logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 4: Lunch

Natapos na ang Flag Ceremony kaya naman pumasok na kami sa classroom. Nakita ko si Chesca na pinagkakaguluhan ng karamihan sa mga kaklase ko dahil nakita nila ang bagong release na magazine at nandoon si Chesca bilang isang Model.
Nakita ko naman ang new student na dumaan sa classroom tila may hinahanap sa loob ng classro namin at nang mapansin ito ni Chesca agad itong lumapit dito. Tingin ko ay magpapakilala siya sa new student hindi na bago ang ganoong scenario sa akin tingin ko nagugustuhan niya ito. At tingin ko ay hindi malabong magustuhan din niya itong si Chesca she's too pretty para ayawan niya.
Nang makalapit si Chesca panay pa din ang tingin niya sa loob ng classroom namin dahil medyo likod ako kaya di agad ako makikita.
Hinawi niya si Chesca at agad na pumasok nagulat naman ako dahil papunta ito sa direksyon ko.
"Hey, ipapaalala ko lang mamaya ang usapan natin. Aasahan ko na makita kita mamaya" Sabi niya sa akin at agad tumakbo palabas lalapit sana sa akin si Charles pero dumating na ang teacher namin buti na lamang at dumating ito dahil tatalakan na naman ako ni Charles. Naalala ko pa naman ang sinabi niya sa akin.
Nagsimula na ang klase namin at di ako mapakali dahil si Charles ay bato ng bato sa akin ng papel. Hindi ko na lamang ito pinapansin buti na lamang ay magkalayo ang upuan namin kundi magmumukha na naman akong bruha kapag katabi ko ito. Alam kong guguluhin niya na naman ang buhok ko kapag may nagawa akong kasalanan sa kaniya.
Nang natapos na ang lahat ng klase namin sa umaga. Nagaalangan ako kung lalabas ba ako dahil nakabantay sa labas si Charles sa akin.
Nagpasimple akong dumaan sa likod na pintuan namin para maiwasan si Charles. Nakita ko na may kausap siya kaya naman nakahanap ako ng paraan para makatakas. King bakit ba naman tumapat sa oras na wala siyang gagawin.
Tumakbo ako ng mabilis palabas ng building at humanap ng ibang daan para walang makakita sa akin.
Hindi ko alam sa sarili ko pero napadpad mulinako sa likod ng classroom at doon nakita ko ang isang lalaki na kaninang gumawa ng eskandalo sa loob ng classroom namin.
"Dumating ka akala ko hindi mo na itutuloy ang usapan" sabi niya sakin
"Hindi mo na dapat ginawa iyon na puntahan ako. Masyadong malisyoso ang mga tao dito. Kahit anong gawin mo maghahanap sila ng paraan para may malaman sa buhay mo" sabi ko sa kanya. Linabas ko ang aking mga libro ko para makapag-aral. Nilabas ko din ang aking pagkain nakita ko naman na wala siyang pagkain sa harap niya.
" I'm curious" sabi niya sa akin
"Tungkol saan?" sabi ko sa akin habang binubuksan ang baon ko na adobong manok ang favorite namin ni Charles.
" Masarap ba kapag may baon ka na luto ng mama mo?" sabi niya sa akin
Natigilan naman ako dahil seryoso siyang sinabi ito. Kinuha ko ang takip ng baunan ko at hinati ang kanin at ulam ko binigay ko naman sa kanya ang baunan ko at kinuha ko ang takip na may lalagyang kanin at ulam. Kinuha ko ang tinidor at binigay ko sa kanya ang kutsara. Nagulat pa siya sa ginawa ko pero kinuha niya din ito at kinain.
Nakita ko na napangiti siya havang naluluha. Masyado bang masarap si mama magluto o ngayon lang siya nakatikim nito. Kunsabagay mayaman nga pala ito at mukhang di na kailangan magbaon dahil kayang bumili kahit saan
"It's taste good kaya pala madami ang nagbabaon ng food nila sa lunch dahil iba ang lasa nito" sabi niya sa akin
"Bakit yunng mommy mo ba hindi ka pinapabaunan?" sabi ko sakanya
Umiling ito at nagpatuloy sa pagkain. Naramdaman ko na hindi niya gustong magkwento kaya naman kumain na lang ako. Ngunit nagulat ako nang nagsalita siya.
"My Mom is always busy doing her own errands. I have a step-father and they have their own child. Mom always gave everything to me kahit pa sobrang mahal nito. But Mommy never realized that I just need time, attention and affection I want to feel that I still have a mother eventhough she has her own family" sabi niya sa akin
Tumango naman ako dito at hindi na makapagsalita dahil hindi ko naman alam kung ano ang saloobin niya bilang lumaki sa ganyang sitwasyon.
"My dad left us for another girl. Naiwan ako sa mommy ko binuhay ako ni mommy not until she met Tito Steven. He's a good guy and mom love him so much. He always include me to their family pero ako na ang lumalayo dahil hindi ko kayang sirain ang masaya nilang pamilya" sabi niya sa akin.
"Alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo pero remember that God is always with us kaya kung nakaya mo iyan lahat ibig sabihin ay himdi ka binabayaan ni God" sabi ko sa kanya.
Ngumiti lamang ito at pinagpatuloy ang pagkain at mukhang nagustuhan niya ito.
" From now on you will never be alone nabasa ko lang yan but I meant it if you need anything puntahan mo lang ako kahit saan p lapitan mo ako kapag may problema ka. Mahirap ang kinikimkim ang saloobin dahil diyan nagmumula ang galit sa puso ng isang tao. Diyan din nagsisimula ang pagkalungkot ng isang tao dahilan para madepress sila. Wala akong phone para matawagan mo but you can throw eroplanong papel on our bintana para makausap mo ako" sabi ko sa kanya.

Komentar Buku (21)

  • avatar
    Eric John Cabasis

    sukran

    03/08

      0
  • avatar
    Xain Kylee

    Charles ito ay maganda

    14/06

      0
  • avatar
    BogabilMedrie Jean

    eff rrg

    12/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru