logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

This Ghost Is In Love With You (Tagalog)

This Ghost Is In Love With You (Tagalog)

Luna Margaret


1st Ghosting: Ashey Emerald Brown

PAGKAPARADA ni Ashey ng kotse sa harap ng bahay niya, sinilip niya sandali ang sariling cellphone na nasa dashboard bago bumaba, kanina pa kasi tunog ng tunog 'yon. Indikasyon na may nagtetext.
"Pag hindi mo pinasa sa sampung katao, mamamatay ka.." She rolled her eyes. Akala naman niya importante. Ang chain messages na 'yon ay hindi na tinigilan ng mga kung sino na walang magawa sa libreng oras at sa load. Isinuksok na niya sa bag ang cellphone pagkabasa niyon. Saka hinugot niya ang susi ng kotse at naghanda na sa pagbaba. Isang araw na naman ang natapos. Pagod siya pero, sa tuwing nakikita ang mga pinagpaguran, napapanatag siya. Aakalain ba ng lahat na ang isang tao na sa ampunan lumaki na tulad niya, hindi nakilala ang mga magulang at kaanak ay may sarili ng bahay, kotse at stable job with stable income na ngayon? Not to mention na buhay pa, kahit ni isa sa mga chain messages na natanggap ay wala siyang sinunod. Napailing siya sa tinakbo ng isip. Minsan talaga patola siya sa kalokohan. Makababa na nga at siya lang din naman ang maghahanda ng hapunan niya.
Natigilan siya at napakunot-noo, bukas kasi ang gate niya. Praning siya at paranoid na tao pero, sa pagkakataon na 'to, pinili niya na lang na balewalain 'yon at sa tagal naman niyang naninirahan do'n, zero crime naman ang subdivision nila. Baka nalimutan lang niya na i- lock kanina ang gate. Problema niya rin talaga ang pagiging makakalimutin, kaya nga ang susi ng bahay ay nasa ilalim ng pasó na nasa tabi ng pinto.
Hinubad lang niya ang blazer, binuksan ang TV, tinodo ang volume, saka nag- apron at hinarap ang kusina.
"Hmn.. a sunny side up egg with V-cut on it, will do.."
Ang stocks niya sa fridge at cupboard ay kakaunti na lang pala. She made a note, 'grocery day' with date, saka idinikit 'yon sa fridge para maalala na papaubos na ang food niya.
Dinurog na niya ang V-cut at inihalo 'yon sa itlog. Masarap ulamin 'yon, isa sa mga paborito niya. And besides, Itlog naman ang inang ulam ng lahat. Parang isang libro lang 'yan, you need to think of a twist. Para hindi ka manawa. Napangiti siya sa amoy ng itlog.
"Here we go.." Agad niya 'yong tinikman. Well, being an Introvert had advantage and disadvantage, tulad na lang ngayon, kahit pagod na ay siya pa rin ang maghahain at magluluto para sa sarili. Mas pinili niya na mamuhay mag- isa kahit kaya naman niyang magbayad ng isang kasambahay. Hindi siya kumportable sa mga tao. Hindi rin siya mahusay sa pakikisama. Kahit noon pa sa ampunan, wala siyang naging kaibigan. Sabi nila, isa siyang malaking weird na tao na naglalakad sa araw- araw, aloof and detached. Mysterious. Well, sumasang- ayon naman siya sa mga bagay na 'yon. Simple lang dahil, ang mga tao, napakahusay manghusga kahit sa inaraw-araw naman, mga nakatutok sa social media. May nag she- share ng bible verses, magshe- share ng quotes about being a judgmental etc, pero, hirap pa din na i-apply ng mga 'to 'yon sa mga sarili. Get the point?
"Ouch!" Nahiwa pa siya ng kutsilyo. No, hindi niya gagamitin o ginagamit ang kutsilyo na nakahiwa sa kaniya. Nagtataka na ibinalik niya 'yon sa kung saan nararapat nakalagay..
"Something's weird tonight.. bakit nakakalat ang kutsilyo na 'to rito sa lababo?" Pagkausap niya sa sarili. Pinatau niya ang kalan, hinubad ang apron at umakyat sa hagdan. Sisilipin niya ang k'warto..
"PWE!" Literal na dinuraan ng lalaki ang picture frame na hawak, bago niya ibalik 'yon sa mesa. Mesa na nakahilera ang mga picture frames na may litrato ng taong nakatira sa bahay na 'yon.
Ashey Emerald Brown. Morena, maliit ang mukha, bilugan ang mga mata.. magandang bata, ngunit ang mga mata ay puno ng misteryo. Mababakasan ng mga kalungkutan mula sa litratong may mga kasama na bata at mga madre, hanggang sa kasalukuyan. Siguro, naging malupit ang mundo sa dalaga. Base sa mga litrato na nakikita niya ngayon, wala itong pamilya.
"Kaya pala," naisaloob ng lalaki. "Wala kang pamilya, kaya hindi mo alam ang pakiramdam nang mawalan ng kapamilya." Kuyom niya ang mga kamao sa galit. Hindi niya kahit kailan nakalimutan ang atraso nito sa kaniya at sa pamilya niya.
KAILANGAN muna na ma- confirm ni Ashey kung may tao ngang pumasok sa bahay niya, bago siya tumawag sa hotline ng police. Because the last time she'd done that thing, pusa lang pala ang nagpa- praning sa kaniya. Nakakahiya. Nanlibre na lang siya tuloy sa mga kapulisan after that 'katangahan' of her.
Nasapo niya ang dibdib sa muling pag- vibrate ng cellphone niya. "Putsa!" Napamura talaga siya sa isip nang muling makabasa ng chain mesasages. Ayaw siyang tigilan nito, p'wes, tatawagan na niya! Nahinto siya at naupo sa punong-baitang bago i- dial ang numero ng makulit na estudyante.
"Adan.." Nasapo ni Ashey ang noo. Hindi niya dapat tinawagan 'to. Dapat block or mute na lang niya, p'wede naman. Tulad ng nakasanayan na niya. Sa sobrang kapraningan niya ngayon at hindi pa nakatulong ang nagsimulang pagkulog at pagkidlat sa labas ng bahay, ang pader na harang niya sa sarili ay natibag. Nahilamos niya ng palad ang mukha, ang mga estudyante niya talaga ang natatanging tao na nakakapagpababa sa depensa na hinarang niya sa sarili. Hindi na siya dapat magtaka.
"Cher? Hello po. Magandang gabi, why po?"
"Good evening, ahm, Adan. Listen, please do me a favor by stop sending me--" Hindi na naituloy ni Ashey ang sinasabi. Nanlaki ang mga mata niya nang mamataan sa peripheral vision niya ang isang anino na nasa k'warto..
"Hello, 'cher? teacher?" Dinig pa niya ang estudyante niya sa kabilang linya, pero, dineclined na niya ang tawag dito at nagmamadaling dinial ang numero ng police station na malapit sa subdivision na 'yon. Napapamura siya habang nagda- dial, tao pa din talaga siya at kandamali siya sa pagpindot ng numero sa sobrang kaba.
"Teacher Ashey," sarkastikong bati ng Intruder sa kaniya. Hindi niya ito makita sa dilim. Hindi niya pa kasi na- on ang ilaw. Na- dial niya ang numero ng police station ngunit hanggang ngayon, nagri- ring lang 'yon.
Papalapit na sa kaniya ang Intruder..
"The number you have dialed is not in service. Please try again later."
"Shit!" Walang hindi mapapa- shit sa sitwasyon na nakaambang kay Ashey ngayon. Papalapit na ang Intruder at malinaw na nakikita na ni Ashey ang hawak nito dahil, kasabay ng nagagalit na kidlat, kumislap ang talim niyon kanina. Isa sa mga knives niya! At magaling pumili ang Intruder-- no, killer--dahil ang napili pa nito ay ang kutsilyo na branded, nabunot niya 'yon sa monito, monita sa isa sa mga christmas parties sa school nila--Shun 8 Inches chef knife!
"Ikumusta mo na lang ako sa anak ko, 'pag nagkita na kayo sa Impyerno!" Patakbo siyang inundayan ng saksak nito sa t'yan. Hindi na muling nakakilos pa ang guro. Bumitaw na ang mga daliri sa hawak na aparato, na tinapakan ng killer upang madurog. Pinasan ng killer na parang sako ang guro. Sisilaban sana siya ang bahay, kasama 'to, kung nakisama lang ang panahon. Hindi na bale, mas madali niyang maitatapon ang bangkay ngayon na malakas ang ulan. Paniguradong walang katao-tao sa kalsada. Mas madali niyang maililigaw ang bangkay nito. Kailangan na niyang kumilos at, mahaba pa ang magiging byahe nila ni 'Cher Ashey.'
"Hmn, pinagluto mo pa talaga ang bisita mo 'cher," sabi ng killer, kausap ang bangkay ng sinaksak na guro. Inilapag niya ang bangkay ni Ashey sa isa sa mga upuan sa dining area ng bahay, hindi naman siguro masama na makikain na muna siya't hindi pa naman siya kumakain. Hinaplos muna ng killer ang buhok ng guro na dilat ang mata, umaagos ang sariwang dugo sa bibig, bago sumandok ito ng kanin at itlog na may V-cut na niluto ni Ashey kanina.
"Masarap Teacher Ashey, ngayon lang ako nakatikim nito." Magana itong sumubo hanggang sa maubos 'yon at inilagay sa lababo ang pinagkainan. Pinaagusan ng tubig, naisipan pa na maghugas kamay. Naghanap  muna ng ipapakandado sa bahay ang killer, saka muling binuhat si Ashey Emerald Brown at basta na lang sinalpak sa compartment ng kotse na pag- aari ng guro.

Komentar Buku (371)

  • avatar
    MoonEumi

    I love the flow of the story pati sumasakit na ulo ko kakaisip kung sino ung killer but I love it!❤️❤️

    10/01/2022

      1
  • avatar
    Rhea Sales

    Isang magandang istorya na kapupulutan ng aral. Nagsasabi na hindi dapat sa lahat ng oras ay magtiwala sa mga kakilala. Dahil sa kabaitan maaaring mapagsamantalahan.

    18/12/2021

      1
  • avatar
    Felicito Naguillen

    good

    23/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru