logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Auld Lang Syne

Auld Lang Syne

Eunri


Simula

Ang palasyo
Ecaterina’s Point of View
Napabuga ako ng hangin sa kawalan, sakto iyon nang pagkatigil ng van na sinasakyan namin. Binuksan ni Kamala ang pinto at ganoon din ang mag-asawang nasa front seat. Nang bumaba ang pinsan ko ay bumaba na rin ako. Binuhat namin ang sari-sariling gamit, sumunod ako at napatigil para malibot ang paningin sa bagong tirahan namin dito sa Batangas.
Napangiwi ako nang ma-realize na parang ospital iyon. Mabuti na lamang may kulay gray na outline para hindi talagang magmukhang ganoon kagaya nang iniisip ko kanina. Sumunod na ako sa loob nang mapansing ako na lang ang nasa labas. Napamangha ako nang makita ang loob.
Hindi na rin masama. Parang sinasabi nito sa akin na mapanghusga akong tao. Sabagay, huwag nga namang basta-basta manghuhusga kung hindi mo alam o nakikita kung ano pa ang magandang kalooban nito. Tinabi ko ang maletang dala sa sofang naroon at mas pinalibutan ng tingin ang bahay.
“Ang ganda!” Hindi ko maiwasang sabihin.
Narinig ko pa ang tawa ng tatlo ngunit hindi ko na pinagtuunan ng pansin. Mahilig ako sa makalumang bagay, kahit mga damit na sinusuot ko ay old-fashioned ngunit hindi naman mukhang manang. Kahit ang ilan sa mga gamit ko ay old but gold. Para kasi sa akin ang mga tulad nila ay ang aesthetic tingnan.
“Maganda talaga ‘yan, Cat. Papa mo ang nag-design e,” kusa akong napatigil sa paghanga.
Napasimangot at muli ko na namang narinig ang tawanan nila. Natingnan ko pa si Kamala na nakangisi sa akin. Diretso akong tumungo sa aking maleta at kinuha ko iyon, malapit na sa hagdanan ay muli ko silang nilingon.
“Saan po ang kuwarto ko?” tinapik ni Tito Morven ang asawa at naglakad na papuntang kusina.
Si Kamala naman ay dumiretso sa sofa at nahiga. Pumikit pa at parang pagod na pagod. Parang hindi nang-aasar kanina ah!
“Yung nag-iisang kwarto sa kanan…” sagot sa akin ni Tita Dassah.
Tumango na lang ako at walang ganang humakbang. Medyo may gana naman ako kanina kaya lang nang marinig ko na naman ang ‘papa’ ay tuluyan nang nawalan. Nakita ko kaagad ang nasabing kuwarto at mabilis na akong nagtungo roon. Binuksan ko iyon at masasabi ko ngang si Papa ang nag-design nitong bahay, kanino pa ba siya inspired? E ‘di sa akin kahit na alam kong pilit niya lang kami minahal. Psh, para kaming pulubing namamalimos ng pagmamahal sa kaniya. Bumabawi lang iyon dahil guilty siya sa pagkamatay ni mama!
Padabog akong nahiga, ang maletang dala-dala kanina ay tinumba ko na lang sa sahig. Kahit hanggang sa paglipat ay hindi ako naging masaya. Kahit nang nasa Manila kami at doon nakadestino si Tito Morven ay nagiging masaya lang ako sa miminsang bonding ko kasama ang pamilya niya. Sa pamilya lang talaga ni tito dahil wala naman akong naging kaibigan, tanging ang pinsan ko lang na si Kamala. Saka palipat-lipat din kami, nakadepende kami kay tito at ngayon ay dito naman siya nadestino sa Batangas.
Ilang minuto o oras na siguro akong nakatulala sa kisame ng kwarto, binasag lang iyon nang tumunog ang cellphone ko. Napabangon ako at nilakad ang distansya mula sa aking maleta, kinuha ko ang cellphone at nang makita kung sino ang natawag ay napabuntong hininga ako.
“Hello, papa…” kahit na may sama ng loob sa ama ay hindi naman ganoon katigas ang puso ko para samaan siya ng ugali.
Nagiging bastos ako minsan ngunit alam ko kung anong limitasyon ko. Ama ko pa rin siya kagaya nang sinasabi madalas sa isang teleserye, na kahit bali-baliktarin mo man ang mundo ay ama ko pa rin itong kausap ko ngayon.
“Ecaterina…” naglakad muli ako sa higaan at doon ay nalulumbay na naupo.
“Yes? What is it, papa?” kumukunot noo kong tanong.
Mahabang katahimikan ang namayani sa aming dalawa, kung hindi ko lang naririnig ang paghinga niya sa kabilang linya ay iisipin kong binabaan niya na ako.
“I just want you to take care of yourself, Cat…” napataas ang kilay ko.
Ano namang kahibangang ito ng aking ama?
“Engineer Sarmiento, ahm, sorry po pero remind ko lamang po na may meeting po kayong mamayang 1:00 p.m. kay Engineer Decena,” narinig ko ang paggalaw ni papa.
Baka hinarap siguro ang nagsalita. Sekretarya niya siguro?
“Okay… pakisabi na lang kay Gerson,” tugon niya pabalik at ako naman ay naghihintay lang na ako naman ang kausapin, narinig ko pa ang mahinang tikhim niya. “Ibababa ko na ito, Ecaterina. Kumain na kayo diyan at tanghali na. By the way, nasa Manila ako ngayon. Kauuwi lang kagabi.”
Nakaramdam ako ng gulat at pagtataka. Bakit biglaan?
“Bye, Cat…” nanatili lang akong walang tugon hanggang sa naputol na ang linya.
Napabuga na naman ng hangin sa kawalan at napatingin sa pinto nang bumukas iyon. Sumungaw ang ulo ni Kamala na nakangiti. Tiningnan ko lang siya na nagtatanong.
“Kakain na, Cat. Tara na!” excited na paanyaya nito.
Napailing na lang ako at napangiti na rin. Sabay kaming bumaba at naabutang handa na ang pagkain. Nakaupo na rin ang mag-asawa ngunit hindi pa kumikilos dahil hinihintay kami. Sabay kaming naupo ni Kamala at doon lang sila nagsimulang kumilos.
“Buti na lang saktong bakasyon niyo sa eskwela nang madestino rito si Morven,” biglang usap ni Tita Dassah.
Sumasandok ng kanin si Kamala nang tingnan niya ang ina. Nang sa ulam na siya sasandok ay nagpatuloy magsalita si tita.
“Hindi ako masyadong mahihirapan na i-enroll kayo sa bagong school,” dagdag niya.
Napapatingin lang ako sa kaniya at nakikinig. Ang pagkakangisi ay nagaya ni Kamala sa kaniya, napakibit balikat ako dahil napagtantong kay tita naman namana lahat ng physical appearance. Sa ugali ay kay tito kaya hindi na rin naging mahirap sa akin na makipagsundo sa kaniya dahil ang ugaling Arceo din ang namana ko sabi nila. Kuhang kuha ko daw lahat ng galaw ng aking ina, kahit ang itsura ay kamukha ko maliban na nga lang sa pagiging morena ko na siyang nakuha ko kay papa.
Nilingon ko si Kamala, hindi siya morena tulad ko. Kagaya ng kaniyang ina na may lahing koreana ay maputi ito, itim na itim ang umaalon na buhok, may katamtamang tangos ng ilong, mapupulang labi at pisngi dahilan kung bakit hindi na kailangang ayusan pa, mayroon din siyang hindi gaanong singkit at itim na kulay na mga mata.
Nang natapos kaming kumain at nakinig sa mga daldal ni tita ay kaagad kaming tumayo ni Kamala at pinagtulungan ang pag-iimis ng pinggan. Wala kaming hati-hati rito, depende sa may gusto ngunit madalas ay tulungan naman.
Inaalis ang mga natirang pagkain at pinagsasama-sama sa isang pinggan ay muli kong nalingunan si Kamala na kinuha ang mga natapos ko nang alisan ng tira. Bago pa man madala sa lababo ay bahagya akong nagulat nang lumingon din siya sa akin, narinig ko pa ang mahinang tawa niya dahil sa aking reaksyon at ngayon ay nakangisi na nang malaki.
“Anong nangyayari sa ‘yo, Cat?” natatawang tanong nito.
Napailing lang ako at nagpatuloy sa ginagawa, hindi na sinagot ang pinsan. Nang matapos ay pinuntahan ko siya na naghuhugas na at tinulungan. Siya naman ngayon ang nagulat.
“Lumipat lang tayo pero parang mas lalo kang nagseryoso,” kung marunong lang akong umirap ay nairapan ko na si Kamala'ng nagpipigil ng tawa.
Alam kong tinatawanan niya ako dahil alam niya ang gusto kong gawin na hindi ko magawa. Kulang na lang ay manginig siya sa sahig dahil sa pagpipigil niya ng tawa.
“Tumawa ka na nga! Sanay na ako sa pang-aasar mo ‘no!” inis na saad ko ngunit nagpipigil na rin ng tawa.
Hindi ko magawang mainis sa babaeng ito, lalo na kung siya na iyong naging sandalan ko simula pagkabata, siya na iyong tinuring kong kapatid at kaibigan.
Hanggang sa makarating kami sa sala at naabutang nanonood ng TV ang mag-asawa ay nagkukulitan kaming dalawa ni Kamala. Inaasar ko naman siya about doon sa crush niyang tagarito rin, naalala ko lang dahil napag-usapan na rin namin ang tungkol sa Batangas.
“Crush ko pa rin ‘yon, oo na!” pag-amin niya at nginitian ko siya nang mapang-asar.
Nakanguso na siya ngayon at parang natalo. Gusto kong magtatalon ngunit hindi naman ako ganoon, tamang pagngiti na lang ang nagagawa ko sa pagkapanalo.
“Mga anak, dito nga pala muna kayo. May nakalimutan pa akong sabihin kanina,” si Tita Dassah na diretso ang tingin sa TV.
Nilingon naman kami ni Tito Morven at inanyayahan din. Si tita naman ay naalis na ang tingin sa TV ngunit sa kaniyang cellphone naman natuon.
“Kanina lang kasi nag-text, nang matapos tayong kumain. Sasabihin ko sana kanina kaso masyado na kayong busy sa paghaharutan at pag-uusap about sa crush ni Kamala,” nanlaki ang mga mata ni Kamala at nahihiya.
“Mama!” nginisihan lamang siya ng kaniyang ina.
“What is his name again, anak? Kaloy ba iyon?” nilingon ko si Kamala at dahil sa puti ay kita na ang pamumula niya, narinig ko pa ang mahinang halakhak ni tita.
Napapailing na lang ako at napadesisyunang tumabi kay tito na nakangiti habang nakatingin sa mag-ina.
“Joke lang, anak.” tumawa pa si tita at binaba na ang cellphone, diretso muli siyang tumingin sa TV. “Sa Palace Academy ko kayo in-enroll, sana okay lang sa inyong dalawa pero pwede pa namang mag-back out kung ayaw niyo.” nangingiting sabi ni tita.

Komentar Buku (3)

  • avatar
    Rogelio Atienza

    okay

    18/10

      0
  • avatar
    Jhan Well Barrola

    Dis store si butifull

    15/10

      0
  • avatar
    CristobalEdmar

    nice chapter

    28/06/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru