I was preparing myself on that morning of October 19. Tinutukso ako noon nina Maica at Jenica pero wala akong masabi dahil kinakabahan pa rin ako. I was wearing a gray dress, gray shoes and gray bag. Hindi ko naman pinlano ‘yon pero nagkataon lang talaga. Paglabas tuloy namin ng condo unit, gray din ‘yong sky. Hindi ko alam kung gray lang ba dahil uulan na, o dahil sobrang polluted doon kaya gano’n ang kulay. Ihinatid kami sa PUP ng Mama ni Jenica at babalikan na lang daw kami pagkatapos ng exam. Alam kong kausap na ni Maica noon si Eli at nagpaplano kung saan kami magkikita. Tumitingin-tingin din ako sa paligid dahil ayaw kong ma-surprise kung bigla nga siyang dumating dahil sa dorm siya noon nakatira malapit sa PUP, kaya sinabi sa akin ni Maica na papunta na raw si Eli, tutal ay malapit lang naman siya. Habang nasa loob ng campus, mahaba ang pila ng mga estudyante na kukuha ng exam at ni hindi ko nga alam kung saan kami pupunta ng mga kaibigan ko. Mabuti na lang at hindi nawawalan ng facilitator na nagsasabi kung saan kami dapat pumila. Inayos kami ng isang morena at magandang babae para maghanda papunta ng kani-kaniya naming assigned room. Mabuti na lang at halos magkakatabi lang kami sa linya ng mga kaibigan ko. Hindi rin nagtagal nang magpaalam si Maica at Jenica na pupunta raw muna sila ng banyo dahil naiihi na sila. Mas kinabahan ako dahil halata sa kanila na malapit na rin kaming magkita ni Eli. Pumapatak nang marahan noon ang ambon sa tapat ng West Wing sa PUP. Hindi na rin pala ako sigurado kung West Wing ba iyon, basta ‘yong building sa harap ng kulay puti at brown na chapel. Nakikita ko na may ilang sumisilong dahil takot sa kaunting ambon, pero may isang matapang na lalaki naman na wala talagang pinalampas na pagkakataon para tanungin kung ano ang pangalan ko. Hindi ko pinansin ang lalaking iyon dahil mas lumilipad ang isip ko sa tanong na nasaan na kaya si Eli. Pamaya-maya pa ay dumating na si Maica at Jenica mula sa banyo dahil nakita ko sila na palapit sa akin. Hindi ko alam ang emosyong mararamdaman at kilos na gagawin ko nang makita ko ang lalaking naka-light green shirt sa likod ni Maica. Dahan-dahan at nag-aalangan kami ni Eli na lumapit sa isa’t isa. Makailang beses din kaming kinuhanan ng picture ni Maica, ngunit ilang saglit lamang ay bumuhos ang malakas na ulan. Nagsitakbuhan at nagkagulo ang mga tao sa paligid namin. Kani-kaniyang diskarte kung paano makasisilong habang umuulan. Maging ang dalawa kong kaibigan ay nawala na rin sa aking paningin sa mga oras na iyon. Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag ang eksaktong pangyayari habang nakatayo kami ni Eli sa gitna ng ulan. Totoo pala ang pakiramdam na waring humihinto ang lahat sa paligid kapag nasa harapan mo na ang taong minamahal mo. Naguguluhan pa ako sa kung ano ang gagawin ko nang ilabas niya ang kaniyang payong at inakay ako papunta sa first floor ng building sa aming harapan. Pagdating doon ay nagsisiksikan ang mga estudyante. Nagkagulo na ang lahat mula sa maayos na pilahan. Nandoon pa rin si Eli sa tabi ko, habang tahimik lang ako at hindi alam man lang kung saang banda titingin. Hinawakan niya nang bahagya ang braso ko at sinabing “Totoong nandito ka na.” Parang hindi rin makapaniwala na nagkita na nga kaming dalawa. Tinanong niya ako kung uuwi na raw ba ako pagkatapos ng exam ko, at nang sabihin kong “Oo,” nakiusap pa siya na baka p’wedeng mag-stay pa ako ng isang araw. October 19 ng araw na iyon at kinabukasan ay 18th birthday ko na, kaya gusto niya rin siguro na huwag muna akong umuwi. Isa pa, member din siya ng isang theatre group sa PUP kaya gusto niya raw na mapanood ko ‘yong performance nila kinabukasan. Sinabi ko sa kaniya na hindi talaga p’wede dahil wala naman na akong matutuluyan no’n, kaya wala na rin siyang nagawa kung hindi pumayag. Habang kausap ko siya at naghihintay ang lahat na tumila ang ulan, nagkaroon ako ng pagkakataon na iproseso ang lahat sa isip ko. Kung paanong three years ago ay kausap ko lang siya sa chat, at sa pagkakataong iyon ay nasa harap ko na siya. Hindi man siguro bakas noon sa akin kung gaano ako kasaya, alam ng puso ko na gano’n ang nararamdaman ko. Ilang saglit pa ang lumipas ay nag-announce na ang facilitator upang bumalik na kami sa maayos na pila at makapunta na sa mga testing rooms ang examinees. Nagpaalam muna ako sandali kay Eli. Sinabi niya na iintayin niya raw ako hanggang matapos ang exam ko ng ala-una nang tanghali. Samantala, paalis na ako noon papuntang pilahan nang ilabas niya ang pulang bag at sambitin sa akin na, “Happy birthday!” I smiled not because I was happy for the gift, but because to me, it was a very wonderful moment. Nagpasalamat ako ro’n at tumalikod na rin dahil kailangan na ako sa pilahan. Pero ilang saglit pa ay nagulat ako nang hatakin niya ang dulo ng bag ko at sabay ng paglingon ko sa kaniya ang pagyakap niya sa akin. Hindi ko alam ang magiging reaksiyon ko no’n dahil nagsitinginan ang mga tao sa paligid namin. Bigla na lang din akong nahiya. Pagkatapos ng limang segundo ay agad niya rin naman akong binitawan at sinabing “Good luck! Galingan mo.” My heart was just overflowing with gratitude because I knew someone just right in front of me, do really love me. Sinabi ko sa sarili ko na pagbubutihan ko sa exam, para makasama ko na siya kapag nakapasa na ako sa PUP. Habang nagsasagot ako ng mga test paper noon ay hati ang isipan ko. Ang isa ay sinusubukang sagutin nang tama ang mga tanong, habang ang isang banda naman ng isip ko ay lumilipad kaiisip kung saan ba siya naghihintay sa akin. Palinga-linga rin ako sa paligid para namnamin ang polluted na hangin sa Sta. Mesa. Kahit kasi hindi sariwa ang hangin tulad sa probinsya, saya pa rin ang pakiramdam na nararamdaman ko. Sa halip na pakatutukan ko ang pagsasagot ay hindi ko pa rin napigilan na pagmasdan ang pagsayaw ng mga dahon sa puno na nasa labas ng testing room ko. Pero sinabi ko sa sarili ko na kailangan ay makapasa ako sa exam na ‘yon dahil pakiramdam ko naman ay sa PUP ako mag-aaral kung talagang maipapasa ko ‘yon. Dagdag din ‘yong saya sa tuwing iisipin ko na kapag doon ako nakapag-aral, malamang ay madalas ko na ring makakasama si Eli. Mapanonood ko na siya sa tuwing may performance ang theatre group nila, magkakasabay na kami kumain at hindi na rin ako maiinip na makita siya dahil magkalapit na kaming dalawa sa isa’t isa. Bawat pag-shade ng lapis ko sa answer sheet ay sinamahan ko ng dasal. Sinabi ko sa Diyos na ipasa Niya ako sa exam hindi lang dahil gusto ko. Ipasa Niya ako kung iyon ang makabubuti para sa akin.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
nice story
14/06/2025
0thank you jsjsndidn
29/03/2025
0Quality
15/03/2025
0Lihat Semua