logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

I LOVE YOU DOCTOR

I LOVE YOU DOCTOR

Miss AtomicBomb Writer


CHAPTER 1 PROLOGUE

"Mace hold on please, we’re near." Kinakabahang sabi ko sa aking kapatid habang nagmamaneho at nasa likod si Macelyn na walang malay. Nakarating kami ng ospital at mabilis kong binuhat si Macelyn, tinulungan naman ako ng ibang nurse do’n na nakaabang na sa labas ng emergency, kaagad nilang pinasok ito sa loob. Nasa E.R na sila nang pigilan ako ng isang nurse.
"Sir dito na lang po muna kayo bawal pong pumasok”
"Please save my sister, I'm begging you please! naiiyak na wika ko sa Nurse.
"Don't worry sir magaling po ang doctor na titingin sa kan’ya." Pagkuwa'y umalis na rin sa harap ko ang nurse na may pagmamadali. Nakaupo naman ako sa isang mahabang upuan at hinihintay na makalabas ang doctor, napasabunot na lang ako sa aking buhok dahil sobra na akong nag-aalala sa aking kapatid, hindi ko kakayanin kung pati si Macelyn ay mawala sa’kin. Nag-iisang kapatid ko ito, nawalan na kami ng magulang noong nag-aaral pa lang ako ng college at high school naman si Macelyn. Naaksidente kami habang papunta sa isang hotel upang i-celebrate ang birthday ko at para din i-celebrate ang pagiging top ko sa klase. Masayang nagkukwentuhan kaming apat habang bumabyahe nang biglang may sumalpok sa gilid namin na isang truck. Nagpagulong-gulong kami, niyakap ko kagad si Macelyn na dahilan ng aking pagkakaroon ng malaking peklat sa likod dahil sa pagkakabangga namin. Unti-unti kong minulat ang aking mga mata, nakita ko ang aking mga magulang na duguan at walang malay, pilit ko namang inaabot ang mga ito ngunit wala na akong lakas na gawin ito. At binalingan ko naman ang aking kapatid na yakap-yakap ko at wala ring malay. Hinawakan ko ang pulso ni Macelyn para masiguradong buhay pa ito, nawala naman ang kaba ko ng malamang may pulso pa ito. Nanghihina na ako at maya-maya pa ay nakarinig na ako ng tunog ng ambulansya at may mga tao na sa paligid namin. Hindi ko na alam pa ang mga sumunod na nangyari dahil tuluyan na akong nawalan ng malay. Nagising ako sa isang pamilyar na lugar, nasa ospital na ako. May nakakabit na sa aking dextrose at may oxygen din ako, may benda rin ang aking ulo. Akmang tatayo na ako nang pigilan ako ni Nana Lumen, ang aming kasambahay at nangangalaga rin sa aming magkapatid. Matagal na itong naninilbihan sa amin sanggol pa lamang ako, at ito na rin ang nag-alaga sa aming dalawa ni Macelyn.
"Hijo ‘wag ka munang tumayo hindi ka pa lubusang magaling," may pag-aalalang wika ni Nana Lumen.
"Where's mom and dad? and Mace? where are they? they're okay right?” hirap na hirap na wika ko kay Nana Lumen. Hindi kaagad nakapagsalita si Nana Lumen at nanatili naman akong nakatitig sa kan’ya at hinihintay ang kan’yang sasabihin. Napaiyak ng mahina si nana lumen na ikinataka ko naman.
"What's wrong? Nana Lumen tell me, where are they?! napasigaw ako ng bahagya dahil gustong-gusto ko ng malaman ang nangyari sa aking mga magulang at kapatid. Hinawakan naman muna ni Nana Lumen ang aking kamay bago nagsalita.
"Si Macelyn, naoperahan siya sa puso hijo alam mo naman ang sakit ng kapatid mo hindi ba?” Tumango lamang ako.
"Is she okay?” naiiyak kong turan habang nakatitig lamang kay Nana Lumen.
"Oo hijo mabuti na ang lagay ng kapatid mo, pero hindi pa rin siya nagigising hanggang ngayon dahil din sa mga natamo rin niyang sugat”
"How about mom and dad?” Saglit natigilan si Nana Lumen at pinisil muna nito ang aking kanang kamay.
"Hijo.” Hindi na naituloy ni Nana Lumen ang kan’yang sasabihin nang biglang humagulgol na lang siya nang iyak at niyakap na lamang ako. Nagtataka ngunit alam ko na ang ibig sabihin ni Nana Lumen. Wala na ang aking mga magulang, iniwan na nila kami ng tuluyan ng hindi ko man lang sila nasisilayan. Kaya sa tuwing sasapit ang aking kaarawan lagi ko silang naaalala at bumabalik ang sakit na nangyari sa kanila. Pinangako ko sa aking sarili na aalagaan ko ang aking kapatid at hinding-hindi ko ito pababayaan. Ngayon pang may sakit ito sa puso, hindi ko hahayaang pati kapatid ko ay mawala rin sa akin.
Ilang oras din ang lumipas ay lumabas na rin ang doctor sa operating room kaya napatayo na rin ako at nilapitan ko ito kaagad.
"Doc how's my sister?” may pag-aalalang tanong ko rito. Tinitigan akong mabuti ng doctor bago ito nagsalita.
"To be honest Mr. Brilliantes,” saglit nahinto ang doctor sa kan’yang sasabihin at muling ibinaling ang tingin nito sa akin.
"Her condition is getting worst," gulat na napahilamos ako ng aking mukha dahil sa sinabi ng doctor, at muling pumatak na naman ang aking mga luha.
"So, w-what am I going to do?”
"She needs a heart transplant as soon as possible Mr. Brilliantes. Kailangan na nating makahanap ng donor sa lalong madaling panahon, dahil kung hindi__” hindi na naituloy pa ng doctor ang muli pa nitong sasabihin sa akin at napailing na lamang s’ya at tinapik ako nito sa aking balikat at umalis na. Naiwan naman akong nakatulala.
Paano kung hindi kami makahanap ng donor? Paano na ang kapatid ko? Anong mangyayari sa kan’ya? hindi ko kaya! naputol ang aking isiping ng mayroong humawak sa aking balikat, si Doctor Marco Mendez.
"Hey Mazer, nabalitaan ko ang nangyari kay Macelyn, how is she?” Hinihingal na tanong ni Doctor Marco na wari ko'y tumakbo pa ito patungo sa kinaroroonan namin ng malaman nito ang balita.
"She needs a heart transplant as soon as possible," walang gana kong sagot sa kan’ya at umupo ako nang pabagsak sa mahabang upuan.
"Don't worry makakahanap din tayo ng donor"
"Paano kung wala?”
"Magtiwala ka lang Mazer.” Namayani ang saglit na katahimikan at saka ako muling nagsalita.
"Dadalhin ko siya sa States the day after tomorrow." Sinulyapan kong muli si Doctor Marco. Hindi ko naman malaman kung totoong ekspresyon ba ang aking nakikita rito. Gulat, lungkot, pagmamahal? No, hindi niya mahal ang kapatid ko, at naiintindhan ko naman ito, nalungkot akong bigla ng maisip ko iyon.
"So, ilalayo mo na pala siya," malungkot at mahina niyang wika na sapat lang para marinig ko. Tama ba ang narinig ko sa kan’ya? Anong ibig niyang sabihin? Nangunot ang aking noo at nakatingala kay Doctor Marco, nasa harapan ko s’ya at nakaupo naman ako sa waiting area sa labas ng E.R at nagulat pa ako sa sinabi ni Doctor Marco
"Alam ko kung ano ang iniisip mo. Well, tama ang nasa isip mo."

Komentar Buku (730)

  • avatar
    CarinCharmen

    grave sa simula palang nakakalungkot na hayss para bang nasasaktan din Ako sa sitwasyon nila. kung nandyan palang Ako . tutulungan ko silaa kahit maliit lang Ang maibigay ko na solusyon Ang importante lang ay matulungan ko Sila grave parang diko kaya Makikita sila na nasasaktan Kasi bilang tao Hindi talaga natin kaya na ikaw lang yong nag solusyon sa problema mo kailangan talagaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa na mayroon tayong kasamaaa sa pagsosolusyon Ng mga problema natin. tiwlaaa lang Tayo saa ating god

    10/12/2021

      0
  • avatar
    BarroVirginia

    Hi I'm really happy reading you novel I always give my precious time for it.. Sometimes I disregard all my task at home just to have I'm really enjoying and less stress thankyou so much...

    02/12/2021

      0
  • avatar
    Maria Mercedes

    very nice

    09/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru