logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 7 VII

Pagod na ako nang makauwi sa bahay bandang alas-nuwebe ng gabi dahil nakatayo lang kami ni Maica sa sinakyan naming bus mula Maynila hanggang Plaridel dito sa Bulacan. Paghiga ko ay nakita ko ang mga message ni Eli sa akin. Tinatanong kung nakauwi na raw ba ako at humihingi rin ng pasensya dahil medyo awkward daw siya sa unang pagkikita namin.
Gabi na pero abala pa rin siya sa pag-aayos ng mga lightings sa theatre performance nila kinabukasan, samantalang kailangan ko na rin matulog noon. Palagi talaga siyang maraming ginagawa at naiintindihan ko naman. Kahit hindi
kami nag-uusap nang madalas, pero ayos lang dahil busy rin naman ako. Nanalangin ako ng gabing iyon at sinabi sa Diyos na salamat dahil hinayaan Niya na magkita kami ni Eli. Pero tulad ng lagi at lagi kong sinasabi sa panalangin
ko, “Let Your will be done.” Kung para kami sa isa’t isa, sinasabi ko na Siya na ang bahala sa amin. Kung hindi naman, panalangin ko na maitigil na kung ano man ang mayroon kaming dalawa. Sa tuwing sinasabi ko ang mga ‘yon, nagiging payapa at mahimbing ako sa pagtulog.
Paggising ko nang umaga ay nagpasalamat ulit ako dahil nakaabot akong muli ng isa pang kaarawan sa buhay ko. Eighteen na ako no’n pero hindi naman ako nag-demand kila Mama ng magarang birthday celebration dahil alam ko naman na hindi nila kayang ibigay sa akin ‘yon. Madalas kapag birthday ko ay simpleng salu-salo lang sa bahay, o kaya ay humihingi ako ng pera para ipangkain ko at ng mga kaibigan ko sa madalas naming puntahan na milk tea shop na Apple
Tea ang pangalan.
Noong araw na ‘yon ay inakala ko na makakasama ko sila sa paglabas para mag-celebrate. Lagi naming gano’n ang ganap sa aming limang magkakaibigan tuwing kaarawan ng isa sa amin. Pero hindi ko alam kung ano ang nangyari sa mga kaibigan ko sa araw na ‘yon at bakit ako lang mag-isa sa Apple Tea. Umabot ako ro’n ng hanggang alas-siyete nang walang kasama. Wala ring ibang customer doon maliban sa ‘kin. Hindi ko p’wedeng sabihin na masaya ako dahil totoong malungkot kapag nangyayari ‘yong mga gano’ng pagkakataon. Mabuti na lang at nagkausap kami sa video call ni Mark. Siya lang ang nagsilbing kasama ko ng mga sandaling iyon kahit na malayo siya. October 11 sa parehong buwan nang magkaroon ako ng debate contest sa Marilao, Bulacan at isa si Mark sa mga kalaban ko. Sa totoo lang ay hindi ko naman siya pinapansin noong contest proper dahil walang ibang laman ang isip ko kung hindi kaba na lalo pang tumindi nang makita ko ang makakapal na dalang reviewer ng mga kasama ko habang ako, wala ni isang hawak na papel
para aralin.
Dalawang part ang debate na sinalihan ko. Una, kailangan naming mag-impromptu tungkol sa isang napapanahong isyu tulad ng same-sex marriage, usapin ng divorce bill, rice tarrification at kung ano-ano pa, o kaya naman ay tungkol sa mga usaping tumutukoy sa populasyon ng Pilipinas tulad ng abortion. Sa dami ng isyu ng bansa, hindi ko na alam kung ano ang dapat kong aralin sa mga oras na ‘yon kaya sa halip na mag-aral ay pilit ko na lang kinakalma ang sarili ko at idinadaan sa dasal ang iba pang mga bagay.
Isa-isang pupunta ang mga kasali sa contest doon sa loob ng mismong contest room kapag turn na ng bawat isa sa amin. Habang hindi pa kami natatawag ay naro’n muna kami sa waiting area. Abot ang kwentuhan ng mga kasama ko, samantalang wala akong kausap dahil hindi naman ako dumadaldal hangga’t hindi ako ang una nilang kakausapin. Narinig ko na pinag-uusapan ng isang babae at lalaki sa tapat ko ‘yong isang contest din na tinatawag na Technolympics. Naisip ko agad na doon nga pala sa school namin ginaganap nang mga oras na ‘yon ang nasabing contest, habang nandito naman ako sa ibang school para rin sa debate. Nagsalita ang lalaking naka-light blue long sleeve sa harapan ko.
“Tagasaan ka?” tanong niya sa akin. Pati pagsagot sa simple niyang tanong noon ay kinakabahan din ako.
“Taga San Ildefonso,” sagot kong matipid sa kaniya.
“Eh ‘di ba sa school n’yo ginaganap ‘yong Technolympics ngayon?”
“Oo.”
“Coach mo ba ‘yong kasama mo kanina? Parang magkamukha kayo eh.”
“Oo coach ko ‘yon. Magkamag-anak din kami. Recently lang namin nalaman.”
“Eh ano mo siya?”
“Tita niya ‘ko.”
Ganoon ang mga tanungan sa akin ng lalaking nasa harapan ko. Kinausap niya siguro ako dahil wala na sa tabi niya ang una niyang kausap na babaeng kulay itim at pula ang kulay ng attire. Ramdam ko sa sandaling ‘yon na may itatanong pa siya dahil akma na niyang ibinuka ang bibig niya, pero tinawag na siya ng teacher na facilitator dahil
number 8 siya noon at turn na niya para mag-speech.
Pagtayo niya sa kaniyang kinauupuan ay nakita ko kung gaano siya katangkad. Nasa 5’4 ang height ko, pero ang tantiya ko ay hanggang balikat niya lang ako.
Mabilis lumipas ang mga oras na iyon dahil sa kabang nararamdaman ko. Maya-maya pa nga ay tinawag na ako ng facilitator para sabihin na time ko na para sa speech. Nang tumayo ako ay sinubukan ko nang hubarin at iwan sa labas ng room ang lahat ng nararamdaman kong kaba. Pagpunta ko sa harap ng dalawang hindi katandaang lalaki at isang babaeng judge ng debate, walang anu-ano’y nagsalita ang isang lalaki at nagbanggit ng mga impormasyon tungkol sa mga krimen na nangyayari sa bansa.
Death penalty ang ibinigay sa aking topic. I had three minutes to explain my stand, kaya buong ingat ko ring binubuo sa likod ng isipan ko kung ano-ano ang mga sasabihin ko sa loob ng tatlong minuto. Ginawa kong confident ang sarili ko sa harap nila bago ako magsalita at pinilit na huwag manginig ang boses ko para hindi maging halata na kabado ako.
“If someone’s going to ask me why would I agree in death penalty, I will answer one thing, one word: justice. But if someone’s going to ask me why would I disagree in death penalty, I will answer two words: red tape.” Pagkasabi ko niyon ay dire-diretso pa rin ako sa pagsasalita kahit tila may piyestahang nagaganap sa dibdib ko dahil hindi ako sigurado kung “redtape” ba ‘yon o “red tape” nga. Basta ipinagpatuloy ko na lang ang impromptu ko para makaraos na rin.
Pagkatapos ng tatlong minuto ay tinanong ako ng mga judge patungkol sa mga pinagsasabi ko. Paano ko raw ba nasabi na maraming nagaganap na krimen sa Pilipinas, may ebidensya raw ba ‘ko. Confident akong sumagot sa kaniya ng kung ano-anong statistics tungkol sa mga pag-aaral na nakatala sa Global Impunity Index kahit hindi naman ako sigurado.
Nakatatlong tanong lang sila sa akin at sinabing ayos na raw iyon. Nang lumakad ako papunta sa mga kapwa ko contestant na tapos nang mag-present, parang hindi ko na maramdaman ang mga tuhod ko sa panginginig. Karamihan sa mga kasama ko ay nakaupo na sa kani-kaniyang p’westo. Random naman ‘yon kaya p’wedeng umupo kahit saan, pero hindi ko alam kung saan ako ro’n pupunta dahil masikip na.
“Upo ka oh,” ang sabi ng lalaking naka-blue na long sleeves sabay abot ng isang kulay brown na mono block sa akin.
Agad kong kinuha ‘yon at hindi man lang nakapagpasalamat sa kaba. Nilagay ko ‘yon sa harap at hindi sa tabi niya, saka ako bumagsak paupo ro’n. Kasama namin ang mga coach ng bawat contestant pero wala ro’n ang coach ko sa loob ng room. Hindi niya ako pinanood para raw hindi ako ma-pressure kapag nakita ko siya. Hindi ako mapakali at halatang-halata siguro sa mga kilos ko noon na kabado pa rin ako kahit tapos na ang first round.
“Ano ba huwag kang kabahan. Magaling ka kaya,” muling pagkausap ng lalaking nagbigay sa akin ng upuan. Na-appreciate ko naman siya sa pagbibigay sa akin niyon kaya kinausap ko na rin siya tungkol sa mga simpleng bagay.
“Anong strand mo?” tanong niya sa akin.
“GAS. Pero HUMSS talaga gusto ko, kaso wala n’on sa school namin. Ikaw ba, ano ang strand mo?”
“STEM ako eh.”
“Bakit ka nag-STEM?”
“Hindi ko nga rin alam kung bakit ako nandito eh.”
Bahagya akong natawa nang sumagot siya nang gano’n. Nakahahawa rin ‘yong ngiti niya dahil nakangiti lang siya habang nag-uusap kami, kahit wala naman talagang kangiti-ngiti. I must be honest that his smiles were really bright that you can automatically do the same just by seeing him that way. Plus the dimples on his cheeks. Killer smile, masasabi kong gano’n. Maganda rin ang timbre ng boses niya, malinis pakinggan at p’wedeng pang-DJ sa radyo, o by his looks, p’wede ring TV anchor.
Hindi pa kami tapos mag-usap nang dumating ang trainer ko at kumustahin ang presentation ko.
“Oh kumusta?”
“Okay naman po Ma’am.”
“Nahirapan ka ba?”
“Sakto lang po.”
“Eh ano ba topic mo?”
“Death penalty po.”
“Ayos-ayos. Na-practice natin ‘yon ‘di ba?” Tumango ako sa kaniya at tinapik-tapik naman niya ang balikat ko.
Iniintay na lang namin na matapos ang iba ko pang kasama sa presentation nila at mai-announce na ang winners. Mabait ang trainer ko sa debate na ‘yon. Noong grade 11 ako, sumali rin ako sa debate pero EDDIS pa lang, hindi na ako nanalo. Pagdating ko ng grade 12, ang sabi ko ay hindi na ulit ako sasali ro’n. Ayaw ko kasi talaga na nadi-
disappoint ko ‘yong mga taong naniniwala sa akin. Nang sabihan ko noon kay
Ma’am na ayaw ko na, hindi siya pumayag. “Kahit wala nang naniniwala sa ‘yo, maniniwala pa rin ako.”
Iyon ang mga salitang sinabi niya sa akin na naging dahilan din para mas pagbutihan ko. Dahil sa tiwala niya, nanalo ako as champion noong EDDIS, by God’s grace and for His glory. Na-realize ko kung gaano kaimportante ang mga taong tunay na naniniwala sa kakayahan mo, sa mga oras na pati ikaw ay hindi na nagtitiwala sa ‘yong sarili.
I am truly blessed for having people who trust in me because they are also the people who make me believe for more great things that God can do to me.

Komentar Buku (296)

  • avatar
    JunJun

    nice story

    14/06/2025

      0
  • avatar
    San BuenaventuraJemson

    thank you jsjsndidn

    29/03/2025

      0
  • avatar
    Zedel Fernandez

    Quality

    15/03/2025

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru