logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter Four

Celestia
Lumabas kaming tatlo sa sinasakyan namin. Para kaming artista na maglalakad sa Hollywood grand ball papasok sa Pulkovo Airport.
Jandelle wearing a plaine blue dress, her hair were tied in a messy bun with her dark shade, she painted a cherry red matte lipstick in her lips. Malaki ang sout niyang round silver earings. Sout ang five inches black boots niya hila ang kulay dark blue niyang maleta. Si Lalaine naman sinout ang creamy white dress below the knees, it was given to her mom, Aunt Louise, mas close pa kami ng mama niya kaysa sa kaibigan ko. She wear a white 5 inches heels, lalong bumagay sa sout niya. Pinili ko ang maroon matte lipstick para ilagay sa lips ni Lalaine na sinang-ayunan naman. Hinayaan niyang nakalugay ang ma-alon-alon na buhok na bagong kulay kanina sa salon, honey blond na mas lalong bumagay sa puting balat niya. Palagi niyang sout ang fashionable silver watch na niligaro ni Jandelle sa kanya noong isang taon. Hila-hila sa kamay ang white shade na maleta.
Ako naman, pinakulayan ang buhok ng dark chocolate na may cloud color highlight. Ano kaya ang masasabi ni mama sa ginawa ko sa buhok ko? Will she like it? Alam na alam mo self na hindi. Khorosho, khorosho! Ihahanda ko na lang ang sarili ko sa sasabihin ni mama pagkauwi ko. Paniguradong busy ito sa taping niya, sana naman. I'm not ready for a heated fight with her. I touched my lips with a dark scarlet matte lipstick. I braided my hair ina fishtale style. Light make-up for our day. It took me, one hour to choose what dress to wear. Naiinis ako sa pag-aapura ng dalawa kong kaibigan, takot na mahuli sa flight. May isang oras at 30 minutes pa ang natitira, why rushing? May deadline ba? Sa huli pinili ko ang bagong bili na dark red fitted dress above the knee, pinaresan ko ng red five inches heel. We suggest to wear the same inches heels and to wear dresses in our favorite color. And I super dooper like it. Magdadala sana ako ng yellow threw star para bumagay sa Philippines flag color kaso hindi gusto ng dalawa. Maganda kaya? Hindi ba nila nakikita? We are shouting to them through our dress that we are proud to be a Filipino. Anyway, talo ako sa dalawa. Hinila ko ang may kalakihang scarlet baggage. Bawat isa sa amin ay may parehong shade na pinili kanina ni Lalaine nang pumunta kami sa mall. Marami kaming binili para ibigay sa mga pamilya namin. Halos laman ng bag namin ay mga pasalubong.
Lahat napapalingon sa amin. I gave them my flashy wide smile. Pakiramdam ko mga sikat na tao kaming tatlo. May kumuha ng larawan sa amin at hindi ko iyon gusto. Khorosho! Hindi man ako nakapose ng maganda. Baka pangit ako sa larawan na iyon? Oh no! Hindi ko maisip kung nasa social media ang pangit na pagkuha sa akin.
Binilisan ko ang lakad. Dapat maka-alis na kami dito. Humabol ng lakad ang dalawa.
"Bakit ang bilis ng lakad mo, Celes?" tanong ni Jandelle nang makasabay sa lakad ko.
"Malalate na kasi tayo sa flight natin, ten minutes at aalis na ang plane papunta sa Moscow, ang tagal mo kasi Celestia pumili ng damit," na-e-estress na saad ni Lalaine sa akin.
Inirapan ko siya. May nagsasalitang babae sa speaker ng airport, 8 minutes at aalis na ang flight to Moskov. Ayoko magmura kasi bawal. I don't want to transgress our sisters code number five, no cursing. Halos patakbo na kami papunta sa terminal 1 ng airport. Handa na ang lahat at kailangan na namin makasakay. Thanks goodness with my angel like brother Shedon. He make everything easy to us. Handa na ang pasulobong kong limited edition adidas shoe para sa himalang kabutihan niya sa amin.
Habol ang hiningang dumaan kami sa passenger boarding bridge hanggang makapasok kami. Kinuha na ang mga maleta namin at ang service crew na ang nagpasok at naglagay sa lalagyan. Nasa private area kami at kaunti lang ang andoon. Malaki ang upuan at maari akong makatulog. Smelling the luxuries of the area. May champagne kaya sila? Malamang meron at isang bote ang uubusin ko.
One hour and thirty minutes trip to Moscow. Pagkababa namin sa Domodedovo airport ay naghintay kami sa departure area para sa flight namin mamaya papuntang Philippines. Tahimik lang si Lalaine na nasa mukha ang libro. Kanina pa siya nagbabasa hanggang dito. Nilibot ko ang paningin sa paligid, marami rin ang ilang Filipino na nakita ko. Pabalik yata sila sa Philippines. Nginitian ko ang isang babae na may hawak kargang bata. Matamis ang ngiting binigay niya sa akin. Dumako ang tingin ko kay Jandelle na nakapansak ang blue headset sa teynga niya na nagmamasid sa paligid.
Kalahating oras na ang dumaan at hindi ako mapakali sa kina-uupuan ko. May kalahating oras pa bago ang flight namin. I can't stand sitting here for one hour. Wala ako maka-usap. Pupunta na lang muna ako sa comfort room, gusto na lumabas ng distilled champagne sa pantog ko. Hindi na ako nagpaalam dahil busy sila sa sarili nilang mundo.
Lumakad ako papunta sa comfort room, may nakalagay na direksyon kung nasaan iyon. I walked like a model. Kahit naiihi na ako ay dapat elegant pa rin ang lakad ko. Well, I'm the daughter of the well known Irina Natividad na isang international model and national actress of my country. Naasiwa ako sa tuwing magkikita kami ni mama, hindi kami nagkakasundo sa mga bagay bagay na iba sa gusto niya. Mas mabuti si papa naiintindihan ako.
It's been a week since Isaac called me. Naintindihan ko siya na busy siya sa pag-aaral. Ayokong maging demanding. Girlfriend lang naman niya ako hindi asawa. Matagal na rin kami, four years, naging kami noong papunta ako sa Russia upang dito mag-aral ng ballet. Isang buwan ay dinadalaw niya ako dito. I really appreciate it. I love him. Hindi ko alam anong gagawin ko kung maghihiwalay kami. He's my bestfriend and my boyfriend.
Nang marating ang Comfort room, naalala ko ang amoy nito sa bahay ni mama. Ganitong-ganito, napakalinis. Pansin ko ang babaeng nililinis ang sink nang papasok ako. Binati ko siya ng rusian words na nakangiting binalik din sa akin.
Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob. Ang linis talaga. Nahihiya tuloy akong mag-cr. Pagkalabas ko ay naghugas ko ng mga kamay sa faucet ng sink at nag-air dryer. Pabalik ako sa departure area nang mapansin ko ang kakaibang lalaki na may hinahanap sa paligid, pansin ko ang hawak na litrato sa kamay nito. Lumiko na ako sa daanan at nadatnan kong patayo na ang dalawa at kinuha ang maleta.
Ngayon ko lang napansin ang boses na nagsasabing flight to Philippines is ready. Pumunta na kami sa terminal 3, at dumaan uli sa passage boarding bridge. Maaliwalas ang sikat ng araw, hindi iyon mahapdi sa balat. Nauna si Jandelle sa akin, ako ang huli sa dalawa. Tinaas ko ang shade sa may ulo ko. Nasa private area pa rin kami.
Pabagsak akong umupo. Ang lambot talaga ng upuan nila. Makakatulog yata ako sa loob ng halos labing pitong oras.
Umupo sa katabing upuan ko si Lalaine na binuksan uli ang librong binabasa. Kiss an Angel by Susan Elizabeth Phillips. Maganda kaya ang librong binabasa ni Lalaine? I've never tried reading one, sumasakit ang ulo ko sa mga letra na ang hahaba at tataas. Mabuti kong text conversation lang ang haba niyon. Hindi ako mababagot dahil madali lang matatapos.
Si Jandelle sa harapan namin, may mesa sa gitna namin. Ayon, nakikinig pa rin sa music. Sinenyasan ko siya kung nagugutom ba siya pero hindi niya naintindihan ang sinsabi ko kaya huminto na ako sa ginagawa. Kakakain ko lang kanina, one hour ago noong dumating kami. Ngayon nagugutom na rin ako.
"Malaki na siguro iyang alaga mo diyan, Celes," ani Lalaine na para bang narinig ang isipan ko. Galing! Alam niya agad na gutom ako.
"Wala akong alaga ano. I know my body. Saydang malakas lang metabolism nito." Hawak ko sa tiyan ko.
Binaba niya ang libro at sinipat ang flat tummy ko. "Hindi nga? Hindi ko nakita." Iling na sabi niya sa akin at bumalik sa ginagawa.
"Seriously? Kailangan mo talaga makita? Anyway, maganda ba iyang binabasa mo?" tanong ko na pinasidhan ng tingin ang libro niya.
Ang ganda kasi ng kulay ng libro. Pink. Maganda ang font na nilagay. Attractive sa mga mata.
"Oo, nakakakilig!" tuwang sagot niya na kinikilig. "Sana may lalaking katulad ni Alex, kahit cold, ang angas ng dating ang gwapo." Pomorma ng heart shape ang mata niya.
"Baduy mo. Cold, maangas at gwapo? Hard to get ang lalaking ganoon. You need to effort much love for them para marealize nila na mahal mo siya at mahal ka niya. Tas masasaktan ka kasi hindi ka naman pala love kasi takot sa love," dahilan ko.
Bigla akong hinawakan sa magkabilang braso ni Lalaine na puno ng kagalakan ang mukha. Anong nangyari dito?
"Wow! Paano mo nalaman na ganoon si guy? Nabasa mo na ba ito?"
"Hindi." Iling ko.
Ang kaninang mukha ay napalitan ng dismayado. Anong anyari ulit? Bumalik siya sa kina-uupuan. "Try mo basahan ito, maganda," recommend niya sa akin.
"Khorosho," ani ko na ikinabaling niya ulit sa akin.
"Talaga?" parang nanalo sa lotto ang mukha niya.
"I'm kidding," mabilis kong sabi na ikinalukot ng mukha niya at hindi na ako pinansin. Sumama yata ang loob. Am I that bad?
"Lalaine, ok ka lang ba?" tanong ko pero walang sagot siya. Sabi na nga eh.
"Khorosho, babasahin ko iyan," salita ko na ikinatuwa niya bigla. Para sa kaibigan ko, babasahin ko. Matinding labanan ang gagawin ko pagkauwi.
****
Exactly nine thirty in the morning, nang dumating kami sa NAIA airport terminal 3. Papunta kami sa arrival area, tangan ang mga maleta namin kasabay ang ibang mga pasahero.
"Here we are Philippines!" masayang sabi naming tatlo pagkalabas sa airport.
The scorching heat of the sun greeted us. Ibang-iba sa klima sa Russia. Mas mainit sa Pilipinas. Walang kukuha sa amin kaya sumakay kami sa uber taxi na ilang minuto naming hinintay. Binuksan ko ang bintana at linanghap ang hangin ng Philippines, it's been four years and I missed this air, this climate, this place and the people. Katabi ko si Jandelle, mas pinili ni Lalaine sa harap umupo, magsarili, ayaw niya akong katabi dahil kinukulit ko siya. Khorosho, I can't live without talking for a minutes. Hindi ako sanay mapanis ang laway ko.
"Pupuntahan mo ba si Isaac? Suprise him?" tanong ni Jandelle na nag-scro-scroll sa phone niya. Nasulyapan ko na nagfafacebook ito.
"No, exam nila ngayon, bukas na lang para masaya," pilit kong sinigla ang boses. Sa totoo'y miss na miss ko na siya. Kung pwede lang kanina ko pa tinakbo ang apartment ni Isaac at supresahin siya na andito na ako. Bibigyan ko siya ng mahigpit na yakap.
"Makakahintay ka ba bukas?" Hindi siya naniniwala.
"Pipilitin ko," tugon ko. Binaling ko ang tingin sa bintana at sinirado iyon. Napansin ko ang itim na sasakyan na kanina pa nakasunod sa amin.
"Let see," mapang-uyam na ngiti niya.
Inirapan ko siya. Napasunsob ako sa likod ng front seat kung saan naka-upo si Lalaine. Agad agad bang pumreno si manong driver? May balak ba siyang patayin kami?
"Dahan-dahan naman manong," pagalit na sabi ni Jandella na napatukod sa dalawang kamay sa harapan.
Inangot ko ang tingin at napatingin ako sa harapan ng sasakyan. Isang sasakyan ang huminto sa amin iyon naka-sunod kanina. Anong nangyayari.. muntikan na mabangga namin ang sasakyan.
Bumaba ang isang lalaki na naka-coat and tie ng itim. Malalaking tao sila at hindi sila Pinoy. Napalunok ako nang makita ang baril na hawak ng bumabang lalaki.
"Papatayin ba niya tayo?" tanong ni Lalaine na takot na takot.
"Malamang, may hawak na baril," malakas na ng katabi ko.
"Manong driver, umalis na tayo dito kung ayaw mo mapatay!" malakas kong sabi sa driver na natulos sa kina-uupuan.
Hindi ako makahinga sa lakas ng kabog ng puso ko. It says, I'm gonna die! Im gonna die! Nanginginig ang mga katawan ko at hindi ko alam anong gagawin. Lalabas, tatakbo o hahayaan ang lahat.
Walang balak ang driver na gumalaw. Ayokong magmura. Ayoko. Kinagat ko ang labi. Papalapit na ang lalaki sa amin. Mabuti tinted glass ito. Ang sama ng pakiramdam ko rito.
Kaagad na hinila ni Lalaine ang nahimatay na pala na driver at pinalitan niya ito.
"Humawak kayo mga Sissies," takot na takot na mukha ni Lalaine. "Dahil hindi ko alam kung anong gagawi ko." She said in a freaking tone, pinaandar ang makina at marahas na pinaatras ang sasakyan.
Kumapit ako sa saan maaring kumapit ang mga kamay ko. Tumakbo ang lalaki nang makitang pumaliko ang sasakyan namin. Sigawan kami sa sunod na sunod na putok na bibigay ng lalaki. Mas binilisan ni Lalaine ang pagmamaneho na parang isang race driver na may race sa kamatayan.
"Wala ba akong tama sa katawan, Jan!" tanong sigaw ko kay Jandelle na nakayuko at hindi ko alam ano ang sinasabi niya.
Kinapa ko ang sarili at laking salamat na wala.
"Why is this happening to us?" kumpas ng mga kamay ni Jandelle na gulong-gulo at takot na takot sa harap ko.
"Ewan, Delle. Tanungin mo ang mamang driver at baka may sala iyang nagawa sa lalaking iyon," mahinahong tugon ni Lalaine.
Lumingon ako sa likuran namin. No! No! No! Hinahabol kami ng itim na sasakyan. Napayuko kaming tatlo nang pinutukan uli kami. Ayoko pang mamatay. Bakit? Bakit? Gusto ko pang maging isang prime ballerina or principal ballerina, makasayaw sa isang theatre play, magkaroon ng cute na mga anak at ikakasal sa Paris.
Hindi ako makahinga. I breath in and breath out.
Sigawan kami nang tinamaan ang rearview mirror at wasak iyon.
Is this our end na ba?
----

Komentar Buku (30)

  • avatar
    Ivy Caytuna

    it's so nice

    24/03

      0
  • avatar
    Charles James Omandap

    wowww

    21/01

      0
  • avatar
    Gabriela Flores

    Perfect

    14/08/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru