logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 7

"Papa, ayos ka lang?" nag-aalala kong tanong sa kaniya nang makita ang kaniyang kalagayan subalit hindi niya iyon pinansin. Gusto ko siyang lapitan at gamutin ang mga sugat niya subalit pinipigilan ako ng mga gapos sa aking kamay at paa.
"Kaya mong alisin ang tali, hindi ba?" dahan-dahang tanong niya. Ang boses niya ay garalgal na rin.
Bakas ang matinding paghihirap sa ekspresyong ipinapakita niya.
Masakit pa rin ang aking ulo subalit pinilit kong tumango ng ilang beses.
"Magaling. Ngayon ay gawin mo lahat ng mga itinuro ko sa iyo."
Tumango muli ako at sinubukang tingnan ang lubid na nakagapos sa aking kamay subalit hindi ko iyon makitang mabuti. Siguro nga ay hindi lamang nagkataon na tinuruan ako ni Papa na magkalas ng mga nakataling bagay, nakasaradong mga pinto at pati na rin mga nakakandadong kaha de yero.
Dati ay pinipigilan ko lamang ang aking sariling umiyak sa tuwing mahigpit niyang igagapos ang aking mga kamay at paa saka ako iiwanan sa gitna ng kagubatan hanggang sa makalas ko iyon.
Aaminin kong dumami ang inipon kong sama ng loob para kay Papa sapagkat madalas kong maisip na hindi niya iniisip ang kapakanan at ang mararamdaman ko.
Now it all makes sense.
Matagumpay kong nakalas ang lubid na mahigpit na nakatali sa akin. Sunod kong kinalas ang pagkakagapos ng aking paa. Nanginginig ako at nilalamig kung kaya't bahagya pa akong natagalan. Natumba ako sa sahig nang kaagad akong tumayo at tumakbo palapit sa kaniya. Nanginginig rin pala ang aking mga tuhod. Pinagpapawisan ako ng matindi subalit ang aking pakiramdam ay nilalamig.
Binalewala ko ang aking panghihina.
Nanginginig ang aking mga kamay nang sinimulan kong tanggalin ang tali sa kaniyang paa. Kinakabahan ako sapagkat ano mang oras ay maaaring pumasok rito ang mga lalaking may gawa nito sa amin.
Nasa loob kami ng librarya. Madilim at sa palagay ko ay gabi na. Siguro ay ilang oras rin akong nakatulog.
Wala pa rin akong alam sa mga nangyayari subalit susubukan ko munang intindihin ang sitwasyon kagaya ng palagi kong ginagawa.
Nagulat ako nang i-iwas ni Papa sa akin ang kaniyang mga paa. Gulat akong napaangat ng tingin sa kaniya at doon nakita ang hinang-hina niyang ekspresyon.
Muli kong sinubukan tanggalin ang gapos subalit muli rin akong natigilan.
"Ano ba, Eist! Makinig ka sa akin!"
Pumikit-pikit ako upang mapigilan ang sarili kong maiyak. Hinihingal rin ako at bahagyang nahihirapang huminga. Siguro ay dahil ito roon sa nalanghap kong kemikal nang takpan nila ng panyo ang aking ilong kanina.
"Natatandaan mo ang nasa dulo ng silid na ito?" tanong niya. Ang mukha ay may umaagos na dugo. Nakapikit ang isang mata at putok ang labi. Doon ako nagtaka...
Malakas si Papa, paanong nangyari na naging ganito siya ngayon?
Tumango ako. Alam ko ang tinutukoy niya. Wala sa mga tinuro niya ang hindi ko natatandaan.
"Magaling. Ang sunod mong gawin, tahakin mo ang daang iyon at umalis kana rito."
Hindi ko pinakinggan ang sinabi niya, sa halip ay ipinagpatuloy ko ang pagkakalas ng gapos sa kaniyang paa. Iyon ang inuna ko sapagkat iyon ang mas malapit sa akin. Isa pa ay nahihirapan pa akong tumayo.
"Eist! Putangina! Hindi kana ba talaga susunod sa akin?!" natakot ako sa galit na galit niyang ekspresyon. Halata iyon sa mariin niyang pagkakabigkas ng bawat salita. Ito...ito ang palagi kong kinatatakutan sa kaniya. "Ako ang Papa mo hindi ba? Hindi kana ba makikinig sa akin?"
Pinigilan ko ang aking sarili na umiyak. Ayoko. Hindi ko iyon gagawin.
"Papa, aalis po tayo rito."
"Hindi ko na kakayaning maglakad! Magiging pabigat lamang ako sa iyo-
"Hindi po, Papa kaya ko po. Sabay tayong aalis dito Pa-
"Hija de puta! Kapag ginawa mo iyon ay parehas lamang tayong mamamatay! Gusto mong malaman ang lahat hindi ba? Gusto mong malaman kung sino ang pumatay sa tunay mong mga magulang?" dahan-dahan akong tumango. Unti-unti nang sumisikip ang aking dibdib. Hindi ko gusto ang patutunguhan ng usapang ito. "Kung ganoon ay bilisan mo na at umalis kana rito. Matagal ko nang naituro sa iyo ang daan. Pagdating mo sa bayan ay may isang tao ang sasalubong sa iyo. Matutulungan ka niya at siya na rin ang magsasabi sa iyo ng lahat."
Pagod akong umiling nang umiling. Ayoko. Hindi ko siya iiwan. Hindi ko gagawin iyon.
Nakalas ko na ang pagkakatali sa kaniyang paa. Pagapang akong nagtungo sa kaniyang likuran upang kamay naman niya ang pakawalan. Matagumpay ko iyong naisagawa kahit bahagya pa ring nanginginig ang aking mga kalamnan.
Tumayo ako at kinuha ang braso ni Papa upang alalayan siya sa pagtayo subalit kaagad niya iyong binawi. Mas nagulat ako nang dumapo sa akin ang malakas niyang sampal.
Masakit.
Umikot ang aking paningin at muli akong napasalampak sa sahig. Gumapang ako at ginamit ang isang upuan upang gawing balanse sa pagtayo.
"Hindi kana ba talaga makikinig sa akin?! Paano na ang lahat ng itinuro ko sa iyo? Paano na lahat ng pinagdaanan mo? Paano mo malalaman kung sinong pumatay sa tunay mong mga magulang? Mababalewala na lamang ba ang lahat ng iyon?! Ang lahat ng pagod ko?! Ang lahat ng hirap mo?! Putangina!" mariin at galit niyang saad.
Umiling ako. "Papa, hindi kita kayang iwan!" saad ko, halos nagmamakaawa na.
"Talagang parehas tayong mamamatay rito kung papairalin mo iyang kahinaan mo! Ano bang sinabi ko sa iyo? Hindi ba't ang bilin ko ay huwag na huwag  mong hahayaang lamunin ka niyang nararamdaman mo?! Iyan ang huwag na huwag mong gagawin! Eist! De puta hindi kana ba talagang nakakaintindi?!"
Parehas kaming napalingon sa may pintuan nang makarinig kami ng mga yabag ng paa. May paparating.
"Umalis kana! Ako na ang bahala rito. Hindi ko hahayaang maabutan ka nila!"
Kumuha siya ng baril sa ilalim ng isang makapal na libro. Kumuha siyang muli at iniabot naman iyon sa akin. Nanginginig ang aking mga kamay nang tanggapin iyon.
"Pagkarating mo roon ay saka masasagot ang lahat ng mga katanungan mo. Ikaw na ang bahala kung ano ang iyong gagawin sa oras na malaman mo na ang lahat, si Tantalium, matutulungan ka niya sa oras mahanap ka niya."
Pagod na ako.
Pagod na pagod na ako. Hindi ko na alam ang gagawin. Ayoko siyang iwan. Hindi ko gusto ang maaaring mangyari sa kaniya sakaling iwan ko siya rito.
Hindi ko gustong iwanan ang taong nagturo sa akin ng lahat ng bagay na nalalaman ko ngayon. Ayokong iwanan ang taong kumupkop sa akin ng mahabang panahon.
Ayokong iwanan ang taong... Itinuring kong tunay na ama.
Pero siguro nga ay masasayang ang lahat ng itinuro niya kung hindi ko siya papakinggan. Hindi ko malalaman ang lahat ng sagot sa mga katanungan ko kung hindi ko siya susundin. Masasayang ang lahat.
Subalit paano ko naman magagawang iwanan na lamang ng basta-basta ang isang taong napakahalaga para sa akin?
"Papa..."
Huminga ako ng malalim at sinubukang palinawin ang aking paningin.
Sa huling pagkakataon ay niyakap ko siya ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit na para bang wala kami sa tunay na mundo. Siya ang Papa ko. Ang taong kumupkop at kumalinga sa akin sa loob ng labinlimang taon. Ang taong nagturo ng lahat ng aking nalalaman ngayon. Ang dahilan kung bakit mas pinag-igihan ko ang pagsasanay kahit lubhang mahirap. Ang aking inspirasyon. Gusto kong maging kasing lakas niya. Gusto kong maging kagaya niya.
Sa huling pagkakataon ay mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kaniya. Natatakot akong bumitaw. Dahil sa oras na gawin ko iyon ay kailangan ko nang harapin ang aking reyalidad.
"Mag-iingat ka..." mahigpit rin ang yakap niya sa aking likod. Sa unang pagkakataon ay naramdaman ko ang labis niyang pagmamahal sa akin kahit hindi niya ako tunay na kadugo. "Mag-iingat ka... Anak." nabasag ang boses niya sa huling kataga. Sumakit ang aking mata dahil sa pag-agos ng mga puting likido paibaba.
Kumalas ako at iniwasang tingnan siya sa mata. Baka dahil roon ay tuluyang magbago ang aking desisyon.
Dumami ang mga yabag na naririnig ko sa labas. Pauli-uli ang mga iyon at halatang may pinag-uusapan.
Sa nanginginig na mga tuhod ay pilit kong binilisan ang aking takbo hanggang sa makarating sa dulong bahagi ng silid-aklatan. Iniwasan kong lumingon pabalik dahil baka lumihis lamang ang direksyon ko. Agad kong kinuha ang pana at palaso na nakasabit roon. Inilagay sa ilalim ng damit ang baril at isinabit sa likod ang lagayan ng mga palaso.
Itinulak ko ang isang malaking lagayan ng mga libro. Lumantad sa akin ang mapuno at madilim na bahagi ng kagubatan. Mabilis na humampas sa aking mukha ang malamig na simoy ng hangin.
Sandali akong napapikit.
Nang magmulat at naaninag ko ang dalawang lalaki sa kalayuan na nagmamasid at sinusuyod ang kabuuan ng kagubatan. Upang maging sigurado ay nagtago ako sa isang malaking puno at inasinta sa leeg ang dalawa. Binitawan ko ang palaso at kasabay noon ay ang pagtumba ng dalawang may ari ng katawan.
Muli akong tumakbo at maingat na sinusuri ang paligid kahit bahagyang nanlalabo ang aking mga mata. Madilim at malamig. Sanay na ako roon subalit bakit kakaiba ito? Bakit parang mas matinding lamig at dilim ang sumasalubong sa akin ngayon?
Nakarinig ako ng mga kaluskos sa aking likuran kaya kaagad akong lumingon.
Nawalan ng reaksyon ang aking mukha nang makita siya. Ang lalaking nagngangalang Evander.  Nakatayo siya at madilim na nakatingin sa akin ngayon. Kagaya iyon noong unang beses ko siyang nakita sa talon. Ang kaibahan nga lamang ngayon ay narito siya, nakatayo at diretsong nakatutok sa akin ang isang baril.
Unti-unti ko nang nauunawaan ang ilan sa mga katanungan ko simula nang una ko siyang makita.
Kung ganoon ay hindi lamang talaga nagkataon ang lahat.
Blangko ang mga tingin na ipinukol ko sa kaniya. Sa hindi malamang dahilan, parang nawalan ako ng lakas na bumunot ng baril at kumuha ng palaso upang asintahin siya. Ayaw gumalaw ng aking katawan.
Biglang tumigil ang aking sistema. Hinintay kong tumama sa akin ang bala subalit hindi siya nagpaputok. Tumitig lamang siya at ganoon rin ang ginawa ko.
Kinuha ko iyong pagkakataon upang tumalikod at tumakbo palayo sa kaniya. Sunod-sunod kong narinig ang mga putok ng baril. Ang isa ay alam kong galing sa mansyon. Ang pangalawa ay mula sa lalaki sa aking likuran. Hinintay kong may tumamang bala sa aking katawan subalit wala. Siguro ay namanhid na ang aking buong katawan.
Pinagpatuloy ko ang pagtakbo. Ang malamig na hangin na tumatama sa aking mukha ay nagiging dahilan upang mas sumakit ang aking mga mata. Unti-unting nanlalabo ang aking paningin. Kinusot ko iyon at nagulat nang makitang basa iyon.
Hindi.
Hindi ako umiiyak. Malakas ako. Hindi ako umiiyak.
I silently whisper my gratefulness towards the moon. It gives me sufficient light to continue running. Running away from all of these mess. Running away from pain.
A small smile came out from my lips when I saw numerous flowers of evening glory.
Mapuputi ang bulaklak niyon at malalaki. Nagkalat iyon sa buong kagubatan at ito ang unang pagkakataon na nasilayan ko ang mga iyon. Isa itong klase ng halaman na namumukadkad lamang sa tuwing sasapit ang gabi. Nagkalat ang mga iyon sa buong paligid dahilan kung bakit Evening Glory rin ang ipinangalan sa kagubatang ito.
The forest of numerous flowers of evening glories.
Kakatwang saka ko iyon harap-harapang nasilayan ngayong hindi ko iyon maaaring pagtuunan ng pansin.
Malayo-layo na rin ang aking natakbo. Ang daan na aking tinatahak ay pamilyar sa akin. Naalala ko noon na ilang beses sa isang taon namin itong ginagawa. Ang sabi ni Papa ay maglalaro raw kami. Oorasan niya ako hanggang sa makarating ako sa lugar na iyon at kailangan ay hindi niya ako maabutan.
Itinuro niya sa akin ang isang sikretong daan sa likod ng silid-aklatan. May pinto roon na diretsong nakaharap sa hilagang bahagi ng kagubatan. Kakatwang ang larong inakala ko noon, ay may iba pa palang silbi sa sitwasyong ito.
So that game was actually an escape plan.
Sumasakit na ang aking paa sa pagtakbo subalit hindi ako tumigil. Ilang beses na akong natumba subalit kaagad rin akong bumabangon. Ilang beses na rin akong nasugatan dahil sa mga matatalas na sanga na sumasabit sa akin. Humahapdi na ang aking braso at binti subalit hindi ko iyon inalintana. Hindi rin nakatulong ang malamig na simoy ng hangin dahil mas lalo lamang humahapdi ang aking mga sugat na natamo.
Nakita ko ang pamilyar na kuweba na nakatago at napapapalibutan ng makakapal na baging. The large and bulky branches of trees are swaying in the rhythm given by the cold breeze. Those dark leaves are dancing quietly leading me in one way.
I simply roam my gaze around the vicinity and unconsciously whisper my gratefulness towards the wind upon seeing that there's no one following me.
Hinawi ko ang makakapal at malalaking baging na nakaharang sa entrada ng kuweba.
Humakbang ako nang humakbang hanggang sa hindi ko na kinaya. Pumulupot ang mga baging sa aking paa. Sinubukan kong tanggalin ang mga iyon subalit hinang-hina na ako.
Nahulog ako sa malalim na bahagi ng kuweba. Ag sakit sa aking likod ay nadagdagan. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin kong maramdaman.
It's dark.
I tried to opened my eyes but it's still the same. I could see nothing but infinite darkness.
Tuluyan ko nang binitawan ang aking bigat at ipinahinga ang aking katawan sa malamig na mga bato sa loob ng kweba. Madilim rito. Sobrang dilim. Wala akong ibang maaninag sa paligid. Hindi ako natatakot sa dilim, pero sa pagkakataong ito ay dobleng takot ang aking nararamdaman. Lalo na nang makarinig ng malakas na pagsabog. Hindi ko na kailangang magtanong kung saan galing iyon.
Alam ko na.
Sinubukan ko muling alisin ang mga baging na nakasabit sa aking paa subalit hinang-hina na ako. Nanginginig ang aking mga paa at kamay. Nahihilo rin ako at sumasakit ang ulo. Bukod roon ay masakit rin ang aking katawan dahil sa pagbagsak kanina.
Subalit walang-wala ang sakit na ito sa sakit na nararamdaman ko sa aking kaloob-looban.
Sa tingin ko ay hindi na mawawala pa iyon.
Ang matinding galit sa aking dibdib ay lumalala pa sa paglipas ng bawat segundo.
Bakit?
Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nagtanong.
Bakit kailangang danasin ko ang lahat ng iyon?
Sinisisi ko rin ang mga baging ng kuweba sapagkat mas nakadagdag iyon sa mga sugat na natamo ko. Nakakatawa na kung dati ay manghang-mangha ako sa magaganda at makukulay na baging sa kagubatan ng Evening Glory, ngayon ay wala. Ayoko na. Na kung dati mahigpit ang pagkakahawak ko rito sa tuwing tatalon sa Yaganak, ngayon ay ayoko na. Ayoko na itong hawakan.
Gusto kong humanap ng bagay na masisisi, ng mapagbubuntunan ng galit. Kailangan ko iyon upang magpatuloy.
I need some fuel to add in the fire. That way, I know I could still find my means to continue running, continue all the things that I suppose to do.
Nagsisisi ako.
Subalit hindi ko na magagawa pang bumalik roon. Gusto kong balikan si Papa, pero natatakot ako.
Bakit kailangan naming danasin ito?
Siguro ay isa ito sa mga dahilan kung bakit kinailangan kong matuto. Siguro nga. Kailangan kong magtiwala kay Papa. Ang kailangan ko na lamang gawin ay tuparin ang kahuli-hulihang utos sa akin ng aking pinakamamahal na ama.
Papa...
Ang buong akala ko ay malalaman ko na ang lahat ng sagot sa aking katanungan ngayong araw. Subalit sadyang malupit ang tadhana.
Ipinikit ko ang aking mga mata.
Maligayang kaarawan sa'yo... Eist

Komentar Buku (275)

  • avatar
    Sarah Santiago Tabilog

    Just another master piece. Sobrang ganda NG story. So much trill, so much action, so much pain. A very unexpected twist. But a very beautiful happy ending. The author is really amazing. You just made another master piece just like the other story you made in titled UNDER THE RAIN. I really really Love the both amazing stories you've made. I'm still looking forward for more stories you will make. Sana maka pag published ka NG libro mo. I will be your avid fan and supporter. God bless you 😊❤️😇

    23/11/2021

      2
  • avatar
    Natasha Miranda Palacio

    hahaha

    24/06/2024

      0
  • avatar
    Kristel Degano

    ihsjajshshsnshshxudsksbdhshshhsshshshdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhfhfhfhfhfhfhdhdhdhfhfhfhfhfhfhfhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdjksksjdhdhdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjsjsjsjshhshshshshshshshdhshshshshshshshshshshshsjsuhshshshshsjsjdhdhdhdhhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhhdhdhddhdhdjdhhddjjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjd

    11/06/2024

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru