logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 8 DON'T GIVE YOUR WHOLE WORLD TO ME

Gumapang ang kaba sa dibdib ko nang sabihin iyon ni Lauressa hindi ko alam kung ano ang kahulugan ng mga salitang iyon. Ang alam ko lang isa iyong pagbabanta.
Ano namang pakialam ko? Wala namang mahalaga sa akin kung hindi ang pagmamahal ko. Hindi ba?
Naramdaman ko ang lambot ng kama nang ihiga ako ni Laurent. Napatitig ako sa malaking picture na nasa harap ng kama. Picture niya iyon na may nakalagay na 'Laurent Baider' seryoso ang mukha at pormal ang suot niya.
"What do you need?" Umupo siya sa kama at tumingin sa kung saan.
"Ikaw, ikaw ang kailangan ko," ngumiti ako ng tipid. Halos hindi ko magawang ngumiti dahil sa nangyari.
Umupo ako at isinandal ang likod sa headboard ng kama.
"Ano nga ulit 'yong tinatanong mo kanina?" Tipid pa rin ang pagkakangiti ko. Matamlay at nasisiguro kong nahahalata niya iyon.
Sa halip na sumagot siya ay tiningnan niya ang parteng leeg ko. Napatingin din ako roon, may sugat pala hindi ko alam.
Lumabas siya at pagbalik ay may medical kit na dala.
"Are you hurt?" Umupo siya sa tabi ko at tiningnan ang leeg ko.
"Okay lang ako."
Napa-aray ako nang dampian niya iyon ng bulak na may kung anong nakalagay. Hindi ko alam dahil hindi roon nakatutok ang atensyon ko.
"I'll fetch you everyday," napatingin ako sa mukha niya nang sabihin niya iyon.
"Bakit?" Nagtataka kong tanong. Hinawakan ko ang kamay niyang patuloy lang sa paglilinis ng sugat ko.
"Kasi gusto ko."
Hayon nanaman ang salita niyang 'kasi gusto ko' walang matinong sagot. Napasimangot ako.
Wala man lang ibang dahilan?
"Nga pala," ngumiti ako at tinitigan siya sa mata. "Sinasagot mo na ako?" Masigla kong sabi.
"No," nakakunot niyang tanong.
Ang hirap niya naman ligawan! Hay nako!
Bakit hindi? Iniligtas niya ako tapos sinasabi niya kanina 'my girl?' Tapos ngayon hindi pa niya ako sasagutin? Ang hirap niyang intindihin.
"Ikaw ang dapat sumagot sa tanong ko," natigilan ako nang sabihin niya iyon.
Tanong niya kanina?
Napangiti ako sa sarili kong naisip.
"Can you be my bebe girl?" seryoso at diretsong nakatingin siya sa mga mata ko.
Bebe girl? Woah!
Lumapad ang pagkakangiti ko at halos mapatalon ako sa tuwa. Ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso ko.
Ang saya saya! Panaginip ba ito?
Hindi naman pala mahirap ang manligaw akala ko lang pala.
"Yes!" Nagtatalon ako sa kama at niyakap siya. Mahigpit din siyang yumakap sa akin. Kaya niya talagang baguhin nang ganoon kabilis ang pakiramdam ko dahil sa kinikilig ako ang takot ko kanina ay nawala na parang bola.
"Boyfriend na kita?!" Excited kong sabi.
"Yeah, just change your clothes," walang emosyon niyang sabi.
Hindi ba siya masaya?
May kinuha siyang paperbag at ibinigay sa akin.
"Magbihis ka lalabas muna ako," magsasalita pa sana ako pero tumalikod na siya at lumabas.
Boyfriend ko na siya! Ang lalaking Baider na iyon! Ahhhh!
Halos maluha na ako sa sobrang saya ko. Hindi ako makapaniwala.
Tumatalon akong pumasok ng banyo. Doon ako malakas na tumili. Mabilis akong naligo. Nang tingnan ko ang paperbag ay pantulog iyon na kulay pink.
Bakit? Dito ba ako matutulog? Mayroon ding uniform at undies. Ano ito? Bakit may ganito?
Isinuot ko na lang ang pantulog. Pero nang lumabas ako ay nagulat ako dahil katerno ng pantulog ko ang suot niya.
Ang cute!
Kinilig ako bigla at masayang tumalon sa kama.
"Dito ba ako matutulog?" Masaya kong sabi sa kaniya at sumalampak sa kama. Yumakap ako sa likuran niya at ipinatong ang mukha sa balikat niya.
"Ayaw mo?" Tanong niya pabalik. Hinaplos niya ang buhok ko na ikinapikit ko. Ang sarap sa pakiramdam ng haplos niya.
"Tabi tayo?" Awtomatiko siyang napalingon at tiningnan ako.
"Hindi, dito ka, sa kabilang kwarto ako," nag-iwas siya ng tingin.
"Dito ka na lang!" Walang pasabing umupo ako sa hita niya.
"Hey! You're naughty!" Pilit niya akong inaalis sa pagkakaupo ko sa hita niya pero pilit din akong pumupulupot sa batok niya.
"Akala ko 'girl' mo na ako?" Nakangiti kong tanong at sinilip ang mukha niya.
"Yes, but it doesn't mean you act like this. Remember that you're a girl," tinatanggal niya nanaman ako sa pagkakaupo ko pero hindi ako nagpatinag.
"Ano ba! Gusto ko rito" pagmamaktol ko.
"Okay, then," nag-iwas nanaman siya ng tingin pero kinuha ko ang kamay niya at iniyakap sa baiwang ko.
"Maging sweet ka naman paminsan-minsan. Ang sungit mo," sermon ko sa kaniya.
Naramdaman ko na ang pagyakap niya sa baiwang ko.
Imagine? Laurent Baider? Boyfriend ko? Woah! It can't be!
"You look happy," sa unang pagkakataon ay nakita ko ang malapad niyang ngiti.
Natulala ako roon. Gwapo!
Hindi ko na pinigilan ang sarili kong titigan siya. Mula sa kaniyang mga matang nang-aakit, ang ilong niyang wala kang masabi kung hindi perpekto, ang manipis at mapulang mga labi niya. Natigil ako roon at wala sa sariling nahaplos iyon ng palad ko.
"Don't try to kiss me, okay? We're alone here in my room," panay ang iwas niya ng tingin na parang ako ang iniiwasan. "Wag kang makulit," nakita ko ang mapula niyang tainga.
Ano 'yon?
Tiningnan ko ang tainga niya.
"Bakit namumula?" Sinipat-sipat ko iyon.
Hindi naman mukhang sugat o masakit basta mapula lang. Ibinaling ko sa kaliwa't kanan ang mukha niya para tingnan parehas ang tainga niya.
Mapula parehas!
Tumawa siya nang malakas.
Hala?
Natigilan ako. Tumatawa siya? As in? Si Laurent?
"It's my thing, bebe girl," nakangiti niyang sabi.
Bebe girl? Woah! KInikilig ba siya kaya namumula ang tainga niya?
Pinigilan ko ang tili ko. Bukod sa tumawa, ngumiti, at tinawag niya akong bebe girl ay ano pang kaya niyang gawin para magwala ang mga organs ko?
Ramdam ko ang init ng pisngi ko. Kinikilig ako pero pilit ko iyong itinatago dahil baka sumigaw ako rito.
"You're blushing," nakangiti niyang sabi.
Muli akong natulala sa pagkakangiti niya.
Gusto kong halikan siya!
Nagugulat ako sa reaksyon ng mukha niya. Kung gwapo siya sa pagkakakunot ng noo niya makalaglag panty naman kapag ngumiti o tumawa siya.
Laurent Baider..
Waahh!
Hindi ko pinigilan ang sarili ko. Siniil ko siya ng halik. Wala akong maramdamang tugon kaya tumigil ako.
"Bakit?" Nahihiya kong tanong at nagbaba ng tingin.
Bumuntong hininga siya. "You're naughty. I said don't kiss me. Aren't you not afraid? We're alone here," naiirita niyang sabi.
Saan ako matatakot?
Wala akong kinatatakutan kapag siya ang kasama ko. Handa akong ibigay ang buong lahat sa akin.
Oo, gano'n ako kabaliw.
"Ano naman kung tayo lang nandito?"
Tinanggal niya ako sa pagkakaupo sa hita niya. Napasimangot ako.
"Good night," humalik siya sa noo ko pero hinabol ko siya.
Nang mahablot ko ay itinulak ko sa kama. Nanlaki ang mga mata niya.
"Ayaw mo ba sa akin?" Nangingilid ang luhang sabi ko. "Siguro naawa ka lang sa akin kaya sinabi mong gusto mo akong maging 'girl'." Tumulo na ang luha ko.
"No!" Umupo siya sa kama. "I really love you."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at napatigil sa pag-iyak. Nagpaulit-ulit ang katagang iyon sa utak ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang lalabas na ang puso ko.
Lumapit siya at pinunasan ang mga luha ko.
"You're the lucky girl or should I say I'm the lucky boy? You're the only girl! Pinapasok kita sa buhay ko kahit mahirap at komplikado. Ikaw lang ang dinala ko rito sa bahay, sa kwarto ko, sa kotse ko maliban sa mommy at kapatid ko. Ikaw lang ang babaeng hinalikan ko, niyakap, hinawakan bilang isang espesyal na babae sa buhay ko!" Ang sinseridad sa mga mata niya ay nandoon. “Ikaw lang, Anmela Eris. Ikaw lang.. Alam mo ba ‘yon?”
Ako lang?
Hindi ako makapaniwala. Gano'n ba siya kailap at ako lang talaga?
Nabibingi ako sa tibok ng puso ko. Humahaplos ang bawat salitang binitawan niya.
"See? Anmela? I want to stay single forever but you came. You cross my line," hinawakan niya ang pisngi ko at pinakatitigan ang mukha ko. “I don’t know where and when it starts, but I found myself looking at you,” humalik siya sa no ko.
"M-mahal mo ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Ramdam ko ang kureyenteng dumadaloy sa kamay niya na nakahawak sa pisngi ko na nanunuot ang masayang pakiramdam sa buong sistema ko.
"Yes! Mahal na mahal kita," nakangiti niyang sabi. "Pero ngayon matulog ka na muna. I can't stay here for the next minutes."
Huh? Hindi ko siya maintindihan? Hindi siya pwedeng manatili rito?
"Bakit?" Nakakunot-noo kong tanong.
"Baka ako naman ang mang-rape saiyo," nag-iwas siya ng tingin. “Sleep. I’m going.”
Imbes na matakot ay napangiti pa ako.
“Kung ikaw ang rapist ay hindi na ako papalag.” Halos mabulunan siya sa sariling laway at malaki ang matang tiningnan ako.
Grabe, Anmela!
“You know what. I don’t know if when are you joking and when are you serious.”
“Seryoso ako,” lumambitin ako sa batok niya dahil mas matangkad siya.
Nakangiti siyang umiling. “Naughty.”
"Really?" Inasar ko siya at inilapit pa ang sarili.
Napaatras siya dahil lapit ako nang lapit. Akala ko ay babae lang ang ginaganito bakit sa aming dalawa nagagawa ko rin. Nang maatrasan niya ang kama ay napamura siya dahil napahiga siya.
Patalon akong dumagan sa kaniya. Inaasar ko siya nang inasar. Naiilang niya akong tiningnan.
"Hey!" Saway niya at pilit akong itinatayo.
Natigilan lang siya nang halikan ko siya ulit. Narinig ko ang buntong hininga niya. Napasimangot ako at umalis sa ibabaw niya. Hindi man lang ako halikan.
"Bebe girl, you're naughty. Do that again you'll regret," masama niya akong tiningnan. Ngumiti ako nang malapad.
Ano ba ang pagsisisihan ko kung gagawin ko ulit 'yon?
"Gusto kong malaman kung saan ako magsisisi," muli akong dumagan sa ibabaw niya at hinalikan siya.
Nagulat na lang ako nang buhatin niya ako at siya ang pumaibabaw.
"Ayaw mo talaga tumigil, huh? Sigurado ka ba riyan? You’re seducing me," nakakunot noo siya. Nasa ibabaw ko siya ngayon at nakatitig sa mukha ko. Ang kilig at init ng pisngi ko ay ramdam na ramdam ko.
"Pagdating saiyo lagi akong sigurado," nakangiti kong sabi.
Napatigil siya sa sinabi ko. Napaawang ang labi niya at saka hinaplos ang pisngi ko. Bago pa ako makapagsalita ulit ay hinalikan niya na ako. Sa gigil ko ay halos idiin ko siya sa akin habang hawak ang batok niya. Napapasabunot na ako sa kaniya. Siniil niya ako ng halik ramdam ko ang init ng katawan ko.
Parang kanina lang ay takot na takot akong magahasa tapos ngayon halos ako pa ang magbigay ng motibo sa lalaking ito para gahasain ako.
Baliw ka na ngang talaga, Anmela!
Lumalalim ang halik hanggang sa maramdaman ko na lang ang kamay niya na nakahawak na pala sa mammary gland ko. Bumaba ang halik niya papunta sa leeg, hanggang sa mammary gland.
Napaigtad ako nang maramdaman ang paglalaro ng kamay niya roon. Tumigil siya saglit at hinubad ang shirt niya.
Hala? Anong ginawa ko?
Hindi na ako mapakali sa sunod niyang ginawa. Hinubad niya ang shirt ko at tinanggal na rin ang bra ko. Napatakip ako roon. Ngumiti lang siya.
Bakit kailangan niyang ngumiti? Talo na ako!
Tinanggal ko ang pagkakatabing ko sa mammary gland ko. Mabilis niya iyong sinunggaban, nilaro at sinimsim ang bawat parte no'n.
"Laurent.." halos mapaigtad ako ng paulit-ulit dahil sa ginagawa niya.
Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam no'n? Wala akong ideya at wala na rin akong pakialam kahit ano pa ang mangyari.
Mahal ko siya...
Ang salitang nagpaulit-ulit sa isip ko. Basta mahal ko siya 'yon ang mahalaga.
Hindi ko napansin na wala na pala akong suot na kahit na ano. Pinagpawisan ako nang malala kahit ang aircon ay sobrang lamig kanina. Natigilan ako nang makitang hinuhubad niya na rin ang natitirang saplot sa katawan niya.
Hala?
Gumapang ang kaba sa dibdib ko pero mas lamang ang excitement.
Laurent...
"Bebe boy," nakangiti kong pagtawag sa kaniya.
Napatakip ako ng mata nang makita kong natanggal niya na ang huling saplot na dapat tanggalin.
Siniil niya muli ako ng halik. Hanggang bumaba nang bumaba at narating ang mahiwagang palasyo.
"Laurent," tinatawag ko siya nang tinatawag. Hindi ko alam kung saan hahawak nang maramdaman ko ang mga labi niya sa palasyo.
Tumindi ang kung anumang pakiramdam na nararamdaman ko. Ipinasok niya ang digits niya sa loob ng palasyo. Dahilan upang mapakapit ako nang mahigpit sa comforter. Naramdaman ko ang sakit no'n pero unti-unting nag-iiba ang pakiramdam.
Ang sakit! Sobrang sakit!
Napamulat ako nang ihinto niya ang ginagawa.
"You're bleeding," nag-aalalang sabi ni Laurent habang nakatingin roon. Nagmura siya nang nagmura inis na inis sa sarili niya. Tatayo sana siya pero pinigilan ko.
"I'm okay. Please continue."
"Are you sure?" Nag-aalalang tanong niya.
"Yes."
"No. Tama na," tinitigan niya ako ng may pag-aalala at kinuha ang mga damit namin. Kumuha siya ng wipes at nilinisan ako. “Ang kulit mo kasi sabi ko saiyo ‘wag kang makulit. Hindi ako santo, Anmela Eris. Lalaki ako kaya please lang ‘wag mo akong akitin ng ganito.”
Isinuot niya ulit sa akin ang mga damit. Pinanood ko lang siya habang ginagawa 'yon panay ang buntong hininga niya. Nakaawang lang ang labi ko na nakatingin sa kaniya. Hindi nanaman ako makapaniwala sa inaasal niya. Pagkatapos niya ay humalik siya sa noo ko.
"Don't give your whole world to me."

Komentar Buku (294)

  • avatar
    Roselyn Oco Mejia

    Wow! This story is very nice. complete package have a romance, action, comedy, tragic, suspense and drama. May maga dang lesson na mapupulot ka talaga. Dami ko ring nailuha s story na ito lalo n s last part but so sad the story of laurence.😭😭😭. Thank you so much author and keep up the good work. May the Lord always bless you. keep safe

    22/01/2022

      0
  • avatar
    Nion Rey Berco Berco

    ang ganda

    08/08

      0
  • avatar
    AmaroCatelyn

    sobrang Ganda ng story

    27/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru