Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang makita ko ang tatlong misteryosong lalaki habang binabalagtas ko ang daan patungo sa kapatagan. It's been also three days since I haven't seen the man named Evander. I don't know. Though, I didn't even tried going outside for the past three days. I continued my day inside the mansion reading books and doing things I use to do before. Isa pa ay nabubuo naman ang araw ko sa pagbabasa ng mga libro. Inubos ko rin ang aking oras sa pagsasanay kung paano dumepensa, paggamit ng pana at palaso. Paghawak ng baril pati na rin ang mga patalim at kutsilyo. I also tried indoor archery in the basement, even though the space is not that ideal. I'm not afraid. I just don't want to go outside. Isa pa ay ayoko namang suwayin na lamang basta ang bilin ni Papa na huwag makipag-usap sa mga estranghero. Ilang beses na rin akong nagsinungaling sa kaniya. Ayoko nang dagdagan pa iyon. Ang tanging ikinababahala ko na lamang ngayon ay mas lalo nang dumarami ang mga katanungan sa isipan ko. Noon ay puro lamang iyon tungkol sa mga ipipagawa sa akin ni Papa. Kung bakit kailangan kong gawin at matutunan ang mga bagay na iyon. Kung para saan at bakit ayaw niyang sabihin sa akin ang rason. Ngayon ay nadagdagan na. Nagsimula lamang iyon noong unang araw na nakita ko ang lalaking iyon habang naliligo ako sa talon. Sino siya? Paano siyang napadpad sa kagubatang ito? Bakit kung nasaan ako ay naroon rin siya? Sino ang mga lalaking sumugod at pinaulanan ng bala ang mansyon ? Anong kailangan nila? Higit sa lahat ay sino ang tatlong lalaki na nakita ko sa kagubatan. Hindi ko rin maunawaan kung dapat ko ba itong sabihin kay Papa. Siguro ay alam niya ang gagawin. Noon pa man ay siya na ang hinahayaan kong magdesisyon. Ang tanging hinihingi ko lamang naman ay mga rason at dahilan. Nang sa ganoon ay hindi ko na kailangang mag-isip nang mag-isip habang pilit hinahanap ang sagot sa mga katanungan ko. Isang hapon habang nagbabasa ako ng libro sa may salas, tahimik at banayad ang buong paligid. Wala akong ibang maririnig na ingay kung hindi ang mahinang huni ng mga ibon, ang marahang pag-ihip ng mabining hangin. Pati na rin ang mahinang tunog ng mga nalalagas na dahon na siyang bumabagsak sa lupa. Kung dati ay nakakaramdam ako ng kaunting takot sa ganitong klase ng paligid, ngayon ay nasanay na rin ako. Natuto akong makibagay sa kung anong lugar ako naroroon dahil wala naman akong ibang pagpipilian. Palagi na lamang akong walang pagpipilian. Nagulat na lamang ako nang biglang bumukas ang malaking pinto. Lumikha iyon ng malakas na ingay dahil na rin sa pagkiskis sa sahig na gawa sa bato. Mabilis akong napatayo. Ang librong hawak ay maingat na ibinaba pagkatapos na isara. Doon ay nakita ko si Papa na humahangos habang may hawak na baril sa kamay. Halatang pagod na pagod. Halata iyon sa mga butil ng pawis na ebidente at tanaw na tanaw ko kahit may distansya sa pagitan naming dalawa. "Papa?" nag-aalalang saad ko saka tumakbo palapit sa kaniya. "Mag-empake ka na ng mga gamit mo. Bilisan mo! Umalis kana rito." nagmamadaling saad niya. Hindi kaagad ako nakasagot. Natigil ako sa pagtakbo papalapit. Pilit kong pinoproseso sa aking utak kung ano ang kaniyang mga sinabi. "Ano po?" "Dalhin mo na ang mga gamit mo! Kailangan mong umalis dito." sigaw niyang muli. Halos pagalit at nauubusan na ng pasensya. Subalit imbes na malinawan ay dumoble lamang ang pagtataka sa aking ipinapakitang ekspresyon. "Papa, bakit po? Hindi ko po maintindihan." nakuha ko pang magtanong. Dapat ngayon ay nananahimik na lamang ako. Galit siya. Halatang-halata iyon. "Huwag ka ng magtanong! Sumunod ka lang!" Naibaba ko ang aking paningin dahil sa lakas ng sigaw niya. Mas lalo akong nagtaka sa ikinikilos niya. Nandito na naman tayo. Sa tuwing magtatanong ako ay magagalit na lamang siya. Buong buhay ko ay wala akong ibang ginawa kundi sundin siya. Inutusan niya akong magbasa ng higit sa libong mga libro, ginawa ko. Tinuruan niya akong humawak at gumamit ng baril, pinilit ko ang sarili kong matuto kahit noong una ay nahihirapan ako dahil sa bigat ng mga iyon. Inutusan niya akong matutong makipaglaban, gumamit ng mga patalim, pana at palaso, inaral ko iyon lahat kahit madalas akong masugatan. Tinuruan niya akong kontrolin ang emosyon ko, maging matapang, matibay, matatag at walang kinatatakutan. Sinubukan ko, kahit noong una ay siya ang dahilan kung bakit ko nararamdaman ang lahat ng iyon. Nagtatanong ako, pero hindi niya binibigay ang sagot. Humihingi ako ng rason, pero iisa lamang ang palagi niyang katwiran. Malalaman ko rin ang lahat. Bakit ngayon ay ayaw niya pa ring sabihin? Kailan pa ba? Hanggang kailan pa ba ako magtatanong? "Bakit ayaw mo pa ring sabihin sa akin, Pa?" "Kung ipagpapatuloy mo iyang kadramahan mo ay hindi ko na alam kung ano pa ang magagawa ko sa iyo!" Tumingin ako sa sahig at ginawang mas malalalim ang aking paghinga upang makapasok ng maayos ang hangin sa aking katawan. "Kailangan ko lang ng sagot. Mahirap ba talaga iyon?" "Talaga bang susuwayin mo na ako ngayon?" Sagot lang. Kailangan ko lamang ng sagot. Kapag ibinigay niya iyon ngayon ay matatahimik na ako. "Papa naguguluhan na ako. Ipaliwanag mo naman sa akin." saad ko. Halos nagmamakaawa na."Saan ka po ba talaga galing? Bakit ayaw nyong ipaalam? Alam mo bang may mga pumuntang tao rito at pinaulanan ng bala ang mansyon? -- "Kaya nga pinapaalis na kita rito. Doon ka sa lugar kung saan ka magiging ligtas." Labis kong ikinagulat nang hindi man lamang siya nagulat sa aking ibinalita. Ang buong akala ko ay magagalit siya. Magwawala. Subalit ibang bagay yata ang labis niyang ikinagagalit ngayon. Iyon ay ang labis kong pagtatanong. "Papa, kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Kaya ko silang labanan! Kaya kong dumepensa!" Kaya ko iyon. Mahusay ako roon. Tinuruan niya ako kung paano ipagtanggol ang aking sarili. Kaya bakit kailangan niya pa akong paalisin? "Ang sabi mo ay sasabihin mo sa akin ang lahat. Kailan pa ba mangyayari iyon?" "Hija de puta!" ihinagis niya ang hawak na baril malapit sa akin. Natatakot ako. Nagagalit. Naiinis. Higit sa lahat, naguguluhan. "Ay sa putangina! Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!" galit na galit niyang saad. Hindi ko na narinig ang mga sunod na sinabi niya. Tumakbo ako palayo roon. Palayo sa kaniya. Ayoko na. Ayoko nitong nararamdaman ko. Sagot lang ang hinahanap ko. Bakit hindi niya pa kasi iyon maibigay? Ilang taon na akong nagtatanong sa kaniya. Kailangan ko lang naman ng magandang rason. Pagkatapos noon ay walang pagdadalawan-isip at muli na akong susunod sa kaniya. Magtitiwala na akong muli sa kaniya. Iyon lamang naman ang tangi kong hinihiling. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa isang pamilyar na lugar. Kaagad akong umupo sa isang bangko na nakapagtatakang nakalagay roon. Matagal ko ng natagpuan ang lugar na ito. Ilang beses ko lamang rin itong napupuntahan. Saka lamang sa tuwing naguguluhan at masama ang loob ko. Pumikit ako isinandal ang likod sa upuan. Hapon na. Siguro'y mga alas dos y media. Ang malalaki at matataas na puno rito ang siyang nakapagbibigay ng matinding kapayapaan sa akin. Ang mabining ihip ng pang-Disyembreng hangin ay marahang tumatama sa aking balat. Hapon na subalit malamig pa rin dito. Ang totoo ay masamang-masama talaga ang loob ko. Iyon ang unang pagkakataon na pinagsalitaan ako ni Papa ng mga ganoon kasasamang salita. Hindi ko pa iyon naririnig na sabihin niya kahit noon, kanina lamang talaga. Hindi siya nagmumura sa aking harapan, isang dahilan kung bakit hindi rin ako natutong magsalita ng ganoon. Kahit kailan ay hindi siya nag-abalang magpaliwanag sa akin. Kung saan siya nagpupunta sa tuwing umaalis siya. Kung saan niya nakukuha ang mga sugat sa katawan sa tuwing umuuwi siya. Bakit ayaw niya akong payagang magpunta sa bayan? O di kaya ay kumausap ng ibang tao? Bakit niya ako tinuturuan ng mga ganoong bagay? Para saan? Para kanino? Bakit kailangan niya akong buhayin sa mga lihim niya? Bakit kailangan kong magtago sa anino? Ang oras na inilaan ko sa matinding pag-iisip at paglalabas ng sama ng loob ay dagling nahinto nang makarinig ako ng sunod-sunod na malalakas na putok. Hindi ko na kailangang magdalawang-isip para lamang matukoy kung saan galing ang mga putok na iyon. Sa gulat ay mabilis akong tumayo at tumakbo pabalik sa mansyon. Bigla ay namutawi ang matinding kaba sa aking dibdib. Paulit-ulit ko ring hinihiling na sana ay nagsasanay lamang muli si Papa sa paggamit ng baril. Bihasa siya roon at talaga namang humahanga ako sa tuwing mapapanood ko siyang asintahin ang mga tudlaan. Kaya ako nagsikap na matuto at maging bihasa rin ay dahil gusto kong maging kasing lakas at kasing husay niya. Tunay na magaling siya sa lahat ng bagay. I just wish that my presumption isn't right. I hope it's not. Sana ay hindi ito katulad nang nangyari ilang araw na ang nakakalipas. Mas binilisan ko ang pagtakbo hanggang sa tuluyan ko nang matanaw ang mansyon. Nakahinga ako ng maluwag nang matigil ang putukan. Subalit hindi nawala ang matinding kaba sa aking dibdib. Alam kong may hindi tama. May mali. Sana lamang ay ligtas si Papa. Kung nagkataon ay walang ibang dapat sisihin rito kung hindi ako. Sana ay hindi na lamang ako umalis at tumakbo palayo sa kaniya. Ito kaya ang dahilan kung bakit niya ako pinapaalis? Binuksan ko ang malaking pinto at kaagad na iginala ang paningin sa kabuuan ng lugar. Tahimik pa rin naman dito. Walang bakas ng kahit na anong kaguluhan. Ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang may mga bisig na humawak sa aking leeg mula sa aking likuran. Hindi ako roon nakabuwelo kung kaya't mas humigpit ang hawak niya sa aking leeg, pinipigilan akong makasagap ng hangin. Nang makakuha ng tiyempo ay kaagad kong kinalas ang kamay niya sa akin. Umikot ako at hinigit ang kaniyang kamay, binali at malakas na pinilipit. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin kanina subalit dahil nasanay ako sa ganitong mga bagay ay madali ko lamang naaksyunan. Napasigaw ang lalaki at doon ko tuluyang nakita ang postura nito. Nakaitim at may suot na takip sa mukha. Matipuno ang pangangatawan at matigas ang mga braso. Paniguradong malakas sumuntok ang isang ito. Muli akong bumwelo at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa kaniyang kamay. Sa ikalawang pagkakataon ay muli ko iyong binali. My face creased as I heard the sound of disjointed bones from him. Sinipa ko siya sa batok kung kaya't napasalampak siya sa sahig. Nawalan siya ng malay. Ilang segundo kong tinitigan ang walang malay niyang katawan sa sahig. Subalit hindi rin nagtagal ang aking pagpapahinga. Nakarinig ako ng mga kaluskos sa aking likuran. Handa na muli akong dumepensa. Subalit bago pa man ako makalingon ay may panyo na kaagad ang tumakip sa aking ilong. Naamoy ko agad ang hindi magandang amoy noon. Umiwas ako at sinipa ang mukha ng lalaki. Nakita ko pa siyang umatras bago natumba. Nalalaglag ang panyo sa sahig. Lumunok ako ng ilang beses at pumikit nang pumikit. Baka sakaling matatanggal niyon ang panlalabo ng aking paningin. Tumayo ang lalaki at muling pasugod na tumakbo patungo sa akin. Umatras ako ng ilang beses. Nanginginig ang aking mga binti. Naiwasan ko ang mga pag-atake niya sa akin. Ang suntok niya ay tumama sa babasaging plorera. Kinuha ko iyong pagkakataon upang hampasin siya sa batok. Bumagsak siya at tumama ang mukha sa basag-basag na piraso ng plorera. Umatras muli ako ng ilang beses. Sumasakit ang aking ulo kasabay ng matinding pagkahilo. Ang aking paligid ay umiikot. Sinubukan ko pang igalaw ang aking mga kamay subalit nanginginig iyon. Ang aking paningin ay matindi na ang panlalabo. Bumunggo ako sa matigas na pangangatawan ng isang lalaki. Ang panyo na itinakip niya sa aking ilong ay nawalan ng silbi. Bumagsak ako at hindi na nakayanan pang lumaban. -- Masakit ang aking ulo. Bahagya pa rin akong nahihilo subalit pinilit kong imulat ang aking mga mata. Malabo. Halos wala akong maaninag sa unang subok. "Eist!" nakarinig ako ng mariing mga pagbulong sa aking pangalan. Kumurap-kurap ako hanggang sa unti-unti ko nang naaaninag ang paligid. "Eist!" Napapislag ako nang makita si Papa na nasa aking harapan. Duguan ang mukha nito at ganoon rin ang suot niyang damit. Napadako ang aking paningin sa kaniyang braso at doon nakita ang mas madaming pulang likido na umaagos paibaba. Nakaupo siya sa isang silya at nakatali ang magkaparehong kamay at paa. Iginalaw ko ang aking mga kamay subalit nakatali rin pala iyon sa likod ng aking kinauupuan. Maging ang mga paa ay pinagdigkit rin ng isang mahigpit na tali. Hindi ko iyon maigalaw. Bigla ay dinapuan ng matinding kaba ang aking dibdib dahil sa sitwasyon namin ni Papa.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
Biaya 47 berlian
Keseimbangan: 0 Berlian ∣ 0 Poin
Komentar Buku (275)
Sarah Santiago Tabilog
Just another master piece. Sobrang ganda NG story. So much trill, so much action, so much pain. A very unexpected twist. But a very beautiful happy ending. The author is really amazing. You just made another master piece just like the other story you made in titled UNDER THE RAIN. I really really Love the both amazing stories you've made. I'm still looking forward for more stories you will make. Sana maka pag published ka NG libro mo. I will be your avid fan and supporter. God bless you 😊❤️😇
Just another master piece. Sobrang ganda NG story. So much trill, so much action, so much pain. A very unexpected twist. But a very beautiful happy ending. The author is really amazing. You just made another master piece just like the other story you made in titled UNDER THE RAIN. I really really Love the both amazing stories you've made. I'm still looking forward for more stories you will make. Sana maka pag published ka NG libro mo. I will be your avid fan and supporter. God bless you 😊❤️😇
23/11/2021
2hahaha
24/06/2024
0ihsjajshshsnshshxudsksbdhshshhsshshshdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhfhfhfhfhfhfhdhdhdhfhfhfhfhfhfhfhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdjksksjdhdhdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjsjsjsjshhshshshshshshshdhshshshshshshshshshshshsjsuhshshshshsjsjdhdhdhdhhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhhdhdhddhdhdjdhhddjjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjd
11/06/2024
0Lihat Semua