logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Heartless Cupid

Heartless Cupid

Author Yham


HC 1

PROLOGO
Pagmamahal?
Kalokohan lang iyan.
Sinong mag-aakala na ang isang kupidong tulad ko na dapat ay nagpapalaganap ng pag-ibig sa mga tao ay hindi marunong umibig. Ang mundo ko ay nababalot ng pagmamahal at lahat na ng salitang may kahulugang pag-ibig ay dito mo matatagpuan.
Marahil alam ng karamihang mortal na ang misyon ng mga kupido ay pag-isahin o pagtagpuin ang dalawang pusong nakatakda para sa isa't isa at ang magbigay pag-ibig para sa dalawang pusong nakatadhana.
Ngunit hindi ako kabilang sa kupidong iniisip nila na naka suot pa ng diaper bitbit ang sariling pana dahil kung mapapansin ay parang isa na rin akong tao dahil nakasanayan ko nang isuot ang kanilang mga kasuotan upang mag-balatkayo sa totoong katauhan na mayroon ako.
Ang aking mundo ay hindi karaniwan, doon ay payapang nagkakaisa ang lahat na may pag-ibig sa puso ng bawat isa kakambal ng kanilang mga pana, ngunit ibahin ninyo ako sa kanilang lahat dahil kahit ako ay nagpapalaganap ng pag-ibig sa mga tao ay mismong ako hindi ko mabigyan ng pag-ibig ang sarili ko wala akong maramdamang pag-ibig sa puso ko at hindi ko alam kung ano nga ba ang pakiramdam ng tinatawag nilang PAGMAMAHAL.
Madalas akong tumatakas sa mundong iyon dahil hindi ko maramdaman na malaya ako, sa bawat araw na mumulat ang aking mga mata paulit-ulit ipinaparamdam sa'kin na may kulang sa pagkatao ko. Mayroong bagay na hinahanap ang aking puso ngunit hindi ko matukoy kung ano nga ba iyon.
Sa panandaliang paglisan sa mundong tila ba kinukulong ako madalas akong napapadpad sa mundo ng mga mortal o sa mundo ng mga tao, kayang-kaya kung gawin iyon ng hindi na kinakailangan magpaalam sa aking ama, dahil lumaki akong suwail na anak at hindi pinakikinggan isa man sa mga kupido pati na mismo ang ama ko.
SA LILIM NG isang puno kung saan payapa kong nilalanghap ang sariwang hangin dito ko naisipang magpalipas ng oras.
Habang tahimik na nakatayo at nakasandal lang ang likod ko sa punong iyon, walang imik kong pinapanood ang dalawang magkasintahang na nagtatalo at sa tantiya ko ay hindi na magtatagal ng isang linggo ang relasyon ng mga ito.
Isa sila sa mga nabiktima ko, pinana ko ang babaeng iyon sa lalaking gusto niya kahit hindi sila ang nakatadhana.
Iyon ang madalas kong gawin —ang sundin ang kahilingan ng iba na magustuhan sila ng mga napupusuan nila kaya pinana ko ang mga ito kahit na sa maling tao pa.
Tila ba kasiyahan sa akin ang gawin iyon, ang makita ang mga taong pinagtatagpo ko sa maling pagkakataon. Kahit na labag iyon sa tungkulin ko bilang kupido ay wala akong pakialam. Masaya akong nakikita silang nasasaktan.
Saglit na ang lumipas ay tuluyan nang nakaalis ang dalawang magkasintahan na pinagmamasdan ko, sunod na naagaw ng atensyon ko ang isang babae.
Isang babaing naglalakad sa kalsada na tila wala sa kan'yang sarili, diretso lang ang tingin nito sa dinaraanan niya bagsak ang mga balikat habang dala nito ang isang supot na hindi ko mawari kung anong laman. Pinagmasdan ko ito hanggang sa makarating sa mismong tapat ko ngunit hindi manlang nito napansin ang prisensya ko dahil naka tulala ito at tila ba malayo ang lipad ng isip.
Tila may kung anong bumbilya ang umilaw sa taas ng ulo ko upang makaisip ng paraan para bumalik ang lutang na isip nito, marahan kong pinitik sa hangin ang daliri ko at inisip na harangan ng isang bato ang daraanan niya. Hindi ko na kailangan magpakapagod para gawin iyon dahil kahit nakatayo lang ako magagawa ko iyon sa pamamagitan lang ng isip ko. At nagawa ko nga.
Wala pa rin ito sa sariling nagpatuloy sa paglalakad, hinarang ko sa daan ang bato na 'di niya namalayan na pinagalaw ko gamit lang ang isip.
Hanggang sa masubsob ang mukha nito sa malamig at maalikabok na kalsadang iyon dahil sa pagkatipalok nito sa batong hinarang ko na sanhi ng kanyang pagkadapa. Napunit ang dala-dala niya na may laman palang apat na pirasong berdeng mansanas. Hindi ko maunawaan sa sarili ko kung bakit nagroon ako ng dahilan para matawa sa nasaksihan ko, palihim pa akong napahagikgik ng tawa sa hindi maipaliwanag na dahilan, kahit isang beses sa buhay ko ay hindi manlang umukit ang ngiti sa mga labi kong ito kaya nakakapagtakang nagagawa ko ito ngayon.
Nanatiling nakatingin ako sa babae at sa napapansin ko'y mukhang natauhan na yata ang babae at nakabalik na sa katinuan. Marahan naman itong tumayo at nanlilisik ang matang tumingin sa'kin na kung makapapatay lamang ang titig na iyon ay baka kanina pa akong bumulagta.
Mabili akong lumihis ng tingin rito dahil mukhang narinig niya ang mahinang paghagikgik ko ng tawa, nagkunwari akong walang nakita at sa dahon ng punong iyon ako tumingin. Ilang saglit pa ay binalingan ko ulit ito ng tingin at hindi ko akalaing nakatitig pa rin ito sa akin at nananatiling nanlilisik ang mga mata sa galit, doon na ako nag umpisang matawa ng hindi ko na napigilan pa.
Mabilis niyang dinampot ang mansanas na kasalukuyang nasa sahig, mukhang wala na rin siyang paglalagyan noon dahil napunit na ang supot na papel.
"Mukhang napaka lalim ng iniisip mo binibini?" tanong ko iyon habang may pilyong ngiti pa rin sa labi ko.
Hindi manlang ako nito sinagot, binalingan lang ako ng tingin kasabay ng walang pinagbago nitong reaksyon at mga matang nakakainsulto tumitig.
Sunod kong ikinagulat ng bigla niya akong binato ng mansanas na hawak niya na agad ko namang nasalo.
Napatingin ako sa berdeng mansanas na iyon na tila ba kumikinang sa paningin ko, nang tingnan ko ulit ang babae ay hindi na maipinta ang mukha nito na tila ba gustong hingin ulit ang binato niya sa akin, ngunit pagsisisihan niyang binato niya sa'kin ito dahil hindi ko na ito ibabalik.
Mabilis kong kinagatan ang mansanas na iyon at hindi na inisip na nanggaling iyon sa maalikabok na sahig at talaga namang ikinagulat ko ang itsura nito na para bang kaya akong patayin ng matatalim na titig niyang iyon.
"Kay sarap ng mansanas mo binibini, ngunit sa tingin ko ay mas masarap ka," saad ko matapos kong kagatan ang mansanas.
Walang pinagbago ang pilyong ngiti ko habang sinasabi iyon para mas lalo siyang mainsulto.
"Sira ulo ka!" galit na bulyaw nito sa akin at mabilis na itong tumalikod habang tanaw ko pa ang bawat hakbang ng mga paa nito papalayo sa lugar na iyon bitbit ang natirang mansanas niya.
Tanaw ko ang bulto ng babaeng iyon papalayo habang nabuo naman sa akin ang palaisipan kung bakit ko nagawang tumawa sa unang pagkakataon dahil sa babaeng iyon.
AUTHOR'S NOTE
Kung ano man ang mababasa niyo sa istoryang 'to ay walang katotohanan sa totoong buhay at pawang kathang isip lamang.
Ano mang pagkakatulad ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.

Komentar Buku (59)

  • avatar
    AvelinoApril rose

    nice story,nakaka 😊

    24d

      0
  • avatar
    Raniya L Mamintal

    nice this game

    15/05

      0
  • avatar
    AconoBryan

    5000

    02/04

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru