Pinili kong dumaan sa pasilyo ng mansyon. Ang mga walang kwenta niyang tauhan ay saka lamang nagsilabasan nang makarinig ng mga putok ng baril. "Huminto ka! Kung ayaw mong iputok ko ang isang ito sa'yo." sigaw nang isang tauhan habang nakatutok sa akin ang hawak na baril. Mabilis akong naglakad at inunahan siya sa pagbaril. Nagkalat sa lugar ang mga tauhan ni Bismuth kung kaya't nakailang palit ako ng magazine. Umingay ang buong mansyon dahil sa palitan ng putok. Kampante akong naglakad habang pinapakiramdaman ang buong paligid. May isang nagtangkang sumugod sa akin gamit lamang an kaniyang kutsilyo. Hinawakan ko ang kaniyang braso at inagaw ang patalim mula sa kaniya. Paulit-ulit ko siyang siniko sa mukha hanggang sa dumugo iyon. Napasigaw siya sa sakit nang balian ko siya ng buto sa isang kamay. Kinuha ko ang patalim na hawak niya kanina at isinaksak iyon sa kaniyang binti. Bago ako tuluyang umalis ay hinagisan ko muna ng dalawang granada ang lugar na iyon. Narinig ko ang malakas na pagsabog dulot ng mga bagay na ihinagis ko. Kalmado akong naglakad hanggang sa makalabas sa malaking tarangkahan ng teritoryo ni Bismuth. Wala na ang mga tulog na bantay. Mabilis akong sumakay sa aking motorsiklo na walang plaka, tinanggalan iyon ni Tantalium. Mula rito sa aking kinatatayuan ay natanaw ko pa ang pagliyab ng kalahati ng mansyon. Paniguradong nagpupuyos na sa galit ang Bismuth na iyon. Matapos kong patamaan ng bala ang dalawang galamay niya at pasabugin ang kaniyang teritoryo, paniguradong ipaaabot niya ang insidenteng ito sa nakatataas. Sana lamang ay huwag silang masyadong magmadali sapagkat nagsisimula pa lamang ito. Ako ang siyang tatapos sa larong sila ang nagsimula. I manuevered my cyclecar until I reached the downtown of Macalelon. I already removed the clothes that I used a while ago. Ang sabi ni Tantalium ay hindi magandang makita ako ng mga tao na ganoon ang kasuotan. Kahina-hinala iyon para sa kanila. Sometimes, there are a lot of things that I still don't understand while I'm still that eager to find my way in to fit in this new environment. To comfort oneself is quite terrible most especially for me who lived like a sovereign individual in the middle of the wilderness for fifteen years. In the mansion, we don't have electricity to supply power while pressing the botton of a flourescent light just like what civilians use for a living. We only use flambeaus or lamp of gas to see things in the midst of night obscurity. We don't have trucks or cyclecar--of course, there was no roadway in the forest. We don't have technologies or equipments in the house to be more comfortable in life or have it easier. For so many years, I lived like an illiterate, benighted, unlettered girl while practicing to shoot or to shout like I am not a normal child or teenager. I learned how to use different kind of knives instead of playing around like what other child did during those years. I learned how to use guns and rifles while memorizing their names and specialization instead of enjoying my life being fifteen. I learned how to hide my emotions and have it concealed with that usual stoic face just like what I always see in my father instead of smiling and laughing to rejoice every thread of moments in my life. For so many years I have been so ignorant for the reality. Hiding my face with thoses green leaves and vines of magnifent forest of Evening Glory. Concealling myself under the spectacular and wondrous falls never minding the thrill that I've been missing. I dreamed about the sea, the city lights. I dreamed about seeing bars or night clubs. I dreamed about going myself up in the rooftop while looking at the immenseness of the universe until I got sated. I remember my younger self dreaming about watching basketball tournaments or even those amazing horseback riding competition. I dreamed about going in the city, watch how other people look alike, see how their living is more than amazing than ours, and now... now that I am already here... Fate unfortunately intrude and interfere my dreams. Alam kong hindi pa ako malaya. Malayo pa ako roon. Hindi ko pa malayang magagawa ang lahat ng bagay na gustuhin ko. Siguro ay darating din ako roon, kailangan ko lamang maghintay ng tamang pagkakataon. Siguro makakalaya lamang ako ng tuluyan ay kapag natapos ko nang laruin ang larong ito. Komportable akong naupo sa isang bakanteng silya ng karinderya. Nakatikim na ako ng lugaw subalit gusto ko lamang subukan muli ang lasa niyon lalo na at malamig ang gabing ito. Maliwanag ang lugar kahit gabi na, maliwanag ang buong kabayanan dahil sa elektrisidad. May mangilan-ngilan pang mga tao ang naglalakad sa kalsada at marami pa ring tindahan ng mga pagkain ang bukas ng ganitong oras. "Maraming salamat." ngumiti sa akin ang matandang babae pagkatapos kong magpasalamat nang ilapag niya ang isang mangkok ng lugaw sa aking harapan. Hindi ganoon kamahal ang pagkain na ito subalit halatang masarap. Bukod sa karne at itlog na nasa ibabaw ay may mga maliliit pa iyong dahon na tinadtad at ibinudbod sa palibot. Tinikman ko iyon at kaagad na sumilay ang ngiti sa aking labi nang malasahan ang sarap niyon. "Ang sarap nito." ngiti ko sa matanda at bahagya pang nagulat nang makita na nakangiti pala akong pinagmamasdan nito. "Mabuti naman at nagustuhan mo. Specialty ko iyan rito, talagang dinarayo pa ng mga taga ibang bayan ang inihahain kong lugaw. Talagang binabalik-balikan." masayang saad ng ale. Ipinagpatuloy ko ang pagkain at halos mapaso na sapagkat umuusok pa iyon. "Napakaganda mong dalaga, makinis at maputi ka. Aba'y taga saan ka nga ba ineng? Taga rito ka lamang ba?" Napatigil ako sa ambang pagsubo. Bigla ay nagdalawang-isip ako kung itutuloy ko pa ba ang pagkain. "Hindi, po." mahinang tugon ko. Matapos niyon ay nagbaba ako ng tingin at inabala ang aking sarili sa mabilisang pag-ubos ng pagkain at hindi na nag-abalang sabihin pa sa kaniya kung saang bayan talaga ako nanggaling. Bahagyang kumunot ang aking noo nang masulyapan sa may hindi kalayuang bahagi ang imahe sa dilim ng isang pamilyar na lalaki. Wala pa man ay nararamdaman ko na kaagad ang madilim at malamig na dating ng taong iyon. I watched that man walk with pride using my peripheral vision. I furtively gritted my teeth as I feel his gaze never leaving me. "Oh? Hijo, nandito ka na pala!" bakas ang tuwa sa tono ng matandang babae nang masulyapan ang lalaki malapit sa aking gilid. Kilala siya ng matanda, kung ganoon ay hindi ito ang unang beses na nagawi siya rito. "What are you doing here?" malamig na tanong niya. Wala akong nilingon kahit pa alam kong ako ang kaniyang kinakausap. Kung sa ibang pagkakataon ay iisipin ko pang hindi ako ang kaniyang tinatanong. Subalit dahil matiim siyang nakatitig sa akin at nitong hapon lamang ay nakasagutan ko pa siya, siguro ay kasalanan ang magmaang- maangan ngayon. Nang hindi ako sumagot ay sinipa niya ang upuan sa harap ng aking lamesa. Padabog niyang hinila ito at naupo roon. Wala pa man ay ramdam ko na ang pagdami ng mga matang nakatuon sa aming direksyon. Makatotohanan ang sinabi ng ginang na iyon na dinarayo ang kaniyang lugaw dahil sa dami ng tao na kumakain rito. "What are you doing here?" doble ang lamig ng tono ng kaniyang pagkakatanong subalit sa pagkakataong ito ay nahaluan iyon ng kaunting inis. Tamad akong nag-angat ng tingin. Nasalubong ng aking blangkong mga mata ang malamig niyang ekspresyon. "Naglulugaw." maikling tugon ko. Iniwasan kong tagalan ang pagtingin sa kaniyang mga mata sapagkat may isang tao akong naaalala sa kulay ng mga iyon. Those midnight raven eyes that I used to loathe before--no, I still hate them until now. Narinig ko ang sarkastikong pagtawa niya. "Ang lapit naman pala nito sa Batumbakal." pagpapatungkol niya sa partikular na lugar sa Tagkawayan kung saan niya ako unang nakita na nakiki pagsuntukan sa mga sanggano. Sa isip-isip ko'y ano naman sa'yo? Siguro naman ay hindi ipinagbabawal rito ang pagdayo ng mga taong gaya ko? "At ikaw? Ano rin ang ginagawa mo rito?" Pinasadahan niya ng kamay ang kaniyang itim na itim na buhok bago umiwas ng tingin. "Maglulugaw rin ako." masungit ang kaniyang pagkakasaad sabay taas ng kamay upang bigyan rin siya ng lugaw. "Aba! Malthe, magkakilala pala kayo ng magandang dalagitang ito? Taga roon din ba siya sa Tagkawayan?" gulat na tanong ng matanda nang makita na nasa iisang lamesa lamang kaming dalawa. Inilapag niya sa mesa ang lugaw at sandaling nanatili roon upang kausapin ang lalaki sa aking harapan. Ako naman ay nanatili lamang nakikinig habang ipinagpapatuloy ang pagkain. Hindi ko akalaing magalang at mabait palang makipag-usap ang isang ito sa mga matatanda. Siguro ay sa mga matatanda lamang dahil hindi siya ganiyan kabait sa tuwing kinakausap ako. Umalis ang matanda matapos makitang may panibagong mga tao ang dumating upang kumain rin. Sumama ang kaniyang tingin sa akin nang maabutan akong nakatingin sa kaniya. "What?" pagalit niyang tanong. Ultimo ugali ay talagang hindi rin sila nagkakalayo. Napangisi ako. Siguro naman ay hindi lamang iisang tao sa mundo ang maaaring ganoon ang pag-uugali. Ang kaibahan nga lang ay mas malamig makitungo ang isang ito. Ang ginoong bahagi na ng aking nakaraan ay palaging galit at madilim ang mga ekspresyong pinapakita. Umiwas lamang ako ng tingin at mabilis na tumayo upang lisanin ang lugar na iyon. Hindi na ako nag-abalang magpaalam pa o lumingon man lang kahit alam ko na nakatitig siya sa aking likuran. Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang kaniyang presensya na sumusunod sa akin sa paglalakad. Pasampa akong naupo sa motorsiklo at kaagad na binuhay ang makina niyon. Pinihit-pihit ko ang hawakan at nagulat nang maramdaman ang malamig na kamay ng lalaking tinawag na Malthe ng matandang babae kanina. Kanina ko lamang siya unang nakita sa Batumbakal. Malamig na nga siya kung tumingin, pati ba naman ang mga kamay ay ganoon rin? Napatigil ako sa ambang pag-alis sapagkat nakapatong sa hawakan ang kamay niya. Tiningnan ko iyon ng mga ilang segundo bago nag-angat ng paningin sa kaniya. "Riding that thing is dangerous." seryosong saad niya. Ang dating ay parang pinagbabawalan pa akong gumamit nito. Matunog lamang akong napangisi. Saglit na nilingon ang ibang direksyon bago muling ibinalik sa kaniya ang atensyon. "Ano ba para sa iyo ang hindi mapanganib?" I furtively gritted my teeth again to evade the coalugation of my extreme annoyance for him. Kanina pa siya nakikialam sa mga bagay na ginagawa ko. Sa halip na sumagot ay malamig lamang siyang tumitig sa akin. Nakipaglaban ako roon subalit nang mahalatang wala siyang balak magpatalo ay ako na ang kusang tumigil. Umiwas ako ng tingin kasabay ng pag-agaw sa kaniya ng manibela. Humakbang siya ng isa paatras at doon ko muling ibinalik ang aking titig sa kaniya. Ayun na naman iyong malalamig at seryoso niyang mga tingin. Noong una ay pilit ko pang inaalala kung saan ako nakakita ng ganoong klase ng ekspresyon subalit nang walang mahita sa mga alaala ay kusa na rin akong tumigil. Nanghahamon ko siyang tinitigan. Pinasadahan niya ng palad ang kaniyang itim na buhok saka umiling nang umiling. Animo'y hindi makapaniwala. Nang walang ano-ano'y mabilis siyang umalis at nagtungo sa isang magandang sasakyan na nakaparada sa hindi kalayuan. May pinindot siyang kung ano at matapos noon ay umilaw at tumunog ang sasakyan. Mabilis siyang pumasok roon at binuhay ang makina. Paaulit-ulit kong pinihit ang manibela ng aking motor. Lumikha iyon ng ingay na mistulang handa na upang umabante. Isang beses kong tiningnan ang kaniyang gawi. Hindi ko man kita ang loob ng sasakyan niya ay alam kong nakatingin rin siya sa akin. Mabilis akong umarangkada at nilisan ang lugar na iyon. Ang tunog ng aking sinasakyan ay sadyang napakaganda para sa aking pandinig na kahit kamakailan lamang naman ako natuto ay parang naging paborito ko na itong gamitin. Mas binilisan ko ang pagpapatakbo nang makita sa salamin na nasa likuran ko lamang siya. Mabilis magmaneho ang lalaking iyon. Paniguradong sanay na sanay na siyang gamitin ang kaniyang sasakyan. Aaminin kong namangha ako sa ganda ng sa kaniya subalit hindi ko ipinahalata iyon. Pagkarating ko sa bahay ni Tantalium ay kaagad kong hihilingin na ibili niya rin ako ng ganoong sasakyan. Malakas akong binusinahan ng isang sasakyan nang nilampasan ko ang kaniya. Papaano'y baguhan, masyado pa akong nawili kung hanggang saan aabot ang aking kakayahan. Marami akong nalampasang sasakyan at lahat ng iyon ay binusinahan ako bago pa man ako tuluyang makalayo. Mabuti na lamang at gabi na ngayon. Hindi na ganoon karami ang mga sasakyan na naglalayag sa kahabaan ng kalsada. Sa kalagitnaan ng aking pagmamaneho ay narinig ko ang sunod-sunod na busina mula sa sasakyan ng lalaking iyon. Talagang hanggang ngayon ay nakasunod pa rin siya sa aking likuran. Binilisan ko pa ang aking pagpapatakbo subalit kamuntikan nang mabangga nang inunahan ako ng lalaking iyon at hinarangan ang daraanan ko. Binuksan niya ang bintana sa tabi niya at masama ang mga matang tumingin sa akin. "Drive carefully for Pete's sake!" ngayon ko lamang nakita ang galit niyang ekspresyon. Imbes na matakot ay ngumisi pa ako. Ipinakita kong wala akong pakialam sa opinyon niya. Hindi ko naman siya kakilala. "Umalis ka riyan kung gusto mo pang makauwi sa inyo!" pasigaw kong tugon. Umiling siya ng umiling. Isang beses pa akong binigyan ng masamang tingin bago tuluyang inalis ang kaniyang sasakyan sa gitna ng daan. Handa na sana muli akong umabante, ngunit ganoon na lamang ang aking inis nang sa tuwing aabante ako ay haharangan niya ang aking daraanan. Sa tuwing pupunta ako kaliwa ay pupunta rin siya roon. Sa tuwing kakanan ako ay haharangan naman niya. Hindi rin naman ako makadaan sa gitna sapagkat nasasapawan iyon ng malaki niyang sasakyan. Hindi naman ganoon kalaki ang kalsadang ito, ngunit ang aking ikinaiinis ay bakit parang sinasarili niya ang daan? Talagang ginagalit ako ng isang ito. Pinigilan ko ang aking sarili na patulan siya ng iparada ko ang motorsiklo sa garahe ng bahay ni Tantalium. Hanggang dito ay sinundan niya ako. Galit akong bumaba at binigyan siya ng isang masamang tingin. Naabutan ko naman siyang nakasandal ang likod sa kaniyang sasakyan at bahagya pang nakangisi. "May problema ka ba sa'kin?" pagalit kong tanong. Kunot na kunot pa ang noo. Inosente niya lamang akong tiningnan. Maang-maangan na para bang natutuwa ako sa ginagawa niya. "What?" painosenteng tanong niya. Nagpatong-patong na ang pagkakasalasa akin ng isang ito. Nitong hapon lamang ay sinabihan niya ako ng kung ano-ano na para bang nalalaman niya ang lahat ng bagay. Pagkatapos ay kung tanungin niya ako kanina ay para bang imposible o hindi ako maaaring magawi sa bayang iyon. Parang pinagdududahan niya ako. Kani-kanina lamang ay inabala niya ang aking oras dahil sa paghadlang niya sa aking malayang pagmamaneho. Kapag ako naningil, sisiguraduhin kong durugo ang ilong ng isang ito. "Tigilan mo ako. Hindi ako natutuwa sa'yo. Sa oras na abalahin mo pa ako ay sisiguraduhin kong dudugo iyang ilong mo." pagbabanta ko. Tumingin lamang siya sa akin na para bang nakakamangha ang aking mga sinabi. "Well then, I'm scared." tugon niya. Halata ang sarkasmo. Hindi ako natutuwa sa kaniya. Padabog kong hinawi ang bakal na tarangkahan ng bahay ni Tantalium at padabog rin na naglakad papasok ng bahay. Naabutan ko roon ang matanda na umiinom ng alak. "Oh? Bakit busangot iyang mukha mo?" pati siya ay napansin kaagad ang masamang timpla ko. "Nakasagupa lamang ng asungot sa daan." narinig ko ang mahinang tawa niya bago ako pumikit at nakatulog sa isang upuan. Hindi ko na siya nagawang balitaan tungkol sa tagumpay ng aking misyon ngayong gabi. Masyado yata akong napagod ngayon.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
Biaya 58 berlian
Keseimbangan: 0 Berlian ∣ 0 Poin
Komentar Buku (275)
Sarah Santiago Tabilog
Just another master piece. Sobrang ganda NG story. So much trill, so much action, so much pain. A very unexpected twist. But a very beautiful happy ending. The author is really amazing. You just made another master piece just like the other story you made in titled UNDER THE RAIN. I really really Love the both amazing stories you've made. I'm still looking forward for more stories you will make. Sana maka pag published ka NG libro mo. I will be your avid fan and supporter. God bless you 😊❤️😇
Just another master piece. Sobrang ganda NG story. So much trill, so much action, so much pain. A very unexpected twist. But a very beautiful happy ending. The author is really amazing. You just made another master piece just like the other story you made in titled UNDER THE RAIN. I really really Love the both amazing stories you've made. I'm still looking forward for more stories you will make. Sana maka pag published ka NG libro mo. I will be your avid fan and supporter. God bless you 😊❤️😇
23/11/2021
2hahaha
24/06/2024
0ihsjajshshsnshshxudsksbdhshshhsshshshdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhfhfhfhfhfhfhdhdhdhfhfhfhfhfhfhfhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdjksksjdhdhdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjsjsjsjshhshshshshshshshdhshshshshshshshshshshshsjsuhshshshshsjsjdhdhdhdhhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhdhhdhdhddhdhdjdhhddjjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjjdjdjdjdjjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjdjd
11/06/2024
0Lihat Semua