logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

MADILIM NA KAHAPON

MADILIM NA KAHAPON

Zephyrine29


Chapter 1

NAGISING akong maaga dahil oras na para maghanapbuhay.
Bumangon ako sa aking higaan at tumungo na sa banyo para gawin na ang lagi kong ginagawa kapag papasok na ako sa aking trabaho.
Alas kuwatro pa lamang ng umaga pero, kailangan ko ng gumising dahil hindi lang iisang trabaho ang kailangan kung gawin.
Una sa kalye, nagwawalis ako ng kalsada sa isang barangay.
Pangalawa ay nagtatrabaho ako sa isang mall bilang isang janitress at
ang huli ay nagtatrabaho ako sa isang bar bilang isang waitress naman.
Masama mang maging work caholic, pero kailangan dahil mahirap na ang walang perang pang-gastos sa araw-araw.
Ginagawa ko ang lahat ng gawaing ito araw-araw, dahil wala akong pagpipilian na trabaho na maganda ganda ang suweldo.
High School lang kasi natapos ko. Madami akong kailangan bayaran at kailangan ko din mag-ipon para incase na magkasakit ako ay may ipapanggamot ako sa aking sarili at para naman makapag-aral ako, kapag naka-ipon ako ng malaki-laki.
Matapos kong makapag-ayos ay isinukbit ko na ang aking bag at nagsimulang tumakbo palabas para makapagsimula na sa pagwawalis.
Makalipas ang dalawang oras ay natapos rin ako sa aking trabaho sa kalsada at nagpahinga muna at patuyo ng pawis.
Bago ako tumakbo ulit para maabutan ko ang dyep na pang-alas syete 'y medya para pumunta naman sa mall.
Nang makarating ako sa mall ay dumiretso na ako sa locker ko, upang magbihis ng uniform na angkop sa aking trabaho.
Dalawang oras din naman ako doon at sa wakas ay natapos ko na din at mabilis na naglunch upang makapagpahinga ng kaunti. Maya-maya lang ay lumarga na ulit ako para tumungo naman sa huli kong trabaho sa Bar.
Limang minuto na lang ay malalate na ako ang bagal kasi ng dyep, dapat pala nag MRT na lang ako.
Pagkarating ko sa Bar ay sa likod ako dumaan, para maiwasan ang moody kong boss pero pagbukas ko lamang ng pintuan ay siya ang nabungaran ko. Nakasalubong naman ang kilay nito at nagsalita.
"Your Late again." saad ni Mr Cheng.
"I'am sorry sir my aunt got had accident thats why im late," baliko kong inglis sa kanya na sinandya ko para magpaawa sa kanya na may halong kasinungaligan.
"Lagi ka na lang may katwiran. Dadating ang panahon na ang buong miyembro ng iyong pamilya ay patay na lahat, para lang may masabi kang dahilan kahit alam kung hindi naman totoo. Hala sige na magumpisa kana." saad nito at tinalikuran na ako.
Napakamot na lang ako sa aking ulo sa sinabi nito.
"Mag dilang anghel ka sana Sir. Dahil isa na lang ang pamilya ko, demonyo pa kaya, okay lang na mamatay na siya." Bulong ko ng maalala ko na naman ang hudas na iyon.
"Mapagtrabaho na nga lang at baka kung ano lang maisip ko na kasalanan sa Diyos."
Nagsimula na akong magtrabaho, naghahain ng mga inumin sa customer at naglilinis ng kalat nilang mabaho pa sa kanal. Dahil naghalo ang mga pawis, usok ng segrilyo at alak.
Kung mayroon lang akong ibang pagpipilian na trabaho ay hindi ako magtiyatiyaga na pumasok dito sa bulok na bar na ito.
Nagsimula na nga akong magtrabaho, nonestop ito pero kere pa naman, nang biglang may tumawag sa akin na isa kong katrabaho.
"Bakit," tanong ko habang nakangiti.
"Frans, ako lang ba nakakakita o gumaganda ka ata ngayon." sabi naman nito sa akin na may halong panunukso.
"Ewan ko sa iyo, puro ka biro. Anong kailangan mo at pinupuri mo pa ako kahit 'di naman totoo." sagot ko dito.
"Heto naman totoo naman, sinasabi ko. Pero nga pala, may order sa table four, pasuyo naman." sabi niya sabay bigay sa akin ang isang maliit na papel.
Kinuha ko lang ang mga inumin na inorder nila na nakasulat sa maliit na papel sa counter bar at inilagay ko sa isang tray at lumakad papunta sa mga nakaupo sa table four na puro mga kababaihan ang mga naka-upo.
"Ito na po ang iyong mga order ninyo," sabi ko at ibinababa na sa kanila ng mga inumin. Paalis na sana ako ng may tumawag ulit sa aking pangalan.
"Francine?" saad ng tumawag at lumingon naman ako, upang tingnan kung sino ang tumawag sakin.
Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko ito. "Oh, my ghad. Margo. Ikaw ba iyan." saad ko dito at niyakap niya ako ng mahigpit.
"Frans. Ikaw nga, bakit ka umalis sa probensiya na wala man lang paalam?" tanong sa kain ni Margo habang naluluha na.
"Sorry Margo alam mo naman ang dahilan!"" tugon ko dito na naluluha na rin.
Si Margo ay ang aking bestfriend na umalis, patungong Japan at alam niya ang tungkol sa aking masamang karanasan noon. Siya din ang nagbigay sa akin ng apartment na tinutuluyan ko.
"Akala ko tatagal ka sa Japan bakit nandito ka ngayon?" tanong ko dito na nagtataka; At anong ginagawa mo dito?" tanong ko ulit.
"Ang isang kong pinsan ay ikakasal sa katapusan kaya umuwi muna ako, pero babalik naman ako pagkatapos ng kasal." sagot naman nito sa akin.
"Frans, ikaw kumusta ka na?
Okay ka lang ba, bakit ka nagtatrabaho dito akala ko ba sa mall ka nagwowork?" si Margo.
"Oo, kaya lang 'di sapat iyon nag-iipon din ako para sa pag-aaral
ko. Para kahit second degree lang ay may matapos ako." masayang balis ko dito.
"Okay here's my calling card kapag kailangan mo ng pera o kaya may gusto mong lumipat ng trabahoha na malaki-laki ang suweldo, irerekominda kita. Basta tawagan mo lang ako. Okay?" sabi nito bago ito nagpaalam umalis, kasi lilipat daw sila ng ibang bar.
Malungkot ko siyang tinanaw at tiningnan ko ang calling card nito. Napabuntong hininga ako, puwede rin naman. Pero hanggat maari ayokong dumagdag pa na pasanin dito, dahil alam ko naman na siya lang din ang inaasahan ng pamilya nito.
Nagpatuloy na lang ako sa pagtatrabaho, hanggang sa dumating na naman ang oras ng pag-uwi ko sa malungkot kong apartment.
Sa wakas ay makakapag pahinga na ulit ako. Natapos din ang mahaba-haba kong pagtatrabaho. Naglalakad na ako pauwi sa aking apartment sa tahimik at nakakatakot na kalsada, pero sanay na ako.
Sa isang buwan ko bagang paglalakad tuwing gabi 'di pa ba ako masasanay.
Pero maya-maya lamang ay napatigil ako nang makarinig ako ng ingay mula sa likuran ko. Para kasing may sumusunod sa akin, patay ako nito panigurado, 'wag naman sanang masamang tao.
Pero dahil sanay na ako ay nagpatuloy na lang ako sa aking paglalakad at binilisan ko na lang. Kaya lang parang binibilisan niya rin ang pakad niya kaya tumakbo na lang ako nang mabilis hanggang sa wala na akong naririnig na yapak ng sapatos.
Nakarating ako sa aking apartment. Mabilis ko itong binukasan at nagmadaling pumasok at sinara ko ang pintuan ng maigi. Hindi na ako nag bodywash tulad ng ginagawa ko dahil na rin sa takot kong, baka nasundan niya ako hindi ko na rin binuksan ang ilaw at humiga na lang ako ng tuluyan sa aking maliit na kama.
Iniisip ko pa din kong sino ang sumusunod sa akin, o baka akala ko lang meron pero wala naman ata siguro dahil antok na rin ako kanina na pa.
Hindi ko na lang iyon inisip at natulog na lang ako ng tuluyan. Baka nga guni-guni ko lang iyon.
"HINDI, 'WAG, 'WAG PO, 'WAGGGGGG!" Sumisigaw ako at pinagpapawisan ng magising sa kalagitnaan ng gabi, hinawakan ko ang aking mga pisngi.
Punong puno ng luha ang mga iyon. Gabi-gabi ko ito na raranasan mula nang makatakas ako sa amin.
Pitong buwan na ang nakakalipas pero bakit nagdurusa parin ako at bakit hindi mawala-wala ang takot kong ito sa kanya na para bang kahapon lang mga nangyari ang lahat ng iyon.
Matapos kong mahimasmasan ay naglakad ako papunta sa aking maliit na banyo. Napatingin ako sa salamin at tiningnan ko ang aking sarili na magulo ang buhok at may bakas pa ng luha sa mga pisngi ko.
Tinanggal ko ang aking damit at tiningnan ko naman ang aking hubad na katawan, nakita ko na naman ang mga marka sa aking dibdib. Maliliit na pilat iyon mga nasa sampu ang bilang nito. Makikita mo lang iyon kapag napagmasdan mo ng maigi.
Tumalikod ako at tiningnan ko din ang aking likod. Mayroon din mga maliit na hiwa na kasing haba ng maliit na karayom at ruler. Mapuputi iyon kaya 'di gaanong mahahalata kong 'di mo titigan ng maigi.
Tumulo muli ang mga luha ko sa aking mga mata. Pinunasan ko agad ang aking luha at tumingin ng seryoso sa salamin. Mas mabuti nang mag-isa ako, kaysa manatili sa demonyong iyon. Balang araw ay makakalimutan ko rin ang lahat ng masasamang nangyari sa akin noon.
Pinahid ko ulit ang mga luha ko na tutulo na naman sana. Hindi na dapat ako umiyak na siya lamang ang dahilan. Hindi na niya ako magugulo pa at kung mangyari man iyon, ay handa na akong lumaban.
Dahil wala na ako sa kanyang poder para lamang matakot pa.
Naligo na lang ako para gumuminhawa ang aking pakiramdam.
Kinabukasan dahil martes naman at day-off ko ay umalis ako patungong Makati kong saan ngayon namamalagi ang kaibigan kong si Margo para dalawin.
Sinabi ko sa kanya na darating ako para bisitahin ito at sakto namang wala na man daw itong gagawin kundi ang mag-sista lamang.
Matapos ang isang mahabang biyahe ay sa wakas ay nakarating din ako sa aking pupuntahan. Pagkababa ko ng bus ay sumakay naman ako ng taxi at binigyan ko sa driver ang address ni Margo. Habang naka-upo ako sa likuran ay nasisiyahan akong nanonood sa mga gusaling na roon.
Maya-maya lamang ay
natanaw ko ng aking mga mata ang isang napakalaking gusali na may nakapangalang 'Agoncillo Corporation'
Sobrang laki nito at sobrang ganda at sobrang taas. Napa-Wow naman ako kaya nagsalita ang driver na kanina pa pala ako tinitingan.
"Siguro miss, first time mo dito sa Makati ano?" tanong ng taxi driver kaya tumango naman ako.
"Iyan ang pinakamalaking kompanya dito ang may ari niyan ay isang 29 year old na binata at siya lang pagpapatakbo ng AC at nagmamanage kahit bata pa. Siya din ang pinakamayamang tao at number 1 Bussines Tycoon na na itala dito hindi lang sa Pilipinas pati na rin sa buong mundo.
Tumango na lamang ako sa sinabi ni Manong. Maya-maya ay nakarating kami sa address na ibinigay sa akin ni Margo kanina ng tumawag ako.
Binayaran ko na ito at bumaba na ako sa taxi. Lumapit ako at nagdoorbell sa isang apartment na may kalakihan. Maya-maya lang ay bumukas ito at isang matangkad na lalaki ang bumukas ng gate na iyon. Ipinakita ko ang address na isinulat ko at tinanong ko kung ito iyon address na nakasulat sa binasa nitong tarhita. Tumango naman ito at saka ako pinapasok.
"Halika pumasok ka!" sabi niya at tumalikod na ito. Kaya sinundan ko ito papasok. Medyo kinakabahan ako pero ng marinig ko ang boses ng tumawag sa akin ay napanatag ako.
"Frans!!" narinig kong sigaw ni Margo habang ang lalaki ay pumasok at tumayo sa likod ni Margo. Nabungaran ko si Margo kaya ngumiti ako sa kanya, niyakap naman ako nito ng mahigpit.
"Nakilala mo na pala ang boyfriend kong si Alfie?" sabi ni Margo sabay hawak ng kamay nito sa kamay ng lalaki kanina.
So iyon ang kanyang kasintahan ni Margo, swerte naman niya, guwapo kahit meyo mukhang suplado.
"Mahal, siya iyong kinukuwento ko sa iyo. Tuwing nag-vivideo call tayo nong nasa Japan ako, siya si Francine." saad ni Margo sa lalaki habang turo ako nito.
"Nice to meet you Alfie." sabi ko at nagshakehand kami.
"Same to you, Francine. Margo was told me a lot about you." sabi niya sa akin.
"So, Tara na, lets go inside." yaya sa amin ni Margo kaya pumasok na kaming lahat doon.
Malaki at maganda ang apartment na iyon.
Halina muna Frans. sa kusina kain tayo tamang tama mag tatanghali na tama para sa isang luch. Kaya pumunta kami sa kusina at naupo kasama si Margo at ang kanyang kasintahan, habang kumakain kami ng tanghalian.

Komentar Buku (182)

  • avatar
    Cherry AnnEsponera

    ok hhjjkutfghhgfsssgghuuuuu

    7d

      0
  • avatar
    AlcarazReinerio

    ok lng

    21d

      0
  • avatar
    Jewel Magallanes

    happy

    27d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru