logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

5th Flash: The Beginning

Aina's POV:

"PUWEDE ka nang magsalita. Naririnig ka na ng papa mo," sabi ko sa bagong client ko ngayong araw na 'to.
Humiling sa'kin ang bagong kliyente na kontakin ko ang tatay niya dahil namatay raw 'to ng biglaan. As if naman na may patay na alam kung kailan susunduin ng kamatayan. Anyway, maganda ang bahay ng bago kong kliyente. Halatang may sinabi sa buhay. Nagugulat na lang ako talaga minsan kung saan pinagkukukuha ni Liam ang mga clients namin. Ito kasi ang namamahala sa mga bookings namin at tinatangay lang niya 'ko kung sa'n siya may nakasundo na client.
Sa kaibigan ko na si Liam din galing ang salitang client-- pina- sosyal pa. Raketera, budol at fake rin naman ang tingin sa amin ng ilan.
"Pa, sorry, gusto ko lang po na humingi ng tawad sa inyo. Biglaan po kasi kayong nawala sa'min," emosyonal na pagsasalita ng client ko habang nakayuko.
Ang kaluluwa ng tatay niya ay prenteng nakaupo sa tabi ko at nakikinig lang. Kung ibabase ko sa asta ng multo sa mga oras na 'yon, mukha namang hindi magkasundo ang mag-ama. Pero baka judgmental lang ako. Malay ko naman. Ang papel ko lang naman do'n ay bayaran na may kakayahan na makausap ang isang patay.
"Hihingi ako ng tawad sa'yo, Papa, kaya gusto kitang makausap. 'Yong 20k na hinahanap mo, ako ang kumuha."
Muntik na 'kong mahulog sa kinauupan ko sa narinig-- 20k! Pero bilib ako sa multo ng tatay nito at ni hindi na nagulat sa halaga na binanggit ng anak. Hindi na nagulat, nagsalita pa sa isip ko ang multo na nauunawaan daw nito ang nagawa ng anak niya.
"Nauunawaan ka raw ng papa mo."
"H--a? Pa, thank you!" Umiiyak na sabi ng client ko. Hindi ko lang sure kung true ang iyak at wala naman akong nakikita na luha sa kaniya. "Binigay ko po 'yon kay Fin. Tapos niloko lang niya 'ko. Nagsisisi ako pa, sorry talaga."
Ay, gaga!
"Magsisi ka raw talaga at katangahan mo naman daw 'yon." Tinginan silang lahat na apat na magkakaibigan sa'kin dahil sa sinabi kong 'yon. Pati si Liam na nasa tabi ko, 'mulagat sa'kin. "Ano? Sinabi ko lang naman ang sinasabi ng papa mo. 'Yan siya oh." Turo ko sa gawing kanan ko kung sa'n nakaupo ang multo ng tatay ng client ko.
Bumuntonghininga ako nang pagtinginan ako ng apat na babae na magkakaibigan, saka ko sinabi ang mahiwagang salita na katunayang hindi ako fake, "February 4, 1990 ka pinanganak, Brianna," sabi ko. Para manahimik silang lalo.
Hindi ko alam ang pangalan ng client namin ni Liam ngayon. Dahil si Liam nga ang kumokontak sa clients namin at hindi ako. Kanina naman ay agad kong nasagap ang kaluluwa ng tatay ni Brianna kaya hindi na nagka- chance na makapagpakilala kami sa isa't-isa. Hindi ko lalong alam ang birthday niya. Duh?
"Legit siya, Brianna..." Dinig kong bulong ng isa sa mga kaibigan ni Brianna.
"Sorry," sisinghot- singhot na paghingi ng sorry sa'kin ni Brianna. Tinanguan ko lang siya.
"Kung wala ka nang sasabihin pa sa papa mo, maaari ka na daw ba niyang layasan?-- 'Yon ang eksakto niyang sinabi," salo ko agad at baka sa'kin pa siya magalit.
Bilin din naman ng multo na sabihin ko 'yon, para malaman ng anak niyang tatay niya talaga ang nagsasalita.
"Sige na, bye na, Pa, sorry po talaga."
Tinanguan ko ang multo. Unti- unti na siyang naglaho sa paningin ko pagkatapos niyon. Nagpaalam ako sa kaniya gamit ang isip ko. "May pera pa raw siya sa bank. Lustayin mo na raw sa tama ngayon. Para raw hindi ka naman mukhang kawawa-- sabi ulit ng tatay mo."
"Thanks, Aina." Iyon na lang ang nasabi sa'kin ni Brianna, "Friend ko nga pala si Heidi, may sasabihin siya sa'yo."
"Tungkol?"
ILANG ULIT ko nang tinatawag sa isip ko ang multo na tinatawag ko sa kasalukuyan. Ngunit wala. Nangyayari talaga ang gano'n sa bibihira na pagkakataon. Lalo 'pag ang multo ay ayaw makipag- usap sa mga naiwan. Iyon nga ang tinatawag ni Liam na bokya. Bokya dahil wala kaming napapala 'pag gano'n, s'yempre. Pero usually naman mga pakipot lang ang multo kaya hindi ko rin sila tinitigilan. Pakipot sa una dahil may rason. Maaaring nagtatampo. Minsan na may multo akong tinawag na nagtampo sa mercy killing na desisyon ng pamilya sa kaniya. Kaya nga siya tinawag ng relatives niya ay para maipaabot ang pang- unawa. Tatlong araw pa bago nakipag- usap ang kaluluwang 'yon. Ang mahalaga naman sa'kin ay naayos ang dapat maayos noon.
Nagkakapera ako sa ganoon na trabaho pero naroon naman ang pagnanais ko na makatulong kahit papaano. Lalo at genuine naman ang isang relative na makausap ang patay na kaanak. Nasa ugali ko na nga rin na 'pag timutukan ko ang isang multo na ayaw makipag- usap, kinukulit ko talaga e, mostly 'yong mga ginagano'n ko ay ang mga multo na kahit ako mismo ay ninanais na makontak sila. Gut feel. Pero kung wala akong vibes talaga sa relatives, hindi ko pinipilit ang multo. Kailangan din nila ng respeto sa desisyon nila. Saka, kami na nga lang ang nang- iistorbo, kami na nga lang ang nakikiusap sa tahimik na nilang kaluluwa e.
"May naitabi ka ba na brush sa buhok ni Heina?" Tanong ko sa client ko na si Heidi.
"I'll check lang, wait."
"Anyare, sis?" Tanong sa'kin ni Liam pag- alis ni Heidi.
Nagtanong pa, alam naman niya ang sagot!
"Ayaw e," tipid kong tugon.
"Baka pagod ka na? Bakit kasi dumiretso pa tayo rito, kakatapos lang natin sa isa."
Totoo 'yon. Nang masaksihan kasi ni Heidi ang trabaho ko sa bahay ng kaibigan niya kanina, kinausap niya 'ko at nais daw kasi na makausap ni Heidi ang kapatid na nagpakamatay. Gina- grab ko ang lahat ng raket. Lalo pa at mukhang yayamanin din si Heidi. Kaya heto at pagkagaling sa bahay ng kaibigan niya, sa bahay niya kami lumipat. Dapat kasi sa bahay kung saan nanirahan ang isang patay ginagawa ang session. Well, hindi ko pa naman nasubukan sa ibang lugar. Pero feeling ko lang talaga, mas matatawag ko ang isang multo kung naroon ako sa bahay kung saan sila nanirahan para hindi na sila maligaw. Alam na nila ang daan pabalik, kumbaga at doon naman sila nakatira. Kabisado na nila. Pero naisip ko rin naman na minsan ay subukan sila sa ibang lugar. Na ako naman ang magpahanap. Speaking of, buti at hindi na naulit 'yong pinaghabol kami ni Bianca, tang ina. Kapagod 'yon. At huwag naman sanang mangyari ngayon sa amin dito sa kapatid ni Ms. Heide Yangco.
"Hindi. Alam mo naman, may mga multo talaga na ayaw makipag- usap." Hindi na 'ko nasagot ni Liam at dumating na si Heidi.
"Ms. Heidi, Hindi ko sigurado kung matatawag ko ang kapatid mo-- ngayon. Pero kung gusto mo, maaari naman sa ibang araw matapos kong subukan muli na tawagin ang kaluluwa niya sa pamamagitan nitong bagay niya." Tukoy ko sa hairbrush na inabot niya sa'kin.
"Sige, sige. Okay lang. Gusto ko lang naman talaga na malaman kung okay lang ba siya ngayon sa kinalalagyan niya at nagpakamatay kasi siya."
"Huwag kang mag- alala sa bagay na 'yan. Nagkaroon na kami ng kaluluwang tinawag na nagpakamatay rin at okay naman siya. Isa pa, liwanag din ang sundo nila.
"That, and I wanna know kung bakit siya nagpakamatay..."
Napabuntonghininga ako. Usually, sa ganitong eksena, naaawa ako sa mga relatives ng kaluluwa na iniistorbo ko. Pero ewan ko ba rito kay Heidi Yangco at bakit wala akong makapa na awa. Hay, wala naman na 'kong pakialam sa bagay na 'yon. Sabi nga ng kaibigan kong si Liam, aralin ko na huwag ma- attached sa nga cases ng clients namin. Tama ang kaibigan ko. Dahil the moment na ma- attached na 'ko, hindi maiwasan na nakakanti ang dating ako... mahina at iyakin.
"Wala e, ayaw talaga niyang pa- istorbo," muling sumusuko na sabi ko kay Heidi.
Kahit anong gawin kong concentration, wala talaga. Hindi nagpakita ang kaluluwa ng kapatid ni Heidi. Ayaw nitong makipag- usap 'pag gano'n. Wala sa mood o dahil hindi lang bet talaga, kasehodang kapatid pa ang nais kumausap.
"Sige. Okay lang."
"Puwede natin subukan ulit, bukas." Gumayak na 'ko sa pag- alis sa bahay ni Heidi.
Hindi ko pinipilit ang isang kaluluwa na ayaw makipag- usap. Hindi ko nakakalimutan na tao rin naman sila na may pinagdaraanan. Kung hindi ngayon, baka bukas o sa makalawa ay makipag- usap na rin 'to. Besides, mahalagang tao naman sa kaluluwa ang kapatid. Sigurado naman na kakausapin niya 'to. Unless... ah, kakasabi ko lang na hindi ako dapat ma- attached sa mga cases ng clients ko e. Ang trabaho ko lang ay maging tulay sa kanila ng mga namayapang mahal nila sa buhay. Periodt.
"Sige, looking forward, Aina. Salamat ah," magiliw naman na paalam ni Ms. Heidi sa'kin.
Maganda si Ms. Heidi at mapustura. Maganda ang tindig at pananamit. Ganda nga ng buhok e, full bangs na itim na itim at straight na lampas tainga lang ang haba.
"Bye, Ms. Heidi. See yah when I see yah!" Si Liam. Tinanguan at nginitian ito ni Ms. Heidi.
"Ahm, I guess, hindi ko na kayo maihahatid sa labas. May zoom meeting ako kasi..." Sinipat ni Ms. Heidi ang halatang mamahalin na relo niya na nasa bisig.
"Okay lang. Kaya na namin ni Liam, kahit medyo maliligaw yata kami sa laki nitong bahay mo," biro ko pa kay Ms. Heidi.
Totoo naman na malaki kasi ang bahay. Pupusta ako na hindi nagkikita halos sa loob niyon ang mga nakatira ro'n, 'yon ay kung may kasama sa bahay na 'yon ang dalaga. Mukha kasing wala. Mga katulong lang ang nakikita namin ni Liam kanina pa ro'n.
"Makiki- CR na rin ako pala, puwede ba?" Naalala ko na kanina pa pala 'ko naiihi.
"Yah, sure." Inutusan ni Ms. Heidi ang isang katulong na i- guide ako sa CR.
Sinabihan ko naman si Liam na hintayin na lang niya 'ko sa kotse namin na naka- park sa labas ng bahay.
Ang lawak ng hallway patungo sa CR. Elegante ang lahat sa bahay na 'yon-- mansion. Mas akma na tawagin 'yon na mansion. Sa laki ba naman at gara niyon.
Nang ituro sa'kin ng katulong ang direksyon pa- banyo, sinabihan ko siya na ako na lang mag- isa at kaya ko naman na. Baka sabihin pa ay dumagdag pa 'ko sa trabaho niya, nakakahiya naman. Kaso, gusto ko na yatang pagsisihan ang pagiging intrimitida at ang dami pala kasing pintuan para sa banyo!
Saan ka ba naman nakakita no'n? Jusko! Dito lang yata. Apat na pinto para sa banyo-- ni wala pang nakasulat kung saan ako dapat na pumasok ro'n.
Napakamot ako sa kilay tuloy. Bakit kasi apat? Dapat dalawa lang na pinto e, isa para sa babae, isa para sa lalaki. Saka bahay 'to, putsa! Bakit parang banyo sa sinehan naman ang porma? Dalawa ang pinto sa gawing kanan, dalawa rin ang nasa kaliwa. Sa'n ako papasok dito?...
Namilipit ako nang maramdaman kong hindi ko na kayang pigilan ang ihi ko.
"Shit!"
Ah, taragis, bahala na nga si Batman...

Komentar Buku (304)

  • avatar
    Jeian Aris Castro

    this game is so fan

    2d

      0
  • avatar
    Jadlac AnneJo

    I enjoy reading this..

    10d

      0
  • avatar
    April Abella Javier

    nice

    13d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru