logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 7

Hanggang gabi ay nanatili ang tatlo sa tahanan nina Lala. Doon na sila naghapunan upang masulit ang natitirang mga oras bago sila bumalik sa mundo ng mga mortal. Malungkot na umalis pagka't hindi na naman nila alam kung kailan makababalik upang madalaw ang mag-asawa at si Rio.
Nakatulog agad ang bata sa labis na pagod mula sa pakikipaglaro sa kanila. Hindi na nito nagawa pang makakain ng hapunan at pati si Milky ay lupaypay na rin sa tabi ni Rio sa mahabang upuan sa sala. Inilipat lamang sila ni Raven sa kwarto upang makatulog nang maayos at itinabi niya pa rin si Milky sa kaniyang anak.
Ilang minuto na mula nang nakaalis ang tatlo, naiwang nakaupo sa magkalayong upuan sina Lala at Raven sa sala at parehong may mga bagay na iniisip. May pagkakataon na napapasulyap sila sa isa't-isa, ngunit parang mga pipi dahil walang mausal na salita. Nang dahil dito, nabalot tuloy ng katahimikan ang kanilang buong bahay na nang hapon ay napakaingay.
"Hindi ka pa ba inaantok, mahal?" tanong ni Lala sa kaniyang mister para mabasag na ang katahimikang iyon.
"Hindi pa naman, ikaw ba?" balik na tanong ni Raven sa asawa na gaya niya ay hindi pa inaantok at okupado ng kung ano-anong mga bagay ang isip.
Sinagot ni Lala at ngitian siya ni Raven. Halata na matabang at peke na hindi nakaligtas sa kaniya.
"M-May problema ba?" tanong niya agad. Hindi siya agad nilingon ni Raven, ngunit nadinig niya ang mahaba at malalim na nagbuntong-hininga nito. Tanging lampara lang ang kanilang ilaw at medyo malayo pa sa kinauupuan nila. Maliwanag, ngunit hindi sapat upang maliwanagan ang buo nilang kabahayan.
"Raven?" tawag niya sa mister matapos hindi sagutin ang tanong. Napalingon na siya kay Lala sa pagkakataong iyon. Tinignan niya diretso sa mga mata.
Nag-aalangan kung dapat niya bang ipaalam sa asawa ang napag-usapan nila kanina ni Louie. Batid niya kasi na mangangamba lamang ito kapag nalaman niya.
Naghihintay si Lala ng sagot. Nakatingin lang sila sa isa't-isa at naiinip na siya. Sa tagal ay naisip niyang lapitan na ito at sa tabi na nito maupo.
"Magsalita ka na bago pa kita saktan," pagbabanta niya rito na may ngisi sa mukha.
"Brutal ka talaga, mukha ka lang angel," bulong ni Raven sa isip at medyo napangiti sa sinabi ng asawa niya.
"A-Ano kamo? Hindi ko kayang basahin ang nasa isip mo kaya magsalita ka na," utos ni Lala.
"Oo na po, magsasalita na nga. Ayaw ko sanang sabihin sa iyo, baka kasi mag-alala ka lang nang sobra," ani Raven nang malumanay sa asawa at medyo inilapit ang kan'yang mukha sa isa't-isa.
"Paano mo malalaman kung mag-alala nga ako o hindi kung hindi mo muna sasabihin sa'kin ang iniisip mo? At teka nga—kailan ka pa natutong manghula? Wala naman sa lahi ng mga green ang panghuhula." Nagawa pang mamilosopo.
"Nga naman, may point ka," pagsang-ayon ni Raven.
Sinimulan na niyang ikwento ang mga napag-usapan nila ni Louie ang iba naman ay mga kalokohan lang pero ibinabahagi na niya rin. Nag-aalala raw ang magkapatid na Blue para sa kanila, maging si Josh kaya sila dumalaw. Wala naman sa plano nilang talaga, ngunit nais lang nilang makasiguro na ligtas ang kanilang mga kaibigan.
Kung sakali raw na magkaroon ng aberya, h'wag daw silang magdalawang-isip na lapitan sila. Kahit pa nasa misyon sila o nasa malayong lugar ay sisikapin nilang makarating upang saklolohan sila.
"Malaki na talaga ang pinagbago ni Louie 'no? Hindi na siya iyong loko-lokong malakas mang-trip. Nag-matured na ang utak, pero na-touch ako dahil kahit abala sila ay nagawa pa nila tayong dalawin," mabahang saad ni Lala.
"Oo nga e,"
"Pero bakit hindi maipinta ang mukha mo kanina? Akala ko may malaki kang problema kaya ganoon ang itsura mo. Iyon lang palang mga sinabi ni Louie ang pinuproblema no,"
"Hindi naman kasi 'yon ang nagpalungkot sa akin, may mga iniisip pa akong iba,"
"Ano?
"Nabanggit kasi ni Louie kanina na mukhang wala pang nakaaalam ng kondisyon ni Rio, ang ikinababahala ko, paano kung may makaalam na? Siguradong maraming magtataka sa kung anong meron sa anak natin. Hindi ka ba nababahala?" palaiwanag at tanong ni Raven.
"Nababahala rin naman ako sa posibleng mangyari, pero napag-isipan ko na rin ang mga 'yan. Lahat naman ng problema may solusyon at alam kong kaya nating proteksyunan dalawa si Rio. Hindi lang tayong dalawa, nand'yan din sina Mama at Papa, si Tatay Eros, mga kaibigan natin at alam kong marami pa r'yan na handang gawin iyon para sa anak natin." Habang nagsasalita ay nakatunghay lang si Raven kay Lala. Hindi niya maitago ang pagkamangha rito. Sa paglipas ng panahon na magkasama sila ay hindi ito humihintong ipakita sa kan'ya ang mga dahilan kung bakit kakaiba siya sa lahat.
"Hoy! Natulala ka na riyan," ani Lala nang mapansin.
"Ang ganda mo kasi," sagot naman nito sabay hila sa kaniyang kausap. Kinulong niya sa kaniyang mga bisig at ang mahigpit na pagyakap na iyon ang nagbura sa bigat ng nararamdaman niya sa kaniyang dibdib.
"Mambobola ka!" Isang hampas ang natanggap niya mula rito. Dahil nakakulong na siya sa mga bisig nito ay sa tagiliran na lamang ni Raven ang nahampas niya. Hindi naman kalakasan kaya hindi ito nasaktan, ngunit sinundan ng pinong kurot kaya ito napaaray.
Mabilis siyang humiwalay matapos makurot. Napahimas na lang siya sa parte ng kaniyang tagiliran na mahapdi dahil sa ginawa nito.
"Hehe! S-Sorry—" ani Lala at nag-peace sign malapit sa nakabusangot na mukha ng kaniyang asawa.
"Bakit ka nangungurot? Masakit kaya—" Nakanguso nitong reklamo.
"Trip ko lang. Loko-loko ka kasi,"
"Kailan kita niloko?"
"Ngayon-ngayon lang,"
"A! Dahil ayaw mong maniwala na maganda ka e manloloko na ako? Magaling na bata. Kasalanan ko pa talaga? Napakagaling talaga!" sarkastikong saad ni Raven habang si Lala ay natatawa.
"Sus! Ang ingay." Suway niya kay Raven. Ramdam niyang naiinis na ang pikon na mokong at nang akmang bubuka ang bibig nito para magsalita ulit ay tinakpan niya ang bibig nito gamit ang isa niyang kamay. Hindi naman nagprotesta si Raven. Siniksik niya ang katawan niya sa parteng kili-kili ni Raven at ipinikit niya ang kaniyang mga mata.
Hindi na nagawang magsalita ni Raven dahil sa ginawa ng asawa. Babago na naman kasi maglambing ito. Inalis na nito ang kamay na pinantakip ng bibig niya para hindi na siya dumaldal. Bahagya siyang pumihit paharap sa asawa at mas hinila pa ito palapit hanggang sa ramdam na niya ang mahinahong pagtibok ng puso nilang dalawa.
Nanatili lang sila sa ganoong posisyon. Maya-maya pa ay unti-unti nang lumuluwag ang pagkakayakap ni Lala sa kaniya at nang tingnan niya ito, ay nakatulog na pala.
"Sabi mo kanina hindi ka pa inaantok. Sino ngayon ang loka-loka?" Natatawang tanong niya sa nakatulog na misis niya.
Gumalaw ito at mas siniksik ang mukha sa kan'yang dibdib kaya naman bago pa ito mangawit ay binuhat na niya ito at dinala sa kanilang silid.
Nang mailapag ay hindi niya maiwasang hindi mapangiti lalo nang maisip kung gaano nagmana si Rio sa kaniyang asawa. Parehong antukin. Matutulog na lang kung saan, pipikit kunyari pero maya-maya lang ay tulog na.
Matapos masigurong maayos at komportable na ito sa pagkakahiga ay lumabas naman siya para silipin ang anak sa katabing silid.
Mahimbing na ang pagtulog nito katabi ang alaga. Iniwang nakasindi ang isang lampara sa mataas na parte upang hindi matabig at iniwan na niya sila.
Bumalik na si Raven sa silid nilang mag-asawa at kakahiga pa lamang niya nang marinig niya mula sa silid ng anak ang impit na pagsigaw. Dali-dali siyang napatakbo at pinuntahan ito upang alamin kung anong nangyayari.
Kinakabahang binuksan niya ang iniwang saradong pinto ng silid kani-kanina lang at tumambad sa kaniya ang isang maitim na anino na mabilis na lumabas sa bintana.
Takot na takot si Rio. Pati ang alaga nitong si Milky ay nagising din. Galit na galit ang itsura nito habang nakaharang sa harap ni Rio na animo'y pinoprotektahan niya ito mula sa anino.
Sinara ni Raven ang bintana. Alam niyang nakasarado iyon kanina nang iwan niya. Agad niyang nilapitan si Rio at agad niyakap.
"Raven!!?" Malakas na tawag ni Lala mula sa labas. "May kakaibang enerhiya!" sigaw niya pagpasok sa pintuan.
Nakita niya ang mag-ama niya na magkayakap habang umiiyak ang kanilang anak.
"A-Anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya kay Raven at dinaluhan niya ang dalawa.
Bumitaw sa Rio sa pagkakayakap sa kan'yang ama at lumapit sa dumating na si Lala. Ramdam ng dating reyna ang naiwang enerhiya sa loob ng silid na nagpatayo ng balahibo niya.
"Shhh nandito na kami ng Papa mo," Pagpapatahan niya sa anak, ngunit nagpatuloy lang ito sa pag-iyak at mahigpit ang pagkakayakap sa sobrang takot.
"Ano bang nangyari?" tanong ni Lala kay Raven na napakaseryoso ng mukha habang palinga-linga sa paligid ng silid.
"M-May monster ma-ma. Gusto niya akong kunin mama. Huwag niyo po ako ibigay sa kaniya," pagmamakaawa ng kanilang anak habang umiiyak pa rin.
"Mahabaging Bathala," mahinang pagtawag ni Lala.
"Raven?" Pukaw niya sa asawa na balisa pa rin.
"Hindi ko alam. Pagdating ko rito may nakita akong napakalaking anino at bigla na lang lumabas sa bintanang iyan," maikli niyang paliwanag at tinuro eksakto kung saan.
"A-Ano namang nilalang iyon?" sunod niyang tanong.
"Iyon nga ang hindi ko alam. Ngayon lang ako nakakita ng ganoong kalaking nilalang na para lang anino na tila may buhay,"
"Bigla-bigla naman yata,"
"Mabuti pa'y doon na lang sa silid natin matulog si Rio. Baka bumalik pa iyon at wala tayo sa tabi niya," suhestyon ni Raven at sinang-ayunan naman agad ni Lala.
Lumipat sila ng silid at sumunod si Milky sa kanila. Siniguro nilang sarado ang mga bintana at maliwanag sa buong silid. Nakayakap pa rin ng mahigpit si Rio sa kan'yang ina at humihikbi na lamang ng mahina habang siya'y karga-karga. Nakapa niya na parang mas lumaki ang umbok sa likod ng anak kaya bigla siyang natigilan.
"R-Raven, halika muna sandali," tawag niya sa asawa, ngunit hindi niya pinahalata kay Rio na mayroon siyang nasalat sa likod nito.
Lumapit agad ito kahit na nagtataka at nang inangat ni Lala ang damit ng anak mula sa likuran ay pareho silang nanlaki ang mga mata.

Komentar Buku (10)

  • avatar
    TimbolLorna

    nice

    19/06

      0
  • avatar
    LOr Jem

    ghj

    13/06

      0
  • avatar
    SmithJin

    nice story

    19/05

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru