"Boss, iyan 'yon. Iyan 'yong babaeng mayabang." Mula sa paghuhugas ng kamay sa isang public water tap na naroon ay napalipat ang aking atensyon sa mga taong nagsalita sa aking likuran. Lima silang lahat at pare-parehong malalaki ang pangangatawan. Inisa-isa ko silang tingnan at napangiwi nang mapansin ang mga bandana na nakatali sa kanilang ulo. Kakaiba ang mga datingan nila. "Iyan ba 'yon? Sigurado kang iyan? E bakit parang mukhang hindi makabasag pinggan ang isang iyan?" ngisi noong isa na nasa pinakagitna. Nagtawanan silang lahat matapos niya iyong sambitin. "Maganda pala, Boss." "Makinis pa." "Halatang masarap." muli silang nagtawanan ng nakakaloko sa aking harapan. Napabuntong - hininga na lamang ako at saka naglakad palayo sa kanila. Galing ako sa simbahan at napadaan lamang rito. Naghuhugas ako ng kamay dahil naputikan ang mga ito nang tulungan ko ang isang bata na nahulog sa kanal. "Isnaber, boss!" hinarangan nila ako sa aking dinaraanan kung kaya't muli akong napatigil sa paglalakad. Pinalibutan nila ako habang mga nakangising nakatitig sa akin. Naalerto ang aking katawan nang hawakan ako noong isa sa magkabilang braso. Naramdaman ko pa ang isang iyon na inaamoy ang leeg ko. Tatlong buwan na. Matagal-tagal na rin ang nakakalipas simula noong araw na iyon subalit tandang-tanda ko pa rin ang bawat detalye. Ayoko ng maalala ang sandaling iyon. Kung gaano ako natakot. Kung paano ako nasaktan. Kung gaano ako kahina. Subalit hindi maaari. Sa loob ng tatlong buwan ay natutunan kong makibagay sa aking paligid. Mabilis kong natutunan ang pamumuhay nila na halos wala namang pinagkaiba sa akin noong nasa gitna pa ako ng kagubatan. Nga lamang ay talagang mas maraming tao at mga establisyemento rito na hindi mo matatagpuan sa kagubatan ng Evening Glory. Ang isa pang napansin ko sa mga tao rito ay sanay na sanay silang lumakad ng magkakagrupo. Halos lahat ng naririto ay hindi nag-iisa sa tuwing kumikilos. Magkakasamang palagi at parang may mga sariling pagkakaintindihan. Ang sabi ni Tantalium ay normal dito ang mga sanggano. Sa katunayan ay isa itong bayan na tirahan ng mga sanggano. Laganap ang nakawan, krimen at pinakapangunahing dahilan noon ay ang pagdami ng mga pangkat na animo'y mga bandido kung kumilos. Matatapang. Siga at mayayabang. Malalakas ang loob manghamon ng away dahil marami. Sinubukan kong tirahin iyong isa noong niyabangan ako, isang suntok ko pa lang naman ay tumba na kaagad. Aaminin kong maraming nagbago sa akin. Lubhang marami. Siguro ay naging isang dahilan na rin ang lugar na tinutuluyan ko ngayon. Mabilis kong nakuha ang mga salita at paraan ng pamumuhay nila. Subalit may isang nanatili, nanatili pa rin sa isipan ko ang binitawan kong pangako sa aking sarili. At kahit anong mangyari, kailangan kong tuparin iyon. "Ako na mauuna." saad noong isang lalaki na may hawak sa magkabilang braso ko. "Mukha namang hindi ito manglalaban." narinig ko ang malakas na pagtawa niya na hindi nagustuhan ng aking pandinig. Binawi ko ang aking braso, humarap sa kaniya at malakas na sinipa siya sa dibdib. Paatras siyang napasalampak sa sahig habang hinihimas ang kaniyang dibdib na natamaan. Seryoso ko siyang tinitigan habang nahihirapan siyang huminga. Ang mga kasamahan niya ay gulat na gulat na nakatingin sa akin. Nang makabawi ay galit na galit ang mga matang tumingin siya sa akin. "Tangina, sakit no'n a!" galit na sigaw niya. Akma siyang tatayo subalit inunahan ko na siya sa paglapit. Sinapak ko siya sa kaliwang pisngi at muling tinadyakan sa mukha. Nakita ko pa ang dugong tumalsik mula sa kaniyang bibig bago siya umubo nang umubo. "Putangina." hirap na hirap niyang sambit. "Hindi ba't ang sabi mo ay ikaw ang mauuna?" Natauhan ang kaniyang mga kasama nang makita siyang hirapang-hirapan. Hinuli ko at pinilipit ang kamay ng isa nang magtangka itong umatake mula sa aking likuran. Sumisigaw pa siya ng kung anu-ano na hindi ko na inabala pang unawain. Sumugod pa ang isa subalit malakas ko itong sinalubong ng sipa at ihinagis sa kaniya ang lalaking hawak ko. Sabay silang natumba sa basa at magaspang na sementadong kalsada. "Magtawag ka ng resbak!" saad ng lalaking tinawag nilang boss. Nakatayo siya habang bakas ang takot sa mga mata. Ni hindi niya magawang sumulyap sa akin. "Tangina bilisan mo! Tatanga-tanga ka na naman." Mabilis at nagkukumahog na umalis ang katabing lalaki upang sundin ang utos ng isa. Ang pinuno nila na naiwan ay alanganin ang tapang na ipinapakita sa akin. Naglabas siya ng isang balisong at paulit-ulit iyong inikot-ikot sa aking harapan. "Napakatapang mo naman yata gayong babae ka lamang?" alanganin siyang ngumisi matapos na ilibot ang paningin sa aking kabuuan. "Ganda mo din pala talaga ano?" humakbang siya nang humakbang papalapit sa akin. Imbes naman na umatras ay kalmado pa akong naglakad papalapit sa kaniya. Awtomatiko siyang napatigil dahil doon. "Kung magmamakaawa ka ngayon ay ikaw pa ang sasaya. Mapapasigaw ka na lang sa sarap habang kina- Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin sapagkat mabilis akong tumakbo at sinipa ang hawak niyang patalim. Kabado siyang tumingin sa akin nang makitang tumalsik sa malayo ang balisong. Balak niya pa sanang habulin iyon subalit kaagad na akong lumapit at sinipa siya sa mukha. Natumba siya subalit wala akong balak na tumigil ngayon. Mariin kong hinawakan ang kaniyang buhok saka siya malakas na inuntog sa kalsada. Tumayo ako at naglakad palayo nang makita na dumudugo na ang kaniyang mukha. Subalit muli akong napatigil nang makita ang mga kalalakihang doble ang bilang sa mga taong walang malay na ngayon. Bakas ang pagdadalawang-isip sa kanilang mga mukha nang sulyapan ang apat na lalaking nakasalampak sa kalsada. Bigla ay nakitaan ko ng takot ang ekspresyon ng mga iyon. "S-si Boss! Tulungan niyo bilis!" ang tatlo ay mabilis na lumapit sa duguang lalaki at dinala iyon sa isang sasakyan. Ang tatlong nagbuhat ay muling bumalik sa kanilang pwesto kanina at binigyan rin ako ng masasamang tingin. "Anong karapatang mong gawin iyon sa boss namin?!" galit na sigaw ng isa. Tumitig lamang ako at bigla ay napangisi sa sarili nang may maisip. "Anong nakakatawa?!" "Durugin na kaagad natin." "Pakinabangan muna saka pagsawaan." Pare-parehas silang ngumisi habang nakatingin sa akin. Nakukuha ko na kung ano ang mga iniisip nila. "Paniguradong masarap ang isang iyan." saad ng isa. Nakuha pa nilang magtawanan sa harap ko. Hinayaan ko silang gawin iyon ng ilang minuto. Nang matapos ay ngumisi ako at humakbang ng isa palapit sa kanila. Kakatwang awtomatiko silang humakbang lahat ng isa paatras. "Matatapang lamang kayo dahil magkakasama." kalmado kong saad. Sumama ang tingin nila sa akin at sunod-sunod na naglabas ng mga patalim mula sa kanilang mga bulsa. "Mayabang ka nga talaga." saad ng isang lalaki na siyang inutusan ng pinuno nilang magtawag ng mga kasama. Ngumisi akong muli nang masambot ko ang patalim na ihinagis ng isa. Ginaya ko siya nang ilang beses niya iyong iikot sa ere kanina. Subalit sa pagkakataong ito, ang aking ipinapakita ay mas detalyado kaysa sa ginawa niya. Bumalik sa pagiging seryoso ang aking mukha habang pinapanood silang kabahan habang nakatingin sa gawi ko. Ilang beses ko silang nakitang lumunok. Ang ilan ay pasimple pang humakbang ng isa paatras. "Are you just going to watch me?" "Putangina, nag-english na." Tatlo kaagad ang naghagis ng kanilang mga patalim patungo sa akin. Tumalon ako at nagtago sa isang malaking barikada na naroroon. Mabilis akong tumayo at ihinagis ang hawak na kutsilyo sa isang lalaki. Gumuhit paibaba ang linya ng mga dugo matapos noong tumama sa gitna ng kaniyang palad. Ang isa ay muling naghagis ng kaniyang patalim na hawak patungo sa akin. Subalit may kamay na kaagad na pumigil roon. Huminto sa ere ang kamay niyon at ang hawak na patalim ay bumagsak sa kalsada dahil sa mariin at malakas na pagkakahawak sa kaniya ng isang lalaki. Bahagyang kumunot ang aking noo nang makita ang lalaki. Wala siyang nakalagay na bandana sa kaniyang ulo, siguro ay hindi siya kabilang sa mga miyembro ng grupong ito. "Hindi dapat tinatrato ng ganiyan ang mga babae." malamig ang pagkakasaad niya habang nakatingin sa lalaking mahigpit niyang hawak sa kamay. Dumapo ang tingin niya sa akin at mas lalo lamang napakunot ang aking noo. He reminds me of someone. I shook my head as I began to walk closer to them. There are some memories that should be burried deep down there. I never trusted that man anyway, but everytime I remember it, I felt betrayed. Napatingin sa kaniya ang lahat ng kalalakihan na naroroon. Nakakunot ang noo ng mga ito na animo'y nagtataka kung bakit siya narito. "Huwag kang makialam dito. Amin ang babaeng iyan." itinuro ako ng lalaking nagsalita habang masama pa rin ang tingin na ibinibigay sa akin. "Tangina. Kamay ko!" "Ako na bahala sa babaeng iyan! Puputulin ko kamay niyan, tangina!" galit na galit na sigaw ng lalaking pinatamaan ko ng kutsilyo sa kamay kanina. Hawak-hawak niya iyon at tumutulo pa rin ang dugo paibaba. Sumugod siya sa akin subalit dahil hindi niya magamit ang isa niyang kamay ay kaagad ko iyong hinila ilang beses na hinampas sa barikada. Hindi ko pa siya nabibitawan ay may sumugod na namang isa. Mabilis kong ipinangsangga ang lalaking hawak ko at itinulak dahilan upang sabay silang tumilapon. Tinangka pang tumayo no'ng isa subalit kaagad ko siyang binato ng mahabang kahoy na bitbit rin niya kanina. Diretso iyong tumama sa kaniyang ulo at ilang segundo pa lamang ay may tumulo ng dugo mula roon. Sinipa at binali ko ang kamay nang may isa pang lumapit, tumalon ako at hinampas ang batok ng isa pa. Kasunod noon ay narinig ko na lamang ang magkakasabay na daing nila habang iniinda ang naging tama sa katawan. Bahagya pa akong nagulat nang makita na tumba na rin ang apat pang mga kalalakihan. Tiningnan ko ang lalaki na may gawa noon at ngayon ay malamig na nakatitig sa akin. Ginantihan ko lamang siya ng isang kalmadong tingin. "Iwas-iwasan mo 'yang kayabangan mo kung ayaw mong mapahamak." saad niya. Seryoso. Malamig at mistulang nagpapangaral. Inis ko siyang tiningnan. "Hindi ako ang nagsimula niyan." painis kong saad. Naghuhugas lamang ako ng kamay nang bigla nila akong harangin at guluhin. Hindi naman maaaring hayaan ko na lamang silang api-apihin ako. Hindi ko na iyon hahayaang mangyari pang muli. Hindi ko na hahayaan pang maging mahina akong muli. "Hindi mo ba kayang iwasan?" "Sa tingin mo ba ay kailangan ko pa iyang gawin kung kaya ko namang iwasan?" pabalang kong tugon. Naglakad ako paalis. Balak kong iwasan ang pakialamerong lalaking ito. "Magulo na ang lugar na ito. Mas lalo mo lamang ginulo." Tumigil ako sa aking paglalakad. Muli ay inis ko siyang binalingan. "Magulo na ang lugar na ito bago pa man ako dumating." saad ko. Mas lalo akong nainis nang ngumisi siya. "Hindi nagaaway-away ang mga sangganong 'yan dito. Hindi nila pinapakialaman ang isa't-isa dahil may kanya-kaniya silang mga ginagawa. Nang dumating ka ay nagkagulo na ang lahat. Nag -uunahan na gantihan at matalo ka kaya mas lalo lamang na hindi nagkasundo ang lahat." seryosong saad niya. Totoo namang maya't-maya ay may lumalapit sa aking mga sanggano rito at hinahamon ako ng away. Nag-umpisa lamang naman ito noong nakaraang buwan ng makatapat ko iyong isa sa pinuno ng sinasabi nilang pinakamataas na fraternity rito. Sinapak ko iyon at hanggang ngayon, ang sabi nila ay nasa ospital pa rin daw. Simula noon ay dumami ang mga sanggano na naghahamon ng away sa akin. Niyayabangan ako o di kaya naman ay tinatawag akong mayabang Noong una ay hindi ko pa iyon pinapansin. Inugali kong balewalain kaya naman ako rin ang napahamak sa huli. "Kung hindi tuturuan ang mga iyan ay tatanda sila ng walang ibang nagagawa kung hindi ang magyabang." "Why? Are you even a teacher? Why are you acting like you know everything?" Napatigil ako. Bakit pakiramdam ko ay nakakainsulto ang kaniyang mga sinabi. "Kung wala ka ng ibang sasabihin ay aalis na ako." mabilis kong naramdaman ang presensiya niya sa likod. Pinakiramdaman ko ito ng ilan pang mga segundo subalit wala naman itong ginawa. Lumayo ako at hinarap siya. "Why are they dying to overpower you..." mahinang tanong niya. Nagtataka. Nagdududa at mistulang may inaalam. "You seems so fragile..." tinitigan niya ako sa mata. Malamig at seryoso. Pagkatapos ay isang beses na pinasadahan ng tingin ang aking kabuuan. "But at the same time... potent." In my short period of time living in this place, I had noticed that some of men are underestimating women. I don't know but the way they treated girls... It's unjust. The way they talk to girls... It's like they are some kind of toys or such. The way they acted in front of everybody... It's very territorial that it seems like they own this place. "Kung ganoon ay bahala ka na sa kung ano ang gusto mong isipin." tumalikod ako at mabilis na umalis roon. Ramdam ko ang titig niya sa aking likuran subalit hindi na ako nagtangkang lumingon pa. Hindi ko inu-ugaling lumingon pabalik. Nakarating ako sa tirahan ni Tantalium bago pa man dumilim. Naabutan ko siyang naglilinis ng kaniyang mga baril habang nakahanay ang mga patalim sa isang may kalakihang mesa. Nag-angat siya ng tingin sa akin nang maramdaman ang aking presensya. "Balita ko ay may nakasagupa ka na namang mga ulupong kanina." Napasinghal ako. Talagang nakarating kaagad iyon sa kaniya? "Mga mahihilig lamang iyon maghanap ng away, hindi naman marurunong sumuntok." saad ko matapos hilahin ang isang upuan at kaagad na naupo roon. Narinig kong kaagad ang malakas na halakhak niya. "Papaano ba nama'y nayayabangan raw sa iyo ang mga iyon. Hindi nila matanggap na mas may mayabang pa sa kanila na dumating sa lugar na ito." "Ang mga iyon ay wala lamang magawang matino sa kanilang buhay." pumikit ako at isinandal sa upuan ang aking likod. Kung tutuusin ay halos ganito na ang nagiging buhay ko sa araw-araw. Sa umaga ay makikipagyabangan. Sa hapon ay makikipagsuntukan. Sa gabi ay... Malakas akong napabuntong hininga nang maalala ang kailangan kong gawin ngayong gabi. Matagal-tagal ko rin itong pinaghandaan. Hindi naman na ito ang unang pagkakataon na gagawin ko ito. "Nasa kondisyon pa naman ba ang iyong pangangatawan? Baka naman inubos mo na ang iyong lakas sa pakikipaglaro sa kalsada?" tumalim ang tingin ko sa kaniya. Madalas talaga ay walang kakwenta-kwenta ang sinasabi ng matandang ito. "At kailan naman ako nawala sa kondisyon?" painis kong tugon. Tumawa lamang siya. Halatang nayayabangan. Hindi ko rin naman siya masisisi. Simula nang maliwanagan ako sa lahat ng bagay ay naging ganito na ang aking pag-uugali. Alam ko sa sarili kong nagbago na ako. Maraming nabago. "Kailan mong bawasan iyang kayabangan mo. Kapag ikaw ang nadali ay ako pa mismo ang unang tatawa sa iyo." pabiro niyang saad subalit alam kong seryoso. Matagal ko nang nalaman ang lahat. Mabilis kong naintindihan ang lahat ng iyon dahil wala rin naman akong ibang pagpipilian. Aaminin kong iyon rin ang isa sa mga dahilan kung bakit ako biglang naging ganito. Kung bakit ako biglang nagbago. Nalaman ko na ang lahat. Tumayo siya at may kinuhang bagay sa isang lalagyan. Nang makabalik ay lumapit sa aking pwesto at inilapag ang mapa ng isang malaking bahay. "Iyan ang blueprint ng mansyon ni Bismuth. Alam mo na ang iyong gagawin at bahala ka na rin sa kung ano ang balak mong gawin sa isang iyan." Pinakatitigan ko ang plano ng bahay na iyon. Madali lamang pasukin subalit paniguradong maraming nagbabantay roon. Kagaya ng mansyon na una kong pinasok noong nakaraang buwan. Tumayo ako at binitbit papunta sa aking kwarto ang blueprint ng mansyon. "Matutulog na muna ako." pagpapaalam ko bago tuluyang umalis. Nang makarating sa silid ay kaagad kong sinuri ang aking mga kagamitan. Hinasa iyon at pinatalas. Ang ilan ay pinunasan at masugid na nilinis. Nang makontento ay pasalampak akong nahiga sa kama. Ilang sandaling natulala sa kisame hanggang sa tuluyan nang nakatulog. Malayo ang mansyon ng Bismuth na iyon sa kabayanan ng Macalelon. Ang bayan na pinanggalingan ko ay sa Tagkawayan pa. Dalawang oras ang naging biyahe ko sa motorsiklo patungo lamang rito. Talaga namang pagmamaneho pa lamang ay bahagya pa akong nahirapan dahil kamakailan lamang ako natuto. Ang matandang Tantalium naman ay wala akong balak ipagmaneho hanggang sa makarating ako rito. Kadalasan talaga ay nakikitaan ko ng matinding katamaran sa buhay ang matandang iyon. Bumaba ako ilang metro ang layo sa mula mansyon. Maglalakad na ako mula rito. Ang inaasahan kong mahigpit na pagbabantay ng mga gwardiya ay mahimbing na natutulog ngayon sa kanilang puwesto. Buong akala ko ay pagpapawisan na ako kaagad bago pa man ako makatuntong sa loob ng mansyong ito. Tumalon ako paibaba mula sa matataas na pader na gawa sa mga matitibay na bato. Masugid kong pinagmasdan ang kabuuan ng mansyon at tahimik na inaalala ang buong interyor ng lugar. Nakabisado ko na ito kanina kung kaya't hindi na ako mahihirapan. Malawak ang hardin nito at sa gitnang bahagi ay may malawak na palatubig. Kung titingin ka sa kanan ay doon mo makikita ang malawak at mataas na kaitaasan ng tanggapan. Dalawa lamang ang palapag ng mansyon. Ang kwarto ng Bismuth na iyon ay nasa ikalawang palapag. Sa ikatlong kwarto kung saan natatanaw ko na mula sa aking posisyon ang napakalawak na beranda. Mabilis akong kumilos at dahan-dahang inakyat ang palapag na iyon. Maingat kong itinapak ang aking mga paa pagtuntong ko sa marmol na sahig. Mabilis kong nabuksan ang pintong salamin at masugid na inilibot ang paningin sa buong kwarto subalit wala roon ang taong hinahanap ko. Naglakad-lakad ako at nakarinig ng mahihinang ingay na nanggagaling panigurado sa palikuran ng silid. Kinuha ko ang baril na nakatago sa damit na aking suot. Pulos itim ang mga iyon at pati ang maskarang pantakip sa mukha ay itim rin. Malakas kong sinipa ang pinto ng palikuran. Nagulat ang parehong babae at lalaking nasa banyera at walang ano-ano'y natigil sa kanilang ginagawang kababalaghan. Ang babae ay kaagad na naghanap ng telang maipangtatapis sa kaniyang hubad na katawan. Tinapunan ko siya ng tingin at nang masalubong ang aking mata ay kaagad na bumakas ang matinding takot sa kaniyang ekspresyon lalo na nang dumapo ang tingin sa aking hawak na armas. "Binibigyan lamang kita ng limang segundo upang lisanin ang silid na ito." malamig kong saad sa kaniya. Natatakot siyang tumingin-tingin sa akin at pati sa lalaking kaniyang katabi. Mas naging balisa ang kaniyang mukha at animo'y hindi malaman kung ano ang gagawin. "Isa..." paunang bilang ko. Nang walang ano-ano'y bigla siyang kumaripas ng takbo paalis ng silid. Halos madapa pa habang pilit tinatakpan ng telang nahagilap sa kung saan ang kaniyang katawan. Nang tuluyan itong makaalis ay saka lamang ako bumaling sa lalaking nasa aking harapan. Pinigilan kong bumaba ang tingin sapagkat maging siya ay wala ring saplot. Batid kong ang edad ng ginoong ito ay hindi rin nalalayo sa edad ng aking ama pati na rin ng matandang Tantalium. Halata iyon sa kulubot niyang balat at mga namumuting balbas at bigote sa mukha. Masama ang tingin na ibinibigay niya sa akin subalit mababanaag roon ang kaunting kaba na pilit niyang tinatakpan ng pagmamatapang. Itinutok ko ang hawak kong baril sa kaniya. Napapislag naman siya dahil roon. Bigla ay hindi mapakali sa kaniyang posisyon. "Sino ka?" pagalit na tanong niya. Seryoso ko siyang tinitigan habang naglalakad papalapit sa kaniya. Napahawak siya sa duluhan ng malaki at puting banyera upang doon ituon ang nararamdamang takot. "Bakit hindi mo ako kilalanin?" nanghahamong saad ko. Walang kahirap-hirap kong ikinasa ang baril na hawak. This is a semi-automatic magnum pistol with seven rounds of bullets. I could easily blow his head up if ever I would like to even if I'd be given an overage distance. "Ako yata ang hindi mo nakikilala! Sisiguraduhin kong magsisisi ka sa ginawa mong pagpasok sa teritoryo ko!" galit niyang saad. Nanlilisik din ang kaniyang mga mata. Nanatili naman ang seryoso kong paninitig. "Kilala na kita." saad koy. Nakahinga siya ng maluwag nang ibinaba ko ang hawak-hawak kong baril. Bigla ay nagkaroon ng pagmamalaki sa kaniyang mukha. Halatang nagyayabang sapagkat sinabi kong nakikilala ko siya. "Hindi ba't isa ka sa mga taong nag-utos na patayin sina Flourine at Chromium Everett?" Bumakas ang matinding gulat sa kaniyang ekspresyon. Halatang hindi inaasahan ang aking mga sinabi. Nawalan ng kulay ang kaniyang mukha. Parang bigla na lamang nakakita ng multo ng nakaraan. Parehong-pareho sa ekspresyon na ipinakita ng unang tao na nakalagay sa listahan ko. "Anong..." bigla ay tila nawalan siya ng tinig. Paulit-ulit na lumunok at hindi mawari kung paanong titingin sa akin. "Hindi ko alam ang iyong sinasabi." napansin ko kaagad ang kaliwang kamay niya na gumagapang papunta sa gilid. Doon ay may naaninag akong kulay itim na bagay. Bago pa man dumapo ang kamay niya roon ay kaagad ko iyong pinaputukan. Natigil ang kaniyang ambang paghablot ng baril at sa halip ay nanginginig na ibinaba ang kaniyang kamay. Paulit-ulit siyang lumunok at hindi mawari kung paano titingin sa akin. Gulat na gulat at hindi inaasahang mapapansin ko ang kaniyang galaw gayong nakatuon lamang ang aking atensyon sa kaniyang mga mata. "S-sino ka ba talaga?" natatakot niyang saad. Ang boses ay nanginginig din. "Sino ba ako sa iyong palagay? Bakit parang nasa ibaba yata ang iyong utak imbes na nasa itaas?" "Hindi kita kilala! Umalis ka na rito bago ko pa man ipatawag ang aking mga tauhan! Sinisiguro ko sa iyo! Kahit makalayo ka man ay ipapahanap at ipapapatay pa rin kitang lapastangan ka- Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang paputukan ko siya sa kaliwang tenga. Lumampas iyon sa maputing pader sa kaniyang likod. Pumatak ang mumuting dugo mula sa bahagi ng katawan niyang nasugatan sapagkat sinadya ko lamang itong padaplisan. Sumigaw siya nang sumigaw habang hindi makaniwala at pilit sinisipat ang kaniyang tenga kahit hindi naman iyon maaabot ng tanaw. "Tumahimik ka riyan kung ayaw mong iyang ulo mo naman ang sunod kong pasabugin." I have my silencer assembled together with my exceptional gun. That way, it wouldn't be obvious and noticeable if ever I pulled the trigger. Tumahimik siya at pilit pinigilang makagawa ng daing. Napangiwi ako. Daplis lamang iyon subalit bakit parang napakahina naman yata niya? Humakbang akong muli ng isa papalapit. "Ano bang kailangan mo?! Pera ba? Bibigyan kita ng mga ginto kung iyon ang gusto mo! Basta't lisanin mo lamang ang aking teritoryo ngayon din!" pahisterikal niyang saad. Ngumisi ako sa ilalim ng aking itim na panakip. "Sa tingin mo ba ay iyang walang kwenta mong kayamanan ang ipinunta ko rito?" Nagtataka niya akong tiningnan. Iniisip ba niyang iyon lamang talaga ang aking sadya rito? "Ano ang iyong kailangan kung ganoon- "Buhay." Napahinto siya sa kung ano mang balak pang sabihin. Ang mukha ay mas lalong nawalan ng kulay at ang panginginig ay mas lalong nahalata sa kaniyang mga kamay. I slowly removed the silencer of my gun. "At hintayin ninyo ang oras ng aking paniningil." Itinutok ko sa kaniya ang baril at diretsong pinatamaan siya sa magkabilang braso. Ngayon ay malakas ko nang naririnig ang kaniyang palahaw sa kabuuan ng silid. Tumulo ang pulang likido pababa sa banyera. Ang puting tubig ay hindi na pulido. Kaagad itong nahaluan ng dugo. Umalis ako sa silid na iyon kahit paulit-ulit ko pa ring naririnig ang kaniyang mga palahaw at pagbabanta sa akin na pahirapan pa niyang bigkasin.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
Biaya 86 berlian
Keseimbangan: 0 Berlian ∣ 0 Poin
Komentar Buku (275)
Sarah Santiago Tabilog
Just another master piece. Sobrang ganda NG story. So much trill, so much action, so much pain. A very unexpected twist. But a very beautiful happy ending. The author is really amazing. You just made another master piece just like the other story you made in titled UNDER THE RAIN. I really really Love the both amazing stories you've made. I'm still looking forward for more stories you will make. Sana maka pag published ka NG libro mo. I will be your avid fan and supporter. God bless you 😊❤️😇
Just another master piece. Sobrang ganda NG story. So much trill, so much action, so much pain. A very unexpected twist. But a very beautiful happy ending. The author is really amazing. You just made another master piece just like the other story you made in titled UNDER THE RAIN. I really really Love the both amazing stories you've made. I'm still looking forward for more stories you will make. Sana maka pag published ka NG libro mo. I will be your avid fan and supporter. God bless you 😊❤️😇
23/11/2021
2hahaha
24/06/2024
0ihsjajshshsnshshxudsksbdhshshhsshshshdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhfhfhfhfhfhfhdhdhdhfhfhfhfhfhfhfhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdjksksjdhdhdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjsjsjsjshhshshshshshshshdhshshshshshshshshshshshsjsuhshshshshsjsjdhdhdhdhhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhhdhdhddhdhdjdhhddjjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjd
11/06/2024
0Lihat Semua