logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Game 05

Kinabukasan ay hapon ang laro nila kaya may oras pa para makapag-training ang dalawang team. Hindi na nagawang pumunta ni Ceejay sa gymnasium kagabi para sana mag-training dahil sa sinabi ni Clyde. Hindi iyon naalis sa isip niya kaya hindi rin siya masyadong nakatulog.
Hati ang gymnasium para sa training ng dalawang team. Nagpapalitan lang ng masasamang tingin ang mga ito sa isa’t isa. Habang si Ceejay naman ay palihim na tinitignan si Clyde na walang emosyong nagdi-dribble ng bola. Ceejay shakes off all the thoughts in his head. Ano bang nangyayari sa kaniya? Hindi niya rin maintindihan kung bakit parang gusto niyang magtanong kay Clyde pero wala siyang lakas ng loob dahil baka magkaroon na naman ng away sa pagitan nila.
Sa tuwing nagkikita na lang kasi sila ay para itong naghahamon ng away. Kaya napansin din niya na hindi siya nito tinatapunan ng tingin. Ilang minuto pang nag-training ang Blazers bago naisipan na magpahinga sa bleachers. Kinuha ni Ceejay ang tuwalya na nakapatong sa bag niya at uminom ng tubig.
Lumapit naman si Aston sa kaniya at ininuman ang bottled water na ininom niya. Umupo ito sa tabi niya habang nagpupunas ng pawis.
“Bakit parang lutang na lutang ka naman Cee? May problema ba?” nag-aalalang tanong sa kaniya ni Aston.
“Wala naman. Hindi lang ako masyadong nakatulog kagabi,” sagot niya rito at bahagyang ngumiti.
“Bakit? Insomia?” naghubad si Aston ng jersey. Napatingin naman si Ceejay sa matitipuno nitong katawan. Napalunok siya at iniiwas na lang ang tingin. Napadaan ang tingin niya kay Clyde na nahuli niyang nakatingin din sa gawi nila at masama ang timpla ng mukha. Hindi na siya nagtataka sa inasta nito pero mabilis niya lang din isinawalang bahala. Ayaw niya nang mag-isip pa ng kung ano-ano dahil baka nasa attitude na talaga ni Clyde ang magkaroon ng galit sa mga katulad niya.
“Nah. Not sure. Siguro dahil napahaba ang tulog ko nang hapon,” ang tanging isinagot niya na na lang kay Aston na ngayon ay nakabihis na ng t-shirt. Mabilis din siyang nagbihis. Tumango lang si Aston at ginulo ang buhok niya.
“Tara na. Nagugutom na ako,” sabi ni Aston at tumayo.
“Una na kami, Pre. Kita kits na lang sa game mamaya,” paalam nila Liam. Gusto raw kasi ng mga ito na libutin ang ilang lugar doon. Nasa probinsiya kasi sila at hindi tulad sa Maynila ang hangin na masasagap nila. Kumaway na lang ang dalawa.
Tinapos ni Ceejay ang pag-aayos ng gamit. Magkahawak-kamay na naglakad sina Ceejay at Aston palabas ng gymnasium. Nakaramdam si Ceejay na parang may nakatitig sa kanila kaya inillibot niya ang paningin. Nagkibit-balikat na lang siya dahil halos lahat ng tao sa gym ay busy sa paglalaro.
Nang makarating sa canteen ng dormitory ay umorder ng sinigang na baboy at kanin si Ceejay. Samanatalang adobong baboy at kanin naman ang kay Aston. Nakahanap sila ng bakanteng pwesto dahil hindi pa masyadong crowded ang lugar since alas-onse pa lang ng umaga. Nang makaupo ay nag-umpisa na ring kumain ang dalawa.
“Hindi ka kumakain ng taba ‘di ba?” takang tanong ni Ceejay nang mapansin na halos puro taba ang laman ng ulam ni Aston.
“Ito binigay no’ng nagtitinda, eh. Hindi na raw nila pinapalitan kapag nailagay na. Nakalimutan ko naman sabihin kaya hinayaan ko na lang din,” Aston said, looking at his plate in confused. He don’t know how he will eat it with just the little broth from the meat. Ceejay sighed and get the plate from Aston before he started to eat it.
Mabilis na napatingin si Aston kay Ceejay at napangiti rin nang makitang ipinalit ni Ceejay ang plato niya.
“Eat mine. Baka sumakit pa ang tyan mo kung pipilitin mong kainin ‘to. Last time is enough,” saad ni Ceejay kay Aston na malawak ang ngiti. Tukoy nito nang isang beses na buong araw sumakit ang tyan ni Aston dahil sa pagkain niya ng taba. Hindi kasi natutunawan ng taba si Aston kung kaya’t hangga’t maaari ay iniiwasan nila na pigilan ito. Nang mga oras na iyon ay may laro sila kaya ang tendency ay hindi kasama sa line-up si Aston.
“Pwedeng ikaw na lang ang kainin ko?” ngisi niya at itinaas-taas pa ang mga kilay. Natawa naman si Ceejay at kinaltukan ito.
“Kakain ka o uubusin ko ‘yan?” banta niya sa kasintahan na mabilis itinuon ang atensyon sa pagkain. “Pwede naman kasing kumuha ng ibang ulam bakit baboy pa ang napili mo,” Ceejay stated while laughing in Aston pouted lips.
“Masama ba mag-crave ng adobo ngayon? Wala naman silang adobong manok. Buntis na ata ako. Baka magkaka-baby na tayo?” dagdag na biro pa ni Aston at sumubo sa pagkain. Nabilaukan naman si Ceejay dahil sa sinabi niya. Uminom siya ng tubig at sinipa ang paa ng tumatawang si Aston.

“Para kang gago! Feeling may matres?” ani niya. Mas lalo naman natawa si Aston. Tinapunan lang siya ng masamang tingin ni Ceejay at umiiling na tinuloy ang pagkain. Nang mahimasmasan ay natigil din si Aston. Lumipat ito ng pwesto sa tabi ni Ceejay at mabilis siyang hinalikan sa pisngi. Siniko niya ito at tumingin sa paligid. Mukhang wala namang nakapansin sa paglalandian nilang dalawa.
“Mukha ka kasing stress ngayon. I just want to make you feel better and lighter kahit papaano,” Aston implied on Ceejay’s weird action today. “You can say that you are pressured sa game. Normal lang naman iyon sa team captain, eh,” he added and hugged Ceejay on side while his chin was in his shoulder.
Ceejay smiled amusingly because of Aston’s words. He didn’t know na napapansin pala ng boyfriend niya ang stress na mukha niya nitong mga nakaraang araw. Ayaw niyang sabihin kay Aston na iniisip nito si Clyde dahil baka magsimula lang ito ng away. Kilala niya si Aston sa pagiging seloso nito.
One time nga ay halos bugbugin na ni Aston ang lasing na lalaking humalik sa kaniya sa bar. Mabuti na lang din ay hinila ito agad ng mga kaibigan niya bago pa makalapit si Aston. Laging sinasabi sa kaniya ni Aston, “What’s mine will always be mine.” Kung kaya’t hangga’t maaari ay hindi na siya nagkukwento ng mga bagay na alam nitong ikaseselos niya.
Hindi rin naman dapat magselos si Aston dahil mahal na mahal niya ito. At hindi niya kakayanin kung mawawala ito sa kaniya. Masyadong mahalaga si Aston sa kaniya para pakawalan ito. Kung hindi dumating si Aston sa buhay niya baka hindi rin siya nakaahon sa ilang taong pagkakakulong niya sa nakaraan.
Mabilis niyang hinalikan sa labi ang nakangiting si Aston. Namula naman siya nang bigyan din siya nito ng halik.
“Tama na. Baka ma-eliminate pa tayo sa game dahil sa kaharutan mo,” saway niya kay Aston na mas lalong ngumiti at hinigpitan ang yakap. Isinandal naman niya ang ulo sa ulo nitong nakapatong sa mga balikat niya.
“I love you.”
“I love you, too.”
Pero bakit pakiramdam ko may kulang?

Komentar Buku (105)

  • avatar
    Muhammad Rizal

    very good and nice story 😍🫶

    05/07

      0
  • avatar
    LazaldinJiha

    good novel

    04/07

      0
  • avatar
    corpuzMatheo james

    maganda

    18/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru