logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 8

"Hoy nakita niyo ba ‘yong bagong prof. sa medical building? my gosh! ang hot!”
"oo nga! balita ko dati raw nag-aaral ‘yon dito”
"Tara tignan natin dali!”
Mga naririnig kong usap-usapan ng mga estudyante dito sa loob ng campus. Iyong iba pa nakikita kong panay pahid ng mapupulang lipstick sa kanilang mga labi. "Anong meron?” tanong ko sa isang estudyante nang makasalubong ko sa hallway.
"May g’wapong prof. daw sa med. building kaya ayon nag-uunahan sila papunta do'n para makita lang.
"Talaga?” curious man pero hindi na ‘ko nag-abala pang tignan kasi mag-sisimula na ang unang klase ko. Guwapo raw? tsss! baka mas g’wapo pa do’n si Doc Marco," bigla naman akong namula ng maisip ko si Doc Marco.
"Good morning students! I'm Doctor Marco Mendez, and I’m your temporary prof. in biophysics for one month”
"Good morning Doctor Marco!” masayang bati ng mga estudyante, mas marami ang mga estudyante ngayon sa klase niya at karamihan ay panay babae. Napansin naman ‘yon ni Marco kung kaya't gumawa siya ng paraan para masiguro na estudyante ang iba do’n. Dahil ang pagkakasabi sa kan’ya ni Doctor Galvez ay twenty students lang ang bilang ng estudyante sa klase niya, kaya nagtaka siya bakit sobra sa twenty ang estudyante na naroroon.
"When I call your name please stand up okay? para alam ko na isa kayo sa mga estudyante dito sa klase ko. When I didn't call your name it means you're not belong in this class, so you better leave!” istriktong wika niya sa mga estudyante, dahil sa sinabing ‘yon ni Marco dali-daling lumabas ang iba at hindi na hinayang magtawag pa siya. Pagkatapos lumabas ng iba ay nag-attendance na siya kaagad.
"Hi Mace! tara sa canteen! yaya ni JK sa'kin pagkalabas ko sa aking classroom. Kakatapos lang ng klase ko at pinuntahan niya ‘ko dito sa aming building. Magkaiba kami ng course minsan hindi kami nagkakasabay ng breaktime kaya ibang kaibigan ko ang kasama ko kapag wala siya. He's an engineering student, medyo malayo ang building niya sa'min pero matiyaga pa rin niya akong pinupuntahan kapag libre siya.
"Wala ka na bang klase?” tanong ko habang naglalakad kami papunta sa canteen na siya din namang nakaakbay sa'kin.
"Mamaya pa naman, bakit ayaw mo na ba ko kasabay?” nagtatampong wika sa'kin ni JK na nakanguso pa.
"Ano ka ba! wala naman akong sinasabi tinatanong ko lang naman," sabay irap ko dito. Siyanga pala JK meron daw bagong prof. sa med building? ang pogi daw!” kinikilig kong sabi.
"Kailan ka pa naging interesado sa pogi? ako nga hindi umobra sa’yo eh," natahimik ako sandali sa kan’yang sinabi at binalingan siya.
"Naguwapuhan naman ako sa’yo noon ah!”
"Pero never mo ‘ko naging crush.” Natameme akong bigla, totoo naman kasi ang sinabi niyang iyon. Naguwapuhan naman talaga ako sa kan’ya noong una ko siyang makilala noong high school kami pero never ko siya naging crush.
Pumipili kami ni JK ng oorderin namin habang hawak niya ang isang kamay ko, wala namang malisya ang ginagawa namin na ‘yon kasi simula pa lang noon ay gano’n na kami akala pa ng iba ay magkasintahan kami dahil sobra raw kaming sweet. Tapos na kami umorder at uupo na sana kami sa aming mesa ng mapansin ko ang katabing mesa namin sa kanan. Nagulat ako ng makilala siya, at nanlaki rin ang kan’yang mga mata sa gulat nang mapadako ang tingin niya sa'kin.
"Doctor Marco?” Napatingin din si JK sa kan’ya na tila may pagtataka.
"You're a student here?” Bungad ni Doc Marco na nakataas ang isang kilay. Doon ko lang din napansin ang kasama niya, maganda ito at maputi maikli ang buhok at balingkinitan ang katawan.
"ah yes po Doc Marco, so ikaw pala ‘yong sinasabi ng mga estudyante na bagong prof.?
"Yes!” tipid niyang sagot.
"But just for a month only hindi rin ako magtatagal dito”
"Good! hindi ko na need pumunta ng ospital para makita ka!” prangkang sabi ko na ikinagulat nilang lahat. Tumikhim muna si Doc Marco bago ulit nagsalita.
"Will you please eat first?”
"Ah s-sorry," nangingiti kong sabi. Hay! kahit kailan talaga napaka-sungit. Kailan ko kaya siya makikitang ngumiti man lang sa'kin?
"Kumusta ang first day bro?” bungad sa'kin ni Wallace pagkauwi ko ng bahay at nasa salas kasama ang aking ama.
"Okay lang, hindi naman gano’n kahirap magturo," sabay pabagsak kong upo sa couch.
"maraming chicks?” tinitigan ko naman ito ng matalim at mukhang nagpipigil naman siya nang tawa.
"Siyanga pala hijo pumunta kanina dito si Kristine at hinahanap ka, sabi ko nagtuturo ka muna sa Southville University,” sabay higop naman nito ng kape.
"Why did you tell her dad?”
"Hijo she wants to make up to you"
"We're done already"
"Because tito she loves someone else!” sabat naman ni Wallace na ikinahilot ng sentido ko. Mainis man ako sa kan’ya wala namang saysay dahil hindi ko naman mapipigilan ang kan’yang kadaldalan.
"Really hijo? But___”
"Dad I'm tired I just want to rest," putol ko sa ano mang sasabihin pa niya, alam kong ipipilit na naman niya sa'kin si Kristine. Umakyat na ako sa aking k’warto, hinubad ko ang suot kong long sleeve at pantalon, at pumasok sa banyo para maligo. Kakatapos ko lang din maligo at tinutuyo ko ang aking buhok ng tuwalya ng may biglang kumatok. Pinagbuksan ko ito at bumungad si Wallace, pumasok naman kaagad ito sa loob at naupo sa gilid ng aking kama.
"Bakit hindi ka pa umuuwi? duty ka pa bukas ‘di ba?” patuloy pa rin ang pagpatuyo ko ng aking buhok.
"Tito Cedric wants me to convince you"
"Convince what?” tanong ko kay Wallace na alam ko na ang ibig niyang ipahiwatig.
"Gusto niyang makipagbalikan ka kay Kristine," bumuntong hininga muna ako bago sumagot
"Why?”
"Gusto ka na niya magsettle down ka at mabigyan daw siya ng apo.” Nangingiti niyang sabi habang nakatitig sa'kin at tinitignan ang magiging reaksyon ko.
"Wala akong balak," umupo naman ako sa study table ko malapit sa aking kama.
"I know, saka sabi ko sa kan’ya hindi kita kayang pilitin. At sinabi ko na rin sa kan’ya ang totoo. Nagulat naman ako sa sinabi niyang iyon at nagpatuloy pa rin siya sa kan’yang pagsasalita.
"Alam mo naman si tito desperado ng magka-apo," naiiling niyang sabi habang natatawa pa.
"Nagkita na naman ulit kami"
"who?”
"That annoying girl," I smirked
"Really?! nanlaki pa ang mata niya sa gulat at tumayo sa harapan ko habang nakaupo ako sa aking study table.
"I knew it bro siya talaga ang susi mo"
"Shut up Wallace!” saway ko sa ka’ya.
"Malay mo bro kasi lagi kayo pinagtatagpo"
"That was a coinsidence"
"Hindi ka ba nagtataka? Her name is Macelyn, hindi kaya siya na ‘yong hinahanap mong Lyn?” Matagal ko siyang tinitigan binabasa kung seryoso ba siya sa sinasabi niya.
"That's impossible Wallace! ikaw na rin ang nagsabi na maraming pangalang Lyn”
"Malay mo naman bro, kapag siya nga ‘yon___” I cut him off.
"Umuwi ka na nga! inaantok na ‘ko, sabay tayo ko at tinutulak tulak ko na si Wallace palabas ng aking k’warto, wala na siyang nagawa kung hindi magpadala. Nang makalabas na siya ng kuwarto humiga na ako sa aking kama at saglit na nakatitig sa kisame. “what if she is?” bumuntong hininga ako sa isiping iyon at pumikit nang mariin. Kalauna’y dinalaw na rin ako ng antok.

Komentar Buku (730)

  • avatar
    CarinCharmen

    grave sa simula palang nakakalungkot na hayss para bang nasasaktan din Ako sa sitwasyon nila. kung nandyan palang Ako . tutulungan ko silaa kahit maliit lang Ang maibigay ko na solusyon Ang importante lang ay matulungan ko Sila grave parang diko kaya Makikita sila na nasasaktan Kasi bilang tao Hindi talaga natin kaya na ikaw lang yong nag solusyon sa problema mo kailangan talagaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa na mayroon tayong kasamaaa sa pagsosolusyon Ng mga problema natin. tiwlaaa lang Tayo saa ating god

    10/12/2021

      0
  • avatar
    BarroVirginia

    Hi I'm really happy reading you novel I always give my precious time for it.. Sometimes I disregard all my task at home just to have I'm really enjoying and less stress thankyou so much...

    02/12/2021

      0
  • avatar
    Maria Mercedes

    very nice

    09/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru