logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Can I hit on you?

• • •
So far, I can say that I'm doing well in my new school. I have a few friends that I can joke around with. Medyo nahirapan lang ako sa paga-adjust dahil sa school ko dati, hobby ko ang pagtingin aa mga babaeng dumadaan. Pero ngayon, ni anino nila ay wala akong natatanaw. Napanguso ako sa naisip ko.
"Bryll, take your food, " Si Grant na nasa tabi ko.
Doon ko lang napansin ang tindera na inaabot ang pagkain ko. Kaagad inabot iyon mula sa kaniya. Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ngayon, bumibili ng makakain.
Nang makuha ang pagkain ko ay sabay na kaming naglakad papunta sa mga upuan para maghanap ng pwesto.
"Bryll!"
Napatingin ako sa tumawag. Napangisi ako ng makita sila Sian, nakaupo na at may bakanteng upuan pa sa pwesto nila. Agad kong hinila si Grant papunta sa kanila. Halata ang titig nila kay Grant habang paupo kami sa pwestong tinuro nila.
"Kasama mo pala si President," si Kent na namamanghang nakatingin kay Grant.
"Close kayo?" Masayang tanong ni Sian.
"Yeah. He's my friend." Mukhang ngayon pa lang nila akong nakita na kasama si Grant. Nilingon ko si Grant na tahimik ng kumakain. Bahagya ko siyang siniko para maagaw ang atensiyon niya.
"Sila Sian, Gian at Kent. Kaklase ko sa ibang subject," pagpapakilala ko.
Tipid ang ngiting ibinigay nina Kent habang si Grant ay walang emosyong nakatingin sa kanila. Si Sian lang ang kumaway. Tumagobsi Grant sa kaniya bilang pagbati.
"This is amazing! Ang tagal ko na rito pero ngayon pa lang kita nakita ng malapitan at nakausap," excited na sabi niya bago binalingan ako ng tingin. "Matagal na kayong magkaibigan?"
"Yup. Magkababata kami."
"Talaga?! Akala ko wala siyang kaibigan. Acquaintance lang kasi ang turing niya sa mga estudyante rito na nakakausap niya," amaze na sabi niya na parang wala si Grant sa harapan niya. Kita ko ang pagsiko ni Kent sa kaniya at ang pagtingin nito kay Grant na patuloy lang na kumakain.
"Hindi kasi siya masyadong nakikipag-usap sa mga estudyante rito. Kapag lang may binabawal at pinagagalitan," dugtong niya habang nagtatakang nakatingin sa ginagawa ni Kent.
"Wala talagang filter iyang bunganga mo," gigil na bulong ni Gian sa kaniya.
"Totoo naman ang sinabi ko ah? Hindi ba takot ka sa kaniya kasi lagi siyang seryoso at masama ang tingin?" Pagpapatuloy niya kahit pinapahinto siya ng dalawa.
Hindi ko tuloy mapigilang tumawa. Para silang kuting na tahimik na nakaupo habang tinitignan ang reaksiyon ni Grant.
"Siraulo ka talaga, mamaya ka sa'kin, " gigil na bulong ni Gian na mas ikinatawa ko.
"Bakit?"
I'm not really sure if he's just too slow or too innocent. Or both.
Napatingin ako kay Grant ng kuhanin niya ang atensiyon ko. Tinuro niya ang pagkaing hindi ko pa nagagalaw.
"Kumain ka na."
Tumango ako at nagsimula na ring kumain. Nakikinig lang ako kila Sian na may iba nang pinag uusapan.
"Marunong ka bang sumayaw, Bryll?" Umiling ako kay Gian.
I want to learn though. I always feel amazed everytime I watched someone who's good at dancing.
"Bakit?" Tanong ko.
"May event kasing gagawin dito sa school. Performers month. May hinandang show ang mga nasa Dance and Music club, may paligsahan din," sabi niya at binalingan si Gian. "Ikaw, Gian? Hindi ka ba sasali?"
Pinagpatuloy ko ang pagkain habang nakikinig sa kanila. Sinundan ko ng tingin si Grant na bigla nalang tumayo at lumapit sa counter.
"Sasali, pero hindi na ako umaasang mananalo," sagot niya.
"Bakit naman? Ang galing mo kayang sumayaw!" Si Kent.
"Sasali rin si Dale eh," kibit balikat niyang sagot. Napatango naman ang dalawa. Para bang sapat ng dahilan iyon para hindi siya manalo.
"Marunong siyang sumayaw?" Singit ko.
"Hindi lang basta marunong, sobrang galing niya! As in!" sagot ni Gian. Bakas ang paghanga sa boses.
"Proud na proud ah? Boyfriend ka ba?" Tukso ni Kent na tinawanan lang niya.
Napatitig ako kay Gian sa tuksong iyon ni Kent. I'm still trying to get used to it. "Bi?" Hindi siguradong tanong ko.
Tumawa si Gian. "Maybe? Nagka-girlfriend na ako dati pero simula ng pumasok ako dito, bigla akong na-attract sa lalaki."
"That's normal. Kahit nga ako na straight, nagkaka-crush din sa lalaki," amin ni Kent.
"Ah, oo! Hindi ba naging crush mo si President?" Bulalas ni Sian. Sinubukan siyang pigilan ni Kent pero huli na.
Napaawang ang bibig ko sa natuklasan. Magtatanong sana ako kung totoo pero hindi natuloy ng makitang palapit na si Grant, dala ang dalawang basong inumin. Binigay niya sa'kin ang isa.
Hindi ko na nagawang magpasalamat sa kaniya. Napatitig lang ako kay Grant, pagkatapos ay tinignan ko si Kent na kabadong tinitignan si Sian, bahagyang namumula ang taenga.
"U-uh. Una na a-ako." Utal na paalam niya bago tuluyang tumayo at umalis. Natatawa siyang sinundan ng dalawa.
"Una na kami sa inyo!" Paalam ni Sian habang  palabas na ng cafeteria.
"I can't believe this," mahinang sabi ko matapos matulala ng ilang sandali. "Wow."
"Ang alin?" Tanong ni Grant sa tabi ko. Tinapunan ko siya ng tingin, kuryoso siyang nakatingin sa'kin, hinihintay akong magsalita.
Tumawa lang ako at napailing na sa huli. "Ang lakas mo, pre. Ibang klase ka." tinapik ko ang balikat niya.
He looked at me, confused. I chuckled. Sinandok ko ang gulay na nasa plato ko at inilagay sa plato niya. Pabiro ko ring hinaplos ang buhok niya. "Kumain ka ng marami. Hindi pwedeng maalis ang alindog mo, pre. Pwede nating pagkakitaan iyan in the future."
I shouldn't be surprised with the news. Dati pa naman ay marami ng nagkakagusto rito. I remembered that time when a boy confessed to him when we’re in elementary.
Isa pa, karibal ko ito pagdating sa mga babae. Some girls I courted before, rejected me because of this mf. Tsk. Gwapo naman kasi talaga siya, matangkad at ma-appeal. Pero siyempre, mas gwapo pa rin ako. Lamang lang siya sa 'kin sa height.
Asar niyang tinabig ang kamay ko. Napahagalpak ako ng makita ang pamumula ng taenga niya. Nahiya pa ang gago.
"Hintayin mo ako mamaya pag uwi. Sabay tayo," bilin niya pagkatapos naming kumain.
"Bakit? Anong oras ba matatapos ang klase niyo?" Isang subject nalang ang papasukan namin after lunch sa araw na 'to. Pagkatapos ay uuwi na.
"Kaparehas ng sayo. May dadaanan lang ako sandali sa faculty."
"Sige. Inform kita kapag nasa gate na 'ko."
"No. Hintayin mo nalang ako sa classroom niyo. Mas madali kitang mahahagilap."
Alala kong sinabi niya bago kami maghiwalay ng landas. Hinatid niya muna ako at itinuro ang room ko bago siya tuluyang umalis.
Umupo ako sa bakanteng upuan malapit sa bintana ng makapasok.
"Bantay sarado," biglang sabi ng katabi ko.
Napalingon ako sa kaniya. Medyo nagulat pa ako ng makitang si Dale iyon.
"Yow!" bati ko.
"You're close with the President?" Tanong niya ng hindi bumabaling sa'kin.
"Oo. Magkaibigan kami."
"Kilalang-kilala mo ba?" Natatawa niyang tanong.
Kumunot ng noo ko sa tawa niya. "Oo naman. We grew up together."
"Don't you find him boring?" Kuryosong tanong niya.
Bakit ba ang dami niyang tanong? Baka mamaya may gusto rin kay Grant ito ah.
"Hindi. Grant looks quiet but he's not. He's kind of talkative. Ayaw niya lang talagang makipag-usap sa ibang tao."
Grant thinks it's too tiresome. Pakiramdam niya daw ay nawawalan siya ng energy kapag laging nagsasalita.
"talkative," natawa siya at tumango-tango, parang hindi naniniwala.
Base sa reaksiyon nila, mukhang masyadong strikto si Grant dito para katakutan siya ng ibang estudyante. Kahit ako ay nakita iyon noong isang araw, ng pagalitan niya yung tatlong lalaking nakausap ko sa bench.
Hindi ko sila masisisi. Grant's facial expression is always intimidating, especially when he's not smiling. Kahit na kalmado siya ay mukha parin siyang galit dahil sa mga mata niya. But if you know him well like I do, that expression of him will be just normal for you.
Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Dale at tumingin na sa unahan. Sakto namang pagpasok ng isang pamilyar na lalaki sa silid.
He gracefully make his way towards the professor's table. Saglit na pinasadahan ng kamay ang buhok habang pinalilibot ang tingin sa buong silid.
Nadaanan niya ng tingin ang puwesto namin, bumalik ang tingin niya sa'kin ng makita akong nakatingin sa kaniya. I saw a ghost of smirk plastered on his face.
"Seems like there's a new student for my class. I can see a new refreshing face."
I think I know what will happen next. Hindi na ako naghintay na tawagin niya ako para magpakilala. Tumayo na agad ako at naglakad patungo sa harapan. Nakangisi parin na sinundan niya ako ng tingin.
"Oh. An introduction?"
Tinanguan ko siya. Hindi ba't iyon naman ang ginagawa ng mga bagong salta?
"You don't really need to do that but since you insist..." inilahad niya sa'kin ang harapan.
Nakaramdam ako ng kaunting hiya sa sinabi niya. I thought it's required! Nasanay kasi akong laging nagpapakilala sa first meeting. Ito ang unang pasok ko sa klase niya kaya buong akala ko'y kailangan kong magpakilala.
Tumikhim ako bago nagsalita. Ipinakilala ko ang sarili ko at binanggit ang ilang kaalaman tungkol sa'kin. Tinungo ko agad ang puwesto ko ng matapos.
"So... Bryll. Why did you choose to study here?" Tanong niya bago pa ako tuluyang makaupo.
"Uh... actually my mom chose this school, Sir."
Tinaasan niya ako ng isang kilay. "Does that mean you don't really want to study here?"
"No, Sir. I had a hard time adjusting for the first days but it's all good now. I like it here," kalmado kong sabi kahit na medyo naiirita na sa paraan ng pagtatanong niya.
"Good. We treat our students here equally. Rich or not."
Napakunot ang noo ko, hindi maintindihan ang gusto niyang iparating. Pero ganoon man, tumango ako.
"I hope you're not waiting for any special treatment since you're close with the school president."
Bahagya akong napaismid sa sinabi niya. Iyon ba ang gusto niyang iparating sa sinabi niya? He thinks I'll use my closeness with Grant to act superior here? Ni hindi ko nga lang naisip iyon, paano ko pa gagawin?
"Of course not," hindi nakatakas ang inis sa boses ko. Nang mapagtantong medyo hindi maganda ang tono ng pananalita, dinagdagan ko iyon. "... Sir"
Nawala ang mapaglarong ngiti sa labi niya. Nawala ang mapanuya niyang ngiti kanina at sumeryoso ng tingin.
"One of the attitude that our students needs to possess is being respectful. Respect for the school's rules and regulations, respects for co-students, respect for school personnels... teachers," mariin niyang binigkas ang huli.
Pasimple akong napabuga ng hangin. Hindi pa natatapos ang unang linggo ko ay mukhang makakadalaw na ako sa guidance.
"I'm sorry, Sir."
Umiling iling siya, mukang bigo sa inasal ko. "This is your first warning. Take your seat."
Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi niya. Ilang beses akong tumango para ipakitang sincere ako.
"For now, help me bring my things on the faculty later." hindi na ako nag isip pa at agad sumang ayon sa sinabi niya. "I am Clydawn Barcelon, your 21st Lit. Professor."
"Whew," mahinang sabi ko pagkaupo.
I heard Dale chuckled on my side. "You're too easy to scare."
Ngumisi ako. "Hindi ko lang in-expect na mapapagalitan kaagad ako. This is still my first week."
"Don't take him seriously. He can't even do it himself," nanunuyang sabi niya.
Tinignan ko siya sa sinabi niya. Is he holding a grudge against our professor? I can sense his hatred through his words.
Tumingin ako sa harap. Sir Barcelon is busy arranging the projector. I looked at him for a while and realized that he's still young. He's probably 3 years older than us.
Akala ko nung una ay halos bata ang mga nagtuturo dito. Na- encounter ko na ang ibang guro namin. Sa ngayon, siya palang ang nakikita kong bata. He's the guy that me and Grant saw when he take me here to enroll. Parehas parin ang aura niya. Iyon nga lang, mas nangingibabaw ang pagiging guro niya ngayon.
The class continue in its normal way. Some discussion for the subject and recitation were done. Wala na kaming masyadong ginagawa ng tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang klase para sa araw na 'to.
Sumabay ako sa mga kaklase kong lumalabas ng classroom. Napahinto at napatampal ako sa noo ng may maalala. Nagmartsa ulit ako papasok ng silid. Naabutan ko si Sir na prenteng nakasandal sa dingding malapit sa professor's table, nakakrus ang mga braso habang nakatingin sa'kin.
"I thought you're going to disobey my words. I'm already thinking for any possible punishment for your second warning," taas ang kilay na sabi niya.
"Nawala lang po sa isip ko," mahinang sabi ko at inalis ang pagkakasaksak ng projector.
Umalis siya sa pagkakasandal at tinulungan ako. "Drop the formalities. Tapos na ang klase kaya tapos na rin ang pagiging guro ko."
"We're still on the school ground, Sir." puna ko.
"Just do what I say. Ayokong tinatawag na 'Sir' na para bang ang tanda-tanda ko na."
"Hindi naman inimbento ang salitang iyon para sa matatanda lang," bumagal ang pag aayos ko ng maalala ang kanina.
"It's also a way of showing respect, huh?" Natawa siya sa sinabi, nakuha niya ang punto ko. "Coming from a guy who disrespected me."
Napakamot ako ng batok at tumingin sa kaniya. "Hindi naman kasi sadya iyon, Sir"
He groaned. "Drop the formality," pagpapa alala niya. Hindi ako kumibo. Ibinalik ko ang projector sa lalagyanan.
"How old are you again?"
Saglit ko siyang tinignan. "19..."
I don't know why but i suddenly felt uncomfortable.
"Not bad," he says playfully.
Sumunod ako ng lumabas na siya ng classroom, sinundan ko siya sa paglalakad.
"I'm 21. See? I can pass as your friend."
Napanguso ako at sandaling nag isip. Tumango din ako kalaunan. "Okay."
Ngumisi siya. "You can call me by my name."
"Sige. Basta tapos na ang klase," sang-ayon ko.
Tumawa siya at inilahad sa 'kin ang paliko, patungong faculty.
"What's the real score between you and Grant, by the way?" Tanong niya ulit ng matahimik.
"What score?" kunot noong tanong ko.
"Are you in a relationship with him?"
Napabuntong hininga ako. "Ilang beses ko nang narinig ang tanong na iyan."
"At anong sinasagot mo?" Huminto siya sa harap ng isang room. Must be the faculty.
"No. He's just my friend."
I again saw a ghost of smirk in his lips before he signalled me to follow him inside. Pinababa niya ang dala ko sa mesa niya ng makalapit.
"Can I hit on you, then?" prangka niyang sabi.
Sa sobrang gulat ay agad kong naibaba ang projector sa table. Napadaing ako sa sakit ng maipikit ang kamay ko. Agad ko ring nakalimutan ang sakit ng maalala ang sinabi niya.
Tinignan ko siya. He's looking at me, waiting for my answer. "I can hit on you, right? Since you're free."
Hindi ko maisatinig ang pag-apila sa isip ko. I don't want to offend him. He's still my teacher. Pero kung wala akong sasabihin, baka akalain niya pumapayag ako.
But wait. He is not serious, right? I think he's just messing with me.
"Whatever. I don't need your answer. I'll do what I want," pagpapatuloy niya na ikinangiwi ko.
Oh damn!
Yumuko siya para magpantay ang mukha namin. Hinawakan niya ang baba ko at bahagyang inangay para magpantay ang mukha namin.
Kabado akong tumawa. "I-I think we don't understand each other. I'm not b-bisexual," utal at kinakabahang sabi ko.
Pinagtaasan niya ako ng kilay. "You don't need to be one," bulong niya habang pinagmamasdan ang kabuuan ng mukha ko.
I was about to remove his hand on me when the faculty's door opened wide with a loud thud, showing Grant.
°°°

Komentar Buku (112)

  • avatar
    Lago quitoKurt

    it's so cool

    25d

      0
  • avatar
    Mel Mijares

    thank you na binigay motong app nato

    25d

      0
  • avatar
    Ade Lin

    i have fun reading

    12/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru