
"Sa pag kakaalam ko hindi kami pareho ng dugo ng anak ko kaya paano siya nasalinan ng dugo?" Nagtatakang tanong ko.
"Ma'am kanina may lalaking buhat buhat ka at nag aalalang pina tingin ka sa doctor, at pagkatapos ay agad niyang tinanong kung saan ang anak niyo para daw masalinan ng dugo kaya naman sinamahan siya ni doctor Ramerez sa ICU upang matingnan ang anak niyo at pagkatapos ng pagsasalin ng dugo ay agad niya itung pina transfer sa isang private room at kung gusto niyo pung makita ang anak niyo puntahan niyo po ang room 15 sa second floor maiiwan kuna po kayo dahil marami pang patient na kailangan kong tingnan." Naka ngiti niyang sagot at tumalikod na ito.
Hindi ko alam na totoo palang lumuhod ako kanina sa isang guard at nag makaawa maka usap ko lang ang boss nila napailing na lang ako at, naglakad papunta sa elevator, at sumakay doon bago pindutin ang 2. Kahit may hagdanan ay parang hindi ko kayang akyatin dahil nanghihina parin ako dahil nagugutom na ako, tumunog bigla ang tiyan ko mabuti na lang wala akong kasama sa elevator. Napa buntong hininga na lang ako dahil mas gusto ko munang makita ang anak ko kaysa unahin ang gutom ko.
"Ting!" Pagbukas ng elevator sa 2nd floor kaya naman lumabas na ako at hinanap ang room 15 nag mahanap ko iyun ay binuksan ko agad ito, at bumungad sakin ang isang malinis n a kwarto at malaking kama kung saan naka higa ang anak ko sa gitna, subrang laki ng room.
Naglakad ako palapit sa anak ko, at pinag masdan ito nakita kong bumalik na sa tamang kulay ang kanyang balat hindi na ito maputla at nakita kong may oxygen siya sa ilong at may dextrose nadin. Umopo ako sa tabi niya sa gilid ng kama bago hawakan ang kanyang kamay.
"Patawad anak, kung sinundo agad kita hindi ka magkaka ganito, naging pabaya akong ina." Mahinang saad ko bago halikan ito sa nuo. Naisipan kong itulog na lang ang gutom ko dahil ayaw kong iwan ang anak ko dahil baka pag iniwan ko siya ay baka may mangyari masama ulit sa kanya.

Komentar Buku (134)

  • avatar
    Veronica Garcia

    wow

    17d

      0
  • avatar
    Mycel Flores Cereneo

    ANG Ganda Ng story

    19d

      0
  • avatar
    Ian Jeno Ocampo

    867

    22/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru