logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 2 WHO IS HE?

"Pasok mga suki presyong divisoria, bente-bente sampo-sampo," sumasayaw-sayaw na sabi ng tindera.
Nakangiti akong umiling-iling. Ang mga tindera talaga gagawin ang lahat para makabenta.
Naglalakad ako papunta sa university kung saan ako nag-aaral. Araw-araw ay napapadaan ako sa palengke dahil 'di naman ako sumasakay naglalakad lang talaga ako.
"Miss!"
Napalingon ako at napatigil sa paglalakad.
Nakangisi akong tiningnan ng tricycle driver. "Tumabi ka, ang ganda mo pa naman para masagasaan."
Tahimik akong tumabi at hindi na siya pinansin. Sa haba ng nilakad ko mabuti at nakarating na rin ako.
Pinasadahan ko ng tingin ang buong Medical International University (MIU). Isang taon na lang at iiwan na kita.
Good bye, kahirapan na kami.
Gumapang ang kirot sa isip ko nang maalala ang butas-butas naming bahay sa Camarines Norte, wala kaming makain, at halos magkanda-kuba na si nanay at tatay sa pagsasaka pero walang pag-asenso sa buhay.
Pinilit kong makakuha ng scholarship dito kahit pa karamihan sa mga tao ay matapobre dahil lahat ay mayaman. Nag-aaral sa umaga at sa gabi ay waitress naman sa Leona. Mahirap ang buhay ko pero naigapang ko iyon at ngayon ay isang taon na lang magiging nurse na ako at kung papalarin ay kukuha ng degree para maging isang doctor. Sakitin kasi si tatay at nanay kaya gusto ko ang propesyong ito.
"Tabi! Yuck! Basura," tinabig ako ng isang babae kaya naman tumilapon ako buti na lang at may nakasalo sa akin.
Napalunok ako nang mapansin ang malapad na dibdib at matipunong katawan.
Sino ito?
Nag-angat ako ng tingin at nakita ang.. ang guwapo.
Adonis personified. Goddess of all goddesses.
Woah!
Natulala ako sa kagwapuhan ng lalaki. Makapal na kilay, matangos na ilong, mapula at manipis na labi. Perpektong hitsura ng isang lalaki. Parang gusto kong matunaw sa kinatatayuan ko dahil sa hiya at paghanga na nararamdaman ko. Ang tagal kong pinagmasdan ang mukha niya. Nagising na lang ako nang tumikhim siya.
Sana hindi mo ako ginising.
"Excuse me," kunot-noo niyang sabi sa akin. Ang sungit niya ay makikita mo sa mukha niya pero ang boses niya ay parang musika sa tainga ko. Kahit boses niya ay pogi.
"I said excuse me? Are you deaf or something?" Nauubusan ng pasensiyang sabi niya.
Doon ko lang napansin na nakaharang ako sa dadaanan niya.
"I'm sorry," napayuko ako sa kahihiyan at umusog sa tabi.
Walang pasabi siyang nilampasan ako. Gano'n na lang ang pagpipigil ko na tingnan ulit siya.
May nabubuhay pa lang gano'n kagwapo?
Tanong ko sa isip ko.
"Kaso masungit," bulong ko.
"Siguro nagpapapansin ka?! Ano! Gusto mong mapansin ka ng poging 'yon?! Mangarap ka!" mataray na sabi sa akin ng isang babae.
Itinuro ko pa ang sarili ko pero tinaasan niya ako ng kilay.
Ako ba ang kausap nito?
"You, bitch!" Sinapak niya ako. Gano'n na lang ang gulat ko. Napahawak ako sa pisngi ko.
Ang sakit, ah!
Ano bang ginagawa ko sa baliw na ito?
"Ano bang ginawa ko saiyo? Huh?" Nakakunot-noo kong tanong habang hinihimas ang pisngi ko.
Grabe naman wala naman akong ginagawa nananapak na lang bigla.
"Aba at sumasagot ka pa sa Queen Gela, huh?" Sabi naman no'ng isa pang babae niyang kasama, tatlo kasi sila.
Queen Gela?
Natawa ako nang sobrang lakas. Tinakpan ko pa ang bibig ko para hindi matawa pero kumawala talaga ang tunog at halos sumakit na ang tiyan ko.
"What's funny?" mataray na sabi ng isa pa at saka humalukipkip.
"Paano siya naging Queen? Wala sa hitsura niya," tumawa ako nang sobrang lakas dahilan para tumaas nang sobra ang kilay nila.
"Are you annoying me?" sabi no'ng Gela.
"Paano kung oo? Anong gagawin mo?" Sarkastiko akong ngumiti pero natigilan nang akmang sasapakin niya nanaman ako pero may kamay na humawak sa kamay niya at isinampal mismo sa mukha niya ang sariling kamay.
"Tigilan mo ang kaibigan ko kung ayaw mong burahin ko 'yang pangit mong mukha!"
Mataray na sabi ni Alem. Napangiti ako sa kaniya. Kahit kailan talaga maaasahan ang kaibigan kong ito. Ang nag-iisa kong kaibigan na tumanggap sa basura kong pagkatao dahil mahirap nga lang daw ako. Malayo man ang agwat namin ng pamumuhay ang pagiging magkaibigan namin ang nagbubuklod sa aming dal'wa. Alemia Montero, ang nag-iisa kong best friend.
Susugod pa sana ang tatlo pero tinaasan sila ng kilay ni Alem at humaya ng suntok kaya wala silang nagawa kung hindi padabog-dabog na umalis.
"Magkikita pa tayo ulit!" Sigaw ni Gela.
"Malamang may mata tayo!" Mataray na sabi ni Alem at itinaas pa nang sobrang taas ang kilay iyong tipong hindi mo na gugustuhin pang makipagtarayan sa kaniya dahil siya na ang reyna.
"Tara na," yaya niya sa akin at kumapit sa braso ko. "Masiyado ka kasing mabait sa susunod 'wag kang magpapa-api."
"Sana hinayaan mo na lang."
"No way, I'm allergic to those faces."
Natawa na lang ako sa katarayan niya.
"Bakit ba galit saiyo 'yong Gela na 'yon?" Sumubo siya ng pagkain.
Nasa canteen kami ngayon at kumakain habang nagkwe-kwentuhan.
"Ewan ko, sabi niya nagpapapansin daw ako roon sa lalaking pogi pero masungit."
"Sinong lalaki?"
Sino nga ba 'yon?
"Di ko kilala," natigilan ako nang mapasulyap sa lalaking pinagkakaguluhan ng mga babae. "Siya," turo ko roon na tiningnan naman ni Alem.
"Siya?" Nanlaki ang mga mata niya at impit na tumili. "Di mo kilala?"
Umiling ako at sumubo na lang. Ang lakas pa rin ng dating ng presensya ng lalaking iyon sa akin parang binibigyan ako ng energy na gumagapang sa buong katawan ko para maging kuryente.
Paano ko ba makikilala subsob ako sa pag-aaral at pagtra-trabaho?
"Seriously?" Naniniguradong tanong sa akin ni Alem.
"Bakit kailangan ko ba siyang makilala?" Inosente kong tanong.
"Si Laurent Baider! Baider! Baider!" Paulit-ulit na sinabi ni Alem ang salitang Baider kaya nangunot ang noo ko.
"Yes?"
Napalingon kami sa nagsalita at gulat na tiningnan si Laurent Baider.
Laurent Baider...
Bakit ganoon na lang kaganda ang pangalan niya?
Bakit humahaplos iyon sa buong pagkatao ko?
"Are you calling me?" Masungit na tanong ni Laurent sa akin.
Bakit ako? Si Alem 'yong nagsalita.
Todo iling ako kaya naman tinaasan niya ako ng dal'wang kilay.
"Are you trying to get my attention, Miss?" Ang pagsusungit niya ay naroon pa rin.
Umiling akong muli. Pakiramdam ko ang lahat ng tao ay nakatingin sa amin at nagtataka kung bakit kami nag-uusap kaya nagbaba ako ng tingin at hindi tumingin nang diretso sa mata niya.
Pero natigilan ako nang ilapit niya ang mukha sa akin at ngumisi. Muntik pang magdampi ang ilong namin dahil sa sobrang lapit niya. Gustuhin ko mang umatras hindi ko magawa parang napako na ako sa kinauupuan.
"Di mo na kailangan magpapansin dahil napansin na kita," halos pabulong niya iyong sinabi upang walang makarinig at saka niya kami tinalikuran. Natulala ako sa pagkabigla.
Anong ibig niyang sabihin?
Nasapo ko ang dibdib dahil sa sobrang lakas nang kalabog nito.
Para yatang hihimatayin ako sa sinabi niya.
"Woah! kinausap ka niya! Grabe girl! Kainis ka!" Halos mapatakip ako sa tainga ko dahil sa ingay ni Alem.
Lumapit siya sa akin at kinulit ako nang kinulit. Niyugyog niya pa ang balikat ko at ang lapad ng pagkakangiti.
"Anmela! Anong sabi?! Type ka raw? Huh? Kakainggit! Anong sabi? Crush ka? Anong sabi?! Sabihin mo na! Feeling ko may pag-asa kang magustuhan niya ikaw lang ang pinansin noon dito sa campus!"
Tumaas ang gilid ng labi ko.
Ano bang sinasabi nito?
"Sabi niya ang ingay mo raw," walang gana kong sabi kaya natigilan siya.
"Okay, 'di na ako mag-iingay. Ang pogi niya ‘di ba?!" kilig na kilig siya. "Ang swerte mo Anmela Eris Velasco dahil pinansin ka ng isang Laurent Baider!" Sabi niya sa tonong namamangha pa.
"Magiging doctor na 'yon ngayong taon. Tapos na siya kaya naman mas lalo siyang pagkakaguluhan ng mga babae. Masungit nga lang siya at parang hindi raw nagjo-jowa kahit naman marami ang nagkakagusto na halos magkandarapa pa sila," tuloy-tuloy na kwento ni Alem.
Kung gano'n sobrang dami niyang alam tungkol sa kaniya. Muling pumasok sa isip ko ang gwapong mukha ng lalaking Baider na iyon na pinalis ko kaagad pero ang epekto ay napangiti ako. Kakaiba ang isang iyon sa tagal ko nang nag-aaral dito siya lang ang nakakuha ng kuryosidad ko sa lalaki. Wala akong pinansing lalaki dahil ayaw kong makasagabal sa pag-aaral ko pero ngayon sa unang pagkakataon ay may hinangaan ako.
"Bakit kaya ayaw niyang mag-girlfriend Anmela 'no? Hindi kaya may hinihintay siya?" Nag-iisip na tanong ni Alem, nakatingin sa taas at nakalagay ang hintuturo sa baba.
Sino naman 'yon kung ganoon?
Baka bading 'yon pero sa pogi nya, tikas, at matipunong katawan ay imposible.
"Malay ko. 'Di ko naman siya kilala," sarkastiko kong sabi pero ang pagtataka ko kung bakit nga ba wala siyang girlfriend ay nasa isip ko rin...
'Di mo na kailangan magpapansin dahil napansin na kita'
Muling pumasok sa isip ko ang mga katagang binitawan niya.
Grabe! Anong ibig niyang sabihin doon? Paasa!
Tigilan ko na nga ito mag-aaral na lang ulit ako.
'Di mo na kailangan magpapansin dahil napansin na kita'
Aish! Nakakainis naman.
Sino ba kasi ang Laurent Baider na 'yon?

Komentar Buku (294)

  • avatar
    Roselyn Oco Mejia

    Wow! This story is very nice. complete package have a romance, action, comedy, tragic, suspense and drama. May maga dang lesson na mapupulot ka talaga. Dami ko ring nailuha s story na ito lalo n s last part but so sad the story of laurence.😭😭😭. Thank you so much author and keep up the good work. May the Lord always bless you. keep safe

    22/01/2022

      0
  • avatar
    Nion Rey Berco Berco

    ang ganda

    08/08

      0
  • avatar
    AmaroCatelyn

    sobrang Ganda ng story

    27/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru