logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Ang taong ayaw makitang muli

PAKIRAMDAM ni Nica ay biglang nanigas ang katawan niya sa kinaupuan pagkarinig sa pangalan ng pinsan ni Janice. Makulit ito at sa umpisa pa lang ay pinarangka niyang ayaw niya dito. Muntik na rin siya ma rape nito dahil hindi niya alam na sumunod ito sa party na dinaluhan niya. Ang akala niya noon ay iba sa ugali ng madrasta at kapatid ang lalaki at totoo ang pinapakitang pagkagusto nito sa kaniya.
"He's my cousin," paliwanag ni Janice kay Chris kahit hindi ito nagtanong. "Ex siya ni Nica."
Pansin ni Chris ang paglapat ng mga ngipin ni Nica at pagsama ng tingin nito sa kaniyang katabi.
"Excuse me, huwag puro buhay ko ang ibida mo sa ibang tao." Ngumiti ng nakakainsulto si Nica sa kapatid. Kung wala lang sila sa public place ay nasabunotan na niya ito kahit nasa harap pa nila ang ipinagmamalaki nitong boyfriend umano.
"Oh sorry, nabanggit ko lang siya dahil tinanong niya ako kung nasaan ako at may mahalagang sadya. Then nang sinabi kong kasama ka mag-lunch ay gusto na rin niyang sumabay sa atin." Apologitic ang tono ngunit nakangiti ang mga mata niyang nakatitig kay Nica.
"No doubt, pinsan mo nga siya. Parehong asyumero at nangangarap ng mataas." Pasaring ni Nica sa kapatid. Kahit sabihin niyang walang naging relasyon sila ni Philip noon ay hindi mga ito naniniwala. Maging ang ama ay nagalit sa kaniyang ginawa na pamamahiya sa lalaki noon.
"Okay lang ba na sumabay ang pinsan ko sa atin?" baling ni Janice ng tanong kay Chris, hindi pinansin ang pang-iinsulto ng kapatid.
"Naisip ko rin kasi para hindi ma out of place sa atin ang kapatid ko." Paliwanag niya sa binata upang hindi mag-isip ng hindi maganda ito.
"Walang problema sa akin," flat ang tono ng boses ni Chris habang ang mga mata ay hindi hinihiwalay ang tingin kay Nica. "Pero kailangan nating lumipat ng upuan," aniya sabay tawag sa waiter.
Kilala ni Chrismith ang taong tinutukoy ni Janice dahil minsan na niya itong nakahalubilo. Mayabang ito pagdating sa babae at mataas ang tingin sa sarili kung umasta. Hindi pa naman sila nakatayo ay dumating na nga ang hinihintay nila.
"Hey, wazzap, Bro!?" bati ni Philip kay Chris.
Tinanguan lang ni Chris ang lalaki at tinanggap ang pakipagkamay nito. Nang mabaling ang tingin nito kay Nica, his instinct take over. Mabilis siyang lumapit sa dalaga at isinuot dito ang coat niya.
"Let's go?" Baling ng tingin ni Chris kina Janice at Philip habang inaayos ang pagkapatong ng jacket sa balikat ni Nica.
Maging si Nica ay nagulat sa inakto ni Chrismith. Ganoon pa man ay lihim siyang nagpasalamat sa binata dahil biglang dumoble ang lamig na nadarama dahil sa presensya ni Philip. Hindi na rin siya tumutol nang akayin siya nito sa kabilang table.
"Pare, ako na," agaw ni Philip sa upuang hinihila ni Chris para kay Nica. "Ako na ang bahala sa kaniya at ang pinsan ko ang asikasuhin mo."
Hindi nagustohan ni Chris ang tila pagmamando ni Philip sa kaniya.
"Ayaw kitang katabi sa upuan kaya ikaw doon!" Mataray na sita ni Nica kay Philip at tinabig ang kamay nitong nakipag-agawan sa paghawak sa kaniyang upuan.
"Nica, stop acting like a child!" concern na saway ni Janice sa kapatid dahil siya ang napapahiya kay Chris.
"You're right, hindi na ako bata kaya wala kang karapatan na pangunahan ako o mag desisyon kung sino ang gusto kong makasalo at makatabi sa pagkain!" bahagyang tumaas ang boses ni Nica dahil kanina pa nagpipigil ng galit. Ayaw niya sa presensya ni Philip pero mas lalong ayaw niya sa atensyong pinapakita ni Chrismith sa kaniya ngayon.
"Calm down," paanas na bulong ni Chris kay Nica upang pakalmahin ito. Seninyasan niya si Philip na lumayo na para wala ng gulo.
Padabog na umupo si Nica sa upuan at sinamaan ng tingin si Philip nang sumulyap ito sa kaniyang dibdib.
"Pervert!" bulong ni Nica pero narinig ng kaniyang katabi. Mabilis niyang isinara ang botones ng coat na suot upang itago ang lantad niyang balat. Alam niyang malapit na niyang mapalabas ang sungay ng kapatid sa harap ng gusto nitong lalaki.
"You don't like the food?" tanong ni Chris kay Nica nang mapansin na hindi nito ginagalaw ang pagkain. Ang kamay nito ay nanatiling nakahawak sa botones ng coat niya na para bang takot na mahubad iyon.
Mabilis na ibinaba ni Nica ang dalawang kamay at dinampot ang bread knife at tinidor. Walang salitang sumubo ng pagkain ngunit hindi niya iyon malasahan. She felt nervous dahil sa kakaibang titig ni Philip sa kaniya, mga tinging nagbabanta kapag na solo siya nito. Yes, mukha siyang strong sa panlabas na anyo but deep inside ay mahina siya. Isa sa dahilan kung bakit mas ginusto na niya mag-solo sa paglabas dahil takot siyang maulit ang nangyari noon.
"I'm done here, excuse me." Hindi na hinintay ni Nica ang reaction ng mga kasama. Mabilis siyang tumayo at walang lingon-lingon na lumabas ng naturang restaurant. Napatingin pa sa kaniya ang ilan na naroon din dahil nagmukhang nag-walk out siya sa isang blind date.
"Pasensya na talaga sa inasta ng aking kapatid." Nahihiyang paghingi ng paumanhin ni Janice kay Chrismith at sa kaniyang pinsan.
"Hindi ka na nasanay sa ugali ng kapatid mo," pumapalatak na ani Philip at umaktong baliwala lang dito ang hindi magandang pakitungo sa kaniya ni Nica.
"Mukhang mayroon kang hindi magandang ginawa sa kaniya in your past relationship?" nang-aarok ang mga tingin na tanong ni Chris sa lalaki nang hindi makatiis. Malakas ang kutob niya na takot dito si Nica.
"Ako?" Turo ni Philip sa sarili at nasa mukha ang hindi makakapaniwala. "Huwag kang pabulag sa panlabas na kagandahan ng bababeng iyon, Pare."
"What do you mean?" kahit nayayabangan si Chris dito ay hinayaan niya lang itong magsalita.
"Kung ano ang kinukuwento ng aking mabait na pinsan, iyon ang totoong pagkatao ng babaeng iyon. She's not good in everything even in bed." Mayabang nitong pambubuko sa hindi magandang ugali ni Nica Joy.
Naikuyom ni Chris ang isang kamao at pinigilan na suntokin ang mayabang na mukha ng kaharap. Kahit hindi sila close ni Nica o hindi magkaibigan ay babae pa rin ito. Ayaw niya sa lahat ay binabastos ang mga babae. "Over the belt ka na yata, Pare!?"
"C'mon, I'm just telling the truth para hindi ka mabiktima ng babaeng iyon." Kibit balikat na sagot ni Philip kay Chris.
"Pinsan tama na, babae pa rin siya at kapatid ko kaya be mindful." Sita ni Janice kay Philip nang mapansin na hindi nagustohan ni Chrismith ang katalasan ng dila ng kaniyang pinsan.
Nabawasan ang inis na nadarama ni Chris nang ipagtangol ni Janice ang kapatid nito sa lalaki.
"Alright, huwag na natin siya pag-usapan at baka mawalan pa kayo ng ganang kumain. Pero sana lang ay bawasan mo na ang pagiging mapagbigay sa iyong kapatid. Ilang beses ka na ba niya inagawan ng boyfriend?" Nakangising tanong ni Philip kay Janice habang ang mga mata ay nakatuon kay Chrismith.
Malungkot na ngumiti si Janice kay Chris nang mabasa sa mga mata nito ang nagtatanong tingin kung totoo ba ang sinasabi ng kaniyang pinsan.
"Maging ako ay ginamit niya para lang magkaroon ka ng kaaway," pumapalatak na ani Philip habang hinihiwa ang karneng nasa plato.
Napatiim-bagang na lamang si Christmith at hindi akalain na ganoon kasama nga ang ugali ni Nica. Kahit nagkakilala lamang sila bilang magkasosyo na ngayon sa negosyo ay may bahagi ng kaniyang isip na gusto pa itong makilala.
"Kaya ikaw, Pare," hindi na nabura ang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Philip. "Mag-ingat ka, mukhang ikaw naman ang target niya ngayon dahil nakikitang nagkakamabutihan kayo ng pinsan ko."
"Salamat sa paalala mo pero marunong akong kumilatis ng ugali ng tao." Malumanay na sagot ni Chris sa lalaki bago dinampot ang tisue at pinunasan ang labi. Hindi na niya itinama ang maling iniisip nito sa kanila ni Janice dahil ayaw niyang mapahiya ang dalaga.
"Are you done?" tanong ni Janice kay Chris.
"Yes and sorry pero kailangan ko ng bumalik sa opisina," ngumiti siya sa dalaga bago kinuha ang walet at nag-iwan ng labis na pera para tips sa waiter. " Ikaw na bahala muna sa pinsan mo, Pare." Baling niya kay Philip bago tumalikod.
Napasimangot si Janice nang wala na ang binata. Sinamaan niya ng tingin ang pinsan dahil sumobra ito ng kayabangan. Ramdam niyang hindi nagustohan ni Chris ang presensya nito.
Hindi pinansin ni Nica ang secretary pagkabalik niya sa opisina. Nagkulong siya doon at inabala ang sarili sa trabaho. Ramdam niya ang pagkalam ng kaniyang sikmura ngunit wala pa rin siyang ganang kumain. Bumalik na naman ang pakiramdam na nawawalan ng siglang mabuhay.
Hindi alam ni Chrismith kung bakit naroon siya ngayon sa harap ng building na pag-aari ng pamilya Rodriguez. May isang oras na yata siyang nanatili lang sa loob ng sasakyan. Pinapanuod ang mga taong lumalabas at pasok sa naturang building.
"Go and get your coat," utos ng isang bahagi ng isipan niya. Kanina pa nagtatalo ang kaniyang isipan kung ano ba ang dahilan niya at naroon siya.
"Bakit ba ngayon ko lang naisip ito?" sagot ni Chris sa kaniyang sarili. Tangkang bubuksan na niya ang pinto ng kotse nang mamataan ang pigura ng isang babae.
Nakilala agad ni Chrismith ang babae dahil sa suot nitong coat. Napangiti siya and he felt proud seeing her still wearing his coat. Pero dagli ring napalis ang ngiti sa kaniyang mga labi nang tumingala ang dalaga sa langit. Kahit nasa malayo ito ay ramdam niya ang lungkot na bumabalot sa pagkatao nito. It's kinda weird at ngayon lang siya nakaramdam ng ganito at sa isang babaeng hindi pa niya kilalang lubusan.
Nagpalinga-linga sa paligid si Nica nang makaramdam na tila may taong nagmamasid sa kaniya.
"Napapraning na rin yata ako." Kausap niya sa kaniyang sarili nang wala namang ibang tao sa paligid. Maaga pa para sa kinaugalian niyang oras sa pag-uwi. Kailangan niyang aliwin ang sarili at kumain kaya nagpasya siyang pumunta sa bagong paborito niyang lugar.

Komentar Buku (198)

  • avatar
    LeyesaMarife

    ganda ng flow ng story. 👍nakakakilig na nakakaexcite. huhu ulitin ko pa basahin ng one more time 😁

    23/08/2022

      0
  • avatar
    UlamaAlbaser

    hnj

    16d

      0
  • avatar
    BuenaventuraAnabelle

    nice story

    18d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru