Keyran Follow the rules and you'll gonna be out of trouble. Paulit-ulit kong sabi sarili habang tinatahak ang daan patungo sa bahay ng aking tiyo. Why did I help her? Keyran ano ang ginagawa mo? Ang gawin mo lang ay ibigay ang libro sa pinsan niya. I breathed out heavily. Malalaki ang mga punong kahoy sa gilid ng daan, malapit sa gubat nakatayo ang may kalakihang bahay nito. May ilang kabahayan akong nadadaanan kanina ngunit ngayon wala na napalitan ng tahimik na sementadong daan at mga matandang kahoy sa gilid. Inangat ko ang tingin sa mga kumikislap ng mga bituin sa madilim na kalangitan, missing its one precious lights, the moon. I grabbed my phone and dial Quinn's number. Ilang ring bago niya sinagot ang tawag ko. Maingay na musika ang unang narinig ko. Where these guy at? "Quinn, are you busy?" tanong ko. "Hindi kita marinig, sandali..." malakas na boses niyang sabi hanggang humina ng humina ang musika at napalitan ng katahimikan. "Sorry for that, hindi naman, bakit?" normal na boses niyang tanong. Binalik ko ang tingin sa unahan. Malapit na ako. "Can we talk tomorrow, I need to tell you something," seryoso kong tono. "Sige, same time and same place." "Yeah..." tugon ko bago binaba ang phone at binalik sa bulsa ng uniform pants. It could be easy, just follow the rules, don't mess up and make it done. Paala ko sa sarili. Huminto ako at inangat ko ang paningon sa kalangitan, seryoso ang mga tingin. I shook my head. Bakit ko ba iniisip ang babaeng iyon? "Everything will go according to my plan," bulong ko sa sarili at nagpatuloy na sa lakad. That plan was not including her. Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob ng bahay. Ni-lock ko ang pinto at nagtungo papunta sa hagdanan. Mukhang wala si Uncle Tyron sa bahay. "Hello, cuz!" Hindi ko napansin ang naka-upong lalaki sa isa sa upuan ng sofa. Kumunot ang noo ko. "Why are you here, Draze?" Sumandig siya sa kina-uupuan at ngumisi ng nakakaloko. An asshole is an asshole. Si Draze Ionnikov ay pinsan ko sa side ni papa na anak ni Tita Emma. Hindi ko siya gusto madami akong bagay na ayaw ko sa kanya. Hindi kami magkasundo dahil isa siyang Ionnikov at isa akong Emerson. "Why don't you sit, my cuz," diin niya sa salitang cuz na animo'y isang salita iyon na nakaka-suklam. I smirked. "Are you planning to kill me?" He laughed as if my questions is a joke. Sinabayaan ko siya ng tawa sa hanggang huminto kami. Matalim ang tinging pinukol namin sa isa't isa. "Not now, maybe later. May balita lang ako sa iyo," seryosong sabi niya. "Ano naman yun?" walang interes kong sabi at umupo sa couch paharap sa kanya. "Si Daro ay nakatakas sa kulungan. Isa sa tagabantay ang nag-ulat sa amin. Sa sipantaha ko, may nagpatakas sa kanya na kilala natin. Impossible naman siyang makatakas kung hindi alam ng nagpatakas sa kanya saan nakalagay ang susi? Isa lang ang nakakaalam ng susi maliban kay Yuki at sa akin, kung hindi ang anak niyang si Luxen." patuloy niya sa sinabi. "Ganun ba? How are you sure that Luxen is behind of this?" interesado kong tanong. Kilala ko si Luxen at impossibleng gawin niya iyon. "I can smell traitor," walang reaksiyon tugon niya. "Alam na ba ito ni papa?" tanong ko. Ayaw kong mangialam sa problema nila. "Oo alam na ni Uncle Heron ang nangyari. Siya ang nag-utos sa akin na balitaan kita sa nangyayari," aniya. "Sino ang umaatake sa mga tao dito? Sa nakuha kong impormasyon ay higit sa walo na ang nawawala. I'm just curious who could it be? This is part of your job and still you haven't solved it," panunutya ko. Biglang tumigas ang mukha niya sa narinig. "It's non of your business, Keyran. Ginagawan ko na ng paraan iyon." Tumayo na siya sa kina-uupuan. He's still the same as always. "See you around, cuz," aniya kasama ng ngisi at humakbang papunta sa pintuan. Tumayo na rin ako sa kina-uupuan. Kailangan kong kausapin si Luxen upang malaman ko ano ang totoong nangyari. If he was the one who did it, I don't know if I could help him again this time. Kinuyom ko ang palad at umakyat sa hagdanan. It's not part of the plan of what I am expecting. Anong nangyayari ngayon, why all of a sudden it happened? Hindi ko na problema iyon. It's the high council's problem, and I'm not part of it. Pagkapasok ko sa kwarto ay napansin ko ang isang email sa ibabaw ng study table ko. Paniguradong si Uncle Tyron ang naglagay niyon dito. Bahagyang sumalobong ang kilay ko nang mabasa ko kanino galing ang sulat. Gusto ko magmura sa kabiglaan. Ano naman ang gagawin niya dito? Of all the places why here? Biglang tumaas ang mga balhibo sa kamay ko at sa batok. Trouble is coming if I don't do anything. I gritted my teeth while punching the number of her. "Hello dearest handsomest brother! Your dearest beautifullest sister miss you so much," matinis na boses ng babae sa kabilang linya. Nailayo ko ang phone sa teynga. Why I dislike calling her. "Explain to me this email?" tanong ko kaagad. Ilang segundo bago siya sumagot. "Oh, yeah, you have received it. Ano kasi my dearest handso—" "Stop saying that words, you never call me that unless you are up to something, and I'll said no!" matigas kong ani. "No!" sigaw niya sa linya. "You have no right to do this to me! You are just my plain brother not handsome but ugly! Wala ka nang magagawa pa, all is settled," matigas niyang sabi sa akin. Umawang bahagya ang bibig ko at tinikom iyon. I'm not pleased to this. It's not part of the plan! Again and again! Mahigpit kong hinawakan ang phone. Huminga ako ng malalim. I have no other option but to make sure she didn't do any stupid things that will mess up everything I have to do. "Uncle Tyron known, he's so happy when he heard it. Don't be so hard to me, I won't do anything stupid if that what are you worried about. I'm a good girl." I can picture her out smiling with her perfect smile and battling eyelashes. I sighed. "Ok fine, keep your words." I heard her giggled of happiness. "Kyaah, thank you my brother, I love you so much! Mwuah!" At nawala na siya sa linya. Sinuklay ko ang buhok gamit ang mga daliri ko at walang lakas na na-upo sa gilid ng kama. I'm sure, our mother suggest it to her, to add burden to me. Tumingin ako sa bintana. Now, the moon appeared from her hiding place. Tumayo ako sa kina-uupuan at binuksan ang drawer. Kinuha ko ang isang larawan na naroroon. Someone POV Matiim kong tiningan siya na papalapit sa akin. "Drake, mabuti nakarating ka." Lumapit siya sa akin na walang expression ang mukha. He had a long hair hangang balikat ang taas. Puno ng galit ang mga mata nito. "Ano ang kailangan mo sa akin? " tanong niya. Ibinigay ko sa kanya ang isang litrato ng isang lalaki. "Gusto kong patayin mo siya," nakangiti kong sabi. Kuha niya sa litrato at tiningnan ng mabuti. "Siya? Magagawa mo siyang papatay? Napaka tuso mo talaga. Yan ang gusto ko sa iyo. Magkakapayo tayo." He smiled big showing his vampire teeth. "Ako pa. Kill him, " utos ko sa kanya. "Give me a damn reason why?" he mischeviously smile. "Simple lang, gusto ko isang-isa mawawala ang mga nakaharang sa mga paningin ko at uunahin ko siya bago ang iba." Nasa tono ko ang pagnanasang mawala silang lahat, mga nilalang na magiging hadlang sa mithiin ko. "Gusto ko iyan" At nawala siya bigla sa harapan ko. Naramdaman ko na lang ang papalayong si Drake. Wala ng sagabal sa gagawin ko. Hindi ko na hihiramin ang katawang ito. Walang silbing katawan, napakahina! "Malapit na rin, malapit na rin ang inaasam ko. Maibabalik ko na rin kayo at makakahiganti na ako sa ginawa nila." Tawa ko ng malakas. Ito na ang tamang panahon upang ibalik ko sa kanilang lahat ang ginawa nila sa akin. At wala ni isang makakapigil sa akin. Pumunta muna ako kay Yuki para pag-usapan ang tungkol sa pagkawala ni Daro. Gusto kong magtiwala sila sa akin, maniwala sa sasabihin ko. Para silang mga uto uto. Wawasakin ko sila unti unti. Sa tamang oras, sa tamang panahon. Magigising sila sa katotohanan kung saan huli na ang lahat. Umaayon ang lahat sa plano ko. "So? May kinalaman si Luxen sa pagkawala ni Daro?" Tanong ni Yuki, ang pang panglima sa Elemental vampire. Pinigilan ko ang mga kamay na hindi ko siya mapatay. Naalala ko ang noon. Ang ginawa niya. Paano niya ako pinahirapan ng husto. Ang kulay berde niyang mga mata ay walang awang kinuha niya ang isang bagay na mahalaga sa akin. At nais kong iparamdam sa kanya kung paano mawalan ng mahalagang tao bago ko siya patayin. "Oo, siya ang may plano sa lahat. Nakita ko sa bahay niya ang susi na ginamit sa pagtakas kay Daro." Nginitian ko ito. Parang nabigla si Yuki sa sinabi ko. Hindi ba ito makapaniwala na magagawa nang anak niya ang bagay na iyon. Maniwala ka. Evil smile ko. "Hindi! Imposible ang pinagsasabi mo, Al." Galit na tayo ni Yuki na nakakuyom ang dalawang kamay sa mesa. Si Yuki Farex ang may ari ng Farex University at siya ang nagpapalakad sa walang kwentang paaralan. Bakit kailangang pantay pantay ang mga tao at bampira? Mababang nilalang ang mga tao, isa sila sa mga mahihina na madaling namamatay. Ngunit walang silbe ang pananaw na iyon. Kahit kailan hindi magiging pantay, puro kasinungalingan lang ang lahat. "Totoo ang sinasabi ko. Kilala mo ako Yuki, isa ako sa magaling sa bagay na iyon. Bakit hindi mo siya tanungin? Pag nalaman ito ng konseho. Kamatayan ang ihahatol sa anak mo." Seryoso kong mukha. "Hindi! Hindi ako naniniwala. Pwedeng umalis ka na muna Al. Mag-iisip pa ako." Umupo sa upuan nito. Hindi makapaniwala ang mukha niya. "Sige, sinasabi ko lang sayo ang katotohanan." tumayo ako at umalis. Maniwala ka sa akin, paniwlalain mo ako. Sa oras na maniwala ka ay ang oras na ikaw na mismo ang papatay sa sarili mong anak. Palihim akong napangiti. *******
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
Biaya 38 berlian
Keseimbangan: 0 Berlian ∣ 0 Poin
Komentar Buku (107)
Sandy Gangoso
may book 2 na po ba?
01/11/2023
0
PalisNenet
ganda ng story Sana my happy ending cla Vesta at Keyran nxt part author plsssssssssss kabitin🥰🥰🥰🥰
may book 2 na po ba?
01/11/2023
0ganda ng story Sana my happy ending cla Vesta at Keyran nxt part author plsssssssssss kabitin🥰🥰🥰🥰
17/09/2023
0niceeee
22/04/2022
0Lihat Semua