logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Z

HERA's POV
"Positive... positive... positive and positive."
Isa-isang inilatag ni Cheon ang doseng pregnancy tests sa center table saka kami tinignan.
"Congratulations, Eun!"
"Tumigil ka, Cheon, kung ayaw mong tumaob 'tong ballpen sa noo mo." Kalmado kong banta kaya agad siyang napatakom.
Walang reaksyon ang bakla at nakatitig lang sa mga pregnancy tests. Sobrang putla niya pa't pawis na pawis.
"O tapos? What should we do then?" Tanong ni Soo pero walang imik si Jung.
Buti nalang talaga at kaming lima lang ang nadirito ngayon. Kapag kasi nagkataong kompleto sila, paniguradong gumuho na ang masyon sa sobrang ingay.
"Uhm... have you tried the ones I bought?" Tanong ni Jung tapos sinampal sarili niyang noo. "What am I even thinking. Now that we have these, the plans final. You, two, will get married."
Hindi naman na ako nagulat at aware akong ito 'yung mangyayari pero hindi parin ito maaari!
Pero kasi wala din akong choice! Hindi ko naman pwedeng ipalaglag nalang 'tong dala-dala ko. I can't kill an innocent child just to save my—our lives.
Umungol nalang bigla ang baklang katabi ko saka tinakpan ang mukha niya.
"Hyung, I can't do this! Isn't there any another way around?"
"Actually meron." Sabat ni Cheon kaya agad nabuhayan ng dugo ang bakla.
"T-talaga?!"
"That's if you can kill an innocent child." Dagdag naman ni Soo.
"I-I cannot do that." Bulong niya saka yumuko. "I'm sorry."
"You're one of the most loved members in our group, Eun. This will surely affect our group but, still, we won't abandon you because we can't." Lumapit si Jung sa kanya saka ginulo ang kanyang buhok. "We are one, remember? Problema ng isa, problema ng lahat."
"True that! And you'll be a father soon and besides, Hera is so pretty."
Napaangat ng ulo si Eun saka ako sinulyapan. "Ah~about that..."
"Potangina mo!" Pagmumura ko saka siya sinamaan ng tingin. "Bakit? Hindi ka agree? Ang ganda ko naman talaga, ah? Mabuti nga't sa akin ka mapupunta at hindi sa iba na magmumukhang lalaki kapag ipagtabi kayo!"
"So, dapat pa pala akong magpasalamat sayo, ganun?" Sarkastiko niyang tanong. Napaismid nalang ako.
"Well, yes."
"Kapal!"
"Kids!" Agad kaming natigilan nang sumigaw si Jung. "You're getting married soon. You should at least understand each other!"
"Stop reminding me, hyung! I think I'm about to pukeㅡaray!" Napahiyaw nalang siya nang hablutin ko ang isang pregnancy test at inihagis sa mukha niya. "Ugh! Kadiri ka!"
"Isa pang reklamo at ipapakain ko lahat ng 'to sayo!" Inirapan niya ako't umiwas ng tingin.
"Geez, Eun-ah! Don't stress Hera so much kung ayaw mong magkaroon ng basagulerang anak." Panginginis pa ni Cheon. Halatang badtrip na badtrip naman ang bakla at ang pula-pula na ng kanyang buong mukha.
"Nanununtok ako sa puson, Cheon."
"Mian mian!" Ngingisi-ngising sabi ni Cheon.
"Ugh! I should start planning for the wedding then." Aniya Jung saka na umalis. Sumunod din naman si Soo kaya kaming tatlo nalang ni Cheon at bakla ang naiwan.
"I hope it's a girl. Nakaisip na kasi ako ng magandang pangalan!" Saad na naman ng weirdong si Cheon. "Hyeun or Eura. 'Diba ang ganda—joke! Ito naman 'di mabiro."
Ngali-ngali niyang sabi sabay taas ng kamay nang tutukan ko siya ng isang pregnancy test.
"Isang kuda pa, Cheon. Hindi mo alam ang natapos ko!"
Napabusangot nalang siya saka nag walk-out.
Sabay nalang kaming napapabuntong-hininga ng bakla. Ayaw ko talaga siyang tignan at sobrang na-aawkward ako sa sitwasyon namin. Ugh! Sana hindi ko nalang inaway si Cheon huehue.
"What do we do then?" Rinig kong bulong niya pero hindi ko siya pinansin. Hindi ko po kasi alam ang gagawin ko, mga by!
Ang alam ko lang, napakyu ako kabente ng tadhana. Kinginough! Ano na'ng gagawin ko? Months from now, g-graduate na kami ng college and by then, lolo will make it public na kami na ang mamamalakad ni Jung sa kompanya ng aming pamilya. No one knows what will happen at hindi mawala-wala sa isip ko na baka sa mga panahong 'yon, mahanap na ako ng ibang clans.
Hindi ko alam ang mangyayari sa akin kapag dumating ang araw na 'yon. The History Z left is too impossible for me to handle!
Palihim kong sinulyap-sulyapan ang bakla sa tabi ko at sobrang galaw nito. Nakahawak lang siya sa pisngi niya habang kagat-kagat kuko ng matataas niyang daliri.
Tignan niyo nga naman, oo! Hindi nga pala talaga siya bakla. Isa siyang babaeng pinagkaitan ng perlas.
Napaismid nalang ako nang bigla siyang tumayo at naglakad pabalik-balik sa harapan ko.
"Na ottoke? Ottoke?" Paulit-ulit niyang sabi.
"Haist! Ano ba, bakla! Nahihilo ako sa pinaggagawa mo, eh."
Tinignan niya ako. "Pwede ba pabayaan mo nalang ako? Hihimatayin na ako, eh! Isa pa—ai~kkamchagya!"
Pareho kaming napatingin sa may entrance nang may biglang sumigaw.
"Holy heck!" Biglang namutla niyang sabi. "It's Nic!"
"DEKUUUUU!!!" Muli nitong sigaw kaya nawindang ang bakla.
Deku tawag niya kay Yohanne dahil sa green nitong hair kagaya nung bida sa My Hero Acamedy.
Bigla nalang siyang tumakbo papalayo pero bigla din'g pabalik saka mabilisang sinaklop ang lahat ng pregnancy tests sabay tapon sa ilalim ng sofa'ng kinau-upuan ko.
"Eun!"
"YES?!"
Napaimpit nalang ako ng tawa nang manigas siya sa kinatatayuan niya. Ramdam kong nasa likuran ko na ang girlfriend ni Yohanne pero mas ramdam ko ang mga mata nitong tumataob na sa likuran ko.
"Sino ka?"
At napansin pa talaga ako.
Napairap nalang ako at pabuntong-hiningang tumayo para harapin siya.
"Hye Ran Ji." Panimula ko't inilahad kamay ko sa kanya. "Sunho's cousin, Eun's fiancé."
"Fian--fiancé?" Naguguluhan niyang tanong.
Tumingin siya kay bakla ng nakatabingi ang ulo. Sinamaan niya lang ako ng tingin saka tumingin din kay Nic.
"A-ahh... yeah." Utal niyang sagot.
I don't know if it's just me or what but I saw a glint of sadness in Nic's eyes.
"H-hindi ko alam." Sabi niya habang pilit na ngumingiti.
"I-I haven't got the chance to tell you. B-busy ka kay kuya, eh."
Pansamantala siyang natigilan tas agad na ngumiti.
"Naku! Okay lang, ano ba. Hindi mo naman responsibilidad na i-share sa akin personal issues mo. Hindi mo naman kasi ako girlfriend, eh. Pinangakuan mo nga lang." Muli siyang ngumiti saka ako saglit na tinignan bago siya tumalikod at naglakad papaalis.
Hindi ako naka-imik sa nasaksihan ko. Tinignan ko si Eun at kumunot noo ko nang makita ko siyang sobrang lungkot to the point na hindi ako nakaiwas ng tingin nang balingan niya ako at pekeng ngumiti.
"I hope this helped you understand my stead. Hindi lang ikaw ang nahihirapan."
We fell into complete silence until Yohanne suddenly stepped in the picture pero wala parin sa aming dalawa ang nagsalita.
Tinignan niya nalang kami at ang mga pregnancy tests na nakausli sa sahig. I think hindi naman 'yon nakita ni Nic.
I heard Yohanne sigh. "She deserves to know the truth." Mahina niyang sabi.
Yumuko si Eun saka tumalikod at naglakad din papalayo, the opposite way Nic took.
Hindi ako nakaimik ni magawang magtanong man lang kay Yohanne.
"I guess by now, you already realized Nic isn't really my girlfriend, right?"
Tumingin ako kay Yohanne. "I know, I can see through your actions, as well as Eun having feelings for her, but I didn't know it's mutual."
"They always care for each other, but as public figures, we are almost not allowed to do things we want. Hera, I know I am not at place to ask you this, but please help him ease the pain he's feeling."
Ilang oras na ang lumipas pero hindi parin mawala-wala sa isip ko ang mga sinabi ni Yohanne kanina. Ni hindi man nga lang niya ini-made clear ang gusto niyang mangyari.
I mean, I know the point but I want to know the whole story nang malaman ko kung ano ang pwede kong maitulong.
Sabi niya kasing masmagandang si Eun ang mag open up sa akin. Paano ko naman 'yon gagawin, ni hindi nga kami magkasundo-sundo ng gagu.
Sobrang gulo talaga ng isip ko. Hindi ko mailagay sa tamang lugar ang mga ito.
I closed the car's door and stared blankly for a second.
"AY! KENGENA!" Pagmumura ko nang aksidente kong mahampas 'yung busina. Manibela naman talaga 'yung hahampasin ko, eh. Panira ng drama 'yan. Mygosh!
Napatalon nalang tuloy sa gulat 'yung mga katulong sa labas. Napaikot nalang ako ng mata saka pinaandar ang kotse ko. I want to spend my time somewhere para makalimot or baka masmaganda kung ibangga ko nalang 'tong kotse sa poste sa labas nang mamayapa na ako?
Masmaganda talaga 'yong second suggestion pero sayang naman kagandahan ko kung gagawin ko 'yon so, naisipan ko nalang na pumunta sa isa sa mga rest houses ni lolo. Okay naman sana ang byahe ko hanggang sa mamataan ko ang isang itim na kotse na panay ang sunod sa akin.
I tried taking other routes for many times to confirm and yes, that car is indeed tailing me!
Nagsimula na akong kabahan nang mapansin kong padilim ng padilim ang daan. Sa kaka-change ko kasi ng route hindi ko na namalayan kung saan na ako napunta at dahil sa kaba ko, hindi ko na naisipang mag-check ng google map.
I immediately sent dad an SOS which made him call a minute after.
"D-dad! I need help now p-please!" Nanginginig kong saad.
Hawak-hawak ko nalang din phone ko't wala na ako sa tamang pag-iisip.
"I've already sent back-ups, sprout!. They're going to be there in 600 seconds!"
Napakunot noo ko sa sinabi ni daddy. 600 seconds is more than enough to cook an instant noodle, eat and do the dishes! Saka lang ba sila dadating kapag huli na?
Sa kakaisip ko sa pwedeng mangyari, sa kasamaang palad, hindi ko na namalayang napadpad na pala ako sa makulimlim na kalye at nakasunod parin ang kotse sa akin.
Pasikip ng pasikip ang daan hanggang sa may humarang na kotse sa harapan ko kaya agad kong naihinto ang sasakyan.
Lumingon ako at tumigil din 'yung nakasunod na sasakyan ilang metro sa kinalalagyan ko. Napatingin ako sa relo ko. 300 seconds left at sa loob ng mga segundong ito, pwede parin akong mamatay kapag hindi ako kumilos!
May lumabas na dalawang lalaki mula sa kotseng nakasunod sa akin kanina at dalawa rin sa kabila. Nakasuot ito ng black suit na may dragon at lizard na badge.
They're from X's clan: Draco and Lacerta!
"I-I've been cornered, dad! What should I do?!"
I heard him hiss through the other line, "l-let her take over."
"What?! NO!" Sigaw ko.
"Please, Hye Ran! I can't lose you, too!"
"You'll still lose me, d-dad! If she takes over, h-hindi ko alam kung makakabalik pa ba a-ako."
I didn't hear what dad said and cringed when something banged on the roof of my car. I looked up and my eyes widened when I saw two sharp blades embedded just inches above my head.
"D-dad, helppppp!" I screamed as I threw myself at the back seat. Two masked men then jumped in front of my car and started banging the windshield.
"Daddd!!"
Hindi ko na napigilang hindi mapaiyak sa takot lalo na't hindi ko na naririnig si daddy sa kabilang linya.
"Dad! Dad! WHERE ARE YOU?! HELP ME AHHHHH!!"
Tili ko nang mabasag ang windshield sa likuran ko't may pares na kamay ang humila sa buhok ko't ikinaladkad ako papalabas dahilan para mabitawan ko ang phone.
Napakagat nalang ako ng labi nang maramdaman ko ang mga naiwang basag na salamin sa windshield na tumaob sa likuran ko.
Hindi pa ito nakuntento't inihampas niya pa ako sa daan dahilan ng pagkabagok ng ulo ko.
I curled on the ground in too much pain as I felt blood creeping from my head down to my temples.
"Don't be too harsh on her!"
Rinig kong sabi ng isa sa kanila. May sumagot pa't hindi ko na alam kung sino. I don't even have any idea what they were talking about. Umiikot paningin ko.
"She's just the daughter—" napakurap-kurap ako nang marinig ko 'yon ng maayos.
Bagama't nahihilo, pinilit kong dumilat and saw five men surrounding me. I can't tell who they are since they are all wearing masks but I have this feeling inside of me, running after my veins, which tells me na kilala ko sila. This must be Z's instincts.
I can feel her switching with me!
Napapikit nalang ako't dahan-dahang hinimas ang tiyan ko.
"I-I'm so sorry I put you in this kind of situation." I mentally whispered, wishing the growing angel inside my womb could hear it.
"I wish I could still meet you, I wish I could still hear your first cry: your first word. I wish I could still hug you and kiss you when you fell down on your first steps. I wish I could still watch you grow..."
I felt tears streaming down my cheeks as droplets of rain gently tapped my bare face.
"I wish I could do everything with you... but at this point of time, I must give up all of those dreams to save you..."
"Save her..." I whispered as darkness devoured the thin threads of light I was holding onto.
* * *
IRENE'S POV
600 hundred seconds.
My lips thinned the moment I stepped out of the car. The rain is too heavy yet a figure of a woman can still be seen standing in the middle of a puddle stained with fresh blood from the dead bodies surrounding her.
I looked at my companions and none of them made any move. They were all hiding behind the car doors for the love of—!
She's only looking up the hazy dark sky, letting the rain rinse the remaining blood smeared on her face.
I swilled.
This demonic aura—it's Z.
I sighed and decided to approach her by myself. I was still on my fifth step when she tilted her head towards my direction without even bothering to move her head down.
She even have this straight face and blank stare. This scene is so nostalgic!
"Lady Hera?" I intoned, trying to reach the person I came here for.
I stopped when she averted her gaze and tore a part of her cloth and used it to cover her face. She only glanced at me before walking away.
"Do your job clean, L." She whimpered just enough for me to understand what she said.
My lips parted as I held my head down.
"Yes, Z."

Komentar Buku (32)

  • avatar
    AguerroSania

    Yong humor talaga miss ma'am. Grabe ang galing

    11/02

      0
  • avatar
    GucciTikboy

    nice

    04/02

      0
  • avatar
    Fernandez CabasagVheami Whej

    its so nice

    27/11

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru