logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHASING NIGHTMARE 3

"Amanda mahal na mahal kita."
"Hoy!" Nagbalik ako sa realidad ng may pumitik sa harap ko. I cleared my throat before facing her.
Nanaginip ako ulit pero iba naman. Isang lalaki na naman pero hindi ako nakaramdam ng takot sa lalaking iyon. Kundi, I feel safe. Ibang iba siya sa lalaking tumaga sa'kin.
Magaan ang loob ko sa kan'ya. But still hindi ko rin makita ang mukha.
"Wala naisip ko lang na himala walang namatay ngayong araw." Isa rin 'yon ang iniisip ko dahil lunes ngayon kaya nagtataka ako kung bakit walang namatay na babae ngayon.
"Buti nga 'yon hindi na ako takot lumabas." Sagot n'ya. Tumayo muna ako at bumili ng tubig, dahil break time namin ngayon.
"Resh," tawag ko sa kanya pagkaupo ko.
"Hmm?" Sagot n'ya. Habang ngumunguya. Tumitig ako sa kan'ya. May sa loob sa'kin na gusto kong sabihin sa kan'ya ang mga nangyayari sa'kin, sa mga babae at sa leeg ko, pero nagdadalawang isip ako na baka matakot siya at layuan ako.
Ayaw ko rin siyang mawala, siya lang ang kaibigan ko. Hindi ko kayang mawalan ng kaibigan.
"W-wala." Umiwas nalang ako ng tingin at kumain nalang.
Sa nagdaang ilang linggo ay hindi ko na ulit napaginipan si Amanda, nagtataka ako kasi kahit kaunting bakas tungkol sa kanya ay wala. Si Marcus naman ay hindi ko na rin nakita. Hindi naman sa gusto ko siyang makita, pero makiramdam ko kasi may alam siya.
"Lovely, pwedeng hindi muna kita masamahan ngayon? Emergency kasi."
Magpapasama kasi sana ako kay Resh na bumili ng damit para sa birthday party ng pinsan n'ya. May taste kasi siya pagdating sa mga damit o fashion. Tinigil ko muna ang ginagawa ko at tumingin muna sa kan'ya.
"Okay lang, next week pa naman 'yong party... Sa susunod nalang."
"Pasensya kana, nag text kasi si Dad na umuwi na 'yong isa ko pang pinsan galing US." Kumunot ang noo ko. Kilala ko ang mga pinsan n'ya at alam ko na wala siyang pinsan sa ibang bansa.
"May pinsan ka sa ibang bansa?" Tumango siya
"Kahapon ko lang nalaman nang ibalita sa'kin ni Dad na uuwi raw sila ngayon." Wika n'ya. Binalik ko nalang ang aking sarili sa trabaho.
Pagkalabas ko sa ay bumungad sa'kin ang malakas na ulan at hangin.
Hindi ko alam na uulan pala, sana nakapagdala ako ng payong. Patakbo ako pumunta sa isang maliit na silungan at doon nanatili. Yakap yakap ko ang bag at nangingig sa lamig. Medyo malayo kasi at sa lakas nang bugso ng ulan, nabasa na ako.
Hindi na rin ako sa building namin nagpalipas ng ulan dahil pahirapan ang pagkuha ng masasakyan kapag maulan.
Lumilingon ako na baka sakaling may taxi na paparating. Pinara ko ang taxing paparating at agad na sumakay roon.
Matagal akong nakauwi dahil hindi makatawid ang mga sasakyan dahil sa baha. Nababahala ako dahil baka hindi ako makauwi.
"Kuya matatagalan pa ba?" Tumingin siya sa mirror sa loob ng sasakyan.
"Opo ma'am." Napabuntong hininga nalang ako. Gusto kong lumabas at maglakad nalang, pero sa lakas ng ulan ay nagdadalawang isip ako.
Tumingin ako sa labas ng bintana. May humintong sasakyan sa gilid ko. Hindi tinted ang sasakyan nito, kaya kitang kita ko kung sino ang nasa loob ng sasakyan.
Naka army cut ang buhok niya at nakasuot ng blackshirt. Tinatapik niya ang mga daliri niya sa manubela na parang may sinasabayan na tugtog.
Nagulat ko na tumingin siya sa gawi ko at ngumiti.
Napaatras ako at sa harap nalang tumingin. Gusto ko siyang lingunin kaso nagdadalawang isip ako. Niilang ako kaya inabala ko nalang sarili ko sa cellphone.
Pagkatapos ilang minuto. Nakausad na rin lahat kaya nakauwi ako ng ligtas sa bahay.
Habang naliligo ay bigla kong naalala ang mga ngiti ng lalaki. Katulad din siya ni Marcus na may naramdaman akong kakaiba. Na parang matagal ko narin siyang kilala.
Nanglaki ang mga mata ko nang ma-realized ko kung ano pa ang nakita ko. May suot siyang bracelet na gawa sa kahot at sa gitna nito ay may hugis bilog na katulad sa'kin. Pumikit ako at inaalala ang bracelet na 'yon.
Posible kayang may kaugnayan ang bracelet na'yon sa'kin?
Wait, baka nagkataon lang. Masyado naman akong assuming kung 'yon ang iisipin ko.
Inalis ko nalang ito sa isipan. Pinatay ko na ang shower saka lumabas nalang. Gusto ko nang matulog. Pagkahiga ko ay nakatulog agad ako.
Hindi ko alam ang dahilan pero takbo ako ng takbo sa isang walang katapusamg kadiliman. May humahabol sa'kin pero hindi ko siya makita dahil sa sobrang dilim.
"Amanda kapit kalang sa akin hindi kita pababayaan." Sambit ng lalaki na kung saan dahil hindi ko siya nakikita.
Biglang nagbago ang paligid. Tumatakbo na ako ngayon sa isang kagubatan, malalim na ang gabi at ang nagbibigay liwanag sa daan ay ang buwan. Hawak-hawak ko ang kamay ng isang lalaki. Pilit kong inaaninag ang mukha n'ya pero hindi ko magawa. Sobrang labo nito.
Bigla kaming nagkahiwalay at nawala siya kaya nataranta ako. Napahinto ako. Nilibot ko ang paningin ko upang hanapin siya pera wala.
"H'wag mo kong iwan, please! Natatakot ako." Umiiyak na sambit ko.
"Amanda!" Napagawi ang tingin ko kung saan ng may sumigaw.
"Amanda!" Ulit nito. Nagulat ako at natakot sa sigaw n'ya. Kusang kumilos ang katawan ko at tumakbo nang mabilis paalis sa kinatatayuan ko. Panay lingon ko sa likod na baka nasundan n'ya ako.
Bigla akong nadapa dahil natisod ako sa ugat ng puno na nakaharang sa daan.
"A-aray!" Napahawak ako sa tuhod ko na agad ko ring nabitawan ko dahil iba na pala ang suot ko. Baro't saya, suot ng mga pilipino noon. Nasa panahon ba ako ng mga pananakop?
"Amanda, hinding hindi ka makakatalas sa akin!" Kahit masakit ang tuhod ko at gulat pa rin ay ininda ko ang sakit. Pinilit kong tumayo para makatakbo ulit.
Sobrang takot na ako. Hindi ako tumingin sa dinadaraanan ko kaya hindi ko napansin ang isang butas at nahulog ako.
"Malas! Malas!" Tumingala ako, kahit masakit ang tuhod ko ay pilit kong inakyat ang butas. Nanglaki ang mga mata ko dahil sa bilog na buwan na nakita  ko. Bakit parang pamilyar sa'kin ito? Bakit parang nangyari na 'to noon?
Wait, ito 'yong—napahawak ako sa leeg ko sa gulat. Ngunit napansin ko na wala akong mahawakan na bakas na may peklat sa leeg ko. Wala akong peklat.
"Amanda!" Narinig ko ulit ang sigaw ng lalaki. Biglang binalot ng takot ang buong sistema ko dahil naisip ko ang maaaring mangyari pagkatapos nito.
"Amanda." May dumungaw na pigura na tao. Malabo ang mukha n'ya. Galit at pagkamuhi ang nakikita ko sa mga mata n'ya na siyang kinatakot ko ng husto.
"Ahhhhhhh!"
"Hoy gising!" Napabalikwas ako ng may bumatok sa'kin. Nakatingin lahat ng officemate ko sa'kin.
"A-anong nangyari?" Nauutal kong tanong kay Resh.
"Anong—anong nangyari? Ako dapat mag tanong n'yan. Anong nangyari sa'yo at dito ka natulog? Sumigaw ka pa kaya napalingon lahat ng katrabaho natin sa'yo."
Napahilamos ako ng mukha para akong masisiraan ng bait. Napatingin ko sa oras. Naalala ko, maaga ulit akong pumasok sa opisina dahil hindi makatulog kagabi kaya dito ako dinalaw ng antok at nakatulog.
"Wala, masamang panaginip lang." Sobrang sama. Para akong hinahabol ng nakaraan gamit ang panaginip o parang isang bangungot.
Naalala ko bigla ang leeg ko kaya nag paalam ako na mag-c-cr lang.
Tinignan ko muna lahat ng cubicle bago ko nilock ang pinto ng cr.
Hinubad ko ang suot suot kong scarf. May peklat pa ako kaya nakakapagtaka bakit wala ako nito sa panaginip ko.
Napatulala nalang ako. Nakaka-frustrate. Gusto kong magpa mental dahil nababaliw na ako.
Binalik ko nalang ulit scarf ko. Huminga ako ng malalim bago lumabas.
Bumaba muna ako bumili ng mainit na kape sa isang coffee shop sa harap ng pinagtra-trabahoan ko.
Tumunog ang cellphone ko kaya sinagot ko ito.
"Reshea, bakit?"
"Balik kana dito may nagpadala sa'yo ng bulaklak." Sagot n'ya.
Sinong magpapadala sa'kin ng bulaklak wala naman akong kilalang nangliligaw sa'kin?
"Sige pabalik na." Pinatay ko na ang tawag at tumawid ngunit bago pa ako makatawid ay may biglang humila sa'kin. Nakayapos ang isang kamay n'ya sa bewang ko.
Nakatulala lang ako habang nakatitig sa kan'ya at hindi makagalaw.
Siya 'yong lalaki sa sasakyan na ngumiti sa'kin.
"Dahan-dahan ho kayo sa pagmamaneho!" Sigaw n'ya.
"Okay kalang?" Tumingin siya sa mga mata ko at tinitigan ito. Nailang naman ako kaya kumalas ako sa yakap n'ya.
"S-salamat." hindi ako makatingin sa kan'ya dahil sa kahihiyan. Ang tanga-tanga mo kasi, Lovely. Hindi ka marunong tumingin sa dinadaanan mo.
"Next time be careful, okay?" Tumango nalang ako at tumawid. Syempre tumingin muna ako sa kanan at kaliwa ayaw kong maulit 'yong nangyari kanina.
Lumingon ako sa kanya nang makarating ako sa kabila. Nakatingin siya sa'kin ng seryoso pero no'ng napansin n'yang nakatingin ako sa kan'ya ay bigla siyang ngumiti.
Bakit ang g'wa-g'wapo ng mga nakilala ko ngayon? Tumalikod na ako at bumalik na ako sa loob ng opisina at hindi na siya inisip pa.
Naisipan kong tumambay muna sa seven eleven habang kumakain ng paborito kong chocolate ice cream. Naisipan kong hindi muna umuwi dahil hanggang ngayon kinikilabutan pa rin ako sa bulaklak na natanggap ko.
"Lovely, ikaw ha? Hindi mo sa'kin sinabi na may manliligaw ka pala." Tukso n'ya sa'kin na Resh.
"Wala akong manliligaw." Pagtatama ko sa kan'ya. Nakita ko sa mukha n'ya na ayaw n'yang maniwala pero hindi na ako umimik.
Kinuha ko ang bulaklak may maliit na papel na nakalagay doon kaya kinuha ko rin 'yon at binasa.
𝐼 𝑓𝑜𝑢𝑛𝑑 𝑦𝑜𝑢 𝐴𝑚𝑎𝑛𝑑𝑎.
Bigla kong naitapon ang bulaklak sa sobrang gulat. Kaya napatingin sa'kin si Resh.
Nagmamadali kong kinuha ulit ang bulaklak at lumabas muna sa opisina. Tinapon ko ito sa basurahan na hindi makikita ni Resh dahil ayaw kong magtanong siya at baka may malaman pa siya.
"Ang lalim nang iniisip natin, ah." Nagbalik ako sa realidad ng may nagsalita sa harap ko. Umupo siya sa bakanteng upuan na nasa harap ko.
"Ikaw pala, Marcus." Ngumiti siya sa'kin saka binuksan ang cup noodles.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong n'ya. Tumingin siya sa'kin bago binalik ang tingin sa cup noodles n'ya.
"Kasi kakain?" Sabi ko nga. Sambit ko sa sarili.
Gusto ko ng umuwi dahil hindi ako komportableng kasama siya, pero ang bastos ko naman na aalis ako habang kumakain pa siya.
"Takot kaba sa'kin?" Biglang tanong n'ya na ikinagulat ko. Umiling ako ng mahina at inubos ang ice cream ko.
"H'wag kang matakot dahil..." Huminto muna siya saka tumayo. Napatingin ako sa cup noodles n'ya. Hindi pa siya tapos kumain. Nilagay n'ya ang kan'yang dalawang kamay sa bulsa n'ya at tumalikod.
"Dahil hindi ako ang mananakit sayo." Ngumiti siya sa'kin.
"Aalis nalang ako para makakain ka ng maayos." Umalis na siya at iniwan akong naguguluhan sa sinabi n'ya.
After kong kumain ay lumabas na ako sa seven eleven para umuwi. Bago pa ako makasakay ng taxi ay may lumapit sa'kin na bata at may binigay na maliit na papel. Tatanungin ko sana kung kanino galing pero tumakbo kaagad ito.
"I'm watching you." Basa ko. Kinilabutan ako tinapon ang papel. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid baka nandito pa siya sa tabi-tabi.
Mananagot siya sa pananakot n'ya sa'kin! Kung sino ka man gusto kong malaman kung bakit mo ako ginugulo?
Sa sobrang inis ko ay hindi ako nakaramdam ng takot pauwi. Na handa akong lumaban kung sino mang magtatangka sa'kin.
After that day, naging busy ulit ako sa trabaho. Since malapit na rin ang event na magaganap sa bahay ng pinsan ni Resh ay pumunta na kami sa mall.
"Aling bagay sa'kin?" Tanong ko kay Resh. Gaya nga ng pangako n'ya sinamahan n'ya akong bumili ng damit.
"Pangit ng taste mo!" Napasimangot naman ako sa sinabi n'ya. Kaya nga sinama siya, e.
"Ito suotin mo." Ngumiti siya sa'kin ng inosente kaya sinamaan ko siya ng tingin. Maganda naman ang damit na pinili niya kaso sobrang daring. Magmumukha akong bold star, baka nasa entrance palang ako ng bahay ng pinsan n'yang si Jake kakaladkarin na ako palabas sa bahay nila.
Desinyo kasi ng damit ay fitted dress na above the knee. Ang natatakpan lang ay harap, pa cross ang nasa taas ng dibdib papunta sa leeg at may lock ito para isabit sa leeg, pero sa likod ay open siya na may nakapabaliktad na V. Kunting galaw ko talaga makikita na ang kaluluwa ko.
"Para magustuhan ka ng pinsan ko na kakarating lang. Ang gwapo, Love, sobra! Kung hindi ko lang siya pinsan nilandi ko na'yon." Napatawa naman ako dahil nag da-daydream na siya. Baliw talaga.
Pumili ako ng simpleng white dress. Plain white na off shoulder na pa V. Ang Ganda ng magkakagawa ng slit.
"Gusto ko 'yan! Bakit ngayon ko lang 'yan nakita?" napangiti ako habang nakatitig sa napili ko.
"Sukatin mo dali!!" Napangiwi naman ako dahil halos masubsob na ako sa loob ng dressing room.
"Walangyang babae." Kung 'di ko lang siya kaibigan sinabit ko na siya sa labas ng mall.
Napatulala ako habang nakatitig sa sarili ko sa salamin. Napangiti ako dahil bagay sa'kin ang damit pero nawala kaagad ang ngiti ko ng pamansin ko ang peklat ko. Biglang para akong nagbalik sa realidad dahil hindi ko parin ito maisusuot.
Bakit ko bang naisip bumili ng damit?
Hinubad ko ito at umuwi nalang. Panay tanong sa'kin si Resh kung bakit hindi ko raw binili.
"May damit pala ako sa bahay sayang 'yong pera ibabayad ko nalang sa mga utang." Sabi ko at tuloy tuloy na umalis. Nawalan ako ng gana dahil sa hindi lahat ng gusto kong damit ay maisusuot ko.
Naalala ko noon na nasa elementary palang ako. Christmas party 'yon, nagsuot ako ng magandang damit at hindi nagsuot ng scarf sa leeg ko dahil gusto kong subukan na wala iyon. Akala ko okay lang at may tatanggap sa'kin pero panglalait lang at panunukso ang natanggap ko. Kaya simula no'n hindi na ako nagtakang magsuot na mga gano'ng damit.
Araw ng party, sinundo ako ni Resh na okay din naman sa'kin at least less gasto sa pamasahe. Suot ko ay sleeveless na fitted white dress na  turtle neck na kita kaunti ang likod ko. Nilugay ko lang ang buhok ko ang nagsuot ng kaunting kolerete sa mukha.
"Kahit papaano nagmukha akong tao." Bumaba na ako at sumasakay na.
Sobrang dami ng tao pagkadating namin. Medyo naiilang ako dahil mayayaman halos ang nasa loob.
Iniwan muna ako ni Resh dahil hinahanap siya nina tito at tita. Naghanap ako ng table, pinili ko sa may bandang sulok umupo.
Maganda ang takbo ng party hanggang sa pool party na. Umuwi na ang mga matatanda habang naiwan naman ang mga anak nila at kaedad ko. Uuwi sana ako dahil hindi ako mahilig sa pool party pero pinilit ako ni Resh na dito nalang matulog at pinahiram ako ng damit.
Nakaupo lang ulit ako habang pinagmamasdan ang iba na lumangoy, ang iba naman ay umiinom. May couple na naghahalikan. Ano pa bang bago?
"Hey Lovely, gusto mo nang matulog?" Biglang sumulpot si Reshea.
"Oo, sana, pwede na ba?" Kanina pa talaga ako inaantok.
"Sure, tara." Tumayo na ako sa sumunod sa kan'ya.
"Sorry hindi ko sinasadya!" Paghihingi ko ng sorry sa nabangga ko. Natapon ang iniinom n'ya sa damit n'ya at nagkamantsahan pa ito.
"Okay lang." Tumingin sa'kin ang nabangga ko kaya nakilala ko siya.
"Hey ikaw pala 'yan, miss na hindi tumitingin sa daan." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hanep may nickname na ako.
"May pangalan ako." Ngumiti siya sa'kin at nilahad ang kamay n'ya.
"Russel nga pala." Tinanggap ko ang kamay n'ya at nagpakilala rin. Ayaw kong masabihan ng masungit, lalo na wala ako sa teritoryo ko.
"Lovely." Napabitaw agad ko ng bumalik si Resh. Lumapit siya sa'kin na nakangiti. Ngiting pamang-asar. Ano na naman?!
"Kilala mo na pala ang pinsan ko." Napatingin ako sa kan'ya.
"Si Russel—" Sagot n'ya kaya tumango na lang ako at hindi ko sinabi kung paano kami nagkakilala.
"Gusto ko nang matulog." Putol ko sa kan'ya dahil halatang mang-aasar siya. Hindi na siya nagreklamo at dinala n'ya ako sa kwarto na tutulugan ko.
Gusto n'ya na magkatabi kami pero ayaw ko dahil sobrang likot n'yang matulog. Last time hindi ako nakatulog no'ng magkasama kaming natulog.
Pagkapasok ko. Nakita ko ang damit na susuotin ko. Kinuha ko ito at pumasok na sa banyo. Pagkatapos ko ay deritso higa na ako at nakatulog.
Biglang naalimpungatan ako dahil parang may nanoond sa'kin. Napabangon ako ng di-oras dahil sa aninong nakaupo sa paanan ko. Sobrang dilim ng kwarto, nakasara lahat ng kurtina. Pinailaw ko ang lampshade pero ayaw gumana kaya kinabahan ako. Hinanap ko ang cellphone ko pero hindi ko mahagilap.
"H'wag kang lalapit!" Sigaw ko nang tumayo siya at dahang-dahang lumapit sa'kin. Huminto ito sa gilid ko kaya umaatras ako. Bigla n'yang hinila ang dalawa kong paa at pumatong sa'kin.
"Umalis ka! Umalis ka!" Sigaw ko, pilit ko siyang tinutulak kaya hinawakan niya ang dalawa kong kamay.
"H'wag, please." Pagmamakaawa ko. Umiiyak na ako ngayon dahil sa takot. Biglang nilapit n'ya ang kan'yang mukha kaya napapikit ako.
"Amanda." Nanglaki ang mga mata ko at kinalibutan sa lamig ng boses n'ya.
"Akin kalang, Amanda." Hinalikan niya ang leeg ko kaya nagsisigaw ako.
"H'wag! Bitawan mo ako!"
"H'wag!" Napahawak ako sa leeg ko at may nakapa akong medyo basa sa leeg ko. Hindi na madilim ang paligid pero nakabukas ang bintana at nililipad ang kurtina nito.
Napansin ko kung ano ang puwesto ko sa panaginip ko ay ganun din ang puwesto ko ngayon.
Napatingin ulit ako sa bintana.
"Panaginip nga ba 'yon?"

Komentar Buku (57)

  • avatar
    Di Ana Ra

    good novel

    15d

      0
  • avatar
    Cxav Rryginje Casonete

    ooiuyyvbb

    21d

      0
  • avatar
    Aedrich Czian Navor

    ddfckgf

    17/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru