Celeste’s POV Nananatili akong nakakulong sa pagitan ng mga bisig ni Lucian. Ang kaniyang bango—isang halo ng sandalwood at ang lamig ng gabi—ay tila sumasakal sa aking katinuan. Gusto ko siyang itulak, pero gusto ko ring mas lalong lumapit. Ang kaniyang mga mata ay tila naglalaban: ang disiplina ng isang Conrad laban sa pagnanasa na hindi mapigilan. "Bitawan mo ako, Lucian," bulong ko, pero hindi ako gumagalaw. "Sabi mo mag-aayos tayo ng materials. Authority mo 'to, 'di ba? O baka naman ang 'Private Agenda' mo ang sinusunod natin ngayon?" Dahan-dahan siyang bumitaw. Ang kaniyang paghinga ay mabigat, tila ba nagtatakbo siya ng ilang kilometro. "Ayusin mo na 'yan. I’ll be outside. Huwag kang lalabas hangga't hindi tapos ang bawat folder." Padabog niyang binuksan ang pinto ng cabin at lumabas sa kadiliman. Naiwan akong mag-isa, nanginginig ang mga kamay at punong-puno ng frustration. "Bwisit na lalakeng 'to. Napaka-unpredictable," maktol ko habang binabaling ang atensyon sa mga tambak na folder sa mesa. Mali yatang pagsama kaming dalawa sa ganitong lugar. Mali rin yatang nagpapapansin ako sa kaniya noong una. Nagsimula akong mag-sort ng mga papeles—attendance sheets, activity guides, at student profiles. Pero sa ilalim ng isang makapal na folder ng Social Science Department, may isang envelop na kulay brown. Wala itong label, tanging isang seal lang na may tatak ng Vane-Conrad Enterprises. Dahil likas na mausisa at sadyang rule-breaker, hindi ko napigilan ang sarili ko. Binuksan ko ang envelop. Sa loob ay may mga luma at dilaw na dokumento. Hindi ito tungkol sa eskwelahan. Isa itong Private Investigation Report. Nakita ko ang pangalan ni Cain Vane at Azy Himura Conrad. Pero ang mas kumuha ng atensyon ko ay ang isang graph na nagpapakita ng lineage ng pamilya. May mga red marks sa mga pangalan. Nakasulat sa gilid sa sulat-kamay ni Lucian: "The Biological Discrepancy." Binasa ko ang huling pahina. Ang report ay tungkol sa DNA results mula sa isang lumang laboratoryo sa Russia. Ayon sa dokumento, si Cain Vane ay hindi isang natural na kapatid, kundi isang genetically modified clone na kinuha mula sa DNA ni Alexander Vane, ang tatay nila Cain Vane at Azy Himura, pero may mga binagong sequence. At ang mas nakakagulantang? Ang anak ni Cain ay hindi direktang kadugo ng pamilya Vane sa paraang iniisip namin. Himura is just a surname. Walang kinalaman sa amin ni Lucian iyon. Ito... Itong Vane. Punyeta. "Ano 'to?" bulong ko. "Hindi kami magkadugo sa paraang sinasabi nila?" Napatigil ako nang marinig ang pagbukas ng pinto. Mabilis kong itinago ang dokumento sa loob ng aking hoodie, pero huli na. Pumasok si Lucian at agad na napansin ang gulo sa mesa at ang hawak kong brown envelop. Lucian’s POV Ang balak ko lang ay kumuha ng tubig, pero ang nadatnan ko ay ang kinatatakutan ko. Nakita ni Celeste ang mga papeles na hindi dapat makita ng kahit sino—lalo na niya. Iyon ang mga dokumentong gabi-gabi kong pinag-aaralan, ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog dahil sa pag-asa na baka... baka hindi kami magkasalanan. "Ibigay mo sa akin 'yan, Celeste," malamig kong sabi, pero may halong kaba sa aking boses. "Ano 'to, Lucian?" itinaas niya ang envelop. "DNA reports? Biological discrepancy? Bakit may ganito ka? Bakit mo iniimbestigahan ang sarili nating pamilya?" "Hindi mo naiintindihan. Ibigay mo sa akin 'yan. It’s confidential!" hakbang ko palapit sa kaniya. "Hindi ko naiintindihan? O ayaw mong maintindihan ko na baka niloloko lang natin ang mga sarili natin?" sumigaw na siya, ang kaniyang mga mata ay nagsisimulang mangilid ang luha sa galit. "Sinasabi sa report na 'to na si Cain Vane ay hindi 'tao' sa normal na paraan. Na ang koneksyon natin ay isang kasinungalingan ng nakaraan! Lucian, kung hindi tayo tunay na magpinsan, bakit kailangang magdusa tayo nang ganito?! E, alam nating dalawa na una palang, hindi lang tayo ganito!" Hinablot ko ang envelop mula sa kamay niya at itinapon ito sa mesa. "Dahil hindi pa sigurado! It's just a report from a defunct lab! Hangga't walang matibay na ebidensya, Vane ka at Conrad ako. We carry the sins of our parents, Celeste. Azy Himura Vane-Conrad is my mother! And you have Vane surname! At hindi ko hahayaang masira ang buhay mo dahil lang dito?!" "You're a coward!" bulyaw niya. "Natatakot ka lang na kapag nalaman mong hindi tayo magkadugo, wala ka nang idadahilan para itulak ako palayo! Mas gusto mo pang maging malinis ang image mo kaysa harapin ang totoo kasi ganito ako!" Sa sobrang galit at emosyon, sinampal ako ni Celeste. Ang tunog ng kaniyang palad sa aking pisngi ay umalingawngaw sa tahimik na cabin. Pero hindi ako gumalaw. Tumingin ako sa kaniya, at doon ko nakita ang tunay na sakit. "Umalis ka na, Lucian," mahina niyang sabi. "I’ll finish the work. Pero huwag kang aarte na parang may paki ka sa akin, mas lalo mo lang akong pinapahirapan." Hindi ako sumagot. Lumabas ako ng cabin, ang pisngi ko ay mahapdi, pero mas mahapdi ang dibdib ko. Dahil alam ko sa sarili ko, tama siya. Takot ako. Takot ako na kapag nalaman kong pwede siya sa akin, hindi ko na mapipigilan ang sarili ko na wasakin ang buong mundo para lang makuha siya. Celeste’s POV Nakaalis na si Lucian. Ang tunog ng pagsara ng pinto ng cabin ay tila isang hatol na nag-iwan sa akin sa gitna ng kawalan. Nanatili akong nakatayo sa harap ng mesa, nanginginig ang aking palad—ang palad na ginamit ko para saktan ang kaisa-isang tao na gusto kong yakapin. Tinitigan ko ang brown envelope na nasa mesa. Ang mga salitang “Biological Discrepancy” ay tila nanunuya sa akin. Kung totoo ang nakasulat doon, ang lahat ng pag-iwas namin, ang lahat ng "incest guilt" na pumapatay sa amin gabi-gabi, ay isang malaking pagkakamali. Pero tama si Lucian. Isa lang itong papel. Isang piraso ng ebidensya mula sa isang mundong puno ng kasinungalingan. Dahan-dahan kong inayos ang mga folder na nagkalat. Bawat papel na hinahawakan ko ay nagpapaalala sa akin ng kaniyang presensya. Ang amoy ng kaniyang pabango ay nananatili sa loob ng cabin, humahalo sa amoy ng lumang kahoy at lamig ng gabi. Paano niya nagagawang maging ganito kalamig? Paano niya nagagawang unahin ang "rules" at "image" kung ang buong pagkatao ko ay sumisigaw na para sa kaniya? Hindi ko natapos ang trabaho. Humiga ako sa kama, binalot ang sarili ko ng kumot, at hinayaang lamunin ako ng dilim. Pero bago ako makatulog, isang mensahe ang pumasok sa phone ko mula sa isang unregistered number. “Ang nakita mo sa cabin ay simula pa lamang. Kung gusto mo ng katotohanan, hanapin mo ang archive ng 'Project Chimera'. Doon mo malalaman kung sino talaga si Cain Vane.” Lucian’s POV Nakalabas ako ng cabin pero hindi ako lumayo. Nakasandal ako sa isang puno ng pine, ilang metro lang ang layo mula sa pintuan kung saan ko iniwan si Celeste. Ang lamig ng gabi ay humahaplos sa aking pisngi, pero mas ramdam ko ang hapdi ng kaniyang sampal. Hindi masakit ang pisikal na tama. Ang masakit ay ang makita ang pagkabasag ng kaniyang mga mata. Kinuha ko ang aking wallet at binuksan ang isang maliit na compartment doon. Inilabas ko ang isang lumang litrato—ito ang family tree na matagal ko nang sinusuri. Ang lolo niyang si Alexander Vane ay isang henyo, pero isa ring baliw. Ang ideya na gumawa siya ng clone—si Cain—para maging tagapagmana ay isang sikretong pilit ibinaon nina Papa. At kung si Cain ay hindi tunay na biological son, ang ibig sabihin ay ang mga sumunod na salinlahi... kami ni Celeste... ay hindi magkadugo sa tradisyunal na paraan. Pero sa mata ng batas at ng lipunan, Vane at Conrad kami. Magkadikit ang aming mga kasaysayan. "Bakit ba napaka-kumplikado, Celeste?" bulong ko sa hangin. Naglakad ako pabalik sa bonfire area na ngayon ay abo na lamang. Ang lahat ng estudyante ay nasa kani-kanilang cabins na. Ang katahimikan ng campsite ay nakakabingi. Bumalik ako sa cabin pagkalipas ng isang oras, dahan-dahan ang bawat hakbang ko para hindi siya magising. Nakita ko siyang mahimbing na natutulog, nakabalot ng kumot pero bakas pa rin ang lungkot sa kaniyang mukha kahit sa panaginip. Umupo ako sa sahig, sa tabi ng kaniyang kama. Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha sa ilalim ng liwanag ng buwan na dumadaan sa bintana. Inabot ko ang kaniyang kamay na nakalawit sa gilid ng kama. Hindi ko ito hinawakan nang mahigpit—hinayaan ko lang na dapo ang dulo ng aking mga daliri sa kaniyang balat. "Patawarin mo ako," bulong ko. "Patawarin mo ako dahil kailangan kong maging ganito. Dahil kung bibigay ako, baka hindi na kita mabitawan. At hindi ko kayang makita kang masira dahil sa akin." Nanatili ako doon hanggang sa magmadaling-araw, nagbabantay sa kaisa-isang babaeng hinding-hindi ko pwedeng angkinin, ngunit hinding-hindi ko rin kayang pakawalan.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
try koto
14/02
0wow ang ganda ng sotry
12/02
0Lihat Semua