logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

KABANATA 3

Kabanata 3
Patid
--
Napadilat ako nang maramdaman ko ang unti unting paghinto ng sasakyan. Nakita kong binuksan ni Klara ang gate para makapasok ang sasakyan ni Sir Joshua kung saan kami naroon.
Kinusot ko ang mga mata ko tsaka naghikab. Hindi na gaanong sumasakit ang braso at mga kamay ko. Medyo pagod na lang ako.
Bumaba ako ng kotse nang huminto na ang sasakyan. Ganon rin ang ginawa ni Sir Joshua na hindi manlang ako binalingan at nagdere deretso lamang papasok sa mansyon.
Ngumuwi ako at kinuha na lamang ang mga paper bags sa likod ng kanyang kotse. Pumunta sa akin si Klara pagkatapos nyang isarado ang gate at tinulungan ako sa mga paper bags. Nagpasalamat ako sa kanya.
"Pinahirapan ka ba ni Sir masyado? Ang dami nito..." ani Klara.
"Nahirapan ako pero trabaho ko naman to..." sagot ko.
Bumuntong hininga sya. "Alam ko nang mangyayari ito..."
Bumaling ako sa kanya nang nagtataka. "Anong ibig mong sabihin?"
Umiling sya. "Mamaya nalang natin pag usapan..."
Tumango na lamang ako at dinala na lahat ng paper bags sa kwarto ni Sir Joshua. Kumatok kaming dalawa sa kwarto nya. Hindi naman nagtagal at binuksan nya agad yon. Pinapasok nya kaming dalawa. Sinabi nyang ilagay iyon sa kanyang walk in closet kaya naman iyon ang ginawa namin. Nilagay namin yun lahat sa napaka laki nyang walk in closet. Namangha pa ako sa ganda noon. Lumabas rin naman kami agad.
"Bring me snacks here. Snacks and drinks," utos ni Sir Joshua.
"Opo, Sir..." sabi ko na lamang at lumabas na kaming dalawa ni Klara.
Hinawakan ko ang aking balikat at inikot ikot yon dahil ramdam ko pa rin ang pagsakit noon.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Klara.
Tumango ako. "Medyo nangawit lang ang mga braso at balikat ko..."
"Magpahinga ka na pagkatapos mong sundin si Sir Joshua. Mukhang nahirapan ka nga..."
Tumango ako at dumeretso na sa kusina. Dumeretso naman sya sa aming kwarto para makapag pahinga na.
Sumilip ako sa ref kung nay snacks ba sila. Nakita ko naman ang napaka raming snacks kaya kumuha ako nang kumuha roon. Kumuha na rin ako ng tubig gaya ng gusto ni Sir Joshua. Nilagay ko lahat ang mga pinagkukuha ko sa tray at pagkatapos noon ay pumanik na muli ako sa itaas sa kwarto ni Sir.
Kumatok ako sa kanyang pintuan at tulad kanina ay mabilis nya lang rin iyong binuksan. Pumasok ako at nilibot ang paningin kung saan pwedeng ilagay ang pagkain.
"Uh... saan ko po ito ilalagay?" Tanong ko nang hindi ko malaman kung saan ilalagay.
Nakaupo sya sa kama at ganon pa rin ang suot. Nandoon na naman yung seryoso nyang mga mata na nakatingin sa akin.
"Sa study table," anya.
Tumango ako at naglakad na papunta sa kanyang study table para mailagay na ang mga pagkain roon. Napasilip pa ako sandali sa bintanang nasa harapan noon at namangha dahil kahit madilim ay kitang kita ang mga punong nandoon.
Ang ganda pala ng tanawin nya rito.
"What's that?"
Napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Sir Joshua sa aking likuran. Agad akong napaharap sa kanya na may nanlalaking mga mata. Agad rin naman akong napatabi nang makitang sobrang lapit nya sa akin.
"P-Pagkain po, Sir..." sagot ko habang nakayuko.
"I don't like water. Get me some juice."
Napa angat ang tingin ko sa kanya. Seryoso lang syang nakatingin sa akin. Ngumuso ako at kinuha na lamang ang tubig na dinala ko at yumuko muli.
"Sige po, Sir..." sambit ko at naglakad na paalis.
Tatamad tamad akong naglakad pababa ng hagdan. Pagod na pagod na ako pero wala akong magawa kundi ang sumunod dahil sa dami ng gusto ni Sir. Ano ba yan. Sana naman last na to.
Kumuha ako ng orange juice at naglagay sa bagong baso. Ako na lamang ang uminom sa tubig na inayawan nya kanina. Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko nang makainom ako ng tubig. Ngumiti ako at naglakad na muli pabalik sa kwarto nya.
Napabuntong hininga ako nang makarating sa hagdanan. Tiningala ko kung gaano ito kataas.
Gosh. Nakakapagod palang magkaroon ng ganitong kahabang hagdanan.
Para akong matandang uugod ugod na humakbang nang humakbang sa bawat baitang. Ang isang kamay ko ay nakahawak sa hawakan ng hagdan bilang suporta. Gosh. Nakakapagod talaga to.
Bumuga ako ng marahas na hangin nang makarating na sa wakas sa pinaka taas. Pagkatapos noon ay naglakad na muli ako papunta sa kwarto ni Sir Joshua.
"Eto na po, Sir..." binaba ko sa kanyang study table ang orange juice. Nandoon sya sa harap noon at nag aaral.
"What's that?" Angal na naman nya.
"Juice po, Sir," kaswal kong sabi.
"I don't like orange juice. I want pineapple juice."
"Po?" Gulat kong tanong. "Eh, bakit hindi nyo po sinabi?"
"Sinabi ko juice."
"Pero hindi nyo naman po sinabi kung anong flavor."
Kunot noo syang nag angat ng tingin sa akin. "Sinasagot mo na naman ba ako?"
Ngumuso ako at nanliit na naman. "Hindi po, Sir. Kukuha na po ako ng pineapple juice..."
Kinuha ko ang orange juice at lumabas na sa kanyang kwarto. Para akong batang nagmamaktol habang naglalakad. Nakanguso pa ako habang iniisip na papanik na naman ako dito.
Hindi nya ba alam kung gaano nakakapagod ang magpanik panaog sa napaka laki nilang hagdan? Siguro naman alam nya dahil bahay nila ito?
Huhu. Ano ba yan.
Malakas akong bumuntong hininga habang nakatingin sa pineapple juice na nasa baso na. Binalik ko ang pitcher na may pineapple juice tsaka matalim na tinignan ang basong may pineapple juice.
Sana naman last ka na.
Muli akong pumanik sa napaka laki nilang hagdanan. Pagod na pagod na ako at pawis na pawis na rin nang makarating sa pinaka itaas.
Naiiyak akong ngumuso. Jusmiyo. Nakakapagod!
Nilapag ko sa harapan ni Sir Joshua ang kanyang pineapple juice. Tinignan nya iyon at nagpasalamat ako dahil wala na syang naging angal. Naglabas ako ng isang malalim na hininga.
"Iyan lang po ba, Sir?" Tanong ko.
"Yes. You may now leave," anya habang nakatingin lang sa kanyang inaaral.
Ngumuso ako at inis na umalis roon. Para na naman akong batang nagdadabog. Gosh! Hindi manlang sya nagpa thank you? Hindi nya ba talaga alam kung gaano ako napagod? Alam ko namang wala dapat akong reklamo pero nakakainis kasi, eh.
Pagkababa ko ng hagdan ay nakita kong pumasok si Mrs. Salvador sa pintuan. Agad akong napangiti at lumapit sa kinaroroonan nya.
"Thank you. Is Joshua not here yet?" Tanong nya kay Jana na syang nagbukas ng pintuan.
"Nandito na po si Sir, Ma'am..." sagot ni Jana.
Tumango sya at bumaling sa gawi ko. Agad sumilay ang ngiti nya nang makita ako.
"Hija..." anya.
"Magandang gabi po, Mrs. Salvador."
"Jana, dalhan mo kami ng juice ni Amora," utos nya kay Jana.
"Opo, Ma'am," ngumiti pa muna sa akin si Jana bago umalis. Ginantihan ko rin sya ng ngiti.
"Maupo ka rito, hija. Halika..." anyaya ni Mrs. Salvador.
"Opo..." umupo ako sa single sofa habang sya ay umupo sa mahabang sofa.
"Kamusta naman ang unang araw mo rito, Amora?" Tanong nya.
"Maayos naman po..."
"Mabuti naman kung ganon. So... your contract is here. I have also arranged your papers para sa paglipat mo ng school," ngumiti sya sa akin at inabot ang kulay brown na envelope.
"Talaga po?" Gulat kong tanong at kinuha ang envelope.
"Yes. Everything is already there. Kung may kulang pa, just tell me."
Binuksan ko ang envelope at binasa ang lahat ng nandoon. Nandoon ang buong pangalan ko, kung saan ako nakatira, pangalan ni Mama at ni Amara. Nakalagay rin doon ang age at birthday ko. Nandoon rin ang halaga ng sahod ko bilang personal maid ng kanyang anak. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung gaano kalaki ang perang sasahurin ko buwan buwan.
15,000 pesos?!
"Ganito po kalaki ang sasahurin ko?" Gulat kong tanong kay Mrs. Salvador. "Sigurado po ba kayong maid lang ang magiging trabaho ko?"
Natawa sya. "Of course, hija. You will just be my son's maid. Just make sure you take good care of him. Okay?"
Napangiti ako at napatango tango roon. Muli kong tinignan ang envelope na kung ano ano pa ang nakasulat.
"Just sign there and everything is done, hija."
Binigyan nya ako ng ballpen.
"You will work here for two years. And if you still want to work, our house is always open for you," ngumiti si Mrs. Salvador.
Napangiti ako roon at agad nang kinuha ang ballpen para pumirma.
"Maraming salamat po. Malaking tulong po talaga sa amin ito, Mrs. Salvador," sambit ko.
Ngumiti sya at tumango. "Just call me Ma'am Juliette."
"Opo... Ma'am Juliette..." ngiti ko.
"So as I said, I will take care of your transfer to our school..."
"Po?" Gulat kong sinabi dahilan para matigil sya sa pagsasalita. "School nyo po?"
"Yes, hija. Doon kita itatransffer."
"Talaga po?"
"Yes."
"Whaaa. Maraming maraming salamat po talaga..."
"Wala yon, hija," tumawa sya. "So ako na ang bahala sa paglipat mo ng school, sa baon mo araw araw, sa mga gagamitin mo sa school at sa uniform mo. Ako na ang bahala sa lahat."
"Naku, nakakahiya po pero maraming maraming salamat po talaga..."
"Ano ka ba, hija. Masaya akong nakakatulog kaya wala ka dapat ikahiya. Tsaka gawain ko na yon."
Biglang bumukas ang pintuan kaya agad kaming napatingin ni Ma'am Juliette roon. Pumasok doon ang isang lalaking malaki ang katawan at malaki ang pagkakahawig kay Sir Joshua. Nakasuot ito ng pang trabaho sa opisina. May hawak rin syang itim na bag sa kanyang kamay na hula ko ay laptop ang laman.
Napatayo agad ako. Ganon na rin si Ma'am na lumapit sa lalaki at humalik sa pisngi.
"Tamang tama ang dating mo, Dad. Here is Joshua's new personal maid," si Ma'am.
"Oh. Hi, hija," bati ng lalaki.
"Magandang gabi po,' ngumiti ako.
"I'm Nicolas Salvador. Just call me Sir Nicolas or just Sir," naglahad sya ng kamay.
"Amora Cruz po," ngumiti ako at tinanggap ang kanyang kamay.
"Nice to meet you, Amora. Have a sit," nilahad nya ang upuan.
Umupo sila pareho ni Ma'am Juliette kaya umupo na rin ako.
"So, pinag uusapan namin ang paglipat nya sa school natin. Just like Klara, pag aaralin ko rin sya ng ilang araw. After that, kapag nakasahod na sya, sya na ang bahala sa sarili nya," si Ma'am Juliette.
"Oh, that's good," tumango tango si Sir Nicolas at ngumiti sa akin. "Sana makayanan mo ang ugali ng anak namin. Yung isang babaeng naging personal maid nya ay umalis dahil sa kanyang ugali. Sana hindi ka magaya sa kanya."
Natigilan ako roon at napaisip. Napagod ako sa mga inutos nang inutos ni Sir Joshua sa akin kanina pero trabaho ko naman yon kaya kailangan ko lang sundin.
Pinagkibit balikat ko nalang iyon. Siguro dahil sa kasungitan nya kaya umalis iyong dati nyang personal maid?
"Nakilala mo na ba ang anak namin, hija? Nagkausap na kayo?" Tanong ni Ma'am Juliette.
"Ah, opo. Sinama nya po ako kanina sa mall. Marami po kasi syang pinamili."
"Naku," biglang nag alala ang mukha ni Ma'am Juliette. "Did he buy a lot? Nahirapan ka ba?" Parang alam na agad nila ang nangyari.
"Uh... hindi naman po. Trabaho ko naman po iyon," ngumiti ako.
Bumuntong hininga si Sir Nicolas. "Hayaan mo, hija. Pagsasabihan nalang namin ang batang yon. Pasensya ka na sa ugali nya."
"Wala po yon. Ayos lang po sa akin yon. Hindi naman po siguro sya ganon kasungit," bahagya akong tumawa.
Natawa rin sila.
"Pero... bakit po pala kailangan nya pa ng maid? May kapansanan po ba sya o ano?" Taka kong tanong.
"Ah, wala, hija. Actually we are the ones who want him to have a personal maid to take good care of him because we are always away for work. And you know, hija, young people are different now. Ang ibang mga kabataan ay puro pagbabar nalang ang ginagawa at nakakalungkot mang isipin pero isa ang anak ko sa mga kabataan na yon," bumuntong hininga sya. "He often drinks with his friends. We were worried so we thought of taking a personal maid for him."
Tumango tango ako. "Bakit po hindi lalaki ang kinukuha nyo? Bakit po babae?"
"When we told him he would have a bodyguard, he rebelled even more. Pumayag lang syang magkaroon ng bantay kung kukuhanin namin ay babae," nagkibit balikat si Sir Nicolas. "So all we hired is a girl."
Tumango tango muli ako roon. Sa nakikita ko ay nag aalala lang talaga sila para sa kanilang anak lalo na at ang sabi nila ay palagi silang nasa trabaho at hindi na ito nababantayan. Siguro nga sobra sobra lang ang pag aalala nila kaya humantong na sa puntong kinukuhanan na nila ito ng bantay.
At masasabi ko namang tama lang na kuhanan nila ito ng bantay, noh. Napaka sungit ng lalaking yon at mukhang immature pa mag isip kaya mas mabuti nang may bantay sya.
"Nag aaral pa po ba si Sir Joshua?" Tanong ko.
"Yes. Nag aaral rin sya sa school na papasukan mo. He's in his first year of college."
"Po? Kung ganon po ba... hanggang school magiging personal maid nya ako?
"Uh..." nagkatinginan silang dalawa. "Yes?" Nag alinlangan si Ma'am Juliette. "I know it's difficult but that's a part of your job..."
Tumango tango ako at ngumiti kahit hindi ako sigurado roon. "Ayos lang po..."
Kaya ko kaya?
"Aasahan ka namin, Amora, okay? Watch and take good care of Joshua. When you see him drinking, pagbawalan mo. Don't worry, he will not hurt you. I know Joshua, he never hurt a woman," ngumiti sa akin si Ma'am Juliette. "He may shout at you but that's all he can do. Kaya aasahan ka namin, Amora," anya at ininom ang juice na kanina pa nilagay ni Jana.
Tumango ako at nangakong gagawin ang lahat para bantayan si Sir Joshua.
Nang makabalik ako sa aming kwarto ay naabutan ko roon sina Jana at Klara na nag aayos na ng kanilang higaan. Ngumiti ako sa kanila.
"Oh? Kamusta? Anong sabi ni Ma'am?" Tanong ni Jana.
"Pinaliwanag lang nya sa akin lahat ng kailangan kong gawin," umupo ako sa kama. "Sinabi nya na rin na sya na ang bahala sa paglipat ko ng school at sa magiging baon ko sa araw araw."
"Talaga?" Gulat na ani Klara. "Kung ganon pareho pala tayo."
Napangiti ako. "Sabi nga ni Ma'am na pinag aral ka rin daw nya noon. Anong year ka na?"
"Fourth year na ako. Ikaw?"
Nanlaki ang mata ko. "Pareho tayo. Fourth year palang rin ako."
Humalakhak si Jana. "Sa wakas may makakasama ka na rin, Klara," bumaling sya sa akin. "Paki alagaan syang mabuti. Maraming nambubully sa kanya. Dahil sa sobrang hinhin nya, maraming nananamantalang students sa kanya."
Kumunot ang noo ko. "Talaga? Bakit hindi ka lumalaban?"
"Sobrang hinhin nga kase," inirapan nya si Klara. "Ewan ko ba dyan. Ang dali dali lang namang talunin ng mga yon pero hindi nya magawang lumaban."
Ngumuso si Klara. "Ayoko lang na lumaki pa ang gulo..."
"Ayaw mong lumaki yung gulo pero ikaw naman tong nasasaktan palagi. Saktan mo rin sila! Dapat ganon!"
Bahagyang natawa si Klara. "Hayaan nalang natin..."
"Sus! Palagi nalang yan ang sinasabi mo."
"Wag kang mag alala, ako ang bahala kay Klara," sambit ko.
"Ano ka ba. Hindi na kailangan..." ani Klara.
"Anong hindi na kailangan?" Si Jana. "Talagang hinahayaan mo lang ang sarili mong masaktan, noh? Lalaban ka lang sa kanila para tumigil na sila."
"Eh, baka nga kasi lumaki pa ang gulo. Mas mabuting wag nalang silang patulan..."
Umiling iling si Jana, para bang pagod nang magpayo kay Klara. Nahiga sya sa kanyang kama at humarap sa akin.
"Sya nga pala, nasabi na ba sayo ni Ma'am Juliette ang nangyari sa dating maid ni Sir Joshua?" Tanong ni Jana sa akin.
Napaisip ako at tumango nang maalalang sinabi iyon sa akin ni Ma'am. "Ang sabi nya umalis daw yung babae dahil sa ugali ni Sir."
Tumango sya. "Palagi syang pinapahirapan ni Sir Joshua kaya napili nalang nyang umalis. Hindi na nya nakayanan."
Tumango si Klara. "Iyon din nga pala yung sinasabi ko sayo kanina. Alam ko nang mangyayari yon dahil ginawa na rin ni Sir Joshua sa dating maid nya yun."
"Alin? Yung pinagbuhat sya ng mga pinamili sa mall?" Tanong ko.
"Hindi naman ganon," sagot ni Jana. "Pero madalas syang pinapahirapan. Diba ikaw rin nahirapan?"
Tumango ako. "Medyo lang naman..."
"Sinasadya nya yon."
"Talaga?"
"Oo," sagot ni Klara. "Ayaw nyang magkaroon ng bantay kaya ang paraan nya para mapa alis ang mga nagiging maid nya, ay ang pagpapahirap sa mga ito."
Napaisip ako. "Pero hindi naman masyado akong nahirapan kanina..."
"Naku! Sa una lang yan! Sa susunod, matindi na ang gagawin nya sayo!" Ani Jana.
"Tulad ng ano naman?"
"Basta marami! Talagang maiinis ka."
Ngumuso ako. "Sana naman hindi nya ako masyadong pahirapan. Kailangan ko ng pera, eh..."
"Sana nga. Para naman hindi ulit kami mawalan ng kaibigan ni Klara. Naging kaibigan na kasi namin yung dati nyang maid at ayaw namin syang magaya sayo."
Hindi ko alam ang iisipin ko. Kung talagang papahirapan ako ni Sir Joshua para lang umalis ako rito, pagtitiisan ko nalang siguro. Hindi ako pwedeng umalis rito lalo na at kailangan na kailangan talaga namin ng pera. Tsaka ayoko nang nagtatrabaho si Mama. Gusto ko na ring makitang nakakapag pasa ng mga projects si Amara sa school. Kaya pagtitiisan ko nalang ang kung ano man ang mga balak nyang gawin. Hindi ako aalis rito.
Bago natulog ay tinawagan ko muna ang number ni Thea para makausap sina Mama at Amara. Nagkamustahan lang kami at sinabi ko na rin na si Ma'am Juliette na talaga ang bahala sa pag aaral ko. Mabilis lang rin ang naging pag uusap namin at nagpaalam na kami sa isa't isa.
Kinabukasan, linggo, nine na akong nagising. Napuyat ako sa pagkukwentuhan namin nina Jana at Klara. Napatingin ako sa kanilang kama pero wala na sila roon. Nag inat inat na lamang ako at tumayo na para mag ayos ng sarili.
Nasa kabilang pintuan ang banyo na ginagamit nina Jana at Klara. Sila sila lang raw ang gumagamit noon kaya malaya lang rin akong makakagamit noon.
Naligo lang ako at nagbihis ng maayos pagkatapos ay lumabas na. Wala akong damit na katulad ng sinusuot nina Jana at Klara na pang kasambahay dahil hindi naman ako gagawa ng mga gawaing bahay. Si Sir Joshua lang ang dapat na sundin ko.
Naghihikab pa akong pumunta sa kusina. Nakaligo naman na ako pero inaantok pa rin ako.
Hindi ko alam kung nasaan sina Jana at Klara pero napagpasyahan ko nalang kumain ng mag isa. Siguro kumain na sila kanina pa.
Naghanap ako ng pwedeng maluluto sa kanilang ref at nakahanap naman ako agad. Nakita ko roon ang itlog, ham, hotdog at bacon. Hindi na ito ang first time kong makaluto ng mga katulad ng bacon o ano dahil nagluto na rin ako ng pagkaing ito sa bahay nina Bea. Madalas kami sa kanila kapag bakasyon.
"Hi, Amora!" Pumasok si Jana sa kusina.
Ngumiti ako. "Kumain na kayo?"
"Mmm!" Tumango sya. "Bago kumain sina Ma'am Juliette at Sir Nicolas kaninang alas sais."
"Ala sais? Ang aga nyo namang gumising."
"Maraming gawain, eh. Lalo na at linggo. Marami kaming lalabhan ni Klara."
Tumango tango ako. "Nasaan nga pala si Klara?" Naghiwa ako ng ham.
"Nandoon sa utility room, sya ang nagbabanlaw ngayon. Salitan kami. Nandito lang ako para uminom ng tubig. Nakakapagod, eh."
Tumawa ako at tumango tango. Pumunta sya sa ref at kumuha ng pitcher na may lamang malamig na tubig. Nagsalin sya sa baso at uminom.
Ako naman ay nilagay na ang hiniwang ham sa mainit nang kawali.
"Kumain na ba si Sir Joshua?" Tanong ko.
Umiling sya. "Palaging late bumaba si Sir."
Tumango tango ako. Kung ganon dapat kong dagdagan ang lulutuin ko.
"Sya, balik na ako," paalam ni Jana.
Tumango ako. "Sige..."
Ilang minuto ako sa kusina. Pagkatapos ng ham ay yung hotdog naman ang niluto ko, pagkatapos bacon, tapos itlog. Nilagay ko lahat sa dining area ang mga niluto ko. Nagsangag ako pagkatapos. Mabuti nalang at maraming tirang kanin kagabi, hindi yata sila ganon karami kumain ng kanin.
Hinaluan ko ng kaunting ham at itlog ang sinangag para maging masarap pa. Naalala kong si Papa ang nagturo sa akin kung paano mag sangag. Sya rin ang nagsabi sa akin na pwedeng lagyan ng kahit anong ulam ang sinangag.
Malungkot akong napangiti habang inaalala ang nakaraan. Ngunit mabilis ko lang ring inalis sa isip ko yon at nagfocus na lamang sa pagluluto.
Nang matapos ako ay nakangiti kong nilagay ang sinangag na nasa bowl sa lamesa. Umuusok pa iyon at amoy na amoy ko ang bango.
Umupo na ako sa harap at nagsimula nang kumain. Kahit mainit pa ay subo lang ako nang subo. Sarap na sarap ako sa niluto ko. Naging patay gutom na yata ako.
Nang matapos kumain ay malakas ulit akong napadighay. Hinimas himas ko ang tyan ko habang umiinom ng tubig. Muli akong malakas na napa dighay. Natawa na lamang ako sa aking sarili.
Nilagyan ko ng bagong tubig ang pitcher at nilagay muli iyon sa loob ng ref. Nagligpit ako sa lamesa at naghugas ng pinagkainan ko.
Nang matapos ay nagulat nalang ako nang makita si Sir Joshua na nakasandal sa hamba ng pintuan. Nakasuot sya ng hoodie jacket na kulay puti at kulay puti ring pants. Magulo pa ang  buhok nya pero maayos na ang itsura. Nakahalukipkip sya at seryoso na naman ang mga matang nakatingin sa akin.
"Sir!" Ngumiti ako. "Kumain na po kayo. Nagluto po ako," nilahad ko ang lamesa na may mga ulam at sinangag.
Tumingin sya roon at pagkatapos ay bumalik ang tingin sa akin. Ngumisi sya pagkatapos ng ilang sandaling pagtingin sa akin. Umayos sya ng tayo at naglakad papunta sa lamesa. Napakurap kurap naman ako at tumabi na lamang.
"You cooked all of these?" Tanong ni Sir Joshua.
"Ah... opo, Sir..."
Ngumisi sya muli at iiling iling na umupo sa harap ng lamesa. Nagtaka naman ako sa mga nagiging reaksyon nya.
Maya maya ay hindi sya gumalaw sa kanyang kinauupuan. Nandoon lang sya at parang may hinihintay. Mas lalo akong nagtaka.
Nag angat sya ng tingin sa akin. "What?"
Nagtaka ako. "Po?"
"Ipagsandok mo ako. You're my maid, right?"
Natigilan ako at napakurap kurap. Napatingin ako sa pagkain pagkatapos ay napatingin ulit sa kanya.
"What?"
"A-Ah, opo, Sir..." agad akong lumapit sa kanya.
Pinagsandok ko sya ng sinangag.
"Ano pong gusto nyong ulam?" Tanong ko.
"Lahat."
Tumango ako at nilagyan sya ng lahat ng ulam na niluto ko. Nilagyan ko sya ng ham, bacon, hotdog at itlog.
"Sa susunod wag mong batilin ang itlog. Hindi ko gusto ang ganitong itlog," anya.
"O-Opo, Sir..." lumayo na ako nang matapos.
Nandoon lang ako sa gilid nya at nakayuko, naghihintay sa maaari nyang iutos.
Naka ilang subo na sya nang uminom sya ng tubig at tumingin sa akin.
"Pwede ka nang umalis. Wala na akong iuutos," anya.
"O-Opo, Sir..." agad kong sabi at naglakad na paalis.
Ngunit ganon nalang ang pagtili ko nang bigla akong matalisod sa kung anong tali sa may pinto palabas. Sumubsob ako sa sahig at napadaing sa hindi magandang pagbagsak ng aking tuhod at braso.
"Aray..." nahirapan akong tumayo.
Narinig ko ang malakas na pagtawa ni Sir Joshua sa loob. Halos mamatay sya sa kakatawa sa nangyari sa akin.
"What are you doing there?" Humahagalpak nyang tanong.
Nahihirapan man ay pilit akong bumangon at tumayo. Nang mapagtagumpayan ko ang pagtayo ay inis ko syang tinignan.
"What?" Humahalakhak nya pa ring tanong.
"Ikaw ang naglagay ng tali na yan dyan?" Turo ko sa taling nasa ibaba ng labasan ng kusina.
Humalakhak sya lalo at pagkatapos ay tumango. "Mmm. Ako nga," humagalpak sya ulit ng tawa na para bang proud na proud sya sa sarili nya.
Kinagat ko ang labi ko at iritang irita na tumingin sa kanya. Kinuyom ko ang kamao at walang nagawa kundi ang talikuran sya at umalis na lamang roon.
Nakakainis!

Komentar Buku (97)

  • avatar
    Annalou Soliba Limosnero

    excellent

    17d

      0
  • avatar
    Jhon Cedric Cape

    it's so good

    22d

      0
  • avatar
    AlamanAira

    A high qualite

    15/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru