logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 4

Ang dugo
Ecaterina’s Point of View
“Ecaterina?” narinig kong tawag nila sa akin.
Palayo na ang babae at papasok na sa munisipyo nang kusang gumalaw ang mga paa ko. Lalo nila akong tinawag at halatang gulat sa aking inasta. Hindi ko iyon pinakinggan at diretso ang tingin sa babaeng tuluyan nang nakapasok sa munisipyo. Hinarang ako ng mga taong bantay na naroon dahilan para mapatigil ako, tuluyang nagsibagsakan ang kanina pang nangingilid na mga luha ko.
Maraming tanong na gustong masagot, paanong nangyari na buhay siya?
“Cat! Anong nangyayari sa ‘yo?” nag-aalalang tanong ni Kamala, nakasunod na rin ang ibang kaklase namin.
Napayakap ako sa kaniya dahil sa panginginig. Hindi ako pwedeng magkamali, siya yung nakita ko!
“Cat!” hinarap niya ako at kita ang pag-aalala sa kaniya.
Tanging hikbi pa lang ang naitutugon ko. Ang ibang taong naglalabas-pasok sa munisipyo ay napapatingin sa amin, kahit ang mga taong humarang sa akin kanina ay tinatanong na rin ako.
“Ano bang nangyari?” narinig kong tanong ni Jamilla at may idudugtong pa sana ngunit hinila siya ni Amber dahilan nang pag-atras niya.
Napatungo ako, hindi pa rin natitigil ang panginginig. Sa labing pitong taon ko na kahit kailan ay hindi ko man masyadong matandaan ang pagsasama namin ay lubos ang pangungulila ko, tapos ngayon… nang makitang buhay na buhay siya ay wala akong ibang magawa kundi ang maghabol. Maghabol ng pagmamahal na matanggal ko ng pangarap na manggaling sa kaniya, na matagal ko nang kinaiinggitan sa ibang tao.
“Si mama…” tanging nasabi ko.
Nagtatakang tumingin sa akin si Kamala at napaawang ang bibig, inaakalang nagbibiro lang ako.
“Mama?” si Amber ngunit naging diretso ang tingin ko sa aking pinsan.
Kinukumbinsi siya sa tingin ko na iyon. Mahina siyang tumawa at umiiling, pinaparating na nababaliw lang ako at imposibleng mangyari iyon! Pero totoo! Buhay na buhay ang mama ko!
“Nababaliw ka na ba? Imposibleng mangyari ‘yon dahil matagal nang patay si Tita Hana! Kaya paanong narito ang mama mo?” narinig ko ang pagsinghap ng ibang kaklase.
Napapikit ako at napahilamos sa mukha. Nalilito pero siguradong ang ina ko ang aking nakita!
“Nagsasabi ako ng totoo, Kamala! Nakita ko talaga siya, siya yung babaeng iyon! Hindi pwedeng hindi siya si mama!" nababaliw na saad ko.
Tumawa muli siya ngunit hindi yung kadalasang tawa na pang-asar.
“Ecaterina… hindi na tayo mga bata. Siguro may haka-hakang pwedeng mabuhay ang isang patay pero panakot lang iyon sa sa atin, lalo na sa mga bata!” balik niyang sabi sa akin.
Natikom ang aking bibig, napaupo na rin dahil sa hindi maintindihan na nararamdaman. Gusto kong maniwala na buhay siya dahil nakita ko siya!
“Sinasabi mo bang nanay mo si Mrs. Decena?” napataas ang tingin ko sa may-ari ng boses na iyon.
Ang asul na headphone ay nakasabit na lang sa kaniyang leeg at seryosong nakatingin sa akin ang kulay asul ding mga mata. Nasa magkabilang bulsa ang dalawang kamay.
“Mrs. Decena?” si Amber na nilingon si Jorden. “Wait…”
“Mrs. Decena…” ulit ko.
Pamilyar. Parang narinig ko na ito dati ngunit hindi ko lang matandaan!
“Yes, Rana Decena, she is Engineer Decena’s wife. They have two children…” tuluyang bumagsak ang pag-asa ko dahil sa sinabi niya.
“Lalong imposible, Ecaterina… baka kamukha lang talaga ni tita,” si Kamala.
Napatungo ako at pinipigilan muling lumuha. Siguro nga’y kamukha niya lang iyon, sabagay, sabi naman ng iba ay may pitong tao ang magkakamukha. Tumayo ako at pilit na tumango, tinalikuran ko na lang din sila dahil sa hiya na naman na naramdaman. Hindi talaga ako nilulubayan nito!
Nakapikit lang ako, nararamdaman ko ang miminsan pagsulyap ng dalawa, si Kamala at Adam. Ayaw ko munang magsalita ngayon dahil kanina pa lang ay parang mababaliw na ako at hindi alam ang gagawin. Kahihiyan na naman iyon pero hindi ko lang talaga mapigilan!
Matamlay akong bumaba at walang sinasabi ay padiretsong pumasok sa loob. Kita ko sa gilid ng aking mga mata na kinausap pa muna ni Kamala si Adam. Pumunta na ako sa aking kwarto, pagkapasok pa lang ay nangilid na naman ang mga luha ko. Patakbo kong tinungo ang side table kung saan nakapatong ang picture frame ni mama, napaupo ako sa sahig at niyakap iyon.
Hindi ko na kaya at tuluyan na akong umiyak.
“Mama… bakit kasi ang aga mo kaming iniwan? Ayan tuloy, pati kamukha mo lang ay pinagkakamalan kong ikaw kahit na alam kong ibang-iba ka talaga sa kaniya.” natatawang sabi ko habang lumuluha.
Pinunasan ko ang picture frame nang may tumulong luha rin doon.
Napasandal ako sa kama at pinikit ang mga mata. Sobrang pagod na ako, Linggo ngayon at araw ng pamamahinga pero nakakaramdam ako ng pagod. Isang mapait na ngiti ang aking ginawa bago hilahin ng antok.
Mahal kita, mama…
Pagkagising ay naramdaman kong nasa higaan ko na ako. Kisame ang bumungad sa akin. It was just a dream? Tanong ko dahil nang malingunan ang side table ay naroon ang picture ni mama. Napapikit ako, naramdaman namang may pumasok.
“Hindi ka na nakakain kagabi, dinalhan na lang kita rito ng breakfast mo para makaiwas ka rin sa pwedeng itanong nina mama.” napamulat ako.
I felt guilty as I remembered what I’ve done to her yesterday. I slowly sat on my bed while watching her preparing my food. Napabuntong hininga at mas lalo pa akong nakaramdam ng konsensya.
“I’m sorry…” sinserong kong sinabi at napamangha nang makita muli ang ngisi niya.
Ngunit napayuko nang dahan-dahang nawala iyon. Is she mad at me?
“No… hindi ako galit, Ecaterina.” naramdaman ko ang paglapit niya. “Alam ko na iyan. Over thinker ka at sa ating dalawa ako yung talker,” humalakhak siya.
Napakagat ako sa aking ibabang labi. She never failed to make me happy kahit na minsan ay pang-aasar lang iyon. Napapailing akong tiningnan siyang muli at pinipigilang ngumiti.
“I’m not an over thinker… and it’s talkative, not talker?” ngumisi siya sa akin.
“I know,” tinalikuran niya ako at nilingon muli nang nasa pinto na. “Kumain ka na, first day ng third quarter natin ngayon.”
Sinunod ko ang sinabi niya at naghanda na rin sa pagpasok. Napatakip ako sa aking mukha nang maalala ang nangyari kahapon, naroon nga pala ang ibang kaklase ko! Nakakahiya na!
Gusto ko sanang huwag nang pumasok kaso first day at hindi ako yung tipo ng estudyante na uma-absent! Masipag akong pumasok pero kapag nasa classroom na at nagtuturo na ang guro namin ay lumilipad lang ang isip ko. Yung tipong nakatingin ka sa guro ngunit wala namang pumapasok sa utak mo, ganoon ako! Hindi minsan, kundi madalas!
Napahugot pa ako ng hangin sa kawalan nang nasa tapat na kami ng pinto. Hindi tulad noong unang araw namin dito ay nagkakagulo sila. Mas lalo tuloy akong nahihiya nang makita sa glass window ng pinto na ang tahimik nila.
Pumasok kami ni Kamala, una kong nakitang lumingon ay si Amber. Ako naman ngayon ang napaiwas ng tingin. Umpisa pa lang ulit ito, Ecaterina.
Kumunot ang noo ko nang mapansing hindi naman gumagalaw si Kamala, hahawakan ko sana siya sa balikat ngunit hindi ko rin naituloy. Natuon ang pansin ko sa mga kaklase, para silang nakakita ng patay!
“K-Kamala…” tawag ko sa aking pinsan na nanatiling nakatayo.
Nanlaki ang mga mata ko nang mahagip si Cassidy na may kung anong pinunasan siya sa kaniyang mga mata, umiiyak ba siya?
“B-Bakit pa ba tayo narito? H-Hindi ba natin sasabihin ito sa kanila?” nilingon ko si Kaye.
Dahil nasa unahan siya ay mas lalong nanlaki ang mga mata ko.
“B-Bakit may pula? Ano ‘yan?” naramdaman ko ang panginginig ko.
Iba ito sa panginginig ko kahapon, nanginginig ako sa takot ngayon dahil parang dugo iyong nasa unahan nina Kaye! Anong mayroon at bakit hindi man lang sila gumagalaw para linisan ‘yan?!
Napapikit ako, hindi dapat ako magpadala sa takot lalo na kung hindi ko pa naman nakukumpirma na dugo iyon. Balak ko sanang lumapit doon ngunit hinarangan ako ni Kamala, doon din siya nakatingin. Nakita ko rin ang pagtayo ni Adam na kasabay pa si Jorden. Si Adam ay nag-aalalang tumingin sa akin ngunit yung kay Jorden ay seryoso.
“Huwag mo ng subukan lapitan iyan… baka mapagbintangan ka lang,” napadako ang tingin ko sa asul niyang mga mata.
“Mapapagb-bintangan? B-Bakit---” nalilitong mga tanong ko.
“Dahil kapag hinawakan mo iyon, na dugo niya ay maaaring ikaw ang maging suspect.” simpleng sabi niya na parang wala lang sa akin ‘yon.
Dugo?! Totoong dugo nga iyon pero kanino?
“Look up, para malaman mo.” dugtong niya.
“Jorden!” si Amber at hinila na siya paupo.
Nagpahila siya at kalmadong nanatili ang tingin sa akin. Para kang hini-hypnotize ng mga mata niya at mapipilitan ka talagang sundin ang kaniyang sinabi.
Takot ako sa dugo, makita ko pa lang iyon ay nanginginig na ako pero ang makita kung saan galing iyon ay parang hindi ko yata kakayanin. Muli akong napapikit at pilit dinadagdagan ang tapang, sinunod ko ang sinabi niya. Narinig ko ang sinabi ni Kamala na huwag ngunit huli na ang lahat.
"Cat!"

Komentar Buku (3)

  • avatar
    Rogelio Atienza

    okay

    18/10

      0
  • avatar
    Jhan Well Barrola

    Dis store si butifull

    15/10

      0
  • avatar
    CristobalEdmar

    nice chapter

    28/06/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru