logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 2: Melendrez

It's been a weeks since our semester started gusto kong maghanap ng panibagong scholar para may back-up ako pero isa sa pinakamagandang construction firm ang CM Contruction. For a couple of weeks I tried to find Ate Valerie and noong nakita ko siya hindi mapapagkaila na may resemblance kami. Hindi ako madalas tumingin sa salamin dahil nakikita ko ang Mommy ko sa mukha ko. 
Inayos ko ang eyeglasses ko bago hanapin si Ate Valerie mag-isa lang siya sa open field kaya mas madali ko siyang nilapitan. Nagulat pa siya ng makita ako inaya ko siya sa likod ng school para walang tao masyado doon. Natatakot akong makita ni Cathy dahil baka sabihin niya kay Mommy ang ginawa ko. Hindi naman talaga ako susunod sa kanya pero I want Ate Valerie to be aware. Malayo si Ate Olivia kaya imposibleng guluhin niya ito. 
Habang nagkwento ako sa kanya ng nalalaman ko I know she is also curious about her life. 
"I'm Veronica Hope Hernandez" 
After we talk I decided to leave but to my surprise nasalubong ko ang bunsong Melendrez. His been pestering me for the couple of weeks kaya umiiwas ako sa kanya hindi niya matanggap na ako ang nakuha sa scholarship ng Tita niya. 
Umiwas ako at hindi siya pinansin. 
"Trying to avoid me?"tanong niya pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Akala ko mababait ang mga Melendrez pero masyado palang makulit ang isang ito. Bakit ba kailangan niya ng scholarship kung mayaman naman ang pamilya niya?. Hindi na siya mag-aalala pa sa future niya dahil pwede siyang magtrabaho directly to CM because he has a connection that I don't have. 
Hawak niya ang bola niya. 
"I'm sorry for pestering you"sabi niya. 
Pero hindi ko pa din siya pinansin. 
"I got accepted in Varsity so I got a scholarship too. I saw your answer in entrance exam and I accepted that you are deserving more than me"sabi niya. 
Nagdiretso ako sa huli kong klase pagkatapos ko dito ay papasok naman ako sa trabaho. Wala naman akong pakialam sa iba pero itong Melendrez na ito masyadong makulit. 
Fr: Mae
Bakla, need namin ng waitress mamaya punta ka malaki magtip dito. 
To: Mae
Pupunta ako mga 9pm ang tapos ng shift ko sa store.
Fr: Mae
Diretso ka lang si Robert ang manager dito kaya kilala ka na. 
Madalas ay nagpart-time ako sa Bar bilang waitress sa tuwing nangangailangan sila ng tao. 
Pagkatapos ng klase ay nagmadali ako sa pag-alis ko. Pero humarang naman itong Melendrez na ito. 
"Tabi"sabi ko sa kanya. 
"Gusto ko sanang bumawi sayo kung ayos lang ililibre kita ng Dinner wala kasi akong practice ngayon"sabi niya. 
"Ayos na yon wag mo na lang akong kulitin"sabi ko sa kanya at iniwan siya na natulala sa sinabi ko. 
Pagkadating ko sa store ay nagpalitan kami ng kasama ko. 
"Ikaw na bahala may pasok pa ako"sabi ni Abby. Mabait si Abby at katulad ko ay nag-aaral din pero graduating na siya. Kaya kinakabahan si Madam kung sino ang papalit sa kanya. Tumutulong din talaga sa pag-aaral si Madam kaya tumatanggap siya ng working student basta masipag. Wala din naman akong problema sa schedule dahil nagbibigayan kami rito. May pinapadala naman si Daddy sa akin pero mas gugustuhin ko ang mag-ipon. Hindi na naman niya ako kinakamusta ngunit nagpapadala siya every month. Walang nakakaalam ng buhay ko kahit sa tinutuluyan ko ang alam lang nila ay may asawa na ang mga magulang ko. Kaya mas naawa sila ng makita ang trato ni Mommy sa akin noong nagkita kami. 
Daddy have a happy life with his wife ngunit takot ang asawa niya at ayaw niyang kasama ako dahil natatakot siyang magkaroon ng dahilan si Mommy para bumalik sa buhay nila. Bumalik sa pagiging Engineer si Daddy after he recovered. 
"So you are working here?" Napaangat ako ng tingin sa nagsalita. 
"May bibilhin ka ba?"tanong ko sa kanya. 
"Hindi ko alam na nagtatrabaho ka pala dito"sabi niya. 
"Kung wala kang bibilhin wag ka ng manggulo dito"sabi ko sa kanya. 
Kumuha siya ng mga kung ano ano. Hindi ko nga alam kung kailangan niya ba iyon. 
"465"sabi ko sa kanya. 
"Here" he gave me 1000 peso bill. Inaabot ko na sa kanya ang sukli pero hindi niya tinaggap ito. 
"Keep the change"sabi niya. 
"Hindi pwede iyon kung gusto mo bumili ka pa"sabi ko sa kanya. 
"Then you can buy everything that you want. It's my treat"sabi niya. Mukha ba akong nanglilimos dahil lang nagtatrabaho ako. 
"Hindi ko tinatanggap ang perang di ko pinaghirapan. Kung manggugulo ka lang dito pwede ba umalis ka na"sabi ko sa kanya. 
"Sorry, I just don't know kung paano bumawi sayo"sabi niya.
"Wala kang dapat gawin wag mo lang akong guluhin"sabi ko sa kanya. 
Humahaba na ang pila kaya naman tumabi na siya habang hawak ang pinamili niya at sukli. 
Maya-maya ay umupo na siya sa mga upuan. Inilabas niya lahat ng binili niya at naglabas ng mga libro. Hinayaan ko na siya kaysa mastress ako kakaisip kung paano siya mapapaalis. Makulit din talaga ang isang ito. 8:30pm na pero nandito pa din siya halos maubos na ang binili niyang pagkain. Habang walang tao ay nag-aaral ako dahil may duty pa ako mamaya. 
Maya-maya ay dumating si Kuya Tommy siya ang bantay sa gabi. Anak siya ni Madam. 
"Kuya, alis na ako"sabi ko sa kanya. 
"Ingat ha sinabi ni Mama na may duty ka mamaya"sabi ni Kuya Tommy. 
"Opo, kita na lang bukas"sabi ko. Pagkalabas ko ay sumunod din si Melendrez. 
"Do you have another work?"gulat na tanong niya. 
"Wala ka na doon. Umuwi ka na dahil gabi na baka hanapin ka sa inyo"sabi ko sa kanya. 
"What time is the end of your duty?"tanong niya. 
"Wag mo na lang akong sundan at hayaan mo na lang ako. Hindi ka ba hahanapin sa inyo?"tanong ko sa kanya. 
"I just want to see if you are safe. I didn't know that you are working at this age. Where is your parents?"tanong niya. 
"Wag kang mangealam sa buhay ko Melendrez. Umalis ka na at wag mo na akong kulitin. Kung wala kang magawa sa buhay mo pwes ako madami"sabi ko at iniwan ko siya. 
Hindi dapat nila malaman na bata pa ako. Pakilala ko kasi ay 18years old na ako. Kung patuloy akong papakialaman ni Melendrez malalaman nila ang tunay kong edad. 
Pagkarating ko ay agad akong nagsimula magserve. Ang maganda kasi dito hindi hinahayaan nila Mae at Ella na mabastos ako ng mga customer. Maging si Robert ay pinoprotektahan ako kaya panatag ako na kasama sila. 
"Kasama mo ba yong bata doon sa labas?"tanong ni Sir Robert. 
"Sino?"tanong ko pero may isang tao na pumasok sa isip ko. 
Pagkalabas ko ay nakita kong pabalik-balik si Melendrez at hindi mapakali. 
"Anong ginagawa mo rito?"kunot noo ako habang tinitingnan siya. 
"What are you doing in this kind of place?"tanong niya. 
"Nagtatrabaho ako sinabihan na kita na umuwi ka na"sabi ko sa kanya. 
"Pero you are too young to work in this kind of place"sabi niya agad kong tinakpan ang bibig niya. 
"Pwede ba tumahimik ka baka marinig ka nila"sabi ko sa kanya. Hinila ko siya sa gilid madami na ding nakatingin sa amin. 
"Wag kang maingay hindi nila alam ang edad ko dito"sabi ko sa kanya. 
"Sinabihan na kita na umuwi ka na. Kilala ko ang mga nandito madalas ako dito. Hindi na nila ako bibigyan ng part-time kapag sinabi mo ang edad ko"sabi ko sa kanya. 
"I will help you to find work hindi yong ganito. Bata ka pa to exposed in this kind of place. You have also scholarship you don't need to have more jobs"sabi niya. 
"Wala kang karapatan mangialam sa buhay ko Melendrez. Umuwi ka na may trabaho pa ako dito"sabi ko sa kanya. Iniwan ko siya doon at bumalik sa loob.
"Sino yon?"tanong ni Sir Robert. 
"Kaklase ko lang Sir Robert masyadong makulit ang batang yon"sabi ko kahit kaedad ko lamang ang Melendrez na yon. 

Komentar Buku (12)

  • avatar
    Kimwel Jhon Aldiano

    nice

    23/12

      0
  • avatar
    Zhy Long

    oh I don't know

    26/10

      0
  • avatar
    james moraliz

    james

    25/10

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru