logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Esposa Mansion

Esposa Mansion

Josefa Rosalia


BAKASYON

LUIGI
PAPUNTA na ako sa aming silid nang biglang napatigil ako sa paglalakad. Napatingin ako sa nalalapit na bintana at nakita sa repleksyon nito ang araw ay ngayong tinatakpan na ng mga alapaap. Unting dumidilim ang paligid na roon ko nadama ang mahinang awra sa aking likuran. Napahawak ako ng mahigpit sa mga papel at ballpen na akingd dala nang lumakas ang simoy ng hangin doon.
"Huwag niyong ituloy... Kapahamakan lamang ang idudulot nito. Maghihiganti sila..."
Pinagsamang mga tinig ang aking mga narinig. Puno ng lungkot at pighati ang kanilang mga tinig na desperadong pumapalibot sa akin. Kumunot ang noo ko ng ilang minuto ang lumipas ay nawala rin ang pakiramdam na may iba akong kasama kung sa katunayan ay ako lang ang nasa ikatlong palapag habang ang mga kaklase ko sa Berners ay nasa ibaba kasama ang mga gurong tinatapos ang kanilang mga papeles.
Binalewala ko ang naging babala ng mga tinig at bumaba ng hagdan. Huling tingin ko sa dulong silid kung malinis ito at kaagad na ring dumeretso na sa pagkikitaang plataporma sa ilalim.
Ngunit sa bawat hakbang na aking ginagawa ay tila bang may mabigat na bagay ang nakapasan sa aking mga balikat na parang hindi ako pinapahintulot na magpatuloy.
Balak namin na ngayong magkakaroon ng bakasyon para sa aming batch. Pupunta kami sa mansyon na pagmamay-ari ni Charlene at doon magpapalipas ng buong linggo. Inagahan na namin dahil kailangan pang magbyahe para makapunta sa daungan pa lang at doon ka sasakay ng barko papunta sa isla ng Karupokan.
Kinilala ang mansyon kung saan kami mananatili bilang isang katangi-tanging lugar na laging pinupuntahan ng mga turista noon at ngayon ay kami naman ang makakasulyap nito. Isama mo pa na roon kami magpapalipas ng ilang araw.
Matagal ng nakahanda ang mga kakailanganin. Ang transportasyon, pagkain at mga pampalipas-oras na laro namin. Hindi dapat makalimutan ang mga medikal kit na para sa sitwasyon na kakailanganin lang. Bagaman maaliwalas ang loob ko na walang kapahamakan ang mangyayari ay sinabihan pa rin ako ni Charlene na magpadala kung sakali. At saka kalooban ko na rin ang nagsasabi na dapat magdala kami...
"Luigi, bilisan mo. Aalis na tayo."
Ang mga lakad ay naging takbo papunta sa van na sasakyan namin. Tinapos ko muna ang mga pinagawa ng mga guro bago ako nagpasundo sa kanila. Bilang presidente ng aming batch ay kailangan kong panatilihin na ang bawat silid na ginamit namin ay malinis.
"Susunod na lang daw sila Lisana at Nel," ani ng iba. Tumango ako at sumakay na sa van. Pumwesto ako sa dulo kung saan may bintana at masasaksihan ko mamaya ang mga senaryo sa probinsya na madadaanan namin.
Napadaan kami ulit sa paaralan at doon ako biglang nanlamig ng may nakita akong mga estudyante sa ikatlong palapag; mga lalaki at babae na malungkot na nakatingin sa akin habang umiiyak sila ng dugo. Ginusot ko ang aking mga mata kung ako'y nagkakamali pero katingin ko ulit ay bigla na lang silang naglaho na parang bula. Baka pagod lang din siguro lalo na't madami rin akong inasikaso kagabi.
"Luigi, ayos ka lang? Namumutla ka." Ngumiti ako ng pilit kay Francis, isa sa mga kaibigan ko. Pinikit ko ang aking mga mata at hinayaan ang antok na palibutan ako.
...
Ilang oras din ang naging byahe namin mula Pampanga hanggang dito sa daungan ng probinsya. Napainat ako ng katawan at humikab dahil sa tuloyang pagtulog ko sa byahe. Narinig ko sila Alice kanina na maglilibot ng kaunti habang hinihintay ang timonel ng sasakyang barko. Paniguradong matatagalan din ang mga kasama naming wala pa kaya nagpaiwan muna ako para makatulog pa ng ilang oras. Sa hindi ko alam na kadahilanan ay antok na antok ako ng magsimula ang byahe namin.
Hindi sinasadyang napatingin ako sa salamin sa gilid ng sasakyan at doon ko na naman nasilayan ang parehas na mga mukha ng nakita ko sa iskwelahan. Tulad kanina ay umiiyak pa rin sila ng dugo at kalungkutan ang nakapaskil sa kanilang mga mukha.
"Huwag kayong tumuloy! Papatayin nila kayo. Hindi sila titigil hanggang hindi kayo nalalagutan ng hininga. Huwag kayong tumuloy!"
Pinikit ko ng mariin ang aking mga mata at tinakpan ang aking mga tenga. Hindi pa nakuntento ang mga tinig bagkus ay mas lumakas pa ang mga ito. Sinubukan kong maglakad ng maayos pero bigo.
"Hijo, okay ka lang? Hijo!"
Patuloy na bumigat ang katawan ko hanggang sa napahiga na lamang ako sa sahig. Hindi ko magalaw ang aking katawan na tila bang naparalisa ito.
"Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Ispirito. Mawala kayo!"
Napapikit na lamang ako nang biglang may lumapat na bagay sa aking noo at doon nawala ang mga tinig ng mga tao. Gumaan muli ang aking katawan hanggang nakatayo na ako sa tulong ng estrangherong lalaki na lumitaw na lamang kung saan.
"Hijo, maayos na ba ang pakiramdam mo? May naririnig ka pa rin ba?" kunot-noong tanong nito sa akin. Tinignan ko ang lalaki na nagmamay-ari pala ng baritonong boses. Hinawakan ng lalaki ang aking braso at tinulungan akong balensehin ang katawan ko.
"Sino po kayo?"
...
ALDEN
MATIYAGA kaming naghintay sa upuan na malapit sa daungan na pagmamay-ari nila Alice. Ilang oras na rin mula nang iwan namin sa sasakyan namin si Luigi dahil mukhang pagod at hindi naman namin gustong gisingin ito lalo na't masarap ang kanyang tulog. Saka naging masaya naman ang naging pag-ikot namin dito dahil madami rin pa lang mga lokal na gamit ang tinitinda sa mga turista.
"Bakit kasi iniwan pa natin siya?" tanong ni Charlene na mukhang iritado.
"Sigurado kang ayaw mong sunduin si Luigi?" Lumapit sa akin si Nel at ibinulong ito. Puno ng pagaalala ang kanyang pagmumukha.
Inilapat ko ang aking kamay sa kanyang likod.
"Huwag kang magalala, sinundo na nga siya nila Franci-" Naputol ang aking sasabihin nang biglang dumating ang isang estrangherong lalaki kasama si Luigi. Maputla ito at pawisin.
Kaagad naman itong sinalubong nila Francis na nauna lamang ng kaunti sa pagdating.
"Ma'am Alice, ako po ang timonel na makakasama niyo para makapunta po tayo sa isla ng Karupokan gaya po ng utos ng ama ninyo,” paliwanag ng ginoo kay Alice. Lumipat ang pansin ko sa lalaking kasama ni Luigi, nakasuot ito ng mahabang manggas na puti at kayumangging maong na pantalon.
"Hello, tito Rhod. Kamusta ka na? Tagal na nating hindi nagkita," binati ito ni Alice na may ngiti sa kanyang labi at niyakap ang ginoo.
"Nako ma'am, hinahanap na nga po kayo ng mga anak ko," masayang sambit ng ginoo at katapos ay tinignan ang relo sa kanyang kaliwang pulsuhan, "Magiging maganda siguro kung tayo'y lumisan na para hindi tayo gabihin sa byahe."
Nagkasalubong ang mga tingin naming dalawa ni Nel at nakakunot ang kanyang noo na parang may kahina-hinala sa mga kilos ng lalaki. Kung tatanungin ako, parang hindi isang pagkakataon lamang ang pagkakasabay ni kuya Rhod at ni Luigi. Isama mo pa roon na nanghihina at maputla itong dumating.
Kinuha na namin ang aming mga bagahe at naglakad patungo sa hagdanan paakyat sa loob ng barko. Kumapit ako sa rehas na nasa gilid at naramdaman ko ang marahas na hanging yumayakap sa aking katawan. Mahinahon man ang katubigan ay kasalungat naman niyon ang galit ng kalangitan.
"Maglalayag na po tayo," rinig kong saad ni kuya Rhod at nagsimulang gumalaw ang barkong sinasakyan namin.
Nagsipunta ang iba kong kaklase sa kanilang mga itinalagang kwarto na panandaliang gagamitin. Nanatili muna ako sa itaas na bahagi na kubyerta at nagpahinga sa isa sa mga upuan na naroon. Naabutan ko roon sila Daryll at kuya Rhod na mukhang seryoso ang pinaguusapan.
...
DARYLL
PINIKIT ko ang aking mga mata at dinama ang kapayapaan sa paligid ko. Habang nagdesisyon ang iba na magpahinga sa kanilang mga kwarto, mas gusto kong panoorin ang byahe; ang pagyakap ng tubig sa barkong sinasakyan o kung paano lumangoy ang mga peskado pasabay sa agos namin.
"Lintek lang ang walang ganti. Ibabalik ko ang sakit ng ilang beses sa inyo. Kayo ang salarin sa lahat ng nangyari! Kayo!"
Napabaling ako sa paligid ko, hinahanap kung saan nanggaling ang tinig ng isang babae. Maaring isa sa mga kaklase ko na naman iyan na nag-aaway. Napabuntong hininga na lang ako. Bakasyon ba talaga 'to? Hindi ko naman maramdaman na masaya ang lahat na sumama dahil sa katunayan, laging may nag-aaway.
"Bakit ka nagiisa, hijo? Hindi ka ba nilalamig, baka magkasakit ka niyan."
Nginitian ko si kuya Rhod nang tumabi ito sa akin. Sa hindi ko masabing dahilan ay magaan ang loob ko sa taong ito kahit alam kong ito ang unang pagkakataon na nagkakilala kami o nagkita. Pamilyar ang kanyang mukha at boses na tila bang narinig ko na iyon noon pa.
"Sanay na ho ako."
"Matanong ko lang po. Nagkataon lang po ba nagkasabay kayo ni Luigi kanina?" Lumingon siya sa akin at doon ko lang napansin na may suot itong rosaryo sa kanyang leeg.
"Hindi ba niya nakuwento ang nangyari kanina? Katapos kong makausap ang kapitan na may ari ng daungan ay pupuntahan ko na dapat kayo pero nakita ko ang isang binata na mukhang nahihilo at paggiwang-giwang na lumabas ng van. Sinundan ko siya tapos nakita ko na..."
Napakunot ang noo ko nang biglang nanginig ang buong barko kaya napakapit ako sa rehas. Kaagad na tumakbo paloob si kuya Rhod kaya hindi natapos ang kwento nito patungkol sa pagkikita nila ni Luigi. Mas lalo akong nagkaroon ng kuryosidad kung paanong ganoon na lang ang naging lagay ni Luigi. Hindi kapani-paniwala na mahihilo na lang ito sa byahe bagkus ay napansin ko rin na kakaiba ang inaakto nito mula nang sumakay sa van. Tila bang laging maraming iniisip at malayo ang tingin.
Ang isang mahinang patak ng ulan ay unti unting lumakas hanggang sa napupuno na nito mismo ang buong itaas na kubyerta. Kaagad kaming sumilong nila Alden nang makita ko sila roon na mukhang nanigas sa kanilang kinauupuan.
"Daryll, bilisan natin. Isara natin ang pintuan para hindi pumasok ang tubig sa loob," pagmamadali nila Francis na nasa tabi ko pala at tinutulungan akong pihitin ang pinto pasara.
"Kuya Rhod, ano po bang nangyari? Bakit biglang nanginig ang barko kanina?"
Nakita ko sa isang dulo sila Alice at Shamel, kinakausap nila si kuya Rhod tungkol sa nangyari. Kaagad naging pagsisi ang ekspresyon nito at may pinipindot sa kanyang mga buton.
"Pasensya na po ma'am, mukhang nagkaroon po ng biglaang bagyo sa lugar natin at magiging malakas na ulan po ito. Mas maganda hong ipagpatuloy natin ang paglalayag papunta sa kabilang isla, ano po sa tingin ninyo?"
Sa bandang harapan ay doon mo makikita ang mapa ng lugar namin ay ngayon pinapalibutan ng kulay kahel.
"Paano nangyari 'yon, kuya. Tinignan naman po namin ang klima para sa isang linggo at sinabing magiging maaraw po." Napakunot ang noo ni Shamel at pinakita ang 'weather forecast' kay kuya Rhod na nasa telepono.
"Sige kuya, dumeretso na tayo sa isla. Mas magiging delikado kung babalik pa tayo."
...
ANONYMOUS
Hindi lang nila alam ay isang kahindik-hindik na dilubyo ang babalot sa kanilang bakasyon sa isla. Kung noon ay mayroon pang nakaligtas, sisiguraduhin niyang matatapos ang laro ng Esposa Mansion at wala ni isang matitira kung hindi ang takot at pighati ng mga estudyante.
Kaunti na lang, makukulong na kayo sa aking patibong. Ang buhay niyo ay nakasalalay na sa mga kamay ko.
KATAPUSAN NG UNANG KABANATA

Komentar Buku (69)

  • avatar
    ManlapasReynz

    gooooooooooooooooooo9ooooooooooooooooooo9odkdjdjdndidjddjdjfnfidjfjfnfjfnjdjddjjdjdjffjjfjfjdu

    1d

      0
  • avatar
    Gs Abucay Samocino

    its relly good

    28/01

      0
  • avatar
    Disalan E Lloyd

    nkakatakot na nkakainis tong kwentong to maganda sya

    09/11

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru