logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Game 06

Clyde was dribbling the ball when he saw the naked body of Ceejay who was sitting and laughing with Aston in the bench. He can’t understand what he feels but, got irritated all of a sudden. He knew that Ceejay didn’t do anything to make him feel that way. He’s not at fault. He just can’t bare how they act like nothing happened between the three of them.
Flashback….. 3 years ago
“Clyde,” tawag ni Ceejay kay Clyde na nakaupo sa harap ng computer at naglalaro ng Valorant. Hindi niya ito nilingon at nakatutok pa rin sa computer.
Nakatira na sila sa iisang bahay ngayon dahil pare-parehas lang naman sila ng balak na school na papasukan sa college kaya naisipan nila na tumira sa malapit.
Inilapit ni Ceejay ang mukha sa computer dahilan para umatras ng kaunti si Clyde. Nagulat ito sa pagsulpot ni Ceejay sa harap niya.
“Teka lang, Kulot. ‘Wag kang magulo. Tapusin ko lang ‘to,” sabi niya at hinawi ang mukha ni Ceejay na nakatingin sa screen. Ceejay pouted and waited for Clyde to finish the game.
Nang matapos sa paglalaro si Clyde ay tinanggal niya ang headset sa tainga niya at isinabit sa kaniyang leeg. “Problema mo, kulot? Papayag ka na ba ipa-spaghetti ang buhok mo?” tanong niya rito. Binatukan naman siya ni Ceejay kaya natatawa siyang napahawak sa ulo niya.
“May sasabihin kasi ako,” biglang naging seryoso ang mukha nito. Kinuha niya ang isang upuan na nasa gilid ng kama ni Clyde at umupo roon nang nakaharap kay Clyde. Umayos din ng upo si Clyde.
“Ano ‘yon? Ang seryoso mo, ah? Wala akong pera,” aniya para mapagaan ang bumibigat na atmosphere sa pagitan nila. Ngunit hindi natinag ang seryosong mukha ni Ceejay. Yumuko ito. Tinatanya ang mga salitang lalabas sa kaniyang labi. Nag-aabang lang si Clyde ng sasabihin niya. Kumunot ang noo niya nang ilang minuto na ang lumipas ay hindi nagsasalita si Ceejay. “Ano nga?” seryoso na rin ang boses ni Clyde. Diretsong tumingin si Ceejay sa mga mata ni Clyde at bumuntong hininga bago magsalita.
“May gusto kasi ako kay Aston,” aniya na ikinatigil ni Clyde. Hindi nakapagsalita si Clyde. Tinanggal niya ang headset na nasa leeg niya at hindi makapaniwala siyang tumayo habang itinuturo ang pinto. Napahawak ito sa dibdib niya na parang nahihirapan siyang huminga.
“Can you please, go out?” kalmado niyang pakiusap niya kay Ceejay dahil habang tumatagal ay sumisikip ang dibdib niya. Ayaw niyang maging bastos dito ngunit ang imaheng ng mga magulang niya na may kahalikhang iba ang pumapasok sa utak niya.
“Clyde, I know it is hard for you to accept but----”
“Please, leave me alone,” mahina ngunit sapat para marinig ni Ceejay ang mga salitang iyon. Sinubukan niyang lumapit kay Clyde pero napatalon siya sa lakas ng boses nito. “I said out!” napayuko ito at tumalikod sa pwesto niya. “Please,” mas mahina na ang pakiusap nito.
Gustuhin mang lumapit ni Ceejay kay Clyde pero hindi niya magawa dahil alam niya kung ano ang pinagdadaanan ng kaibigan. Sinubukan lang naman nito kung matatanggap siya nito dahil kaibigan niya naman ito. Hindi naman talaga si Aston ang gusto niya pero nagbabakasali siya. Dalawang taon na rin ang nakalilipas nang maghiwalay ang mga magulang ni Clyde. Dalawang taon na rin na akala niya ay naka-move on na si Clyde.
Malungkot na lumabas ng apartment ni Clyde si Ceejay. Gusto niyang bawiin ang sinabi niya rito pero hindi na siya muli pang pinakinggan ng kaibigan. Naglakad-lakad siya at nag-isip kung tama ba na sinabi niya kay Clyde. Silang dalawa lang kasi ni Aston ng totoong siya at pumayag naman ang kaibigan na gawin siyang dahilan nito pero hindi rin pala gagana ang plano nila. Sana pala dinahan-dahan niya na lang. Hindi na niya tuloy alam kung kaibigan pa ba ang turing sa kaniya ni Clyde o isang salot. Hindi niya alam kung ano na ang tingin sa kaniya ni Clyde ngayon.
Hindi namalayan ni Ceejay ang paparating na truck dahil sa lalim ng iniisip. Mabuti na lang ay bahagyang gumilid ang truck para hindi siya mapuruhan ngunit hindi pa rin nito naiwasan si Ceejay dahilan para tumalsik ito. Lahat ng tao sa kalsada ay nagulat. Tumama naman ang truck sa puno na nasa hindi kalayuan. Habang si Ceejay ay duguan na nakahiga sa kalsada.
Sa mga oras na iyon ay iisang tao lang ang nasa isip niya.
Si Clyde.
Sana pala hindi niya na lang pineke ang nararamdaman. Baka siguro hindi ito nangyari. Siguro kaibigan niya pa rin si Clyde. Siguro ay hindi niya ito makakalimutan.
****
Nagulat si Clyde nang makarating ang balitang nasagasaan si Ceejay kay Aston.
“What did you say to Cee, Clyde?” hindi nakaimik si Clyde sa tanong ni Aston habang nasa sala sila. “Tell me? After he confessed to you, anong ginawa mo?” ulit pa nitong tanong.
“Pinaalis ko lang naman siya dahil gusto kong mag-isip. I shooked as fuck Aston. Alam niyo ang pinagdaanan ko so what do you expect for my reaction? Ang magsaya?” sagot niya kay Aston nang ma-realize ang nangyari. Sinisisi ang sarili dahil ang araw na nadisgrasya si Ceejay ay ang araw na nakausap niya ito. Half of the accident ay may kasalanan din siya.
“And all this time alam mo ang tungkol sa kaniya?” hindi makapaniwalang dagdag ni Ceejay. Hindi naman sumagot si Aston na seryoso lang nakatingin sa kaniya. “All this time ako lang pala ang walang alam tungkol sa inyo. So ano? Ikaw? Bakla ka rin? He said that he likes you. So kayo na? Behind my back?” dagdag niya pa. Gusto niyang pukpukin ang sarili dahil imbes na mag-sorry siya kay Aston at Ceejay pero mas lumalamang ang sama ng loob sa puso niya.
Hindi siya makapaniwalang tinignan ni Aston. “You really are the worst, Cly. I didn’t know na magiging ganyan kakitid ang utak mo. Hindi naman na nakakapagtaka dahil kahit nga pamilya mo basta-basta mo na lang itinapon na parang basura sa paningin mo,” matigas niyang sabi kay Clyde at tumalikod. Bago pa man siya makaalis ay muli siyang nagsalita.
“And yes. Kami na nga. That means I’m also a gay,” ani niya at umalis na sa bahay para puntahan sa ospital si Ceejay. Napasuntok na lang sa hangin si Clyde dahil sa inis. Malakas siyang sumigaw para ilabas ang frustration na kanina niya pa nararamdaman. Mas mabuti na nga sigurong siya na lang ang umiwas sa kanila.
Hindi rin nakatiis si Clyde at pumunta na sa ospital. Nang bisitahin niya si Ceejay sa ospital, sinabi ng doctor na in coma ito. Nablangko ang utak ni Clyde dahil sa nangyari. Patuloy niya pa rin sinisisi ang sarili. Nandoon din si Aston na masama lang nakatingin sa kaniya.
Ilang buwan na ay hindi pa rin gumising si Ceejay. Araw-araw ay binibisita niya ang kaibigan. Humingi siya ng tawad dahil pakiramdam niya ay may kasalanan siya sa mga nangyari.
“Cee, I’m sorry. I’m sorry kung hindi muna kita pinakinggan. I’m sorry. Dapat hindi kita pinaalis. Dapat ako ang umalis para hindi ikaw ang nakahiga dyan ngayon,” hinawakan nito ang kamay ng kaibigan na may mga hose na nakakabit sa bibig. Sa mga sandaling iyon ay parang nawala ang trauma ni Clyde. Umiiyak siya at hindi malaman ang gagawin. Sa tagal ng pagkakaibigan nila ay bakit parang ang dali na lang sa kaniya na itapon ang lahat? Gusto niyang saktan ang sarili dahil doon.
Maya-maya ay naramdaman niya ang paggalaw ng mga daliri ni Ceejay. Pinunasan niya ang mga luha na nasa mata at mabilis na tumawag ng doctor gamit ang button na nasa uluhan nito. Sakto naman ang pagdilat ng mata ni Ceejay ay ang pagpasok ni Aston. Binitawan niya ang kamay ni Ceejay nang makapasok ang mga doctor para ma-check up ‘to.
“Tatawagan ko lang sila Tita,” sabi ni Clyde at lumabas ng kwarto para tumawag sa nanay ni Ceejay. Nang masabi ang balita ay bakas ang saya sa boses ng mga magulang ni Ceejay. Sinabi ng mga ito na papunta na sila. Si Clyde naman ay mabilis na pumasok sa kwarto ni Ceejay.
Nakadilat lang ang mata ni Ceejay. Matapos ma-check ang condition ni Ceejay ay nagsalita ang doktor.
“Ceejay? Can you hear me? Can you blink if you can hear me?” magaan ang boses ng doktor habang kinakausap si Ceejay. Napahinga sila ng maluwag nang mag-response si Ceejay sa doktor.
Ilang araw pa ang lumipas bago matanggal ang tracheostomy na nasa bibig niya. Unti-unti ay nakaka-recover na rin ang motor skills niya. Pero hindi pa natatanggal ang bandage na nasa ulo niya. Kinailangan siyang operahan bago siya na-coma at ang sugat na iyon ay hindi pa lubusang gumagaling. Sa tuwing nakikita iyon ni Clyde ay parang dinudurog din ang puso niya.
Isang araw ay muling bumisita si Clyde kay Ceejay. Nitong mga nakaraang araw ay hindi niya magawang puntahan si Ceejay dahil wala siyang lakas ng loob para harapin ito knowing what he did to him. Pero ngayon ay napagdesisyunan niya na humingi na ng tawad dito. Naniniwala siya na iba si Clyde sa mga magulang niya. Nakangiting pumasok si Clyde kay Ceejay na tumatawa kasama si Aston. Pumasok din ang doktor kasabay niya.
Nadako ang tingin ni Ceejay kay Clyde nang may pagtataka. Nawala ang ngiti sa labi ni Clyde at nakatitig lang din siyang tumingin kay Ceejay. Para silang nag-uusap sa mga isip nila ngunit hindi masabi ang tamang salita. Naputol lang ang pagtititigan nila nang magsalita ang doktor.
“How’s your feeling, Ceejay?” tanong ng doktor.
“Okay na po. Medyo magaan na rin po ang pakiramdam ko,” nakangiti niyang sagot.
Nanibago si Clyde sa mga ngiting iyon. Ang inosente ng mga ngiti na iyon at hindi maalis ang tingin niya sa labi ni Ceejay. Muli siyang nilingon ni Ceejay kaya nawala rin sa isip niya ang saglit na pagtataka. Nakangiti siyang lumapit kay Ceejay.
“Who.. are… you?” nagtatakang tanong ni Ceejay na ipinagtaka nilang lahat.

Komentar Buku (105)

  • avatar
    Muhammad Rizal

    very good and nice story 😍🫶

    05/07

      0
  • avatar
    LazaldinJiha

    good novel

    04/07

      0
  • avatar
    corpuzMatheo james

    maganda

    18/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru