logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Her Pretty Little Game

Her Pretty Little Game

iammasteryel


CHAPTER ONE

CHAPTER ONE
"AYAN ang napapala mo! Malandi ka kasi! B*tch! Buti nga sa 'yo! Hampas lupa!
I was about to cry when I remembered that scene again. The time na pinagdidiinan niya sa akin kung gaano ako ka-tanga. But I got distracted when someone's calling my name.
"Margaux, are you ready? We have to go."
I sighed deeply when I heard my Mom's voice. Tumango ako kahit na wala namang nakakakita. Yeah, I'm ready.
"I'm coming!" I shouted.
Mula sa kama ay tumayo na ako at hinarap ang full length mirror namin. Ang laki na nga talaga ng pinagbago ko. Ngayon ay naka-lipstick na, maayos ang style ng buhok at nakasuot ng mamahaling damit. At higit sa lahat, maganda na ako tingnan kung ikukumpara dati. Ibang-iba ito sa nakasanayan ko. Ibang-iba sa dating ako.
"Anong akala mo, magugustuhan talaga kita? Asa ka naman!"
Biglang nag-play sa isipan ko yung nangyari noon. Yung mga masasakit na salita na binitawan niya sa akinni Jett Sanchez, ang long-time crush ko. Nararamdaman kong may namumuong luha sa gilid ng mga mata ko pero kaagad ko itong pinigilan. Hindi dapat ako ganito. I have to be brave. Ayoko nang magpatalo at lalo namang ayoko nang umiyak.
"Oh! Akala ko wala ka nang balak na lumabas ng kwarto mo eh," nakangiting sabi ni Kuya nang makalabas na ako ng kwarto, pero halata namang plastic lang yung ngiti niya. Naiirita yan.
Akala mo lang yon," pang-asar ko sa kanya sabay smirk. Kumunot naman ang noo niya. Pikon! Umalis na kami at pumunta na ng airport. Ngayong araw na kasi ang flight namin pabalik ng Pilipinas.
-=-=-
THIS IS it!
Once na sumakay ako sa sasakyan na yan, maiiwan ko na itong states. I'm gonna miss this place. Ang lugar kung saan, nakahanap ako ng iilang kaibigan. Ang lugar kung saan, nabuhay akong muli.
Yeah, I have to be brave. Ipapakita ko sa kanila ang bagong ako. Ipapakita ko sa kanila na hindi na ako ang dating ako na nakilala nila.
Pumasok na ako nang tuluyan at umupo na sa upuan ko, katabi ang kuya ko.
"Ang tagal mo naman," reklamo niya kaagad nang makaupo ako. Siya si Michael VelascoGwapo pero minsan masungit at tamad pero talented 'yan. He's my brother. Hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya. Pagod ako eh, bakit ba? Dahil ilang oras pa naman bago kami makarating ng Pinas, napagdesisyunan kong matulog muna.
-=-=-
"MARGAUX...Margaux..."
"Hmm.." nararamdaman kong may kumakalabit sa balikat ko pero dahil sa inaantok pa ako, di ko na lang siya pinapansin.
"Margaux, ano ba? Nasa Pilipinas na tayo. Gumising ka na at nasa baba na rin si Mama," naimulat ko naman ang mga mata ko nang marinig yung sinabi niya.
Nakarating na kami? Ang bilis naman yata? Bumangon na ako at sumunod na kay Kuya. Pagkalabas ko, napasinghap ako. Yes, nasa Pilipinas na nga ako. It's good to be back here, though two years lang naman akong nawala pero sobrang na-miss ko rin ito.
"Mauna na lang muna kayo. Comfort Room lang ako," paalam ko. Di ko na inantay pa ang sagot nila at umalis na ako papuntang CR. Tinatawag na kasi ako ng kalikasan at para makapag-ayos na rin ng mukha. Siyempre, ayokong makita sila ng hagard ako, diba?
Pagkalabas ko, sa may waiting area, nakita ko na sila Mama na nakikipagyakapan sa mga tao doon. Napansin ko kaagad 'yung hawak nilang malaking tarpaulin na may nakasulat, "Welcome Back, Velasco Family!" Inayos ko muna yung sarili ko saka pa taas-noong lumapit sa kanila. Todo ngiti pa sila. Kita talaga yung excitement sa mga mukha nila.
"Yaya Mileng!" high-pitched kong sabi sabay yumakap sa kanya nang mahigpit. Grabe, na-miss ko si Yaya! Di ko mapigilan yung sarili kong lumapad ang ngiti. Pero mayamaya ay nararamdaman kong unti-unti siyang bumibitaw sa yakap ko.
Nakahawak siya sa magkabilang braso ko at seryoso akong tinitingnan.
Ano naman pong klaseng tingin yan, Yaya Mileng? naguguluhang tanong ko.
Tiningnan niya muna ang kabuuan ko bago pa siya makapagsalita.
Grabe, hindi ako makapaniwala. Ang ganda na ng alaga ko! Napaatras naman siya ng kaonti at tiningnan ako from head to toe then back to my beautiful face. Kung iba yung may gawa non, malamang sa malamang ay nairita na ako sa ginawa niya. Pero ngayon, hindi. Natawa pa nga ako sa naging reaksiyon ni Yaya. Nakakatawa talaga siya. Sinabayan ko pa ng pag-ikot na siya namang ikinatuwa ni Yaya.
"Grabe, ang laki na nga talaga ng pinagbago mo! Akalain mo yon? Muntikan na kitang di nakilala ah? Ang ganda mo," di ko alam kung nag-joke ba si Yaya o hindi pero natawa ako doon.
"Hay naku, Yaya Mileng! Hanggang ngayon bolera ka pa rin po pagdating sa akin." Pagbibiro ko.
"Totoo naman ah? Namiss kita!" sabi niya sabay yakap ulit. Okay. Ramdam ko naman talaga yung pagka-miss sa akin ni Yaya. Ang higpit, eh.
"Okay, Okay. Tama na muna ang usapan ninyong dalawa. Tara na at baka napagod na si... Ako! Haha!" nagtawanan lang kami doon sa sinabi ng Mama ko. Sumakay na kami sa isahang sakayan lang which is Van na kasya naman sa amin. Hanggang sa sasakyan ay nakapulupot pa rin ang kamay ko sa bewang ni Yaya. Nagke-kwentuhan lang sila habang ganon din kaming dalawa ni Yaya.
Ewan ko ba pero pag kasama ko siya, laging lumalambot yung puso ko. Laging nawawala yong galit ko. Pero kapag naiisip ko SILA, bumabalik yung sakit na nararamdaman ko.
Be ready, friends, dahil nandito na ako.
The new me is coming!

Komentar Buku (38)

  • avatar
    DetiralKathleen Ruth

    so nice story

    28d

      0
  • avatar
    Audrey Niza

    super ganda

    02/07

      1
  • avatar
    Rose Rodrigo

    the story nice and beautiful i like it

    27/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru