logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 7

"Kumain ka na. Ikaw naman kasi.. bakit ang tapang mo, eh? Tignan mo naman ngayon ikaw ang kawawa!" si Susan. May dala itong pagkain at tubig.
"Salamat!" Anas ko. Lantang lanta na ako.
Inuna niyang ininom ang tubig. Uhaw na uhaw na siya. Kahapon pa siya nakaramdam ng panubig sa lalamunan niya at tinitiis lang niya.
"Walang ano man. Hindi kita naitindihan pero sa klasi ng kibot ng bibig mo na gets ko na. Pero sa susunod huwag mo na sila patulan. maawa ka naman sa sarili mo. Wala kang kalaban-laban sa kanila tignan mo ngayon na parusahan ka ni Señora Sheilla. Kahit gusto kung tumulong sayo pero wala ako magawa natakot rin naman ako mawalan ng trabaho at magalit sila sa akin. Pati pamilya ko madamay. Pasinsya ka na ha?" Pahingi nito ng pauamanhin.
{"Okay lang naitindihan ko! Makakaalis rin ako sa impernong bahay na ito at pinapangako ko sa sariling magbabayad sila lahat sa akin!" } sabi niyang may galit at nangangakong maghihiganti siya oras na makatakas siya.
Napangiwi siya at Kinain ang dalang pagkain ni Susan sa kanya. Gutom na gutom siya. Habang kumain siya basta nalang tumulo ang mga luha niya sa sama ng loob, lalo na nang makita ang pagkain niya mga tira- tira nalang iyong ayaw na kainin at may katigasan rin ang kanin. Ang pag iyak niya napalakas. Napahagolhol siya ng iyak habang kumakain. Hindi niya mapigilan ang sarili mapaiyak.
"Bakit? Kung iniiyakan mo ang pagkaing bigay ko sayo pasinsiya kana? Kasi.. sa aso ko sana ibigay iyan. Pero naisip ko hindi kapa kumain, tsaka utos din ni Señora ito pagkain bigay ko sayo! Wala akong nagawa pasinsiya kana." Sabi nito sa akin. Lalo siyang napaiyak. Hindi tao ang turing sa kanya ng mga iyon kundi hayop. Nagingitngit siya sa galit.
"Hoy! Huwag kana umiyak, huwag ka mag alala mamaya magtatago ako nang pagkain para makakain ka ng mabuti ipangako ko sayo pagtiyagaan mo lang iyan?" Narinig niyang sabi nito ng makita ang pag iyak ko. Mabait naman talaga si Susan wala siyang masabi dito. Tinutulungan siya nito sa lahat ng gawain lalo na kapag hindi na niya kaya. Pero hindi na siya kumibo pa. Hindi ito umaalis hinihintay siyang matapos at nagsimula na itong magdadaldal ng ano-ano. Ayaw niya sa taong madaldal. Pero dahil wala siyang choice ang makinig nalang.
"Ang gwapong bisita ni Señorita Nikki. Ang yummy! Parang gusto ko siyang maging ama ng mga anak ko!" Sabi niyang kinikilig sa akin.
"Asa kapa!"Sagot niya dito. Nandito pala siya ano kaya ang mayroon sa kanila ni Nikki? Mayroon na kaya silang relasyon dalawa?
Napangiwi siya ng ma-realize niya. Ano ba pakialam ko sa kanila..
"Seguro naisip mo, kung sino siya? Hehe.. ahm, Belirick.. Belilik... ba iyon.. mali! Ay hindi Benedick! Tama siya raw boyfriend ni Nikki. Ang gwapo gwapo niya! Ang swerti ni Señorita Nikki."  kilig na kilig itong nagkwento sa kanya.
"Gwapo naman talaga si Benedick dati pa nung mga bata pa kami, mahalata mo na lalaki siyang gwapo! Mas gumu gwapo siya ngayon ng sa America na ito nanirahan matapos magkabalikan ang mga magulang niya. Anong sadya niya dito? Matagal na sa dito sa hacienda! Pero hindi pa siya umuwi. Baka dahil kay Nikki. Baka totoong may relasyon na silang dalawa kaya hindi pa siya umuwi." Bigla siyang sumimangot.
Nawalan na rin siyang ganang kumain. Hindi niya alam kung bakit? Pero natatabangan na siya sa pagkain. Hindi dahil sa hindi masarap ang pagkain may bahaging ng puso niyang biglang nalang kumirot na parang sinundot ng stick.
"Tapos ka na ba?" Takang-tanong sa kanya ni Sussana.
Tumango lang siya at naupo na sa sulok. Nakataas ang dalawang tuhod At pinatong ang ulo niya dun nang
Nakayakap ang mga kamay niya sa sariling mga tuhod.
"Sige.. dalhin ko na ito sa kusina may gagawin pa ako!" Kinuha ang pinagkainan niya at dinala sa labas.
Isinara kaagad ni Susan ang silid ni Alysia at muling kinabit ang kandado. Pagkatapos ay nagtungo niya ang  kusina dala ang mga pagkainan ni Alysia. Nagulat siya ng biglang may sumulpot sa harap niya.
"Ayy.. kabayo! S-sir.. Benedick! -nakakagulat po kayo!" Malakas niyang sabi. Biglang napatayo si Alysia nang marinig niya ang pangalan ni Benedick. Lumapit pa siya sa pinatuang nakasarado. Gusto niya sanang hingin ng tulong ni Benedick pero nang maalala niyang mapapahamak ito at isa pa girlfriend niya si Nikki. Hindi siya sigurado kung matutulungan siya nito.
Nahihiyang tawag ni Susana sa binata at maingat niyang nilapag ang plato sa lababo.
"Pasinsiya na a-ano kasi gusto ko lang makainom ng malamig na tubig." Si Benedick. Nakangiting sabi nito.
"Naku! Sir, Sana tinawag niyo nalang sa akin para hindi na po kayo nag abala ako nalang sana naghatid doon!" sabi niya. Kinikilig niyang sinuyod ang kabubuan ng lalaki. May pakagat-kagat pa ito sa kaniyang labi.
"Okay lang. Ahm, tsaka nga pala hindi ko na nakita iyong mga dati katulong dito, si Manang Sunya iyong Mayordoma." Tanong niya sa akin ng kumuha ng tubig sa pitsel. Naglagay sa baso at ininom niya ito nang nakatingin sa Babae.
"Ah, umuwi po sila. Hindi ko po alam pero hindi na po sila bumalik kaya kumuha sila ng bagong katulong at ako iyon." Sagot ni Susan sa kanya. Hindi parin ito mapakali na parang may tinago.
"Talaga! Nakapagtataka biglaan naman yata ang pag alis nila." Sabi niya dito.
"Hindi ko rin alam, Sir?" Sagot niya dito. Wala naman sinabi sa kanya ni Señora kung ano ang dahilan sa biglaan nilang pag alis pagdating niya dito wala na sila.
"Okay. Pasinsiya kana ginulat kita!" Nakangiting sagot nito sa akin.
"Okay lang po, Sir.. mayroon po ba kayong itanong or kailangan pa?" Pa cute niya.
"Ahm, yes.. matanong ko lang kung kailan ang balik ni Señorita Alysia mo.. may kukunin kasi ako sa kanyang importanting bagay. Sabi kasi sa akin ni Señora Sheilla pumunta raw ng Hongkong!" seryuso siyang nakatitig kay Susan. Napansin niyang pa blink, blinK ang mga mata nito.
"Ho! ah, eh.. Hindi ko po alam, eh? He-he!" Napakamot ito sa ulo niyang nagtataka. Kailan pa nagpunta ng Hongkong si Alysia ang alam niya nasa Kabilang kwarto lang ito nakakulong.
"Okay, Salamat." Tinapik niya ito sa balikat at bumalik na siya sa sala kung saan iniwan niya si Nikki.
Tumango lang si Susan na hindi mapakali. Kinakagat ang mga kuko niya sa kakaisip. Humugot siya ng malalim na hininga nakasunod ng tingin sa binata.
Bakit sinasabi ni Señora Sheilla si Alysia ay nasa Hongkong.. why? " Haist... huwag kana makialam Susan.. kung ayaw mong malagay sa panganib ang buhay mo!
Sigaw ng isip niyang Natatakot sa kaligtasan niya.
*
Natulogan ni Alysia ang pag-iyak. Maaga pa lang ginising na siya. Nasa kwadra siya ng mga kabayo nagtatanggal ng mga tae at naglilinis. Naiiyak siya sa inis at sama ng loob.
Naglilinis siya nang makita niya ang paborito niyang boots nasa harap niya. Nang mag angat siya ng tingin si Valerie ang may nakasuot sa boots niya. Nakasimangot siya ng magpatingin sa boots niya. Tinaasan lang siya nito ng kilay at nakacross- arm sa harap niya.
"Oops! Sorry ha? Sinuot ko naman ang boots mong walang paalam. Hindi mo naman ginagamit, eh! Sayang lang kasi nabubulok lang at inaamag. Nakita ko pwide pa kaya sinuot ko nalang!" Sabi niya sa kanya. Halatang iniinis lang siya ng babae.
{"Sige lang.. ano pa ba magagawa ko inaangkin niyo na nga ang lahat lahat!" } masama ang loob na sabi niya.
"Ahm, alam mo kahit hindi kita narinig.. seguro ngayon minumura muna ako. Ha-ha!" Malakas niyang tawa. Mas lalo lang siyang naiinis sa pagmumukha ni Valerie.
"{ Stupid!"}
Mura niya. Napalunok siya ng laway ng bigla itong tumigil sa pagtawa at serious ang mukha nitong nakatingin sa akin. Narinig kaya niya ako? May boses na ba ako ulit! Ang kamay nito nasa baba niya at kunwaring nag iniisip ito.
"Ahm, kakalimutan ko na sana iyong nangyari sa akin dito nung nakaraang araw. Pero dahil nakikita ko ang paghihirap mo at hirap na hirap kana. Gusto ko maawa ngunit nagbago isip ko. Naisip kong mas masaya kung ma experience mo ring malublub sa mabahong putikan na iyan para sa gano'n alam mo kung ano ang pakiramdam." Muli siyang napalunok ng kanyang laway at kinakabahang napaatras. Agad nahila ni Valerie ang kanyang buhok. Nagpumiglas siya sa pagkahawak sa kanyang buhok. Pinilit niyang makawala sa pagkahawak nito sa buhok niya pero nagawa parin siyang itulak sa putik at napasubsub siya ron.
Ayaw niyang magmakaawa kay Valerie, pero dahil wala siyang ka laban-laban nagawa niyang magpakumbaba nagagawa niyang magmakaawa tulad ng ginawa nito noon mangiyak-ngiyak siyang nakikiusap kay Valerie. Ayaw niyang maging mahina pero sa pagkakataon ngayon wala siyang ibang pagpilian ang ibaba ang pride niya at wala siyang ibang asahan ang sarili niya. Kailangan niyang magpakatatag at makaisip ng paraan paano siya makalayo sa Mansion na ito. Pagod na pagod na siya sa pagpapahirap sa kanya. Nagawa niyang lumuhod sa harapan niya.
"Luhod!?" Sabi niya sa akin. Sabay turo sa putikan. Nakita niyang maduming putik at nakakadiring dumi ng hayop.
Kaagad napaluhod si Alysia ng sapilitan siyang itulak ni Valerie sa putikan. Tumawa ito ng makita niya ang mukha kong dumiritso sa putik. Tanging pag iyak ang nagagawa ko, iyong pakiramdam na wala kang magawa. Nakita ko sa sulok ng mga mata ko ang tinginan nila lahat ng tauhan ng Hacienda. Nakikita at nababasa ko sa mga mukha nila ang kasayahan. Habang pinaglalaruan siya ni Valerie.
" Buti iyan sayo! Masama ang ugali mo!"
"Karma mo na iyan!"
Naririnig niyang bulongan nila. Napapaluha siyang nakayuko habang ang mga kamao niya nilamukos nito ang putik sa galit niya.
"Kiss my feet!" Narinig niyang sabi nito, nang ituro ang paa niya.
Dahan-dahan siyang yumuko at hinalikan ang mga paa ni Valirie pero naramdaman ko nalang napasubsub na ako sa lupa.. nang alisin nito ang paa niya at pinatong sa ulo ko. Napuno ng putik ang mukha ko ng iangat ko ito, pumasok pa sa ilong ko at bibig. Hindi ko mapigilang masusuka dahil sa  pandidiri ko.
"Hahaha! Nagmukha ka ng clown sa etsura mo. Hehe! Masarap ba naloblob sa putik?" Tawang-tawang si Valirie ng makita ang mukha kong nabalot ng putik.
{Magdiwang ka pa?"} Mapait niyang sabi.
"Masaya palang paglaruan ang kagaya mong dating nasa taas pero ngayon nasa baba na, grabi noh! Ang bilis ng karma!" 
Salamat sa pagbabasa
Note: Hindi nagsasalita si Alysia dahil sa gamot na tinurok sa kanya naapiktuhan ang pagsasalita niya.

Komentar Buku (246)

  • avatar
    Jargo Hilot Alma

    Ang Ganda Ng kwento

    2d

      0
  • avatar
    EstradaRuenaMae

    nice story

    6d

      0
  • avatar
    Zairen Morales Villaflores Greño

    ganda

    13d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru