logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 6:Midnight talk

Tumayo na ako dahil kanina pa ako nakaupo pagkatapos ng usapan naming tatlo ay tila natulala ako dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kung gawin.
Si Charles ang pinakamahalaga para sa akin dahil simula ng mamamatay ang mama niya hindi ko ginusto na makita pa na malungkot siya. Binibigay nila mama kung ano man ang binibigay niya sa akin. Ayaw ni mama na iparamdam namin kay Charles na hindi siya parte ng pamilya namin. Kahit sila mama at papa at tinuring na din siyang anak kaya kapag sinabi ng ibang tao na ampon si Charles magagalit sila at sasabihin na anak nila si Charles kamuntikan na nga mapaaway si mama dati dahil inaasar ng mga kaklase namin si Charles na ampon kaya pumunta si mama sa school at nagalit ito. Mataas na din kasi position ni mama sa elementary school na pinapasukan namin dati ni Charles.
Lumabas na ako dahil medyo pagabi na at wala akong kasama maglakad tingin ko si Charles ay nasa office pa at madaming ginagawa nagsisimula pa lamang ang klase namin ay busy na agad siya dahil sa mga darating na activity.
Dumaan muna ako sa office ng Student Supreme Council para tingnan si Charles at nakita ko ito na nakatutok sa computer at nagkalat ang mga papel sa harapan niya. Nakonsensya naman ako dahil first time namin magkasagutan dalawa.
Umalis na ako dahil tingin ko mamaya pa siya First time kong umalis nang ganitong oras at hindi kasama si Charles baka magtaka si mama sa amin.
Tumigil ako maglakad at nag-isip isip kung hihintayin ko ba si Charles o hindi.
Babalik na sana ako ngunit may kumalabit sa likod ko tatakbo na sana ako dahil sa takot ko ngunit hinawakan nito ang kamay ko.
Napatingin naman ako sa humawak ng kamay ko at nakita ko ang bagong student.
" Hihintayin mo ba siya?" tanong niya sa akin
"Lagi kaming sabay umuwi kapag ganitong oras. Magkasama kami sa iisang bahay" sabi ko sa kanya
Nagtaka naman ang mukha niya dahil sa sinabi ko na magkasama kami sa bahay ni Charles.
Bago pa ako magsalita muli hinila ko siya paalis malapit doon sa office kung nasaan si Charles dahil baka marinig kaming nag uusap hindi naman ito kasing gara ng ibang office kahoy lamang ang bintana nito at electric fan lang din ang mayroon kaya maririnig mo ang ingay sa labas.
Naglakad lang kami at nagsimula na akong magkwento sa kanya.
"Namatay ang mama ni Charles 3years ago dahil na hit and run ito ngunit sa kasamaang palad kung sino ang nakasagasa dito. Tingin namin isang makapangyarihang tao ang sumagasa dito dahil kahit ang mga pulis hindi kayang iressolve ang kaso ng mama niya. Ang mama niya at ang mama ko ay parehas guro sa elementarya kaya naging close silang dalawa lumipat sila sa tabing bahay namin silang dalawa lang ng mama niya hindi ko alam kung nasaan ang papa niya kahit si mama ay hindi nagsasalita tungkol rito as a respect hindi na ako nagtanong pa. Inampon siya nila mama dahil wala nga silang kamag anak kaya hindi na pinabayaan ni mama si Charles at simulan noon mas naging close kami ni Charles dahil gusto ni mama na iparamdam na nandito kami para sa kanya. You know Charles sobrang talino niyan kaya naintindihan niya ang lahat ng nangyayare but still di kami tumitigil na makamit ang hustiya para sa mama niya bumabalik pa din kami sa lawyer na naghahawak ng kaso ni Tita ngunit hanggang ngayon ay wala pa ding balita" sabi ko sa kanya
Pagkatapos ko magkwento hindi na ako nakarinig ng kung ano pa man sa kanya nagpatuloy lang kami maglakad. Habang naglalakad nakita ko naman ang lumang playground kung saan kami naglalaro ni Charles.
Lumapit ako doon at umupo sa duyan sumunod naman siya at upo sa tabing duyan ko.
"I don't know how to say this but he's so lucky dahil mayroon siyang katulad niyo na itinuturing siyang pamilya" sabi niya sa akin
" Kahit sino pa ang dumating sa buhay namin itinuturing naming pamilya dahil bihira ang pamilya na buo at masaya" sabi ko sa kanya.
"Then kaya tinutulungan mo ako dahil tingin mo sa akin ay kapatid lamang?" tanong niya sakin
"Yes, naawa ako sayo dahil never ka pang nakatikim ng lutong bahay balak ko sana bukas ay magbaon ng marami para ishare sayo ang baon ko. Alam kung sabik ka dahil siguro puro restaurant lang ang kinakainan mo" sabi ko sa kanya
"Aanhin mo ang lahat ng material na bagay kung di naman buo ang pamilya" sabi niya sa akin
"Ganyan talaga ang buhay Zevi ipipilit mo pa ba na manatili kung di na nila mahal ang isa't isa I know sobrang selfish ng bagay na iyon but sometimes mas okay na din iyon kesa ang araw-araw mag-away at di magkasundo sa maraming bagay pero tingin ko bago sila sumuko sinubukan pa din naman nila" sabi ko sa kanya.
"The thing is my step dad has a family too. Si mommy niloko niya ang daddy ko para sumama sa isang taong may pamilya na rin. Hindi ba masyadong unfair na iwan nila ang pamilya nila para bumuo ng sariling pamilya?" sabi niya sa akin
Napatahimik naman ako dahil tingin ko ay mali talaga ang ginawa nila.
"Pilit kung inaalis sa utak ko ang alaala ng dalawang bata na nagmamakaawa na wag masira ang pamilya. Pero pa din talaga kapag Love na ang nanaig at gusto itong ipaglaban. Sinama ako ni mommy at iniwan si daddy na nag-iisa walang trabaho ang daddy ko pero siya ang nag-aalaga sa akin and my mommy has business nagigising ako madalas dahil sa away at sigawan nila dahil gusto ni mommy parehas silang nagtatrabaho para matulungan siya. But dad didn't want to left me alone he quit to his job para masubaybayan ako he sacrifice everything dahil alam niya si mommy hindi kayang iwan ang trabaho niya. Hindi niya gusto ang alagaan ako ng ibang tao katulad ng gusto ni mommy. My dad tried everything to be a better father and husband to us but hindi na din talaga kapag may iba ng mahal dahil magagawa mong sirain ang pamilya mo para lang sa ikakaligaya mo. After a year, my dad passed away due to suicide he's been depressed that time ginusto ko naman na sumama sa kanya ngunit may batas tayo sa pilipinas na kapag ang bata ay 7 years old pababa sa nanay ito mapupunta inilaban ito ni mommy at walang nagawa si daddy. Simula nang nangyare iyon nagalit na ako sa mommy ko dahil sa kagustuhan niya na sumaya may isang tao naman ang namatay dahil dito" sabi niya sa akin
Natahimik naman ako dahil nagkamali ata ako sa sinabi ko dahil hindi ko alam na may malala palang nangyare sa pamilya nila.
Tumingin ako sa orasan ko at nakita kong 7pm na pala kaya naman dali dali akong tumakbo at di ko na nagawang magpaalam sa kanya.

Komentar Buku (21)

  • avatar
    Eric John Cabasis

    sukran

    03/08

      0
  • avatar
    Xain Kylee

    Charles ito ay maganda

    14/06

      0
  • avatar
    BogabilMedrie Jean

    eff rrg

    12/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru