logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 6: Their First Impression

Idiosyncratic, tightass, weird, boring, and bitchy. Iyon ang mga salitang nababagay para ilarawan ang babaeng nasa harap niya. Sino ba ang hindi nakakakilala kay Dorothy 'Dora' Herrera? Isa ito sa mga pinakasikat at pinakamagagaling na singers sa Pilipinas. Even his mom and his sister-in-law loved her. Sa katunayan, bumibili pa ang mga ito ng album niya kahit hindi na masyadong uso iyon dahil may YouTube at Spotify na. Solid Doranians daw ang mga ito at laging present sa concert nito. Mabait daw ito sa mga fans. Natural, alangan namang magsungit pa ito.
He had already met her once. Minsan itong isinama ni Barbara sa isang game nila at ipinakilala sa kanila. Who would not be mesmerized by her owl-like eyes and thick eyelashes? Para itong local at mas batang version ni Bette Davis. Pero hindi niya alam kung bakit walang dating ito sa kanya. Itinutukso pa sa kanya ito nina Jeric at Barbara na halata raw na may gusto sa kanya kahit itinatanggi pa nito. He was not flattered at all. Parang na-offend pa siya kung bakit kailangan pang itanggi kung simpleng paghanga lang naman. Para namang ikakasira ng career nito kapag nalaman ng sambayanan na may gusto sa kanya ito.
Of course, he had a reputation of being a ladies man kaya siguro umiiwas ito sa kanya. News flash, he loved the chase, but he would never chase her. She thought highly of herself. Pero sa kabilang-banda ay naiisip niyang baka masyado lang siyang mapanghusga. Bahala ito sa buhay nito basta siya ay magpapakasaya. Pero hindi niya alam kung kaya niyang magpakasaya na ito ang kasama. Baka humikab lang din siya nang humikab at magbilang ng tupa dahil sa kawalan ng mapag-uusapan. Ewan ba sa kaibigan niya kung bakit siya pa ang naisipang gawing date ng kaibigan ng girlfriend nito. Pero titingnan niya naman siguro kung magiging okay silang magkasama.
Well fine, he did not like her. But he loved listening to her songs. Nahawa na yata siya sa mga babae sa bahay nila dahil madalas niyang pinapatugtog ang mga kanta nito kapag nasa mahabang biyahe siya. Minsang nakisakay sa kanya ang ilang teammates niya ay nag-automatic play ang kanta nito pagkakonekta ng cellphone niya sa sasakyan. Asar tuloy sa kanya ng mga ito ay Jaime, The Mythical Prince of Dora Land. The Mythical Prince kasi bansag sa kanya sa court. Sabi kasi ng marami ay kombinasyon iyon ng talento at hitsura niya.
Heto at nasa harap niya ang The Mythical Princess Dorothy ayon na rin sa mga lokong kaibigan niya. Sinasabi na nga ba niya at ito ang ka-date niya kaya ayaw niya talagang pumayag noong una. Tulad nang makita niya ito dati, titig na titig na naman ito sa kanya. Hindi tuloy niya maiwasang mailang habang papalapit sa mga ito. Napapaisip tuloy siya kung totoong may gusto ito o palihim na hinuhusgahan siya.
"Hi," pilit na pinasiglang bati niya sa mga ito. "I'm sorry I'm late."
"Okay lang, pare. Sakto kakakuha lang ng order namin. Tagal mo kasi," sagot ni Jeric.
"Ahm sit down," ani Barbara. He was right when he thought it would be awkward. Umupo na nga siya sa tabi ni Dorothy o Dora at hindi na ito tiningnan.
KUNG totoong lumalabas ang usok sa ilong, kanina pa nangyari iyon kay Dorothy. Parang biglang naglaho ang lahat ng kilig na nadarama niya kay Jaime. First, late ito pero agad niya naman itong napatawad. Pero ang mas nakakapagpainis sa kanya ay ang hitsura nitong hindi man lang naitago ang disappointment. Parang kulang na lang sabihin nito kina Jeric "I knew it! I should have said no. But we're here. I hope it will end soon." Hindi naman siya pangit sigurado siya roon pero bakit parang ganoon kung umakto ito. Ang hari ng kaguwapuhan ay punung-puno ng kayabangan! Hari din pala talaga ito ng kaartehan at kasungitan. Hindi man lang siya binati nito bilang date nito. Pagkatapos nitong bumati in general ay wala na itong kiber sa kanya. Para siyang multo na hindi nito nakikita.
Nang magtama ang mga mata nila, tumingin agad ito kina Jeric at Barbara at ang mga ito lang ang kinausap. Hindi rin siya nito inalalayang makaupo. Well, makakaupo naman siya. Iyon lang at hindi siya sanay sa dress niyang bahagyang sumikip na kaya medyo hirap siyang kumilos habang suot iyon. Talk about courtesy and chivalry! Well, she hoped the night would end soon. Sa ilang sandali ay nagawa nitong burahin ang paghangang nadarama niya. Nang mapatingin siya kay Barbara ay napansin niya ang apologetic na ngiti nito. Nginitian niya ito para sabihing wala namang problema. She did not have a heart to make her feel guilty. She knew she wanted her to know more people. She was too concerned about her love life.
Nagkuwentuhan sila ni Barbara habang ang dalawang lalaki naman ay busy sa pag-uusap tungkol sa basketball. Para lang tuloy silang magtotropa na nagkayayaang lumabas. Biglang napangiti si Barbara kaya kinabahan siya bigla. "Ahm Jeric, lipat na tayo sa kabilang table," tukoy nito sa bakanteng mesa malapit sa kanila.
"What do you mean?" Parang nagpa-panic si Jaime. Kung pwede lang kutusan ito ay ginawa na niya. Para namang enjoy na enjoy siya na sila lang ang magkasama sa mesa. Mukha ba siyang predatory na ka-date o desperadang magka-jowa? Sumusobra na ito sa not-so-subtle insults nito. Pero hinayaan na lang niya ito. Gutom na siya at wala nang lakas mainis pa. Nang tumayo ang magkasintahan at naupo sa kabilang mesa ay doon pa lang naalala ni Jaime na nag-e-exist siya. "Okay lang ba lumipat ako ng upuan?" Tinutukoy nito iyong nasa tapat niya.
"Not at all," matipid na sabi niya rito. Para silang nasa retreat dahil walang namagitang salita sa kanila. Nang dumating sa wakas ang order, doon nalipat ang atensiyon niya dahil gutom na siya. Bahagyang nabawasan ang inis niya rito. In fairness, maasikaso naman pala ito.
Nang magsimula na siyang kumain, galit na muna sila. Maya-maya ay napatingin siya rito. Napansin niya ang ngiti nitong mabilis nitong itinago. "Bakit?"
"Nothing."
"Ano nga? Kukulitin din kita," aniya.
"I never imagined that the Pristine Voice of Asia could eat like a marine," pigil ang tawang sabi nito.
"Gutom na talaga ako eh, sorry ha, galit muna tayo," nakangiting sabi niya. Hindi naman siya na-offend para pa ngang nahipnotismo siya. Jaime Carlo Dizon, The Mythical Prince, was smiling at her. Parang bigla na naman siyang na-starstruck. All of a sudden, she wanted to hug Barbara and thank her for making one of her dreams come true. Binabawi na niya ang first impression niya rito. Parang magkakalas na ang ribs niya sa lakas ng kabog ng puso niya dahil lang sa ngiti nito. Bagay na bagay rito ang taguri dito. He really looked like a prince who came out right from fantasy books to save the damsels in distress from dragons and monsters. Alam niyang uso na ang gender equality pero para sa lalaki ay damang-dama niya ang pagiging isang tradisyunal na babaeng Pilipina. Kumpleto na ang gabi niya dahil dito.

Komentar Buku (70)

  • avatar
    Visitor

    Masakit sa heart but happy ending.

    13/08

      0
  • avatar
    Ja Ne Luis

    The story was a heart warming and a true love between Dorothy and Jaime. May mga part din na maiiyak ka but it was so amazing story...

    18/06

      0
  • avatar
    Sha Buendia

    gago kaba

    07/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru