Lucian’s POV Bawat hakbang patungo sa SSG Office ay tila may bigat ng kadena. Sa likuran ko, naririnig ko ang marahang paghakbang ni Celeste. Hindi siya nagsasalita, isang bagay na hindi ko nakasanayan. Ang kaniyang katahimikan ay mas nakakabingi kaysa sa kaniyang mga asar. Pagpasok namin sa opisina, agad kong ni-lock ang pinto. Ibinaba ko ang itim na envelop sa mesa. Parang may sariling buhay ang papel na iyon, nanunuya sa bawat desisyong ginawa ko para panatilihing "malinis" ang aming pangalan. "Lucian, buksan mo na," basag ni Celeste sa katahimikan. Nakatayo siya sa tapat ng mesa, ang kaniyang mga kamay ay nakakuyom sa gilid ng kaniyang palda. "Ayoko nang maghula. Ayoko nang maglakad sa dilim." Tumingin ako sa kaniya. "Handa ka ba sa kung ano ang lalabas dito? Dahil kapag nalaman natin ang totoo, wala nang balikan, Celeste. Hindi na tayo pwedeng bumalik sa dati." "Anong 'dati', Lucian? 'Yung naglolokohan tayo na 'rules' lang ang mahalaga? 'Yung pinapatay natin ang sarili natin dahil sa maling akala?" Tumawa siya nang mapait, pero may luhang nangingilid sa kaniyang mga mata. "Just open it." Huminga ako nang malalim at dahan-dahang binuksan ang seal. Inilabas ko ang mga dokumento. May isang lumang certificate mula sa Vane-Conrad Foundation at isang selyadong DNA analysis na may petsang bago pa kami ipanganak. Habang binabasa ko ang bawat linya, naramdaman ko ang paghinto ng mundo ko. Ang Project Chimera ay hindi lamang tungkol kay Cain Vane. Ito ay tungkol sa succession. Ayon sa dokumento, si Alexander Vane ay nagkaroon ng tatlong anak: si Azy (na inampon ng mga Himura) at sina Cain at Julian (ang experiment). Ngunit, may isang twist na itinago si Viktor Romanov. Si Cain Vane ay baog. Ang kaniyang anak na si Celeste—ay hindi niya biological na supling. "Ano ang nakasulat?" bulong ni Celeste, lumapit siya para tingnan ang papel. "Celeste..." nanginginig ang boses ko. "Si Cain Vane... hindi mo siya tunay na ama. You were adopted from a different branch of the family tree—isang sangay na walang kinalaman sa biological line ni Mommy. I’m sorry but you were a replacement for a child Cain lost. Tama siguro ang mga sinabi ni Viktor." Nabitawan ni Celeste ang hawak niyang bag. "Ano? So... si Papa... hindi ko siya tatay?" "Hindi," pagpapatuloy ko, binabasa ang huling bahagi. "At ako... si Azy Himura-Conrad ang tunay kong ina. Ibig sabihin, ang dugo ni Alexander Vane ay nasa akin, pero wala sa 'yo." Nanatiling tahimik ang silid. Ang rebelasyon ay parang isang pagsabog na nagpabago sa buong landscape ng aming buhay. Ang pader na naghihiwalay sa amin—ang pader ng pagiging "magkadugo"—ay gumuho sa isang iglap. Hindi kami magpinsan. Hindi kami magkadugo. Ang lahat ng guilt, ang lahat ng pag-iwas, ay para sa wala. Celeste’s POV Hindi ako makahinga. Ang pakiramdam ay parang nalulunod ako sa gitna ng tuyong lupa. Sa loob ng ilang taon, dala-dala ko ang bigat ng pagiging isang "Vane," ang sumpa ng dugong akala ko ay nananalaytay sa akin. Iyon ang dahilan kung bakit ako naging rebelde, kung bakit ko sinisira ang sarili ko—dahil akala ko, wala na akong pag-asa sa lalaking mahal ko. Tiningnan ko si Lucian. Nakatayo pa rin siya roon, hawak ang papel, ang kaniyang mukha ay blangko pero ang kaniyang mga mata ay sumisigaw ng emosyon. "So..." boses ko ay halos pabulong na lang. "Lahat ng ito... panlilinlang lang?" "Para protektahan ang inheritance," sagot ni Lucian, ang boses niya ay puno ng poot. "Alexander Vane wanted a pure line. If people knew you weren't biological, the Vane-Conrad Empire would crumble. Ginamit nila tayo, Celeste. Ginamit nila ang takot natin para kontrolin tayo." Humakbang ako palapit sa kaniya. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. "Lahat ng hirap natin, Lucian... 'yong gabi sa cabin, 'yung pag-iwas mo sa akin... lahat 'yon, dahil sa isang kasinungalingan?" Dahan-dahan niyang ibinaba ang papel. Tumingin siya sa akin, hindi bilang isang President, hindi bilang isang Conrad, kundi bilang ang lalaking matagal nang naghihintay na mahawakan ako nang walang takot. "Celeste..." sambit niya. "Huwag mong sabihin ang pangalan ko na parang naaawa ka sa akin," bulyaw ko, hinahampas ang dibdib niya. "Saktan mo ako, disiplinahin mo ako, pero huwag mong sabihing nagdusa tayo para sa wala!" Hinuli niya ang aking mga kamay. Mariin. Mainit. "Hindi tayo nagdusa para sa wala. Dahil ngayon... wala na akong dahilan para pakawalan ka." Inilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. Nararamdaman ko ang kaniyang hininga. Walang rules. Walang apelyido. Walang bawal. Pero bago pa magdikit ang aming mga labi, isang malakas na alarm ang tumunog sa buong campus. Lockdown. Mabilis kaming napatingin sa monitor ng CCTV sa office. Nakita namin ang mga itim na sasakyan na pumasok sa main gate. Mga lalaking naka-uniporme, armadong hindi ng ballpen kundi ng armas. "Viktor..." bulong ni Lucian. "He didn't come here just to give the papers. He came to collect the impostor." Lucian’s POV Agad kong hinila si Celeste sa likod ng aking desk. Ang slow burn na akala ko ay matatapos na sa isang halik ay biglang naging isang survival game. "Viktor Romanov is not just a lawyer," sabi ko habang binubuksan ang secret compartment sa ilalim ng desk ko—isang bagay na itinuro sa akin ni Papa Cyprus para sa mga ganitong sitwasyon. "He's the cleaner. At ngayong alam na natin ang totoo, we are a threat to the stability of the foundation." "Anong gagawin natin?" tanong ni Celeste, bakas ang takot sa kaniyang boses pero nandoon pa rin ang kaniyang tapang. Kinuha ko ang isang radio unit at isang maliit na device. "Gagawin natin ang hindi nila inaasahang gagawin ng isang President at ng isang rebelde." "Ano?" Tiningnan ko siya nang diretso sa mata. "We're going to burn their agenda to the ground." Hinarap ko ang monitor. Nakita ko si Viktor na naglalakad sa hallway, papunta sa opisina ko. Ang kaniyang ngiti ay mas nakakatakot kaysa sa kahit anong baril. "Prepare yourself, Celeste. Ang private agenda ko? It's no longer about discipline. It's about war." Ang tunog ng alarm sa buong campus ay tila isang babala—hindi lamang laban sa mga tauhan ni Viktor, kundi laban sa nararamdaman ko. Hinawakan ko ang braso ni Celeste at hinila siya patungo sa secret emergency exit sa likod ng SSG Office. Ito ay isang makitid na daanan na patungo sa underground maintenance tunnels ng university. "Lucian, sandali!" pigil ni Celeste habang pababa kami ng hagdan. "Bakit tayo tumatakbo? Nalaman na natin ang totoo! Hindi tayo magkadugo! Pwede na tayong—" Huminto ako at humarap sa kaniya sa madilim na pasilyo. Ang tanging liwanag ay ang pula at kumukurap na emergency light. "Pwede na tayong ano, Celeste? Maging tayo? Sa tingin mo ba ganoon kadali 'yon?" ang boses ko ay puno ng pait. "In the eyes of my parents, you are my cousin. In the eyes of the law, we are Vanes and Conrads. Kapag nalaman nilang may namamagitan sa atin, iisipin ng buong mundo na nabaliw na tayo. Our families' reputation will be dragged through the mud. Tangina, ilang gabi ko 'tong pinag-isipan dahil alam kong may araw na malalaman ko ang totoo." "So, reputation pa rin? Ano iyong sinabi mong hindi mo na ako papakawalan?!" sigaw niya, ang boses niya ay umalingawngaw sa tunnel. "Hanggang kailan ka ba matatakot sa sasabihin ng iba? Lucian, we are free!" "We are not free," mariin kong sabi. "We are targets. Viktor is here because the moment we step out of the 'cousin' label, the inheritance shifts. Ang proteksyong ibinibigay ng apelyido natin ang tanging dahilan kung bakit hindi tayo pinapatay nina Viktor noong bata pa tayo. The lie kept us safe." Napatigil siya. Nakita ko ang sakit sa kaniyang mga mata. Ang saya na nakita ko kanina ay napalitan ng isang malalim na realisasyon. "Kaya kahit hindi tayo magkadugo... kailangan nating panindigan na magpinsan tayo?" bulong niya. "Para sa kaligtasan mo... oo," sagot ko, pilit na hindi tinitingnan ang kaniyang labi. "Kailangan nating ibaon ang nararamdaman natin, Celeste. Mas malalim pa sa pagkakaibaon ng katotohanan." Celeste’s POV Para akong sinampal ng reyalidad. Ang lalakeng ito—ang lalakeng akala ko ay magliligtas sa akin mula sa kalungkutan—ang siya ring magpapakulong sa akin sa isang kasinungalingan. "You're a martyr, Lucian Alexander. At nakakasuka 'yan," sabi ko, tinatabig ang kamay niya. Nagpatuloy kami sa paglalakad sa tunnel. Ang lamig at amoy ng lumang bakal ay tila sumasabay sa nararamdaman ko. Pagdating namin sa dulo, lumabas kami sa isang liblib na bahagi ng parking lot, malayo sa Admin Building kung nasaan ang mga tauhan ni Viktor. Isang itim na sasakyan ang biglang huminto sa harap namin. Bumaba ang bintana at nakita ko ang isang pamilyar na mukha. "Get in. Now," utos ng lalaki. "Tito Thorn?" gulat na sabi ni Lucian. Sumakay kami sa loob. Ang bilis ng pagpapatakbo ni Thorn, tila ba nakikipagkarera sa kamatayan. "Ang Papa mo... nalaman niyang nahanap kayo ni Viktor," sabi ni Thorn habang nakatingin sa rearview mirror. "Lucian, Celeste, kailangan ninyong magtago. Pero bago ang lahat, kailangan ninyong mangako." "Pangako para sa ano?" tanong ko. "Pangako na anuman ang nalaman ninyo ngayon sa university, mananatili itong sikreto. Hindi niyo pwedeng sabihin kahit kanino na hindi kayo magkadugo," seryosong sabi ni Thorn. "Bakit pati kayo, kailangang itago 'to?" tanong ko, naiiyak na ako sa inis. "Dahil ang katotohanang 'yan ang mitsa ng isang digmaang hindi pa ninyo kayang harapin," sagot ni Thorn. "At ikaw, Lucian... bilang susunod na head ng pamilya, kailangan mong unahin ang tungkulin kaysa sa puso. Alam mong mali ang iniisip mo para kay Celeste sa mata ng lipunan." Tumingin ako kay Lucian. Inaasahan ko na lalaban siya. Inaasahan ko na sasabihin niyang hindi niya kaya. Pero nanatili siyang tahimik, ang kaniyang panga ay nakadikit, at ang kaniyang mga mata ay nakatingin lang sa kalsada. "I promise," mahinang sabi ni Lucian. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi na lang ito tungkol sa pagnanasa. Ito ay naging isang sumpa. Lucian’s POV Dinala kami ni Thorn sa isang safehouse sa labas ng siyudad, isang lumang rest house na pag-aari ng mga Conrad. Dito muna kami habang hindi pa malinis ang university mula sa mga tauhan ni Viktor. Isang kwarto lang ang may ayos na higaan. Isang maliit na kama sa gitna ng silid. "Dito muna kayo," sabi ni Thorn bago lumabas at magbantay sa gate. "Magpinsan naman kayo, kaya walang malisya." Ang salitang 'magpinsan' ay tila isang kutsilyong humihiwa sa amin habang nakatayo kami sa gitna ng kwarto. "Anong gagawin natin, President?" pang-aasar ni Celeste, pero ramdam ko ang pait sa kaniyang boses. "Matutulog tayo sa iisang kama? Ang magkadugo?" "Huwag ngayon, Celeste. Pagod ako," sabi ko habang tinatanggal ang aking necktie o kurbata. "Pagod ka nang magpanggap o pagod ka nang pigilan ang sarili mo?" lumapit siya sa akin, hinawakan ang butones ng polo ko. "Nandito tayo sa dulo ng mundo. Walang nakakakita. Walang publiko. Isang gabi lang, Lucian... kalimutan nating magkamag-anak tayo." Hinawakan ko ang kaniyang kamay, pinipigilan siya. Ang init ng kaniyang balat ay nagpapaalab sa apoy na pilit kong pinapatay. "Hindi ko kaya, Celeste," bulong ko. "Dahil kung gagawin natin 'to, hinding-hindi ko na mapapatawad ang sarili ko. Hinding-hindi ko na magagawang tingnan si Papa sa mga mata." Binitawan ko siya at humiga ako sa sahig, gamit ang aking blazer bilang unan. "Diyan ka sa kama. Dito ako." Narinig ko ang kaniyang mahinang paghikbi habang nahihiga siya. Ang bawat sentimetro ng distansya sa pagitan namin ay tila milya-milya. Ito ang pinakamahirap na bahagi ng aming kwento—ang alam naming pwede, pero pinipiling hindi, dahil sa bigat ng aming pangalan.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
try koto
14/02
0wow ang ganda ng sotry
12/02
0Lihat Semua