ANG MISIS KONG PASAWAY (Playboy Turned to be Under de saya.) #7
PLAYBOY'S DIGNITY SERIES # 1 ( STEPHEN AND CLARETTE) Chapter 7 Bagay na hindi niya masagot. Dinampot na lang niya ang isa sa mga bote ng alak at tinungga iyon. Nagkibit balikat, na lang ang mga kasama at hindi na nagtanong. Ilang minute na siyang nakaupo roon ng makita niyang may pumasok sa bar na grupo ng mga mga kalalakihan, halatang galing ang mga ito sa beach at nagtuloy doon. Nanlaki ang mga mata niya, nang makita ang nag-iisang babae na kasama ng mga ito. “Bwiset talaga!” naibulong niya, bago nailing. Napansin naman ng mga kasama niya kung saan siya nakatingin at nakita nila si Clarette. Palihim na nasiko ni Eric si Gerald, at inginuso ang babae. Nagsesenyasan ang dalawa, at hindi makapag salita dahil nakita na nila ang hilatsa ng mukha niya. Namumula na rin siya na halatang dahil sa galit at hindi sa alak. Kilala siya ng mga kaibigan niya na ganon siya kapag nagagalit. Galit na talaga siya, at napupuno na siya, hindi na niya alam kung ano ang ikikilos niya, kapag nag-react siya tiyak na pareho silang mapapahiya. Naisip niya na magpanggap na hindi apektado. “Okay guys inom lang tayo! Sagot ko ang lahat ng inumin, kailan lang kasi, nakadale ako ng yayamanin, at tiyak kong gagawin niya ang lahat para sa akin!” malanding sabi ni Clareete. “Wow! Pero okay lang naman sa amin na kahit na kaunti lang ang alak, ang mahalaga ay kasama ka namin,” sabi ng isang lalake. Tapos nakita niyang dumapo ang kamay nito sa baywang ng asawa niya. Napailing ang ulo niya. Hindi niya namalayan na ang inaakala niya na pagpapanggap niyang hindi nakikita ang lahat at parang wala lang, hindi pala nangyari. Dahil kitang-kita ng mga kaibigan niya at mga kasama sa pwesto nila na hindi na niya naialis ang tingin niya sa mga grupo ng dumating. Para na nga siyang bodyguard na hindi inaalis ang tingin sa binatantayan. Napatayo siya at naglakad na parang wala sa sarili, hindi na niya alintana kung sino ang nakatingin sa gagawin niya. Wala na siyang pakialam pa. Lumapit siya sa lalakeng humahawak sa asawa niya, at walang ano-ano itong pinadapuan ng malakas na suntok. Nagtilian ang mga tao sa paligid nila. “Stephen!” bulalas ni Clarette. Nag-aalala ito na baka patulan ng lalaking sinutok. “Walanghiya! Ano bang problema mo!?” tanong ng lalake ng makabawi buhat sa suntok na ibinigay niya. “Anong problema ko! E sira pala ang ulo mo!” sabi pa niya at sinundan na naman ng isa pamng suntok, ngunit nakailag ang lalake. “A! Iilag ka pa ha!” sabi niya, sabay damba sa lalaki, nahuli niya ito, at pinagsusuntok. “Stephen tama na!” sigaw ni Clarette. Inaawat siya ng mga kalalakihan, pero walang makaawat sa kanya. Hanggang isang matitikas na kamay ang pumigil sa mga kamao niya. Nang papatingala siya sa lalake si Patrick pala. “Sira na baa ng ulo mo! Ano papatay ka nang dahil sa selos!” sigaw sa kanya ni Patrick, sabay tulak sa kanya. “What!” nabulalas niya. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Pagak siyang natawa, at tumingin ng masama kay Patrick. Dinuro niya ito. “Bwiset ka! Ikaw ang may gawa nito e,” nasaklot niya ang kwelyo ng suot na polo shirt ni Patrick. “Tama na iyan!” pigil ni Clarette. “Tara na nga!” malakas na utos nito sa kanya, at saka nagtatakabo palabas ng bar. Hindi niya maunawaan ang sarili niya, pero naduro na lang niya si Patrick. “Mag-uusap pa tayo, one of this days! Marami kang ipapaliwanag sa akin!” mariin niyang sabi, tapos ay nagmamadaling sinundan ang asawa niya. Nagtatakbo naman si Clarette patungo sa hotel nila, umiiyak ito. Nang nakarating na rin siya sa hotel, nakita niya si Clarette na nag-iimpake na ng mga gamit. “Ano! Masaya ka na ba?” tanong niya. “Itanong mo iyan sa sarili mo,” sagot lang ni Clarette. “Ako pa ngayon ang may kasalanan? Honeymoon to, pero anong ginagawa mo sa honeymoon natin? Naglalandi ka sa labas!” sumbat pa niya. “Bakit? Anong gusto mong gawin ko? Bumuntot sa iyo? Iyon ba ang gusto mo? Huwag mo kong ipares sa mga nagdaang babae sa iyo, na magiging sunod-sunuran!” “Teka nga muna! Wala ka ngang pinagkaiba sa kanila! Tas sasabihin mo na naiiba ka!?” tanong niya. “Bakit katulad ba nila ako? May naikama nang birhen na katulad ko? Sabihin mo!?” “Marami na!” singhal rin niya. Dahil doon natigilan si Clerette. Tumalikod na lang ito at ipinagpatuloy ang pag-iimpake. “So ano pala ang gusto mo? Kaya nga ginagawa ko ito, kasi ito ang galawan ng mga babaeng gusto mo hindi ba?” “Hindi ko alam!” “Honeymoon ito, pero alam naman natin sa isa’t isa na napilitan ka lang, so ano bang gusto mong gawin ko, magbait-baitan at suyuin ka, sundan ka kung nasaan ka, at ipakita sa iyo na ibang klaseng babae pala ako, na mahinhin ako, at hindi makabasag pinggan, at walang ibang lalakeng mamahalin kundi ikaw lang, walang ibang lalakeng kakausapin kundi ikaw lang!” sabi ni Clarette. “Lalake ako Clarette! Kahit na anong gawin ko walang nawawala sa akin! Tapos kakasal lang natin, tas ganyan ka?” “Iyan ang problema sa’yo, umiiral ang pride mo! Gusto mo ikaw lang ang nanakit, ano natapakan ko ba ang ego mo! Ano masaya ba sa pakiramdam na ikaw naman ang binabalewala?” pagak na natawa si Clarette, pero hindi nito naiwasang tumulo ang luha, mabuti na lang at nakatalikod ito sa kanya, mabilis iyong pinunasan ng babae. “Ano pa bang gusto mong gawin ko Clarette? Pumayag na nga akong magpakasal sa iyo, huwag mo naman akong gawing tanga sa harap ng mga tao,” sabi niya. “Hindi ba sabi mo nga, ikinasal lang naman tayo dahil sa kagustuhan ng mga magulang natin? Hindi ba sabi mo una kang magpa-file ng annulment? Pwes ako pala ang una, ayokong ituloy ang relasyong walang pupuntahan,” sabi ni Clarette. Kaya tumayo na ito at hinila ang isang maleta. Pero hindi niya alam, kung bakit tila may sariling buhay ang kamay niya na hawakan ang isang kamay ng asawa. Napatigil ito sa paghakbang, “Ano bang gusto mo?” tanong niya. “Ibibigay ko ang kalayaan mo, suko na ako, talo ako sa pustahang ito,” sagot ni Clarette na hindi lumilingon. “Iyon lang bang tingin mo sa kasal natin? Pustahan, sabi mo gusto mong panagutan kita sa nangyari sa ‘tin, ang inaasahan ko gagawin mo ang lahat para mapaibig ako, pero bakit ka sumusuko!” “Mahirap kalabanin ang taong punong-puno ng pride, kung hinhintayin ko pa na mangyaring magustuhan mo ko, baka hindi na dumating ang araw na iyon, alam mo kung bakit? Kasi hindi ka marunong magmahal, at deserve ko naman ang lumigaya!” sabi niya at tinangkang pabitawin ang kamay niya.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
nice po😍😍😍
12/03
0how
07/03
0Subrang ganda🥰🥰🥰
24/02
0Lihat Semua