Lucian’s POV Hindi ako nakatulog nang maayos. Ang boses ni Celeste at ang pakiramdam ng balat niya sa ilalim ng mga daliri ko kagabi sa gym ay parang lasong unti-unting kumakalat sa sistema ko. Pagpasok ko sa university, dumeretso agad ako sa gymnasium. Hindi ko alam kung bakit, pero gusto ko siyang makita. Pero pagdating ko doon, tumigas ang buong katawan ko. Hindi nag-iisa si Celeste. Kasama niya si Marcus, ang captain ng swimming team. Nakaupo sila sa bleachers. Si Marcus ay pawis na pawis, walang t-shirt, at nakasandal ang braso sa balikat ni Celeste habang tumatawa silang dalawa. "Grabe, Celeste, ang dumi mo na oh," biro ni Marcus sabay punas ng dumi sa pisngi ni Celeste gamit ang kaniyang hinlalaki. "Kainis kasi 'yang si Lucian, ginawa akong janitress. Pero okay lang, at least may view ako ng abs mo," sagot ni Celeste sabay tawa nang malakas. Wow, huh. Hinawakan ko nang mahigpit ang doorknob. Ang galit na nararamdaman ko ay hindi lang dahil sa nilalabag nila ang rules ng community service. Ito ay isang primal na galit. Isang possessive na galit na hindi dapat nararamdaman ng katulad ko. Celeste’s POV Nakita ko si Lucian sa may pinto. Alam kong nandiyan siya dahil biglang lumamig ang hangin. Tumingin ako sa kaniya, nakataas ang kilay. "Oh, Mr. President! Aga natin ah? Gusto mo ring makita ang practice ni Marcus?" pang-aasar ko. Sadyang idinikit ko pa ang katawan ko kay Marcus. Naglakad si Lucian palapit sa amin. Bawat hakbang niya ay may kasamang bigat. Ang mga mata niya ay nakatitig lang kay Marcus—hindi sa akin. "Mr. Ramos," tawag ni Lucian sa kaniya. "The gym is for community service and authorized practices only. Since tapos na ang swimming team, you have no business being here. Especially not while half-naked." "Easy lang, Pres," tawa ni Marcus. "Tinutulungan ko lang si Celeste. Masyado kasing mabigat 'tong mga gamit." "She can handle it," mariing sabi ni Lucian. "Leave. Now." "Okay, sabi mo eh," medyo natakot si Marcus sa aura ni Lucian. Kinuha niya ang gamit niya at kinindatan ako. "See ya, Celeste. Text na lang." Nang makalabas si Marcus, tumingin ako kay Lucian. "Selos ka?" "Don't flatter yourself, Celeste. I'm maintaining order." "Order? O gusto mo lang na ako lang ang nakikita mo?" Tumayo ako at lumapit sa kaniya. Amoy pawis ako pero hindi ko itinigil ang paglapit hanggang sa magkadikit ang mga sapatos namin. "Bakit, Lucian? Masama bang makipag-make out sa iba? Sabi mo naman magpinsan tayo, 'di ba? So wala kang pakialam kung sino ang target ko.” Nakita ko ang pagtibok ng ugat sa leeg ni Lucian. Bigla niyang hinawakan ang bewang ko at hinila ako nang pabalas. Ang lapit-lapit ng mukha niya, pero walang halik. Isang matalim na titigan lang na puno ng tensyon. "You're right," bulong niya, ang boses ay parang galing sa ilalim ng lupa. "Wala akong pakialam. Pero habang nasa ilalim ka ng authority ko sa university na 'to, susunod ka sa rules ko. At ang rule ko ngayon? No distractions." "You're a liar, Lucian Conrad," bulong ko pabalik. "You want me. And it's eating you alive." Binitawan niya ako nang marahas. "Finish your work. Ayokong makita ang lalaking 'yon dito ulit." Lumabas siya ng gym nang hindi lumingon. Napaupo ako sa bleachers, nanginginig ang mga tuhod. Ang laro naming ito... mas lalong nagiging delikado. Dahil sa bawat pagbabawal niya, mas lalo kong gustong sirain ang lahat. Lucian’s POV “Overnight Leadership Camp.” Iyan ang nakasulat sa memorandum na hawak ko. Isang mandatory event para sa lahat ng student leaders at "Student-at-Risk" (mga pasaway sa campus). Ang layunin? Team building at discipline. Pero para sa akin, isa itong sentensya sa impiyerno. Dahil sa listahan ng mga kalahok, unang-una ang pangalan ni Celeste Vane. "Mr. President, ang mga cabins ay by department, pero dahil kulang ang space, ang SSG core officers ay makakahati ng cabin sa mga high-profile cases," ulat ng secretary ko. "Sino ang kasama ko sa cabin?" tanong ko habang inaayos ang gamit ko. "Ah... si Ms. Vane po, Sir. Since Architect-student siya at ikaw ang head, kailangan mo siyang i-supervise personally para masiguro na hindi siya tatakas sa gabi. And magpinsan naman po kayo so there's no problem po." Napapikit ako nang mariin. God, help me. Celeste’s POV Nakarating na kami sa campsite. Liblib ang lugar, napapalibutan ng naglalakihang puno at malamig ang simoy ng hangin. Habang ang ibang estudyante ay pagod sa pag-akyat, ako naman ay enjoy na enjoy. Bakit? Kasi alam ko kung sino ang roommate ko. Pagpasok ko sa cabin, nakita ko si Lucian na nag-aayos ng kaniyang gamit sa kabilang kama. Ang cabin ay maliit—isang double-deck na kama lang at isang maliit na cabinet ang pagitan. "Hi, roomie," bati ko sabay bagsak ng bag ko sa kama. "Ready ka na bang mag-bonding tayo buong gabi?" "Wala tayong gagawing bonding, Celeste. Matutulog tayo, at bukas ng madaling-araw, gigising ka para sa formation," malamig niyang sabi nang hindi tumitingin sa akin. "Ang boring mo talaga," inis kong sabi. Tinanggal ko ang hoodie ko, kaya sando na lang ang natira sa itaas ko. "Masyadong mainit dito, 'di ba?" Humarap siya sa akin, handa na sanang mag-lecture tungkol sa tamang pananamit, pero napatigil siya. Tinitigan niya ang leeg ko. O mas saktong sabihin, ang Butterfly Locket na suot ko—ang pamilyar na simbolo ng mga Vane. "Bakit mo pa rin suot 'yan?" tanong niya, ang boses niya ay naging seryoso. "Dahil ito lang ang koneksyon ko sa nakaraan," sagot ko habang hinahawakan ang locket. Lumapit ako sa kaniya, dahan-dahan. "Bakit, Lucian? Natatakot ka ba kapag nakikita mo 'to? Naalala mo ba na magkadugo tayo?" I chuckled. Hindi siya sumagot. Pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin. Sa loob ng maliit na cabin na ito, walang takas. Walang rules ng university. Kami lang dalawa. "Alam mo, Lucian..." bulong ko habang tinititigan ang mga mata niya. "Minsan iniisip ko, baka kaya ka ganyan kagalit sa akin... kasi gustong-gusto mong gawin ang lahat ng bawal sa akin. Gusto mong sirain ang image mo bilang 'Perfect President' para lang sa isang pasaway na gaya ko." Bigla akong hinawakan ni Lucian sa magkabilang balikat at isinandig sa dingding ng cabin. Ang kaniyang mukha ay inches na lang ang layo sa akin. Naririnig ko ang mabilis niyang paghinga. "Huwag mo akong subukan, Celeste," banta niya. "Dahil kapag ako ang nawalan ng kontrol, sisiguraduhin kong pagsisisihan mong magkadugo tayo." "Then show me," hamon ko, ang mga mata ko ay nakatitig sa kaniyang labi. "Show me the monster inside you, President." I smirked. Nakatitig lang kami sa isa't isa. Ang lapit-lapit na namin, pero ang pader ng magpinsan ay tila isang higanteng harang na hindi namin magawang tibagin. Biglang may kumatok sa pinto. "Mr. President? Formation na po sa bonfire!" Mabilis akong binitawan ni Lucian. Inayos niya ang kaniyang polo, huminga nang malalim, at lumabas ng cabin nang hindi ako tinitingnan. Naiwan akong nakasandal sa dingding, habol ang hininga. Muntik na. Muntik na kaming lumampas sa linya. At sa bawat segundong lumilipas, mas lalong nagiging mahirap pigilan ang apoy. Lucian’s POV Ang gabi sa campsite ay hindi kasing payapa ng inaasahan ko. Habang naglalakad ako patungo sa bonfire area, ang lamig ng hangin sa kabundukan ay humahagupit sa aking balat, pero hindi nito kayang pawiin ang init na nararamdaman ko mula sa loob. Ang presensya ni Celeste sa loob ng maliit na cabin na iyon ay parang isang lason na dahan-dahang sumisira sa aking katinuan. Kailangan kong maging matatag. Ako ang SSG President. Ako ang mukha ng disiplina. Pero paano ko didisiplinahin ang puso kong tumitibok para sa kaisa-isang babaeng bawal sa akin? Pagdating ko sa paligid ng bonfire, ang mga estudyante ay nagkakagulo na. May mga nagtatawanan, may mga nag-iihaw ng marshmallows, at may mga nagkukwentuhan. Umupo ako sa isang log sa pinakamalayong sulok, pinapanood ang lahat mula sa malayo. Ipinatong ko ang aking mga siko sa aking tuhod at pinagdaop ang aking mga kamay. Maya-maya pa, nakita ko siyang paparating. Si Celeste. Hindi na siya naka-sando lang; suot na niya ang kaniyang malaking hoodie, pero hindi nito naitatago ang kaniyang mapanuring ganda. Ang kaniyang buhok ay bahagyang ginulo ng hangin, at ang kaniyang mga mata ay tila kumikislap sa ilalim ng liwanag ng apoy. Pero hindi siya nag-iisa. Sa likuran niya ay si Marcus Ramos—ang swimming captain na kanina pa yata siya sinusundan. Nakita kong kinuha ni Marcus ang sarili nitong varsity jacket at maingat na isinampay sa balikat ni Celeste. "Nilalamig ka na, Celeste. Isuot mo 'to, baka magkasakit ka pa," narinig kong sabi ni Marcus. Ang kaniyang boses ay puno ng pag-aalala na nagpapakulo sa aking dugo. Tumawa si Celeste, ang tawang palaging nagpapangiti sa akin pero ngayon ay nagpapasikip sa aking dibdib. "Salamat, Marcus. Napaka-gentleman mo naman talaga. Buti ka pa, hindi tulad ng iba diyan na parang yelong hindi natutunaw." Alam kong ako ang pinariringgan niya. Tumingin siya sa direksyon ko, isang mapanuksong ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi. Hinawakan ko nang mahigpit ang log na kinauupuan ko. Ang bawat selula sa katawan ko ay sumisigaw na lumapit doon, bawiin ang jacket na iyon, at sabihing ako lang ang may karapatang mag-alaga sa kaniya. Pero hindi ko magawa. Ang pader ng aming apelyido ay tila isang higanteng anino na nakabantay sa bawat galaw ko. Celeste’s POV Nararamdaman ko ang titig ni Lucian. Kahit hindi ako nakatingin nang diretso sa kaniya, alam kong nakatutok ang kaniyang mga mata sa bawat kilos ko. Masarap sa pakiramdam na alam kong naiinis siya. Masarap makita na ang "Perfect President" ay unti-unting nawawalan ng kontrol dahil lang sa isang jacket. "Celeste, okay ka lang? Parang malalim ang iniisip mo," tanong ni Marcus habang iniaabot sa akin ang isang stick ng marshmallow. "Ha? Ah, oo naman. Nag-e-enjoy lang ako sa apoy," sagot ko. Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya, sapat para makita ni Lucian mula sa malayo. "Salamat sa jacket, Marcus. Ang bango mo pala." Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagtayo ni Lucian. Akala ko ay lalapit siya sa amin para manita, pero laking gulat ko nang dumeretso siya sa maliit na podium sa harap ng bonfire. "Attention, everyone!" ang kaniyang boses ay umalingawngaw sa buong campsite. Ang lahat ay natahimik at tumingin sa kaniya. "Since we are all here for team building, let's start the 'Truth or Dare' session. But with a twist. This is a leadership version. Every truth or dare will be related to your role in this university." Nagsimula ang laro. Ang lahat ay excited, maliban sa akin. Alam kong may plano si Lucian. Alam kong gagawa siya ng paraan para ipahiya ako o kaya ay mailayo kay Marcus. Makalipas ang ilang rounds, ang bote ay huminto sa tapat ko. "Ms. Vane," tawag ni Lucian. Ang kaniyang mga mata ay malamig, walang emosyon, pero ramdam ko ang tensyon. "Truth or Dare?" Ngumisi ako. Hindi ako magpapatalo sa kaniya. "Dare, Mr. President. Hindi ako takot sa hamon." Isang mapait na ngiti ang lumitaw sa kaniyang mga labi. "Very well. I dare you to return that jacket to Mr. Ramos. At dahil kailangan mo ng disiplina bilang 'Student-at-Risk,' you will spend the rest of the night assisting the SSG President in organizing the morning formation materials. In my cabin. Alone." Narinig ko ang mahinang bulungan ng mga estudyante. "Ang tindi ni Pres," sabi ng isa. "Grabe naman ang parusa," sabi naman ng iba. "Dapat lang yan kay Celeste. Napakasakit kaya niya sa ulo. Partida magpinsan pa 'yan. Hindi sila close." Hinarap ko si Lucian. "And why should I do that? That's not a leadership task." "It's a discipline task, Ms. Vane. As the President, I have the authority to assign sanctions to students who are not properly adhering to the code of conduct... including the proper wearing of uniform in a public event." Wala akong nagawa. Isinauli ko ang jacket kay Marcus, na halatang disappointed. Naglakad ako patungo sa podium, tumigil ako sa tapat ni Lucian. "Masaya ka na?" bulong ko. "Hindi pa tayo nagsisimula, Celeste," bulong niya pabalik, ang kaniyang hininga ay humaplos sa aking pisngi. "Dahil sa gabing ito, malalaman natin kung sino talaga ang masusunod." Lucian’s POV Nasa loob na kami ng cabin. Ang tanging liwanag ay ang maliit na lampara sa ibabaw ng mesa. Ang paligid ay nakabibinging tahimik, tanging ang tunog lang ng mga kuliglig sa labas ang naririnig. Naka-upo ako sa silya, habang si Celeste naman ay nakatayo sa harap ng mga folder na kailangang ayusin. Pero alam naming dalawa na hindi ang mga papel ang iniisip namin. "Bakit mo ginawa 'yon, Lucian?" biglang tanong ni Celeste. "Bakit kailangang ilayo mo ako kay Marcus? Selos ka ba talaga?" Tumayo ako at dahan-dahang lumapit sa kaniya. "Hindi ako nagseselos, Celeste. Pinoprotektahan lang kita." "Pinoprotektahan? Saan? Sa isang jacket?" tumawa siya nang mapait. "O baka naman pinoprotektahan mo ang sarili mo? Natatakot ka na kapag may ibang humahawak sa akin, mare-realize mo na wala kang magagawa dahil... parehas tayong may Vane sa pangalan?" Sapat na. Hindi ko na kaya ang kaniyang mga pang-aasar. Hinawakan ko ang kaniyang bewang at hinila siya nang mariin patungo sa akin. Ang aming mga katawan ay magkadikit, ramdam ko ang mabilis na tibok ng kaniyang puso na tumutugma sa akin. "Huwag mong babanggitin 'yan," banta ko, ang boses ko ay mababa at puno ng panganib. "Huwag mong ipaalala sa akin kung anong dumi ng nararamdaman ko sa tuwing malapit ka. Dahil sa sandaling ito, Celeste... wala akong pakialam kung anong apelyido ang dala mo." Hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakatingin sa aking mga mata, ang kaniyang mga labi ay bahagyang nakabukas. Ang tensyon ay halos mahahawakan na sa kapal. Walang halik, pero ang paraan ng aming paghinga ay sapat na para sabihing pareho kaming nahulog na sa bitag ng isa't isa.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
try koto
14/02
0wow ang ganda ng sotry
12/02
0Lihat Semua