logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

A Wife's Tears

A Wife's Tears

IrishHeaven


First Tears

Disclaimer: The Characters and events depicted in this spectacle are fictitious. Any simularity to actual persons, living or dead, is purely coincidental.
-----
“Achoo!”
“Bata, bago ka lang ba rito? Halika maglaro tayo ng taguan.”
“Gusto ko sana pero sabi ng Mommy ko huwag daw ako sumama sa taong hindi ko kilala.”
“Don't worry, I'm not a bad guy. So, are we friends now?”
Nakangiti kong binalikan ang childhood memories namin ng una kong kaibigan. My first...the last...my everything, he's Primo Montero a drop-dead handsome and heir of MonteCorp. Pitong taong gulang ako nang lumuwas kami sa Manila galing Cebu at manirahan ng tuluyan dahil sa bagong trabaho ng aking Ama. Isa siyang engineer, pinalad na makapasok sa isang sikat na construction company kaya kami lumipat. Nagkataon na sa mismong subdivision kung saan nakatira ang pamilya ni Primo. Naging magkapit-bahay kami, hindi ko nga inaasahan na sa araw nang paglipat namin kinaibigan niya ako agad. Hanggang sa naging matalik kaming magkaibigan pati na rin ang aming magulang.
“Imo, naalala mo ba?” tanong ko. Dahil bulol ako nung bata, mahirap kong bigkasin ang pangalan niya. Imo ang palaging lumalabas sa bibig ko sa tuwing tinatawag ko siya, hanggang sa nakasanayan ko na. “Dito mo ako unang niyaya na maglaro ng taguan.” Huminto ako sa pagsasalita at inilibot ang paningin sa malawak na palaruan. Halos mayayaman ang nakatira sa subdivision bilang lang sa daliri ang nasa middle class. Kabilang ang pamilya ni Primo sa upper class kaya nahihiya akong kaibiganin ito pero laking tuwa ko dahil hindi siya namimili ng kakaibiganin. “Sinabi mo pa nga noon na hindi ka bad guy.” Napakagat ako sa pang-ibabang labi para pigilang matawa, hindi pa nga ako pumayag na maging kaibigan siya basta na lang niya akong kinaladkad patungo sa palaruan. Siyempre mga bata pa kami noon at kahinaan namin ang paglalaro kaya napapayag niya ako. Ngunit ngayong nasa hustong gulang na kami nagbago si Primo. Kinamumuhian niya ako sa 'di ko malamang dahilan.
“What do you want, Beatrice?!” sigaw na tanong niya. Napatayo ako bigla dahil sa lakas ng boses niya, halos tumalsik ang laway nito sa mukha ko. “Una, huwag mo akong tatawagin sa pangalan na iyon dahil hindi na tayo bata. Pangalawa, wala akong naalala. Pangatlo, masamang tao ako hindi ka naman manhid 'di ba?”
Napayuko na lang ako para maitago ang nangingilid na luha. Sanay na akong tratuhin ni Primo ng hindi maganda. Hindi ito ang unang beses na sinigawan ako, pero hindi pa rin ako masanay. Masaya naman ang samahan namin noon na halos magkapalit na kami ng mukha, ngunit after graduation naging malamig ang pakikitungo niya sa akin. Hanggang ngayon hindi na siya bumalik sa dati na pinagtaka ko.
“At bakit tayo narito? Look, mahalaga ang oras ko kaya kung puwede pakibilisan,” naiiritang sabi pa niya.
Panay ang tingin sa pambisig na relo. Siya ang namamahala sa MonteCorp na pagmamay-ari ng kaniyang pamilya, isang kilalang construction company.
“Weekend naman ngayon Im- Primo. Wala ka naman pasok sa opisina kaya hinintay ko ang araw na ito,” nanginginig na wika ko.
Muntik ko nang masabi ang kinaiinisan nitong tawag. Natatakot ako na maulit ang paninigaw niya sa akin.
“Huwag mo akong itulad sa'yo, Beatrice. Kung hindi ka busy sa school kabaligtaran naman sa akin. Marami akong dapat tapusin nasasayang lang ang oras ko sa'yo,” naiinis na anas niya.
Busy rin ako sa school lalo na kapag malapit na ang exam ng mga estudyante o 'di kaya kapag may magaganap na event, pero may nakalaan akong oras para sa kaniya. Lalo na sa weekend sa kaniya ang buong araw ko, pero hindi naman niya iyon binibigyan ng importansiya. Agad akong tinalikuran nito, hinabol ko naman siya at hinigit sa braso.
“M-mahal kita, matagal na,” nauutal kong sabi.
Ang lakas nang kabog ng dibdib ko. Sa matagal na panahon naming magkakilala ngayon lang ako naglakas loob na umamin sa aking nararamdaman.
Malinaw kong napagmasdan ang walang emosyon nitong mukha. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang nanlilisik niyang mata. Doon na nagsimulang bumuhos ang aking luha.
“Hindi porke't matagal na tayong magkakilala basta ka na lang magtatapat. Malakas siguro ang loob mo na mamahalin din kita nang pabalik, pero nagkakamali ka Beatrice dahil hindi kita kayang mahalin.” Naghina ang tuhod ko na anumang oras ay babagsak ako sa aking kinatatayuan. Kaya napahigpit ang paghawak ko sa kaniyang braso ngunit marahas na tinanggal ni Primo ang pagkahawak ko.
Napaupo ako sa lupa habang pinagmamasdan si Primo na papalayo. Kasabay nang pagbuhos ng malakas na ulan ang walang tigil kong pagluha. Noon pa man naniniwala na ako sa fairy tales. Si Primo ang aking prince charming dahil kung itrato niya ako ay parang prinsesa. Labintatlong taong gulang ako ng maramdaman na may natatangi akong paghanga sa kaniya. Sa tuwing nakikita ko siya sa campus na may kasamang babae nagseselos ako. Nung kumalat ang balita sa unibersidad na may girlfriend na siya, iyon ang unang heartbreak ko. Kahit palagi akong nasasaktan ng dahil sa kaniya, hindi pa rin naglalaho ang pagmamahal ko.
Lahat ng paniniwala ko tungkol sa fairy tales ay unti-unting nawawala katulad ngayon ito ang second heartbreak ko. Napakasakit na harapan kong narinig na hindi ako mahal ng mahal ko at kahit kailan hindi niya ako magawang mahalin.
'Walang forever.'
-----
“Bea, anak nandito sina Tito Simon at Tita Amelia mo,” wika ni Mommy.
Hindi ko inalis ang kumot na nakatalukbong sa akin. Nagkasakit ako pagkatapos iwan ni Primo kahapon at naligo sa ulan. Wala rin akong matinong tulog dahil nagdurugo ang puso ko.
“Anak, hindi mo ba sila pupuntahan?” Nakikinig lang ako pero wala akong ganang magsalita. “Sige, sabihin ko rin kay Primo na tulog ka.”
Kumabog bigla ang aking dibdib pagkarinig ko sa pangalan niya. Tinanggal ko ang pagkatalukbong at hinanap si Mommy.
“Mommy,” pagpigil ko sa kaniya nang makita itong palabas na sa aking kwarto.
“Oh, akala ko tulog ka kaya hindi na kita ginambala. Maayos na ba ang pakiramdam mo?” Bumalik si Mommy at agad hinawakan ang aking noo.
Pagkarinig ko sa pangalan ni Primo parang nawala bigla ang sama ng pakiramdam ko. Kahit masakit ang ginawang pag-reject nito sa akin ay mahal ko pa rin siya.
“Medyo maayos na, Mommy. Mauna na po kayong bumaba, mag-aayos lang ako ng sarili.” Tiningnan ako ni Mommy na parang sinusuri.
“Nagtutulog-tulugan ka lang kanina tama ba ako? Narinig mo lang ang pangalan ni Primo excited ka nang bumaba.” Kiniliti ako ni Mommy sa aking tagiliran.
“Sige na Mommy baka naiinip na sila sa ibaba.” Hindi ko na lang pinatulan ang pagbibigay malisya nito.
Nang maayos na ang aking itsura bumaba na ako. Agad na ngumiti ang magulang ni Primo pagkakita sa akin. Lumapit ako sa kanilang dalawa at nagmano. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Primo busy ito sa kaniyang cellphone. Sana kahit konti man lang nag-alala siya sa pagkakasakit ko pero sa kagaya niya malabong mangyari.
“Bea, nabanggit sa amin ng magulang mo na nagkasakit ka. Magaling ka na ba?” nag-aalalang tanong sa akin ni Tita Amelia.
Tiningnan ko si Primo bago binalik ang tingin sa mag-asawa. Nasa cellphone pa rin ang atensiyon nito at parang walang tao sa paligid niya.
“Medyo maayos na po, Tita,” mahina kong sagot pero sapat lang para marinig nila.
“Ano bang nangyari sa'yo, Hija?” tanong ni Tito Simon.
Napalunok ako hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Bumaling ako sa kinauupuan ni Primo, nakatingin na pala siya sa akin. Seryoso ang mukha nito kaya hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Pati sa magulang ko hindi ko sinabi sa kanila ang totoo. Ang dinahilan ko maraming activities sa school at nalalapit na ang examination kaya napagod ang katawan ko.
“Dad, niyaya ko siyang namasyal kahapon. Naabutan kami ng ulan kaya pareho kaming nabasa,” pagsisinungaling na sabi ni Primo.
Nakakunot ang noo ko siyang pinatitigan. Hindi lang pala siya sa akin marunong magsinungaling pati rin sa magulang niya. Malaki na talaga ang pinagbago ng kaniyang ugali, parang hindi ko na siya kilala. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagkuyom ng kamao nito. Iniwas ko ang tingin sa kaniya dahil hindi ko kinaya ang paraan nang paninitig niya.
“Sorry I'm late,” sabi ng lalaki nang makapasok sa loob ng aming bahay. Sa tingin ko magkaedad lang kami at formal kong manamit. “Atty. Ricky Ferrer ang personal lawyer ni Don Ignacio Montero,” pagpapakilala niya sa kaniyang sarili.
“Bakit nandito ang lawyer ni Don Ignacio?” nagtatakang tanong ni Mommy.
Pati ako ay naguguluhan din. Gusto ko sanang itanong kay Primo pero wala yata siyang balak magsalita.
“Nandito po ako para basahin ang last will and testament ng Don,” sagot ni Atty. Ferrer sa aking Ina.
“Anong kinalaman namin diyan, Attorney?” naguguluhan din na tanong ni Daddy.
“May kinalaman po ito kay Ms. Beatrice,” sagot niya at nginitian ako. Peke kong nginitian si Atty. Ferrer dahil kinakabahan ako. “Ipapaliwanag ko po, ayon sa habilin ni Don Ignacio mapupunta lang ang mana kay Primo kapag pinakasalan niya Ms. Beatrice. Ang MonteCorp naman ay tuluyang mapapasakanya kapag nagkaroon sila ng anak. May five percent share na binigay si Don Ignacio kay Ms. Beatrice sa MonteCorp,” malinaw na paliwanag ni Atty. Ferrer.
Napatakip na lang sa bibig si Mommy habang nakanganga si Daddy. Hindi naman ako makagalaw sa aking kinauupuan. Ang mag-asawang Montero nakangiting nakatingin sa akin habang si Primo ay nakangisi at masama kung makatingin.
“Attorney wala kaming habol sa anumang binigay ni Don Ignacio sa anak namin. Ang amin lang walang kalayaan si Beatrice na maikasal sa taong mahal niya,” bulalas ni Daddy.
Naiiyak ako sa sinabi ni Daddy. Wala siyang pakialam sa anumang yaman mas iniintindi pa niya ang kaligayan ko.
“Huwag po kayong mag-alala Tito nagmamahalan po kaming dalawa. Mahal ko po si Beatrice kaya pakakasalan ko po siya,” ani Primo.
Napatingin kaming lahat sa kaniya dahil sa sinabi nito. Tumayo ako at hinatak siya papuntang hardin. Pinatatag ko ang aking sarili at hinarap siya.
“Bakit ka nagsinungaling? Alam kong hindi mo ako mahal, bakit iyon ang sinabi mo?” sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.
“Kapag hindi ako nagsinungaling sa harap ng magulang mo, sa palagay mo papayagan ka nilang maikasal sa akin? Ginagawa ko ito para sa mana at hindi para sa'yo,” anas niya. Mahina pero may diin ang bawat pagbigkas nito.
“Wala akong pakialam sa anumang mana, Primo. Ang mahalaga sa akin ay ang magulang ko. Kaya bumalik tayo roon at sabihin sa kanila ang totoo.” Paalis na ako ng hinigit niya ang braso ko.
“Sa palagay mo papayagan kita na gawin iyon. Mahal mo ako 'di ba? Heto na ang iyong pagkakataon para makuha mo ako. Ano magpapakipot ka pa?” pang-iinsulto na tanong niya.
Dahil hindi ko nagustuhan ang tabas ng dila nito kaya ko siya nasampal. Natahimik si Primo sa ginawa kong pagsampal sa kaniya. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi saka niya pinisil ng husto. Napapaluha ako dahil nasasaktan ako sa ginagawa niya.
“Wala kang karapatan na sampalin ako. Magpapakasal ka sa akin kung ayaw mong masira ang buhay mo kagaya ng pagsira mo sa buhay ko. Ito ang itatak mo sa isip mo, imperyo ang ipapalasap ko sa'yo.”

Komentar Buku (263)

  • avatar
    Emie Cabanban

    super like the story.

    19d

      0
  • avatar
    Thor Odin

    Nice story

    22d

      0
  • avatar
    Zyrene Mendoza

    good

    26d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru