logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Sixth Tears

“Anong pinagsasabi mo, Primo? Wala akong maintindihan sa mga sinasabi mo. Hindi ako ang sumira ng buhay mo kung 'di ikaw mismo, kaya huwag mo akong pagbintangan. Kung tutuusin ikaw ang sumisira ng buhay ko. Walang mahalaga sa'yo kung 'di ang mana. Hindi na ako magtataka kung ginawa iyon ng Lolo mo dahil alam niyang mukha kang pera!” mahabang litanya ko.
Kahit nasasaktan na ako sa paghawak niya sa braso ko may lakas pa rin ako para ipagtanggol ang sarili ko. Napaatras ako at napatakip ng mukha nang tangkahin niya akong pagbuhatan ng kamay. Hinihintay ko ang pagdapo ng kamay nito sa akin pero wala akong naramdaman. Pagmulat ko ng aking mga mata wala na siya, napangiwi ako nang mapahawak sa braso kong namumula.
Kinabukasan hindi ko halos maigalaw ang kaliwang braso ko, nagkapasa ito dulot sa nangyari kagabi. Kahit gano'n maaga pa rin akong gumising para magluto.
“Achoo!” Agad kong pinunasan ang aking ilong.
Naramdaman ko na lang si Primo sa aking likuran. Nagtungo ito sa ref at kumuha ng tubig. Araw ng linggo ngayon himala na hindi siya pumasok.
“Magluto ka ng masarap na putahe may darating akong bisita mamaya,” sabi nito habang nasa likuran ko.
“Okay,” mahinang sagot ko hindi ko alam kung narinig niya.
Naiinis ako parang gusto nitong iparating na hindi masarap ang niluluto ko. Narinig ko na lang ang yabag nito papalayo.
Sinunod ko ang gusto niya sinarapan ko ang mga niluto ko. Wala siyang sinabi sa akin kung anong putahe kaya naisip kong puro paborito niyang pagkain ang aking ihahain, lahat Filipino food. Nahihiwagahan naman ako kung sino ang panauhin nito dahil nagpaluto pa talaga siya. Siguro napaka-espesyal na tao sa buhay ni Primo. Nakaramdam ako ng lungkot, ako kaya kailan niya ako bibigyan ng importansiya? Kailan ko kaya mararamdaman na maging espesyal sa buhay niya?
Napabalik ako sa reyalidad nang tumunog ang door bell. Bubuksan ko sana nang maunahan ako ni Primo. Tumalikod na ako para bumalik sa kusina nang marinig ko ang pagtawa ng babae. Sexy at may class ang paraan nang pagtawa nito. Pagharap ko agad kong namukhaan ang espesyal na bisita ni Primo. Si Hana ang nali-link kay Primo nung kolehiyo pa kami, sila pala ngayon ibig sabihin hindi sila nagkatuluyang dalawa ni Dylan. Napakapit ako ng mahigpit sa laylayan ng damit ko. Nanliit ang tingin ko sa sarili ko, kung ikukumpara kay Hana walang-wala ako. Sobrang laki ng pinagkaiba namin napakaganda niya, sexy at talagang maipagmamalaki sa lahat. Kaya siguro kahit anong gawin ko hindi ko siya mapantayan sa puso ni Primo.
“Beatrice, is that you?” tanong ni Hana sa akin. Magkahawak kamay silang naglakad papalapit sa pwesto ko. “Ikaw nga!” masayang saad nito saka niya ako bineso. “So, what are you doing here?” maarteng tanong niya.
“She's my maid,” pagsingit ni Primo.
Sasagot sana ako nang maunahan niya ako. Nakamamatay ang paraan ng tingin ni Primo sa akin kaya hindi na ako nagsalita pa.
“Oh, I don't know that you're here. Ipapadala ko na lang ang pasalubong ko,” aniya sabay yakap sa baywang ni Primo. Tipid akong ngumiti at tumango bilang sagot.
“Nakahanda na ang hapag kainan tawagin niyo lang ako kapag may kailangan kayo,” wika ko at nagbigay daan.
Mula sa kusina naririnig ko ang usapan nila. Ayaw ko sanang makinig pero medyo malakas ang boses nilang dalawa lalo na si Hana.
“Do you really miss me, Honey?” malambing na tanong ni Hana kay Primo.
“Yes I am,” sagot naman ni Primo. Tunog ng kutsara't tinidor lang ang naririnig kong ingay.
“The day after tomorrow, I'm going back to States. Marami kasi akong pending works na naiwan. So probably it takes a month bago tayo ulit magkita. But, I brought you lots of perfumes, I hope you can use them all,” malinaw kong narinig na turan ni Hana.
Siya pala ang dahilan kung bakit nagpalit ng pabango si Primo. Napahinto ako sa aking ginagawa at tumingala para pigilang mapaluha.
“Don't look at other woman promise to me, Primo,” malungkot na sabi pa niya.
“I promise,” malambing na sagot naman niya kay Hana.
Nililibang ko na lang ang aking sarili dahil nasasaktan ako sa naririnig kong pag-uusap nila. Tinuloy ko ang aking ginagawa na naudlot dahil sa pakikinig.
“So, narito ka ba para akitin ang boyfriend ko?” Natigil ako sa aking ginagawa dahil sa tanong ni Hana.
“Ha?” nakakunot ang noo kong tanong.
“Huwag ka ng magmaang-maangan, Beatrice. Kabisado ko na ang ganyang galawan.” Inirapan ako nito.
“Anong pinagsasabi mo, Hana?” naguguluhan kong tanong.
Maganda ang pakikitungo niya sa akin kanina, ngayon biglang naging maldita. Ganito ba ang totoong pagkatao niya kapag wala sa harapan niya si Primo? Akala ko pa naman mabait, nagbabalat kayo lang naman pala.
“Ayaw mo talagang umamin ah, puwes tikman mo ito!” Tinaas nito ang kaniyang kamay upang sampalin ako kaya agad kong hinarangan gamit ang aking kamay. “Ouch!” Dinig kong daing ni Hana kaya napatingin ako.
“What's happening here?!” napalakas na tanong ni Primo.
“She slapped me, Honey,” sagot ni Hana na nakahawak sa kaniyang pisngi. Nanlaki ang mga mata ko sa sinagot nito.
“Hindi iyan totoo, wala akong ginawa sa kaniya. Hindi ko siya sinampal!” pagtatanggol ko sa aking sarili. Lumapit si Primo sa akin at hinigit sa braso. “Aray!” daing ko sa sakit nang mahawakan nito ang braso kong nagkapasa. Napaiyak na rin ako dahil sa sakit pero hindi niya iyon inalintana. “M-maawa ka masakit, Primo,” pagmamakaawa ko sa kaniya pero binalewala lang niya.
“Alam mo kahit kailan hindi ka mapagkakatiwalaan! Hinding-hindi ako maniniwala sa sinasabi mo dahil napakasinungaling mong tao!” bulyaw ni Primo sa mukha ko saka niya malakas na tinanggal ang pagkahawak sa braso ko.
“Iyan ang bagay sa'yo, muchachang haliparot.” Tinaasan ako ni Hana ng kilay saka tinalikuran.
-----
Habang dinadaing ko ang masakit kong braso, nakikisabay din ang sakit ng puso ko. Bawat pag-aray ko ay naririnig ko ang ungol nilang walang katapusan. Hindi soundproof ang mga kwarto sa bahay kaya naman malinaw sa aking pandinig ang daing nilang dalawa sa pagpapaligaya lalo na si Hana.
“Oh yes! That's right honey. Fuck me deeper and harder!” mga ungol ni Hana.
Puro kalabog at langitngit ng kama ang maririnig sa loob ng kwarto ni Primo. Tinakpan ko ang aking tainga saka pinikit ang matang lumuluha.
Kinaumagahan maaga akong nagluto ng agahan, nakahain na rin ito sa hapag kainan. Hinahanda ko naman ang baon naming dalawa ni Enan ng may nabasag na tasa.
“Oops! Hindi ko napansin bakit kasi haharang-harang tuloy natabig ko. Ganyan din ang gagawin ko sa mga taong nakaharang sa kaligayahan ko.” Mahina ngunit may diin ang bawat pagsambit ni Hana. Inirapan ko na lang siya saka tinuloy ang aking ginagawa. “Maganda talaga ang gising kapag nadidiligan, hindi tulad ng iba riyan natutuyot na.” Parinig pa niya sa akin habang binabandera ang suot nitong manipis na nighties.
Dinedma ko ulit ang sinabi ni Hana kahit nasasaktan na ako sa mga sinasabi nito. Tinungo ko ang nabasag na tasa para linisan. Inisa-isa kong pinulot ang bubog, tatapakan sana ni Hana ang kamay ko nang pumasok si Primo na nakapang-business suit.
“Hana, let's eat,” malambing na sabi nito kay Hana samantalang masakit na tingin naman ang pinukaw nito sa akin.
Nakangiting lumapit si Hana sa kaniya saka dinampihan ng halik ang labi nito. Hinila na siya ni Primo palabas ng kusina.
Hindi pa ako tapos sa pagtanggal ng bubog nang makarinig ng sunod-sunod na pagkabasag. Nagmadali akong lumabas ng kusina at laking gulat ko na natapon lahat ang pagkaing hinanda ko. Pinagtatapon at pinagbabasag lahat ni Primo. Tiningnan ko si Hana na may nakakalokong ngiti.
“Anong nangyari rito?” tanong ko kay Primo habang hindi inaalis ang tingin sa mga pagkaing nagkalat at nabasag na plato.
“Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo? Baka malaman mo ang sagot sa tanong mo,” napatiim-bagang na wika ni Primo.
Hindi ko na lang sinagot ang sinabi niya. Wala rin naman mangyayari kung papatulan ko pa siya. Bumalik ako sa kusina para kunin ang panglinis.
“Oh wait!” Pagpigil sa akin ni Hana, dadamputin ko na sana ang pagkain sa sahig. Walang lumabas na salita mula sa aking bibig nakatingin lang ako sa kaniya. Si Primo naman minamasahe ang kaniyang sentido. “Use your mouth, Beatrice.”
“Ah?” nakanganga kong tanong kay Hana.
“Gamitin mo ang bibig mo sa pagdampot ng pagkain boba!” bulyaw nito sa akin.
Unti-unti nang nagsisilabasan ang luha sa aking mata. Tiningnan ko si Primo para humingi ng tulong dahil sa pang-aalipusta sa akin ni Hana pero nakatanggap lang ako ng panlilisik ng mata. Tuluyan nang bumagsak ang luha ko dahil sa pagmamalupit nila sa akin.
Napatayo bigla si Primo kaya natumba ang kinauupuan nito. “Change your clothes, Hana. I'll waiting you outside.” Hindi na niya hinintay pang sumagot ito basta na lang siyang umalis.
Lumuluha ako habang pinupulot ang mga nagkalat na bubog. Naiiyak ako para sa sarili ko at sa pagkain na nasayang. Hindi ko napaghandaan nang apakan ni Hana ang aking kamay habang dinadampot ang bubog dahil lutang ang isip ko. Sa diin ng kaniyang pagka-apak bumaon ang kamay ko kadahilanan para ako'y masugatan. Nilagpasan ako ni Hana na parang walang nangyari. Napalakas ang pag-iyak ko nang makitang umaagos ang dugo mula sa aking kamay. Napaangat ako ng mukha nang makita ko ang pares na sapatos sa harapan ko.
“P-Primo.” Nanginginig ang labi kong tawag sa pangalan niya.
Bata pa lang may hemophobia na ako o takot sa dugo at alam iyon ni Primo. Akala ko tatakpan niya ang aking mga mata na kadalasan niyang ginagawa kapag nakakakita ako ng dugo pero tinitigan niya lang ako.
“Ang pagdurugo at sakit mula sa sugat ng kamay mo ay kulang na kulang pa sa sakit ng nasugatan kong puso. Hindi matutumbasan ang sakit na nararamdaman mo ngayon kumpara sa pagkadurog ko ng dahil sa'yo, Beatrice.”

Komentar Buku (263)

  • avatar
    Emie Cabanban

    super like the story.

    19d

      0
  • avatar
    Thor Odin

    Nice story

    22d

      0
  • avatar
    Zyrene Mendoza

    good

    26d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru