logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 4

HINDI namalayan ni Jack na nakatulog pala siya sa tabi ni Kaiya at nanlaki pa ang kanyang mga mata ng maramdaman nyang nakayakap pala ito sa kanya.
Nakadantay pa ang mga binti nito na para bang ginawa siyang isang malaking unan ng dalaga at halos hindi siya makagalaw ng maayos.
Dahan dahan siyang umalis sa pagkakayakap ni Kaiya at iniiwasan niya talagang magising ito dahil baka magising ito.
Nang makaalis sya sa pagkakayakap ni Kaiya ay agad niyang kinuha ang kanyang cellphone upang tignan kung anong oras na. Alas singko na noon ng umaga at naisipan na niyang umuwi ng bahay bago pa magising si Kaiya.
Papalabas na sana siya noon ng pinto ng kwarto ng mapabalik siya at pinagmasdan niya ang babaeng mahimbing na natutulog at humihilik pa.
Dinampot niya ang kumot sa may paanan nito at ikinumot sa dalaga.
"You always gave me a headache,” Masungit ngunit mahina na wika ni Jack.
Pipitikin pa niya sana ang noo nito pero pinigilan niya ang kanyang sarili dahil baka magising talaga ito.
Hindi niya alam kung gaano ba karaming alak ang nainom nito para mawalan ng malay. Alam naman ni Jack na hindi talaga sanay uminom si Skya, maaari ngang ito ang unang beses niyang uminom. Ilang sandali pang napatulala si Jack sa dalaga.
Nakunot naman ang noo ni Jack ng maalala ang sinabi ni Kaiya kagabi nung tinawagan nya ang lalaking may hawak ng cellphone nito.
‘Wala na akong pamilya, walang susundo sakin’
Para bang sandaling nadurog ang kanyang puso sa sinabi ng dalaga. Hinalikan na lamang nya ito sa noo at tuluyan na ding umalis sa hotel habang paulit ulit padin sa isipan niya ang mga salitang narinig kagabi.
Siya na lang kasi pamilya nito ngayon ngunit hindi pa niya ito maitrato ng maayos bilang asawa, dahil hindi pa siya handa.
ISANG malakas na sigaw ang bumulabog kay Manang Rosita, kaya't kayat dali dali siyang umakyat sa kwarto ni Skya dahil doon niya naririnig ang sigaw at agad naman niyang binuksan ang pintuan ng dalaga.
“Ano yun iha? Anong problema,” wika niya.
“Manang, asan ho ang mga damit ko? Hindi sa akin ito! Namamaligno ba ako?” Wika ni Kaiya.
“Iha wala akong alam pero napansin ko kagabi may inilabas ng isang maleta si sir Jack, hindi ko naman inusisa pa iyon. Baka iyon ang mga damit mo.” Wika ni Aling Rosita na tinitignan din ang mga damit na nakasabit.
“Pero mukhang mas maayos ang damit na ito iha, kesa doon sa mga dati mo” Dugtong pa nito Manang Rosita.
“Ano?? Anong susuotin ko ngayon? Hindi ko gusto itong mga ‘to” Galit na sa sambit ni Kaiya.
‘Humanda ka sa akin Jack! Anong karapatan mong pakialaman ang mga gamit ko!’ Gigil na gigil na wika ni Kaiya sa kanyang isipan.
Paano ba naman hindi siya magagalit ay lahat ng kanyang damit ay limited editions at pinaghirapan pa niya iyong makuha.
“Sige po manang, okay na po. Salamat po.” Wika ni Kaiya. Noon din ay lumabas na ng kanyang kwarto si Manang Rosita.
Napabuntong hininga naman ang dalaga at nagsimula ng pumili ng kanyang isusuot, ngunit ni isa doon ay wala siyang magustuhan dahil hindi iyon ang type niyang mga damit.
Pero wala na siyang choice dahil hindi naman niya alam kung saan nilagay ni Jack ang kanyang mga dating damit at wala na siyang panahon pa upang hanapin ito dahil male-late na siya sa trabaho.
Pagdating ni Kaiya sa kompanya, naabutan niyang maraming mga empleyado ang nakukumpolan sa tapat ng isang malaking bulletin Board, at tila ba lahat ay nagrereklamo sa annoucement na nakapaskil doon.
Binasa iyon ni Skya at ang nakasulat ay "NO EMPLOYEE WILL WORK OVERTIME, EFFECTIVE TODAY" - from the management.
“Hays ano kayang dahilan bakit bawal na mag OT? ang dami ko pa namang tatapusin.” Wika ng isang babae.
“Oo nga, dagdag sahod din yun e,” wika pa ng isa.
Tahimik lang sa likiran si Kaiya ng may isang lalaking nakapansin sa kanya.
“Bumble? Wow! Ikaw ba yan?” At pumalakpak pa ang lalaki na tila ba manghang mangha ng makita si Kaiya. Naagaw naman noon ang atensyon ng mga taong kanina lamang ay nakatuon ang pansin sa bulletin board.
Lahat ng mga tao dun ay napatingin kay Kaiya. At nagsimula ng magbulungan.
“Diba yan yung damit sa October Collection natin?” Wika ng isa.
“Oo nga, pero baka imitation lang yan, paano naman niya ma aafford ang isang damit na 5x na na mas malaki sa sahod ng regular employee. Tsaka hindi naman siya mukhang mayaman.” Sabat pa ng isa.
“Ang kapal ng mukhang magsuot ng imitation na damit sa kompanyang original na gumawa.” Bulong pa ng isa.
SAMANTALA...
Napakunot naman ng noo si Kaiya sa mga narinig na bulong bulungan patungkol sa kanya. Hindi niya alam kung anong meron at bakit siya pinagtitinginan ng mga ito.
“Ano ba't kayo ganyan makatingin? Para niyo na akong hinuhubaran ah.” Wika pa niya pagtapos ay mataray ng umalis.
Naiwan din doon ang lalaking pumansin sa kanya at ang may kagagawan kung bakit siya pinagtitinginan ngayon.
Nakasuot ngayon si Kaiya ng Navy Blue Cotton Long Blouse with twal du juy flower motif. Isa ito sa limited collection ng Dawnson Clothing Line. At kasama ito sa collection ng October Magazine.
Ngunit wala namang ka-alam alam doon si Kaiya dahil di parin naman niya nabubuklat ang magazine na binigay sa kanya ni Quyn.
Pagpasok niya ng Opisina ay nasa pinto pa lamang siya ay bumati na siya agad ng goodmorning sa mga ito. Naagaw naman niya ang lahat ng kanilang atensyon at napatingin sa kanya, pero hindi maiwasang magtaka ang mga ito sa suot na damit ni Kaiya.
“Wow!” Wika ni Quyn. At lumapit ito sa kanya.
“Paano ka nagkaroon nito?” Tanong pa nito. Halos lahat ng empleyado doon ay naglapitan sa kanya.
“Paano ka nagkaron niyan? Imitation yan ano?” wika ng mataray na si Grace, na nagpabili sa kanya ng lunch kahapon.
Nagtataka naman si Kaiya sa mga kinikilos ng mga ito. Lumapit pa ang kanilang team leader na si Mam Lisa at hinawakan ang tela ng damit.
“It is original,” nagtatakang wika ni mam Lisa.
“How come you get this one? Limang piraso lang meron tayo nito and this is limited edition! And that is all sold internationally!” Dugtong pa nito.
Doon naman ay nagtataka si Kaiya na ganun pala ang history ng damit na suot niya kaya pala ganun na lamang makatingin ang mga empleyado sa kanya kanina sa ground floor.
“What are you doing, in this time of work? Nakalimutan niyo na bang wala pa tayong magazine for November? Gusto niyo bang matanggal sa trabaho.” Wika ni Mrs. Laurel ng maabutan ang team niya na pinagkukumpulan si Skya.
Tinignan ni Mrs. Laurel si Skya at napansin nito ang suot ng dalaga, mataray niya itong tinignan mula hanggang paa, at huminga pa ng malalim.
"That's better" wika nito kay Kaiya at tsaka tuluyan ng pumasok sa kanyang opisina.
Nagtataka naman ang mga empleyado doon dahil wala man lang sinabi ang kanilang manager kahit napansin na nito ang damit na suot ni Kaiya, kaya't pinabayaan nalang din nila at bumalik na sila kanya-kanyang trabaho at hindi na inusisa pa si Kaiya.
KANINANG umaga ay mainit ang ulong pumasok si Jack. Napagdesiyunan niyang ipatagkal ang overtime work ng mga empleyado, dahil isa pa ito sa nakakapagpadagdag expenses sa kompanya dahil kung anong oras na umuuwi ang iba at masyado ng inaabuso ang overtime work.
Aksaya pa din iyon sa kuryente at para sa kanyan ang pag o-overtime ay hindi katanggap-tanggap dahil ang ibig sabihin lamang noon ay hindi mo natatapos ang nakatakdang trabaho mo sa buong araw.
At hindi niya kailangan ng makukupad na trabahador sa kanyang kompanya, kaya’t ang sumuyaw ay tanggal agad sa trabaho. But that's only his ego!
He just can't admit na kaya niya pinagtagkal ang OT ay dahil ayaw niyang gabihin sa pag-uwi si Kaiya at baka mamaya pa ay kung saang inuman na naman ito maaya ng kasama niya sa trabaho bagamat OJT palang ito at hindi required mag OT ay alam niya kung gaano ka busy ang planning team at hindi maaiwasan ng mga ito na mangailangan ng dagdag tulong.
Maagap niya ring ipinatawag si Mrs. Laurel sa kanyang opisina kanina, sa lahat ng may hawak na mataas na posisyon sa kanyang kompanya ay si Mrs. Laurel lamang ang hindi niya kayang kontrolin, kaibigan din ito ng kanyang ama at isa ito sa tumulong upang mapalago ang kanilang kompanya kaya’t malaki din ang utang na loob ng ama niya dito.
Isa itong masipag, matalino at mapagkakatiwalaan, ilang beses na nga itong nais ipromote ng kanyang ama noon ngunit ayaw nitong pumayag, dahil mas gusto niyang manatiling manager ng Planning team ng Dawnson Clothing, at hindi na siya naghahangad pa na maging General Manager.
“Bakit mo ako pinatawag?” Mataray na wika ng matanda.
“Because of one of your trainee!” Wika ni Jack.
“Who?” Napakunot pa ang noo ni Mrs. Laurel ngunit bigla niyang naalala si Kaiya.
“Yah, I remember that Girl. I can't stand her. I don't know why she got accepted here.” Mataray na wika ni Mrs. Laurel.
“It’s Because of me!” Wika ni Jack.
Binigyan naman siya ni Mrs. Laurel ng isang makahulugang tingin at tila iniintay nnito ang kasunod pang sasabihin ni Jack.
“I want you to train her. Help her know everything about the business.” - wika ni Jack.
“Wow. Tignan mo nga naman, the great Jack Dawnson is asking for my help! I thought I will never be ask for help again since your dad was replaced by you.” Wika ni Mrs. Laurel.
Alam ni Jack na hindi siya gusto ni Mrs. Laurel simula ng pumalit siya sa kanyang ama, dahil lagi niyang binabalewala ang mga opinyon nito.
“I know you don't like me but please do me a favor. Help her she needs to know everything about the company at karapatan niya yun.” Wika ni Jack.
“I will not do so, unless you tell me why? I don't want to train someone, I barely know.” Matigas na wika ni Mrs. Laurel.
Nagdadalawang isip pa si Jack na sabihin ang totoo pero wala na siyang magagawa dahil naipit na siya at wala na siya ibang choice, sa tingin naman niya ay mapagkakatiwalaan si Mrs. Laurel dahil kahit ganto ang pakikitungo nito sa kanya ay alam niyan mabuti itong tao.
“Fine!” Huminga muna ng malalim si Jack bago magsalita.
“She's my wife!!” Wika ni Jack.
Halos manlaki naman ang mga mata ni Mrs Laurel at nasamid pa sa kanyang iniinom na tsaa.
“What?” Nagtatakang tanong ni Mrs. Laurel at labis na hindi makapaniwala sa isiniwalat na sekreto ni Jack.
“She's my wife, You heard me right? In case you didn't know! She has the biggest share in this company, her family does! They are the reason why this company is still running, without her parents help, I was nothing and you were nothing. You understand that?” Wika pa ni Jack.
“So you mean to say she's the anonymous stock holder of Dawnson Empire?” Wika ni Mrs. Laurel at hindi padin makapaniwala.
“She is.” Wika ni Jack.
Doon na nagtapos ang kanilang usapan ni Mrs. Laurel. Kaya't kanina ng makabalik si Mrs laurel ng opisina at nakita niya si Kaiya ay hindi na siya nagtaka na suot nito ang isang limited edition na damit. Pumayag na din siya sa pabor ni Jacob.
Nakaupo si Mrs. laurel sa loob ng kanyang opisina habang pinagmamasdan ang mga empleyado niya sa labas, hindi siya nakikita ng mga ito sa loob.
Pinagmamasdan niya si Kaiya, at iniisip kung paano ba niya ito matutulungan upang malaman ang lahat tungkol sa kompanya ng hindi nahahalata ng iba nilang kasama.
Naalala pa ni Mrs. laurel na ilang taon na ang nakakalipas, dahil tandang tanda niya pa na unti-unti ng bumabagsak ang Dawnson Empire.
Nagbabawas na sila noon ng mga empleyado, at nagpupull out nadin ng mga shares ang iba nilang investors pero isang araw nagulat na lamang siya ng biglang bigla nakabawi ang kompanya dahil sa isang ananymous investor na nagbigay ng napakalaking share sa kompanya na sobra-sobra pa sa kailangang pera ng kompanya upang makabangong muli.
The savior nga ang tawag nila sa taong yun na hanggang ngayon ay hindi parin nakikilala kung sino. Ngunit ngayon ay malinaw na kay Mrs. laurel kung sino ang mga ito at walang iba nga kundi ang pamilya ni Kaiya.
Lunch time na noon naisip na lamang ni Kaiya na kumain sa cafeteria ng kompanya kaysa bumili pa sa labas. Naisip niyang gumamit na lamang ng escalator kesa mag elevator pa dahil naiinis pa siya tuwing naaalala na, pinagtulong tulungan siyan palabasin ng elevator noong isang araw.
Habang pababa siya ng escalator ay napansin niyang halos lahat ng kasabay niya sa escalator ay bumabati sa lalaking nasa kabilang side na paakyat.
Naningkit ang kanyang mga mata ng makita niya si Jack. Bigla niyang naalala ang mga damit niyang nawawala at tila ba nagliliyab ang mata niyang tinignan ito, ngunit hindi naman siya nito napapansin dahil marami silang sakay ng escalator.
“Hoy lalaki! Saan mo nilagay ang mga damit ko?!” Galit na sigaw ni kaia, habang tinuturo pa si Jack.
Agad na naglingonan sa kanya ang mga taong nakarinig, maging si Jack ay napalingon at literal nanlaki ang mga nito dahil sa gulat sa ginawa ni Kaiya.
Nanatiling nakatangin kay Kaiya ang mga tao sa paligid at nagtataka sa kanyang ginawa dahil nakaturo pa siya kaya Jack, pati ang mga subordinates na kasama ni Jack noon ay laglag ang panga na nakatingin sa kanya.
Bigla naman narealize ni Skya ang kanyang ginawa, nadala na siya ng kanyang emosyon at nakalimutan niyang nasa kompanya nga pala sila, at ang boss doon ay walang iba kundi si Jack. Unti unti niya binaba ang pagkakaturo niya kay Jack, at agad na iniangat ang hawak niyang cellphone at kunwaring may katawagan na lamang.
“Ahhh hello!!! Ah nilabhan mo ba yumg damit ko? Ah sigeee. Salamaat” wika na lamang ni Kaiya at pinaparinig pa sa mga kalapit niya.
Noon naman ay nagtama ang tingin nila ni Jack dahil nasa tapat na niya ito sa kabilang gilid ng esclator at tila nag aapoy ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
Abangang bukas ang mangyayari...
Ano nga kaya ang gagawin ni Mrs. Laurel para tulungan si Jack at ang asawa nitong si Skya. At ano din kayang gagawin ni Jack sa ginawang kapangahasan ni Skya sa elevetor.
Ating alamin sa susunod na kabanata...
Itutuloy...

Komentar Buku (290)

  • avatar
    Neneng Yabo Malalis

    Maganda basahin ito maraming aral na makukuha po

    25/01

      0
  • avatar
    LacsonJellymae

    asan na ang kadugtong plssss

    14/11

      0
  • avatar
    Igel M Dejumo

    igel Dejumo

    09/11

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru