logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Four

"Wala? Anong wala?" Ang unang nasabi ni Yuki pagkatapos ipaalam ni Draze ang pagkawala ni Daro sa kulungan nito.
Nasa mukha ni Yuko ang kalituhan dahil para sa kanya ay napaka-imposible na makatakas si Daro ng ganoon lamang.
"Wala na si Daro sa kanyang kulungan. Ibinalita sa akin ng isa sa tagapagbantay mo at nakompirmahan kong totoo ang sinabi niya," sabi niya.
Napatayo si Yukk sa kina-upuan sa sobrang gulat.
"Ano? Paano siya nakatakas?" Kabiglaan ang rumihestro sa mukha ni Yuki. Ganoon din ang naging reaksiyon niy Draze pagkalaman niya.
"Sa tingin ko may nagpatakas sa kanya. Maaaring may tumakwil sa isa sa mga pinagkakatiwalaan mo," seryoso aniya.
Mahigpit itong napahawak sa gilid ng mesa. Galit ang mukha Yuko at kita iyon ni Draze sa mukha nito. "Sabihan mo ang tatlong Elemental vampire na nakatakas sa kulungan si Daro. Dalian mo malaking problema at gulo na naman ito."
"Kaagad kong ibabalita. Ngunit nakapagtataka, sino kaya ang maaaring nagpatakas sa kanya? At kung ang dahilan?" bigay niya ng opinyon tanong.
"Hindi ko alam. Bakit tinatanong mo sa akin. Umalis ka na, dapat malaman nila ito kaagad. Kung matagal na siyang nakatakas, malamang ay hindi na natin alam kung nasaan na siya," seryosong anito na sumandig sa kina-uupuan at malalim ang iniisip.
Kaagad na umalis si Draze sa loob ng principal office. Kung sino man ang may gawa nito ay humanda ito sa kanya.
"Se? Tama ako na wala na siya sa pinagkulungan niyo." Napahinto siya sa pag-alis nang marinig ang boses ni Lexun na nasa likuran niya. Naiirita siya sa klase ng mayroong ngiti sa labi nito. Animo'y nagsasabi na palagi itong tama sa mga sapintaha nito.
Hinawakan kaagad ni Draze ang kwelyo nito ng mahigpit.
"Bakit? May kinalaman ka sa pagkawala nito!" diin niyang sabi. Hindi man lang ito natinag sa kanyang ginawa, na lalong nagpa-irita sa kanya.
"Yow! Relax Se. Alam mo namang hindi ko iyon magagawa." Taas nito sa dalawang kamay sa eri.
Gusto niya suntukin ang nakangiti nitong mukha upang mawala iyon, but lucky he was not in the mood to do so. Binitawan niya ang kwelyo ng lalaki.
"Humanda ka kung may kinalaman ka sa pagkawala niya, papatayin kita," banta ni Draze.
"Hindi ka naman mabiro. Isa pa, hindi ko magagawang ang bagay na iyon lalo pa't si Daro ang pumatay sa pamilya ko," anito na ngumingiti.
"Talaga lang huh?" Matalim niyang tingin sa lalaki.
"Se, Alis nako." At nilampasan siya nito.
"Babantayan kita, Lexun. Hindi ako naniniwala na wala kang kinalaman," sabi niya na alam niyang narinig siya nito. Lexun shrugged his shoulders and walked away from him.
Nailing niyang kinuyom ang kamao at gamit ang supernatural speed ay tumakbo siya ng mabilis papunta sa ilalim ng FU. Nadatnan niya si Abor nakatayo ng tuwid sa isang sikretong pinto papunta sa sikretong basement at kulungan.
"Abor!" tawag ni Drake sa tagabantay ng kastilyo.
"Bakit po?" Yuko nito kaagad sa kanya ng makita siya.
"Bantayan mo si Lexun. Alam kong may itinatago siya, hindi niya ako maloloko. Alam kong maaasahan kita sa bagay na ito. Sabihan mo ang mga kasama mo na magbantay ng maayos. Entiendes?" utos niya sa pinagkakatiwalaan kawal.
"Makakaasa po kayo," ang sagot ng kawal.
"Hindi pwede ito, isang malaking kaguluhan ang mangyayari kung hindi pa mahuhuli si Daro," bulong niya sa sarili habang papaalis.
****
Vesta
Kumatok ako sa pinto ng office niya. Hinintay ko talaga ang pagkakataon na maka-usap siya. Marami akong tanong na alam ko ay masasagot niya.
"Pasok?"
Rinig ng dalawang tainga ko ang sinabi niya. I deeply breathe in. Wala akong tulog kagabi dahil sa kakaisip na anong sasabihin niya sa akin. Kakaisip na may impormasyon akong makukuha sa kanya at kung ano iyon.
Binuksan ko ang pinto. Kunut noo niya kong tiningnan. I saw in his eyes why a student waa here in his office, trying to remember me if I am one of his students.
"Ano ang kailangan mo? May question ka ba tungkol sa diniscuss kanina?" tanong niya ngunit andoon pa rin sa mukha niya na inaalala ako kung anong subject niya ako na estudyante.
Umiling ako at pumasok sa loob. Maganda ang kanyang office. Maraming libro sa shelf, may computer sa desk nito. Mukhang dalawa sila ang naghahati kasi may isang desk sa kabilang side.
"Sit down." Tinuro niya ang vacant chair na nasa harap ko katabi ng desk.
"Thanks, ibang iba ka na, Jake. Profesor na profesor ang dating." Ngiti ko. Nabigla ito sa pinagsasabi ko.
"Huh? Sino ka? Sa tono ng pananalita mo animo'y kilala mo ako?" Masusi niya akong minasdan. Kumunot ang noo niya ng hindi masagot niya ang sariling katanungan.
"Hindi mo nga ko nakilala dahil sa sout ko plus sa hair at eye glasses. Ako to, si Vesta Fades ang kapatid ni Xyrell Jade Fades." Pagpapakilala ko sa sarili.
Nagulat ito sa sinabi ko na animo'y nakakita ng isang taong di niya inaasahang makikita muli.
"Ikaw ang kapatid ni Xy? Bakit ganyan ang itsura mo. Parang hindi ikaw? " naguguluhan sabi niya sa akin at sinipat ako mula ulo hanggang paa at pabalik sa mukha ko.
Kilala niya ako at alam niya kung ano ang itsura ko ngunit siguro ay matagal na simula no'ng magkita kami. It's been 5 years.
"Hmmm," ngiti ko ng malaki sa kanya na ikina-angat ng dalawang kilay nito.
Lumakad ako at umupo sa bakanteng upuan. Dumako ang tingin niya sa suot kong kwintas at doon niya lamang napagtanto ang lahat.
Tumango tango ito. "Ok, anong kailangan mo?" tanong niya at tumingin sa akin. I know he's not expecting that I will be here, the place where I grow and where it gives me misery and pain.
Tiningnan ko siya ng seryoso. "Tell me? May alam ka ba kung ano ang nangyari? Boung nangyari sa kapatid ko?"
I saw how are eyes wide and how he looked away from my eyes. Hinawakan niya ng mahigpit ang ballpen sa kamay. Tila ba may alam siya at parang nahihirapan siya sa tinanong ko.
He knows something!
"Tell me, Jake!" utas ko, nang ilang segundo ang hindi ito umimik. Gusto ko na malaman ang buong nangyari.
Hinawakan niya ang kanyang baba. He stare to me empty. Kaibigan ni Xyrell si Jake Curtis, parang kuya na ang turing ko sa kanya.Kaibigan kasi ni Tita Elena ang mama ni Jake si Aunt Daila. Mag-fi-first year noon si Jake at si Xyller sa college ng magpasya ang dalawang mag-aral dito sa FU.
Hindi ko makakalimutan ang pangako ni Jake sa akin na aalagaan at babantayin niya ang kapatid ko pero anong nangyari? Nawala ang kapatid ko, pinabayaan niya at hinayaan niya. Sinisisi ko siya kung bakit nawala ang kapatid ko. Sinisisi ko siya dahil matapos ang nangyari ay wala siyang binalita sa akin, wala siyang sinabi.
"Vesta... Wa-wala akong alam sa nangyari sa kanya. Ang alam ko lang ay may pupuntahan siya. Hindi nako sumama dahil tungkol lang sa halaman ang pupuntahan niya sa kagubatan. Pagkaumaga, nabalitaan ko na ang nangyari na nawawala ito, sabi nila ay may kasama siya pero di ko alam kung sino, walang nakakakilala kung sinong babae ang kasama niya. Ang nakita ko lang ay ang bag niya. I'm so sorry pero baka patay na siya Vesta, may nakitang dugo sa paligid papunta sa talon." Yinuko niya ang ulo.
Bahagyang lumaki ang mata ko sa narinig. Sinong babae ang kasama niya, walang nagsabi na may kasama siya. Katulad ng sabi ng imbestigador ay maaring patay na ang kapatid ko.
Hindi! Hindi pwede. Alam kong buhay pa siya. Deep down in my heart, I know he's alive out there. They're wrong. Maniniwala ako kung makikita ko ang bangkay niya at doon ko lang sasabihin na totoo sila. Pero ngayon, they'll be lying, for they can't prove that my twin was dead. Kahit ang bangkay niya lang ay sapat na sa akin to slap me with the truth that I am wrong and they're right. Maniniwala na kong wala na siya. Maniniwala na ako na iniwan na niya ako.
"Nangako ka sa akin, Jake. Bakit?" nasasaktan kong sabi na may halong galit sa boses ko. Kuyom ang palad ko. Ramdam ko ang namumuong luha sa mga mata ko na anumang oras ay babagsak sa pagkakatago niyon.
"I'm so sorry, kasalanan ko na. Sorry kung nasira ko ang pangako ko sa iyo, Vesta. Tulad mo ay sobrang sakit sa akin ang nangyari. Sorry dahil wala man lang akong nagawa," nakayuko ang ulo niyang sabi. The pain was there and the regret.
My heart was aching in pain. Pinipiga iyon, sobrang sakit ang nalaman ko. I want to cry now. I don't want to believe what he said to me or even accept his apology because it was useless to say those words. It's too late to say sorry.
"Hindi ako naniniwala sa sinabi mo, Jake. Alam kong buhay pa siya. Huwag kang magsinungaling! Alam kong nagsisinungaling ka lang!" malakas ang boses kong ani. Pinipigilan na hindi ako mapaiyak sa harapan niya. I gritted my teeth for the pain and anger that combined inside me.
Gusto ko siya sampalin ng ilang beses at baka maisip niya na tama ako na buhay ang kakambal ko. To show that he's saying the wrong words, his conclusion was wrong from the first place.
"Don't be ridiculous, Vesta. Iyon ang totoo. Sorry but you need to accept it. Don't be act like a fool because you're the one fooling yourself here, not me, not us." Halos hindi ako makahinga sa binitawan niyang salita. Damn him!
Tumayo ako. Ayokong magsalita pa at baka hindi ko pa mamalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Ayokong makita niya kong umiiyak, nasasaktan at ayoko siyang sampalin kahit gusto kong gawin.
Iniwan ko si Jake. No words. Mahina ang lakad kong lumabas sa room nito.
Ang kapatid ko! Siya lang ang natira, oo, natira sa buhay ko. Ayokong paniwalain ang sinasabi nila ayoko!
I can't breath, my tears want to fall now. Ayokong umiyak. Ayoko, sawa na ako na umiyak, sawa na.
Napaupo ako sa upuan sa hallway. Tulala akong nakatingin sa kawalan. I don't care if someone saw me here like a hopeless. I don't care what will they thought about me.
Sabi ng puso ko, buhay pa siya. Sabi naman ng utak ko, wala na siya. Sin ang paniniwalaan ko? Yong puso o utak ko?
Tila isang pelikulang paulit-ulit naglalaro sa isipan ko ang mga binitawang salita ni Jake sa akin.
Kahit ilang taon na nga ang lilipas. Hindi pa rin ako makaka-move on, hindi pa rin ako maniniwala na wala na siya. Wala na.
I leaned to the wall, head up. I stare blankly at the ceiling for a minute.
"I want the truth. I want the truth, only but the truth. Who did those things to him? I want to find out what, who and why," sabi ko sa sarili.
May isang bagay na hindi sinabi sa akin si Jake, I can felt it. May tinatago siya at 'yun ang dapat kong alamin. Ano ang tinatago niya at bakit?
Ilang ulit nawalan ng pag-asa si Tita Elena na makita si Xyrell hanggang sumuko ito pero ako? Hindi, I won't believe them that my brother was dead and whoever did this thing to him, I'll surely kill that person no matter what!
Naikuyom ko ang mga palad. As of now, paniniwalaan ko ang sarili kong buhay siya, nawala lang siya at balang araw makikita ko siya. Simple lang ang gagawin ko, find the trail that will lead me to him.
------

Komentar Buku (107)

  • avatar
    Sandy Gangoso

    may book 2 na po ba?

    01/11

      0
  • avatar
    PalisNenet

    ganda ng story Sana my happy ending cla Vesta at Keyran nxt part author plsssssssssss kabitin🥰🥰🥰🥰

    17/09/2023

      0
  • avatar
    Asnor DM

    niceeee

    22/04/2022

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru