logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

HC 2

KABANATA 1
DAWIN
"Hoy kupidong mababa ang lipad maaari ba tayong mag-usap!" Nagpintig ang tainga ko sa ingay ng bunganga ni Dylan, sinalubong ako nito matapos kong makapasok ng bahay.
"Oum." Pagtango ko rito at muling tinuloy ang paglalakad patungo sa hagdan.
Sinabayan naman nito ang paglalakad ko paakyat.
"Sabi ko mag-usap tayo p'wede ka bang huminto muna saglit."
Hahakbang na sana ako at aapak sa sunod na palapag ng hagdan na iyon ay bigla akong huminto matapos ang sinabi niya. Ramdam ko ang malakas na pag-bunggo ng mukha nito sa likod ko dahil nakasunod pala ito sa'kin.
"Aray ko naman bakit ka huminto?"
Bahagya kong naramdaman ang pagtulak nito sa likod ko pero 'di ko siya nilingon.
"Ang sabi mo huminto saglit, huminto na ako sabihin muna kung ano ang nais mong pag-usapan marami akong gagawin," malamig kong sambit sa kanya.
"Anong gagawin mo babalik ka na naman sa mundo ng mga mortal, napapansin kong napapadalas ka na yata sa mundong 'yon kahit wala ka namang misyon dahil madalang na kitang makita rito."
Napasintido ako dahil sa sinabi niya. "Wala ka nang pakialam sa gusto kong gawin babalik at babalik ako sa mundo ng mga tao dahil hindi naman masarap ang mga alak dito tsk."
Napasinghal pa ako rito 'tsaka tumuloy na sa pag akyat ng hagdan at naramdaman kong sumunod pa rin siya sa'kin.
"Alak nga ba ang dahilan kaya paulit-ulit kang bumabalik sa mundo ng mga tao?" May himig ng pang-iinsulto nitong sabi habang nakasunod sa'kin. "O baka naman kaya ka bumabalik doon ng paulit-ulit kahit wala ka namang misyon ay dahil patuloy mo paring hinahanap ang babaeng bumihag ng iyong puso dahil lang sa binato ka ng mansanas." pang-aasar nitong dagdag dahilan para pumintig ang mga tainga ko sa galit, nanlilisik ang mga mata kong hinarap ito at tinitigan ng masama.
"Alam mo naman na pala ang dahilan nagtanong ka pa," walang emosyon kong tugon rito habang nakatitig sa mga mata niya ngunit sumilay lang sa labi nito ang nang-aasar na ngiti.
"Hahaha kakaiba ka talaga Ginoong Dawin dalawang taon na ang nakalipas umaasa ka pa rin dahil lang sa hindi mo makalimutan ang binibini, sa subrang lawak at dami ng mga tao paano mo naman hahanapin ang babaing iyon kahit pangalan nga ay hindi mo alam."
"Tangina ka!" malutong ko s'yang minura na mukhang hindi naman siya naapektuhan.
Alam kong walang patutunguhan ang walang k'wenta naming usapan kaya agad ko na itong nilagpasan at tumuloy sa paglalakad upang tumungo na sa aking silid.
"Sandali huwag mo muna akong iwan may nais akong sabihin sa iyo."
Muling paghabol nito sa'kin bago ko pa mabuksan ang pinto ng aking silid.
"Ano?" Hinarap ko siya kasabay ng tanong ko.
"Ang iyong ama ay kanina ka pa hinihintay sa pagpupulong kasama ang ibang mataas na kupido at ikaw na lang ang hinihintay nila isang oras kanang huli ginoo," saad nito.
Labis kong ikinagulat ang sinabi niya dahil nakaligtaan kong may pagpupulong nga palang gaganapin sa araw na ito at siguradong mapapahiya na naman ako nito.
"Kanina pa tayo nag-uusap ay hindi mo manlang pinaalala sa'kin." Naiinis kong singhal.
"Oo nga, pinaalala ko na, ngayon," napapahiyang sumagot siya sa akin.
"Tangina ka talaga!" Pasigaw kong ani rito at patakbo kong tinungo ang bintanang natanaw ko malapit sa kinaroroonan namin. Mabilis kong binuksan ang bintanang iyon na nasa ikalawang palapag ng bahay saka mabilis kong hinanda ang aking sarili sa pagtalon upang makalipad.
Mabilis kong tinalon ang mataas na bahaging iyon ng bahay kasabay ng paglitaw at pagbuka ng aking pakpak sa hangin.
"DAWIN! NAKAHANDA NA ANG PALASO NG IYONG AMA PARA IPALO SA P'WET MO, KAYA HUMANDA KA NA KAMAHALAN!"
Narinig ko pa ang malakas na pagsigaw sa'kin ng aming hardinero ng makita ako nitong lumipad mula sa taas ng ikalawang palapag ng bahay.
Hindi ko ito pinansin pa at mabilis kong linipad ang halos isang raang metro na layo ng pagitan na iyon upang marating ko ang kunsiho kung saan kasalukuyang nagpupulong ang mga kupido.
Agad ko namang narating iyon sa pinaka-mabilis na paraan nang paglipad ko, inayos ko muna ang aking sarili bago pumasok.
Hindi na bago sa akin ang mapahiya sa harap ng napakaraming kupido kaya hindi na ako natatakot pa.
Malakas kong tinulak ang malaking pinto na iyon upang mabuksan at makapasok ako, nagdulot iyon ng malakas na ingay sa loob ng buong kunseho dahilan din upang biglang matigil ang kanilang pag-uusap ng maagaw ko ang atensyon ng lahat ng mga ito dahil sa ingay na nilikha sa malakas na pagkakabukas ko sa pinto.
Pantay ang tayo ng katawan at bagsak ang mga pakpak ganoon ko ilarawan ang aking sarili, taas noo pa akong naglakad sa pinakagitna ng kunseho kung saan makikita ako ng lahat.
May ilang impit na tili ng mga babaeng kupido pa akong narinig sa dinaraanan ko ngunit mas nakakabingi ang katahimikang bumabalot sa silid na iyon dahil sa hindi maipaliwanag na prisensyang dala-dala ko.
Lahat ng mga mata ay ramdam kong nakatingin sa'kin at iyon ang pinakapaborito kong parte sa lahat, ang laging mahuli sa pagpupulong upang maagaw ko ang atensyon nila at upang ipakita sa lahat kung gaano ako ka g'wapo.
Paumanhin ngunit walang masama ang purihin ang sarili lalo na kung totoo naman.
Ngunit hindi lang iyon, naaagaw ko ang atensyon nilang lahat dahil naiiba ako sa kanila, karamihang makikita sa lugar na ito ay puti, kasama na ang pananamit ng lahat, idagdag pa ang diaper na suot ng mga batang kupido.
Iba ako sa karamihan dahil lahat ng gamit na suot ko ngayon sa katawan ay talaga namang mapapansin ng lahat dahil ako lamang ang bukod tanging kupido sa mundong ito ang nagsusuot ng itim. Itim na sapatos, pantalon, damit at pati na rin ang aking pakpak ay kulay itim rin, tanging iyon ang pinagkaiba ko sa kanilang lahat.
Mahabang kumento kung paano ba naging itim ang paborito kung kulay ngunit sa ngayon ang paghahandaan ko muna ay kung gaano kalakas na sigaw ang maririnig ko mula sa aking ama.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at humarap sa limang pinuno ng mga kupido kasama na roon ang ama ko.
Wala pa man akong sinasabi ay nakatitig na ng matalim sa'kin ang aking ama.
"Pasensya na at nahuli ako ng dating." malamig kong sambit sa walang galang na pananalita.
Nakita ko pa ang sabay-sabay na paglunok at pagbuntong hininga ng mga ito.
"Humihingi ka ng pasensya ngunit bakas naman sa mukha mo na ipinagmamalaki mo pang nahuli ka." Bakas na ang galit sa tono ng pananalita ni Ama ngunit baliwala lamang sa akin iyon.
'Tsk, buti alam mo,' isip ko.
Nakita ko ang mas lalong pagkainis sa mukha nito ng ngumisi pa ako sa harapan niya.
"Maupo ka at mamaya tayo mag-usap," ma-awtoridad na utos nito sa'kin at hindi pa man tapos ang sinasabi niya mabilis na nga akong naupo.
Ang sabi niya maupo kaya naupo naman ako.
"Ano Master Win mukhang masasabon ka na naman ng iyong ama." mapang-aasar na saad ni Lucas sa akin ng maupo ako katabi nito.
Isa si Lucas sa mga lider ng mga kupidong gumagawa ng mga misyon upang pagtagpuin ang mga nakatakda.
"Pag sinabon edi mag banlaw basic. tss," pabulong kong singhal sa kanya saka ko narinig ang mahinang pagtawa nito.
Marami ring alam si Lucas na ibang salita sa mundo ng mga tao dahil siya ang madalas na kasama ko sa mga kalukuhan sa mundong iyon na hindi alam ng ama ko.
Limang pinuno ang meron ang mga kupido sila ang namamahala sa pagtuturo sa mga kupido lalo na sa mga bata, isang namamahala sa pagtuturo sa tamang pagpana, dalawa sa pagtuturo ng tamang paglipad, dalawa naman ang namamahala at nagbibigay ng misyon sa mga kupido kung sino ang aming papanain o pag-iisahing puso.
Isa do'n ang ama ko, siya ang nagbabantay sa mga tao at nalalaman niya kung sino ang mga nakatadhana sa mga ito.
Si Lucas naman ang isa sa lider ng grupo namin nahahati rin sa dalawa ang grupo ng mga kupido na gumagawa ng misyon, grupo ng mga babae at grupo ng mga lalake kasama na roon ang mga bata na nakasuot pa ng kanilang mga diaper, ngunit kahit si Lucas ang lider namin ay mas iginagalang pa ako ng iba dahil alam ng lahat na anak ako ng isang pinuno.
Nakasanayan ko na ring tawagin akong master ni Lukas kahit mas matanda siya ng isang taon sa'kin.
"Ayusin mo ang pagbabanlaw mamaya Master, mauuna na ako."
Ikinagulat ko bigla ang pagsalita ni Lucas ng magpaalam ito sa akin nagsisilabasan na pala ang lahat dahil tapos na ang pagpupulong na hindi ko manlang namalayan sa lalim ng iniisip ko.
Napalingon na ako sa aking ama ng maglakad na ito papalapit sa akin, pero walang emosyon ko lang itong tinitigan.
"Kailan mo pa balak maging matino?" Agad na tanong nito sa'kin habang nakatayo ng diretso sa harapan ko.
"Hindi na kailangan matino na ako," walang galang ko na namang sagot.
"Dawin naman wala ka na ba talagang galang sa mga kasamahan mo rito kahit pagrespito na lang sa pagsuot na naaayon sa lahat hindi mo pa ba naiintindihan iyon, nahuli kana nga ng dating mukhang masaya ka pa tingnan mo nga ang iyong suot ikaw lang ang nakakagawa n'yan, ang magsuot ng purong itim sa mundong ito." mahabang saad nito, napatingin naman ako sa sarili ko anong masama sa suot ko ito ang gusto ko eh pake ba nila kung inggit sila edi gayahin nila.
'Di ko na lang pinansin ang sinabi niya at binaling ang tingin sa malayo.
"Alam mo din bang may napakalaking problema ngayon ang mga pinuno dahil sa kagagawan mo?" galit na saad pa nito at napatayo na ako saka siya hinarap.
"Anong ginawa ko?" nang-iinsultong tanong ko pa rin sa kanya.
"Ikaw ang makakasagot sa tanong mo, ano nga bang ginawa mo huh?" balik na tanong ni Ama sa'kin.
Mabilis ko namang inalala ang mga bagay na ginawa ko nitong mga nakaraan, pinana ko na naman pala kasi ang isang babae na humiling na sana magustuhan din siya ng crush niya.
"Anong mali sa ginawa ko sinunod ko lang ang nais niya, hindi ba pwedeng sila na ang pumili ng tadhana nila?" halata ang walang gana kong sagot.
"Hindi ikaw ang magdedesisyon kung sino ang pipiliin nilang mahalin, ang mga taong pinana mo ay hindi para sa isa't isa naiintindihan mo ba 'yon kaya maraming nasasaktan dahil pinapana mo sila sa mga maling tao." nauubusan nang pasensyang saad nito na ikinangisi ko, kita ang nagngi-ngitngit na galit sa mukha ni ama.
"Sawang-sawa na ako sa paulit-ulit mong pagpapaalala sa 'kin sa maling tao, kailan ba nagkaroon ng tamang tao?" diretsong tanong ko rito ngunit 'di ko na hinintay pa ang sagot niya at mabilis ko nang hinakbang ang paa ko at tinalikuran siya.
"Dawin bumalik ka rito kinakausap pa kita!" pasigaw pa nitong pagtawag sa'kin ngunit nagkunwari na akong parang walang narinig at mabilis na nilisan ang lugar na iyon.
...
MULI KO NA NAMANG nilisan ang mundo ng mga kupido ito ang tanging paraan ko upang takasan ang galit na nararamdaman ko.
Gusto ko ng payapang lugar kong saan malaya akong makakapag-isip.
Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ganoon na lang kadali sa aking tratuhin ang ama ko ng ganoon at walang paggalang ay hindi ko rin maunawaan.
Siguro ay dahil nakasanayan ko na sa tagal ng panahon.
Habang nasa himpapawid ako at lumilipad nadapo na ang tingi ko sa pinakatuktok na lugar kung saan ako madalas napapadpad, sa tuktok ng pinakamataas na gusali kung saan matatanaw ang lahat ng dumadaang tao at mga sasakyan, iyon ang lugar kung saan ako nakakahanap ng katahimikan.
Bumama ako sa mismong tuktok ng gusali at bigla na ring nawala ang pakpak ko, nagagawa kong itago ang pakpak ko kapag nasa mundo ng mga tao upang walang ibang makakita at para na rin sa kaligtasan ko, nagagawa ko ring maging invisible kung kinakailangan.
Nakaramdam na ako ng kapayapaan sa tahimik na lugar na ito habang pinapanood ang dumaraang sasakyan sa kalsada na halos kasing laki na lang nang gagamba ang natatanaw ng paningin ko dahil sa layo ng agwat nito sa kinaroroonan ko.
Kasabay ng pagkagat ng dilim sa kalangitan ay ang pagliwanag naman ng mga ilaw sa buong siyudad, naupo ako sa gilid ng gusali at sinandal ang likod ko sa pader habang ramdam ko ang subrang pagkagaan sa pakiramdaman ng dahil sa katahimikan.
Nakasanayan ko nang gawin ito ng dalawang taon, dahil na rin sa paulit-ulit na pagbalik ko sa mundong ito sa hindi maipaliwanag na dahilan. Siguro nga tama ang sinabi ni Dylan dahil hindi ko rin maunawaan, siguro tama siya na kaya ako paulit-ulit na bumabalik dito ay upang hanapin ang babaeng minsan kong nakita sa hindi sinasadyang pangyayari. Ang babae na siyang dahilan ng unang beses kong pagtawa.
Si Dylan ang isa sa kasamahan ko ring gumagawa ng mga misyon, siya ang una kong nakausap kanina maliban sa kanya si Lucas din ang isa sa nakakaalam tungkol sa babaeng tinutukoy ko. Hindi ko alam kung bakit ngunit sa tuwing babalik ako sa lugar na ito ang babaeng iyon ang laging naiisip ko, ang maputi niyang mukha, kunot na noo at magkasalubong na kilay at ang bilugang mga mata nito na kahit matalim ang mga titig sa akin noong una kaming nagkita ay hindi ko talaga magawang kalimutan.
Alam kong hindi pag-ibig ang nararamdaman ko dahil kahit kailan ay hindi ko pa naranasang umibig, at kahit kailan man ay hindi ko na nanaising umibig pa.
Ako si Dawin Zidia ang sulong anak ng isa sa pinuno ng mga kupido, kalahating kupido at tao ako iyon ang pagkakaalam ko. Isang tao ang aking ina maliban sa alam kong tao siya ay wala na akong ibang nalalaman dahil bata pa lamang ako ay hindi ko na ito nakita kahit anino manlang o kahit dulo ng daliri nito ay hindi ko manlang nasulyapan. Isa ang aking Ina sa dahilan kung bakit paulit-ulit akong bumabalik sa mundong ito dahil umaasa akong makikita ko siya rito.
Galit ang ama ko sa ibang mga tao sa hindi ko maipaliwanag na dahilan wala akong matandaan kung paano nagsimula lahat, kung paano rin ako nabuo sa kabila ng pag-iibigan nila ng aking ina dahil kahit kapirasong alaala ay wala akong matandaan na tila ba tikom din ang bibig ng aking ama para ikwento sa akin ang tungkol sa kalahating pagkatao ko.
Lumaki ako sa mundo ng mga kupido ngunit no'ng araw na makita ko ang babaeng iyon ay napadalas na ako sa mundong ito, sa mundo kung saan mas marami akong natototonan dahil sawang-sawa na rin ako sa kinalakihan kong mundo na madalas ang kasamahan ko ay mga batang may pakpak at naka diaper kaya subrang nakakawalang gana.
Dalawang taon na ang nakalilipas noong nakita ko ang babae sa isang iskenetang iyon, labing siyam na taong gulang na ako ngayon at kasabay ng mga kabulastugang nagagawa ko sa buhay ay hindi ko lubusang kilala ang aking sarili.
Ano nga ba talaga ako?
Walang pusong kupido iyon ang matatawag ko sa aking sarili, sinong mag aakala na ang isang kupidong tulad ko ay misyon ang pagtagpuin ang mga pusong nakatadhana para sa isa't isa ngunit sa sampung tao sigurong pinana ko isa lang ang totoong lumigaya at karamihan ngayon ay lumuluha dahil sa maling taong kanilang inibig.
Siguro kaya ganito ako ay dahil simula pagkabata ay hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng aking ama, napakabuti nito sa ibang mga kakilala niya ngunit pag sa akin ay napakalamig ng pakikitungo niya na tila ba isa lang akong sampid sa buhay niya at napipilitang palakihin.
Sa lahat ng mga kupido ako ang naiiba, maputi ang aking balat ngunit itim ang aking pakpak hindi naman sana itim ang kulay nito kung hindi dahil sa aksidenteng nangyari sa'kin, labing dalawang taong gulang ako noon.
...
"MUKHANG napakadali na lang sa iyo ang pagpana ah, nais ko ring maging kasing galing mo." Papuri ni Lucas sa'kin ng sabay kaming lumabas sa silid kung saan binalik namin ang mga pana namin dahil katatapos pa lang naming mag-insayo.
"Magaling ka naman ah ngunit sadyang mas magaling lamang ako kasya sa'yo," nakangising sagot ko rito.
"Sinasabi ko na nga ba yayabangan mo na naman ako bakit ba hindi pa ako nasanay."
"Nais mo bang matuto pa ng ibang bagay siguradong malilibang ka rito." Panghihikayat ko sa kaniya kasabay ng tuwang sumilay sa mukha nito.
"Sige ano bang bagay ang ituturo mo sa akin?" tanong naman niya.
Mukhang intirisado nga itong matuto ng bagay na sinasabi ko kaya agad kong linabas ang nakatagong bagay sa likod ng suot ko.
Namamanghang napatitig pa siya rito na tila sinusuri ang bagay na hawak ko.
"Ano ang bagay na iyan?" nagtatakang tanong niya pa.
"Isa itong tirador," agad kong sagot.
"Tirador?"
"Oo tirador, isa itong laruan ng mga bata sa mundo ng mga tao marunong na akong gumamit nito nais mo bang matuto?" tanong ko pa na agad naman s'yang sumang-ayon.
Sabay kaming lumipad upang humanap ng lugar na walang makakakita sa'min, tinuruan ko s'yang gumamit ng tirador na madali naman n'yang natutunan.
Nang matututo ito ay tuwang-tuwa pa siya sabay kaming nanirador ng mga nagliparang ibon at minsan pa ay may natirador kaming lumilipad na kupido, ang kupidong 'yon ay may misyon pala na papanain ng araw mismong iyon ngunit hindi niya nagawa dahil hindi na nito nagawang makalipad pa hanggang ngayon, kaya naman ang dalawang taong dapat na pag-iisahin niya ay nakatadhana nang maging matandang dalaga at binata dahil nawalan ng bisa ang pana na dapat na ipag-iisa sa dalawang tao.
Walang nakaalam na kaming dalawa ni Lucas ang may kagagawan no'n, kong bakit hindi na nakalipad ang isang kupido.
"Master Win naiinip na ako sa paghihintay ng bagong misyon natin maari ba tayong manirador ulit ngayon habang wala ang iyong ama." pag tawag ni Lucas sa'kin kaya agad ko naman itong nilapitan.
"Ayoko nang manirador ng ibon ngayon nakakaawa pag namamatay." pagtanggi ko sa kanya ngunit humalakhak ito ng nakakaluko sa'kin.
"Kailan ka pa naawa ah, sa bibig mo pa talaga nanggaling ang salitang iyan e ikaw nga nangungunang magturo sa'kin."
"Hindi pa ako tapos sa nais kong sabihin kaya manahimik ka!" singhal ko sa kanya kasabay ng nakakalukong titig nito ay saka ito tumahimik.
"Ayokong manirador ng ibon gusto ko tayong dalawa," sambit ko na ikinalaki ng mga mata nito.
"Huh?"
"Magtiradoran tayong dalawa, magaling ka lumipad hindi ba kung sino matatamaan siya ang talo at gagawing utusan ng isang linggo."
Walang pagdadalawang isip kong hamon sa kanya.
"Nasisiraan ka na ba ng pag-iisip magtitiradoran tayo? tayong dalawa?" hindi makapaniwalang sambit nito.
"Bakit mukhang natatakot ka, ano ayaw mo ba?"
"Basta sisiguraduhin mong magiging utusan kita ng isang linggo pag natalo ka?" taas kilay niyang saad iyon na may pang iinsultong tingin sa'kin, tila ba sigurado na siyang siya ang mananalo.
"Ikaw ang humanda dahil matatalo kita, humanda ka na."
Mabilis na akong lumipad matapos ang mga sinabi ko, naramdaman ko namang lumipad din ito at sumunod sa'kin sa himpapawid.
Ngunit hindi pa man malayo ang nalilipad ko ay naramdaman kong may biglang tumama sa kanang bahagi ng pakpak ko na nagdulot sa akin ng matinding kirot, mula sa pakpak ko ay unti-unti kong nararamdaman ang kirot na bumabalot sa buo kong katawan at nawalan na ako ng balansi sa paglipad mabilis na nagpaikot-ikot ako sa hangin hindi ko na nagawang iangat ang sarili ko sa matinding sakit na nararamdaman ko hanggang sa bumagsak na lang ako ng biglaan, ngunit hindi ko lubos akalain na sa itim na langis ako babagsak, itim na langis na hindi ko batid kung saan ginagamit at ang purong itim na langis na iyon ang bumalot sa buo kong katawan at basang-basa ang aking pakpak habang patuloy pa rin ang kirot na nararamdaman ko.
"Master Win talo ka ikaw ngayon ay akin nang utusan." nang iinsultong saad ni Lucas sa akin habang pinagtatawanan ako nito habang nagpapaubaya sa hangin ang kan'yang pakpak.
"Napakadaya mo hindi pa nagsisimula bakit tinirador mo na ako!" galit na galit kong sigaw sa kanya habang nakalubog pa rin sa itim na langis na iyon ang katawan ko.
"Ay pasensya na hindi pa ba nagsisimula, pero ayan na e wala kanang magagawa."
"Tulungan mo 'kong umahon rito babaliin ko yang pakpak mo walang hiya ka!" galit kong sigaw sa kanya ngunit tawa lang ang ginawa nito at hindi manlang nag-abalang tulungan akong iahon sa itim na langis na iyon.
...
Ang aksidente na paglubog ko sa itim na langis na iyon ay nagdala sa akin sa sitwasyon na ito na kalaunan ay kinasanayan ko na, nasanay na akong ganito ang kulay ng aking pakpak sa paraang iyon ako ang namumukod tangi sa lahat ng mga kasamahan ko.

Komentar Buku (59)

  • avatar
    AvelinoApril rose

    nice story,nakaka 😊

    24d

      0
  • avatar
    Raniya L Mamintal

    nice this game

    15/05

      0
  • avatar
    AconoBryan

    5000

    02/04

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru