ANG MISIS KONG PASAWAY (Playboy Turned to be Under de saya.) # 5
PLAYBOY'S DIGNITY SERIES # 1 ( STEPHEN AND CLARETTE) Chapter 5 NANG MAKARATING SILA sa Hotel na pinag check in-nan nila dahil bukas ay flight na nila patungong Boracay. Pagbaba nila ng kotse, bumaba lang si Clarette na para bang wala itong kasama. Tuloy-tuloy ang lakad nito papasok sa lobby ng hotel. Naiiling na lang siya, kasi wala silang kasamang driver, kaya obligado siyang kunin lahat ng mga maleta sa sasakyan nila, nagulantang siya nang makita ang mga maleta nito. Tatlong pagkalalaking maleta. “Bwiset! Bwisettt!” naisigaw niya tapos nasipa pa niya ang kotse niya. “Sir, okay lang ho ba kayo? Kailangan n’yo po ng tulong?” tanong ng lalaking staff ng hotel, mabuti na lang at nilapitan siya nito, kaya nakakuha siya ng tutulong sa kanya na maipasok ang apat nilang maleta. “Nakakabwiset ang babaeng iyon, ano bang akala niya sa honeymoon, doon na kami titira?” palatak niya habang dala-dala nila ang mga maleta. Naibigay na niya sa lalake ang susi ng kotse niya, at inutusan itong i-park. Lalo siyang nabwiset ng makitang may kausap na lalake si Clarette, at ang luwang ng bibig nito sa pagkakangiti. Hindi niya maunawaan kung bakit ba sumisibol ang pagkairita sa kanya. “Hoy Clarette!” sigaw niya. Hindi na niya natiis kasi nabubuwisit siya. “O Stephen! O sorry, I would like to introduce you my, bodyguard,” sabi pa nito sa kausap na lalake. Siya naman nalaglag ang panga niya sa narinig. “Bodyguard!” palatak niya sa isipan niya. Napapailing siya at gusto niyang manapak ng mga oras na iyon. “Ako bodyguard!?” ulit pa niya sa isipan. “Oh! O my goodness! Kung makakasapak ka nga naman ng tao oo!” sigaw niya. Malakas ang pagkasabi niya, pero sa ibang direksiyon nakatingin. Sinusubukan pa rin niyang magtimpi. “O sige na Garry, mukhang nag-iinit na ang ulo ng bodyguard ko, delikado pa naman kapag nagalit siya, thanks to you dahil hindi ako na-bored dito habang hinihintay siya,” matamis ang ngiti na sabi nito sa kausap. “A, its my pleasure na makausap ka, alam mo kung may time ka, tawagan tayo, can I get your number?” tanong ni Garry. “O talaga nakaka bwiset! Ang bigat ng mga maleta, parang doon na titira sa Boaracay! Ano kayang mga laman ng mga bagaheng iton, grabe nakaka-irita!” malakas niyang sabi habang nakaupo sa ibabaw ng isa sa mga maleta. “A---I forget my phone, hayaan mo at hihingin ko na lang ang number mo kay Marize, at ako na mismo ang tatawag sa iyo mamaya, for the meantime, bye na muna, kasi sesermunan ko ang bodyguard ko, masyado nang abusado,” nagiting-ngiti pa ring sagot ni Clarette sa lalake. “Oo nga e, parang may Attitude, if you need a new bodyguard, sabihin mo lang may kilala akong owner ng security agency na nag-o-offer din ng personal bodyguard,” sabi pa ng lalake. “Bilisan n’yo na, wala akong balak magtagal bilang bodyguard!” nabubwiset niyang pasaring sa mga nag-uusap. Nang makita na niyang malayo na ang lalaking kausap ni Clarette, naiirita niyang sinipa ang isang maleta nito. “Ano kamo? Bodyguard? Tanga ba iyong lalaking iyon? Hindi ba niya nabasa sa mga diyaryo, social media at magazine ang anunsiyo ng kasal natin!? Bobo ba yon? Hindi niya ba ako kilala, na ako ay isang Anderson?” salubong ang mga kilay na tanong niya kay Clarette. “Ops! Sorry, hindi kasi siya nakabase rito sa pinas, kaya hindi ka niya kilala.” Sabay talikod na nito muli sa kanya at nilayasan siya. Mariin na lang siyang napapikit, at sagalit niya, muli niyang nasipa nag isa pang maleta nito, kaya lang nagkamali siya ng tinamaan at tumama iyon sa bakal na kinakabitan ng gulong. “Ouch! Aray!” sigaw niya, habang inaangat ang paa niya. Kahit nilakasan niya pa ang pagsigaw niya, wala pa ring pakialam si Clarette. “Grabe! Manhid, nasaktan ang asawa walang pakialam, sino ba siya sa akala niya! Si Stephen to! Never nag habol sa babae!” mayabang pa niyang sabi ngunit ng tingnan niya, nakita niyang pasakay na ito sa elevator. NANG nasa kwarto na nila sila at naipasok na niya ang lahat ng maleta, padabog niya iyong ipinasok sa kwarto nila. “O huwag mo nang alisin ang mga damit mo, kasi bukas din ay magche-check out na tayo rito,” pagalit niyang bilin. Nilapitan kasi nito ang maleta at balak sigurong kumuha ng damit. “Oo alam ko naman ‘yon, I’m not stupid,” sagot nito at nakita pa niya ang pag-irap ng mga mata nito. “Okay ka rin no? Noong una, akala ko mabait ka, ubod ka pala ng sama ng ugali, at kapal ng mukha mo na ipakilala akong bodyguard mo! Hoy Clarette, mahiya ka ha, huwag mo nang uulitin iyon, kung hindi gagantihan kita, at ipapakilalang katulong ko!” banta niya sa asawa. Malakas itong natawa, pero pasarkastikong tumingin sa kanya. “Alam mo Stephen, kahit katulong siguro ay hindi ka mapagtya-tiyagaang samahan, magpasalamat ka nga pumayag akong magpakasal sa iyo, dahil lang iyon sa gusto kong mabayaran mo ang virginity ko na kinuha mo, ngayon okay na ako, kontento, pero huwag mong asahan na susuyuin kita, katulad ng ginawa ng mga babaeng kinama mo!” sagot nito sabay pasok sa loob ng banyo. Pagpasok ni Clarette sa banyo, agad itong naglabas ng isang bote na may lamang syrup na kulay pula, at ibinuhos sa hawak nitong sanitary napkin. “Akala mo makaka-score ka na naman sa akin! Kapal ng mukha mo, tingnan natin,” sabi nito habang nangigil na inilalagay doon ang likido na kulay dugo. Saka nilagyan rin niya ang inidoro para magkulay pula iyon. Sinadya niyang hindi iyon i-flash, para pagpasok ni Stephen ay makita at mandiri. Sa ganon ay maisip nito na may buwanang dalaw siya. Nakatatak na sa isipan niya, na turuan ng leksiyon ang asawa niyang masyadong mataas ang tingin sa sarili. Noon pa man simula ng malaman niya na naging certified babaero ito, ipinangako na niya na siya na ang magpapatino kay Stephen. Alam niyang sa dami ng mga babaeng dumating sa buhay nito, nakalimutan na nito ang isang tulad niya. Nawala na sa isipan nito ang batang babae noon na pinangakuan niya na mamahalin at hihintayin. Thirteen years old palang noon si Stephen, at siya naman ay eleven years old. Magakalaro sila noon parati sa bahay nila. Hindi niya nalimutan na dinamayan siya nito noong panahong namatay ang alaga niyang aso. Sinabi nito sa kanya na siya na lang papalit na kaibigan at hindi siya iiwanan ni Stephen. Hanggang sa umalis siya at sa ibang bansa nag-aral, pero parati pa rin siyang nakikibalita tungkol kay Stephen sa papa niya. Nakadama siya ng galit at paninibugho ng malaman niyang salbaheng lalake na ang lalaking hinintay niya ng matagal, at inakala rin niyang hinihintay siya. Napatunayan niyang nalimutan na siya nito, doon sa bar, kaya nasaktan siya. Pero kahit na nasasaktan siya, itinuloy niya ang plano niya, at pangako sa sarili na kay Stephen lang ibibigay ang virginity niya. Saka ipinangako niya sa sarili niya na hindi na niya hahayaan pang magkaroon ito ng ibang babae. “Pero kailangan kitang parusahan!” mariin niyang sabi.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
nice po😍😍😍
12/03
0how
07/03
0Subrang ganda🥰🥰🥰
24/02
0Lihat Semua