logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter Three

Marahas ang pagbukas ng pinto at balisang pumasok ang isang lalaking may sout na denim jeans, itim na damit sa ilalim at black silk jacket. Maaninag sa mukha nito ang malaking problema. Tahimik na tiningnan ng lalaking may katabaan ang pumasok. Umayos siya ng upo. Masamang tiningnan niya ang lalaki. Alam niyang may masamang balitang hatid ito.
"Bakit andito ka, Eddie? Nasaan na ang bagay na inutos ko sa iyo?" mahinahong tanong niya. Kung tama ang hinala niya na masama ang balitang ihahatid nito ay baka mapatay niya ang lalaki ngayon.
Huminto ang lalaki sa harap niya. Hindi alam ano ang sasabihin. Bigla itong lumuhod sa harapan niya na nanginginig. Ah! He's right!
Malakas niyang tinama ang palad sa pupitre na gawa sa narra at marahas na tumayo sa malambot niyang upuan. Gumawa iyon ng ingay sa tahimik niyang silid akalatan. Yumuko ang ulo ni Eddie sa sobrang takot nanararamdaman.
"Nasaan na!" malakas niyang sigaw na tila isang turong handang sumugod.
"Napatay ko na ang lalaki ngunit wala sa kanya," nanginginig na boses nito.
Nasapo niya ang ulo sa sobrang galit. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa lalaki. Babarilin ba ito o pahihirapan sa ginawa. Huminga siya ng malalim.
"Wala kang silbi! Inutil!" galit na sigaw niya na halos mapugto ang hininga sa ginawa. "Huwag kang babalik dito kung hindi mo mahanap kung nasaan iyon! Papatayin kita! Ito ang unang pagkakataon na hindi mo nagawa ang utos ko sa iyo Eddie. Alam mo kung paano ako magalit! Umalis ka sa harapan ko!"
Mabilis pa sa tilaok ng manok na umalis ang lalaki, muntikan na ito matumba sa bilis ng takbo. Nang mawala ang lalaki sa harapan niya ay pagod siyang umupo sa upuan. Sumandig siya, puno ng ngitngit at kapoutan ang damdamin niya sa lalaki.
Kailangan niya ang bagay na iyon. Hindi siya papayag na mawala iyon sa kanya. It's worth more than anyone's life. Napamura siya sa hangin. Kinuha niya ang telepono at tinawagan ang kapatid niya. Alam niyang matutulungan siya ng kapatid.
Bumaba siya sa sedan at pumasok sa restaurant, taas ang noo, sout ang isang mamahaling coat and tie. Inayos niya ang pagkakalagay ng kurbata sa leegan. Mabilis na binuksan ng bodyguard niya ang pinto ng restaurant. Parang hari siyang pumasok, napapatingin ang ilang tao sa kanya saloob ng restaurant.
Diretso ang lakad niya papunta sa VIP room ng restaurant kung saan magkikita sila ng kanyang kapatid. Matagal na rin na naka-usap niya ang kapatid. Five years? Hindi! Anim na taon na ang nakakalipas. Parang isang k-nine dog ang kanyang mga bodyguard, alerto sa bawat paligid, kahit mahinang ingay ay kakaiba para sa kanila. Ang tatlo ay may baril na nakalagay sa holster sa baywang ng kanilang itim na pantalon. Sa itsura nila ay hindi mo masasabing palakaibigan ang mga ito.
Pagkapsok sa room ay agad na bumungad sa paningin niya ang kapatid, hindi niya pinahalata ang gulat pagkakita sa anak ng kanyang kapatid. Isang katanungan ang bumabagabag sa oras na iyon.
Bakit andito ang anak niya?
Tumayo ang kapatid niya at lumapit sa kanya, puno ng tuwa ang mukha nito.
"Fratello! È passato molto tempo a vederti," sabi nito at yinakap siya.
(Brother! It's been a long time seeing you)
Yinakap niya rin ito ng mahigpit. "Ho bisogno del tuo aiuto," saad niya sa gitna ng yakap.
(I need your help)
Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at inanyaya siyang maupo muna upang doon pag-usapan ang bagay na iyon.
"Hi uncle!" bati ng binatilyo sa kanya. Malaki na ang anak ng kanyang kapatid. Mukhang bente na ito sa tingin niya.
"Hello there, youngster. How's life here in Sicily?" tanong niya. Nabalitaan niya noong isang buwan na andito ang kapatid niya para sa negosyo ngunit lingid sa kaalaman niya na kasama nito ang nag-iisang anak na lalaki.
"It's fine, I started to like the air here," sagot ng binatilyo na nakangiti, kita ang pantay at puting ngipin. Mas kahawig nito ang kanyang ina na isang british.
"Nice! Nice!" tatangong ani niya. Lumipat ang mukha niya sa kapatid na may tinitipa sa phone.
Tumingin ang kanyang kapatid sa anak nito. "You can leave now, son. Do what you need to do," anito sa anak.
Umalis ang binatilyo matapos makipag-paalam sa kanya. Sinulyapan niya ito hanggang makaalis. Maganda ang VIP room ng restaurant, kulay royal blue ang wallpaper na nakadikit sa dingding, crimson ang kulay ng alpombra ng sahig.
"Vuoi qualcosa da mangiare?" tanong niya sa kapatid.
(Do you want something to eat?)
"Sono ancora pieno, che aiuto hai bisogno da parte mia, fratello," tanong nito.
(I'm still full, what help do you need from me, brother)
"Qualcosa che me l'aveva portato via. Lo rivoglio a me,"seryosong boses niya na pinagsaklop ang mga palad. Malamig ang buga ng aircon at hindi niya gusto ang lamig niyon. Mukhang kailangan ng ayusin iyon.
(Something I had took it away from me. I want it back to me)
Hinawakan nito ang baba at marahan na hinimas ang may kakapalan na bangas. Kahit hindi niya ipaliwanag dito ang bagay na iyon ay alam na nito ang nais niyang sabihin.
"Come è stato preso?" tanong niya na puno ng katanungan ang mukha.
(How was that taken?)
Pinaliwanag niya ang lahat kung paano kinuha sa mga tauhan ng Pamilyang Alperez ang bagay sa kayang tauhan nang papunta ang mga ito sa Mexico kung nasaan siya isang buwan na ang nakakalipas upang ibigay sa kanya. Kaagad niya pinahahanap ang mga tauhan ni Alperez nang malaman iyon, malapit na sana niya makuha ang bagay ngunit sa unang pagkakataon ay nagkamali si Eddie Ferhan ang isa sa magaling niyang tauhan at pinagkakatiwalaan. Habang sinasabi niya sa kapatid ang lahat ay palihim niyang naikuyom ang kamao sa galit sa nangyari. Mahinang tango lamang ang tugon ng lalaki sa kanyang sinasabi, marahang nakikinig sa mga sinasabi niya.
Pareho ang kulay ng kanilang buhok, raven hair, ngunit nagkakaiba sa klase ng estilo ng pagkakagupit. His brother had a clean average short cut while he trimmed his hair in a high-end version of a crew cut. At nagkaka-uri rin sila klase ng katawan, he had a slim shoulders and chest, along with wider waist and slim hips, his stomach was somewhat bloated and his brother had a wider waist, shoulder area was much more narrow. Magkaiba sila sa gusto pagdating sa pananamit, he always wear coat and tie while his brother love to wear casual shirts and jeans. Both had a prominent honey eyes and dark thick eyebrows.
Nakatayo ang isang bodyguard niya sa harap ng bintana, panay ang tingin sa labas. Ang dalawa ay nasa pinto, nakatayong matikas na hinarangan ang nakasiradong pinto.
"Capisco, ti assicuro, fratello che li troverò appena vuoi," anito na nakapatong ang dalawang braso sa mamahaling mesa.
(I understand, I'll assure you, Brother that I will find them as early as you want)
"Grazie fratello, sei sempre bravo," puno ng kagalakan niyang sabi. Nais niyang ayaw ipaalam na siya ang nasa likod ng pagkuha ng bagay na iyon. It will be safer if his brother do it. Hindi siya mapakali sa kina-uupuan. The make him at ease.
(Thank you Brother, you are always as good at it)
Soon, he'll have it no matter what. Kung sino man ang nakakuha niyon, he'll gave them what they deserved. Alperez will deserved something of what he did to him.

Komentar Buku (30)

  • avatar
    Ivy Caytuna

    it's so nice

    24/03

      0
  • avatar
    Charles James Omandap

    wowww

    21/01

      0
  • avatar
    Gabriela Flores

    Perfect

    14/08/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru