logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 6 Pang-limang Liham

Dear, Vin
Ilang linggo din kaming tumira sa bahay nina Sydney noon. Itinuring nila kaming kapamilya duon, pinakain at binihisan nila kami. Sa dalawang linggong pananatili rin duon ay naging malapit kami ni Sydney sa isa't-isa. Itinuring niya kaming dalawa ni Belle na parang kapatid.
"A-ate, g-gutom p-po a-ako" medyo utal pang bulong sa akin ni Belle isang hapon habang inaalalayan ko siyang maglakad sa garden nina Sydney.
Malaki naman ang naitulong kay Belle nung therapy pero syempre minsan ay nagkakaproblema parin lalo na sa pagsasalita at paglalakad niya. Apat na taon siyang comatose, kaya talagang naninibago ang katawan niya.
Inalalayan ko muna si Belle papunta sa upuang nasa garden bago ito kinausap.
"Gutom na gutom ka na ba?" nag-aalala kong tanong na tinanguan naman niya "Pwede bang wait lang, hindi ko kasi alam kung paano hihinge ng pagkain".
Oo nga at pinaparamdam nila sa amin na hindi kami iba sa bahay nilang ito, pero hindi parin nawawala sa akin ang hiya. Sobrang nakakahiya dahil hindi naman nila sila kaano-ano pero sobrang dami na nilang naitulong sa aming magkapatid.
"p-pero a-at..."
Naputol ang sasabihin ni Belle nang may maglapag ng dalawang box ng pizza sa lamesang nasa aming harap. Sabay naming nilingon ni Belle kung sino iyun. Ang nakangiting si Sydney ang sumalubong sa amin.
"Pizza?" masayang sabi nito sabay bukas sa box ng pizza at upo sa tabi namin.
Galing sa mukha niya ay bumaba ang tingin ko sa pizza. Hindi ako nagugutom kanina pero nang makita ang pizza ngayon ay parang kumulo din ang tiyan ko.
Noon, maisip ko lang kumain nito at sabihin ko sa kung sinong tao sa bahay agad akong nakakain. Pero ngayon, apat na taon ang lumipas ngayon palang uli ako makakatikim ng pizza.
"T-thank you" sa pagbibigay ng panibagong buhay sa aming magkapatid.
tanging ngiti ang isinagot sakin ni Sydney sabay abot ng platitong may lamang isang pizza.
Simula ng araw na iyun palagi na kaming dinadalhan ni Sydney ng pagkain pag-aalis siya o minsan kahit nasa bahay lang bigla itong nagpapabili ng kung ano-ano. Pati mga damit at laruan bago man o luma, ibinibigay din niya sa amin. Sa kwarto din namin siya ni Belle tumutulog. Sa tatlong linggo na roon kami sa kanila, lahat ng meron siya ay dapat meron din kami.
Parang bumalik noon ang dati naming buhay ni Belle. Sinulit ko ang masasaya naming araw hanggang sa magdesisyon na akong umalis. Sobra-sobra na ang naibigay nila sa amin.
"Dito na lang kayo, Aliyah. Huwag na kayong umalis. Malaki naman ang bahay namin, madami din kaming pagkain. Hindi namin kayo pababayaan dito" umiiyak na sambit ni Sydney isang umaga habang nagpapaalam ako dito.
Nagdesisyon ako noong umalis sa kanila. Wala akong alam na pwede naming puntahan ni Belle, nakakulong na si Tiyo Ruben at si Tiya Sabel ay nawala na parang bula. Ang mga kamag-anak ni Daddy ay nasa ibang bansa na lahat at ayaw naman nila sa amin. Wala kaming mapupuntahan pero talagang nahihiya na ako sa mga magulang ni Sydney. Ang dami na nilang naitulong sa amin.
"Ayaw mo ba sakin? Ayaw mo ba akong maging kaibigan?" umiiyak paring tanong sa akin ni Sydney.
Now if I could only talk to young Sydney. I will tell her how grateful I am that she came into my life. She not only helped Belle and me financially. She also helped me build myself up.
I still remember how she hugged me every time I woke up because of a nightmare. How she wipes away my tears every time I remember what happened to me back then.
"Gusto kita, Sydney. At magkaibigan na naman tayo diba? Simula ng iligtas natin ang isa't-isa magkaibigan na tayo" nakangiti kong sagot sa umiiyak na si Sydney.
"Pero iiwan mo ako..."
"Pwede mo naman akong bisitahin at pwede rin kitang bisitahin".
Paulit-ulit na umiling si Sydney, ayaw akong pakawalan. Ngunit desidido na rin akong umalis. Kaya sa huli ay gumawa na lang ng paraan si Tito Marcus, salamat sa tulong ni Lola Grasya naging madali ang lahat.
Si Lola Grasya ay dating mayordoma nina Sydney, nag resign ito ng pumalit sa kanya ang anak nitong si Ate Melva. Silang dalawa ang kumuha sa amin ni Belle.
Napagkasunduan nila kaming patirhan sa bahay nila. Hindi na ako tumanggi noon dahil wala rin naman kaming mapupuntahan.
Hahanap na lang ako ng paraan para makatulong kahit sa gastusin man lang nila. Sabi ko sa sarili noon.
Nakakatawa diba? Ang bilis akong tinakbuhan ng mga kamag-anak at kaibigan ko noon samantalang ang mga taong ito na hindi ko kaano-ano at kakikilala ko pa lamang ay parang gutom na gutom na matulungan ako.
Well, this is how the world works. We always find a family in a strangers.
Medyo malayo ang bahay nina Lola Grasya sa village nina Sydney pero hindi parin nuon napigilan si Sydney na bumisita palagi sa amin.
Halos araw-araw itong pumupunta sa amin para makipaglaro at magdala ng pagkain. Hindi lang sa akin ito napalapit pati na rin sa kapatid ko.
Naging kakampi namin si Sydney noong mga panahong parang ang buong mundo ang kalaban namin.
"Sydney" tawag ko dito habang pareho kaming nakahiga sa damuhan at nakatingin sa langit na puno ng bituin.
"Yes?" bibo nitong sagot sa akin.
"Huwag mo akong iiwan ha" kasabay nuon ay ang pagpatak ng ilang butil ng luha sa aking mga pisnge.
Naaalala ko sina Mommy at Daddy. Natatakot ako, baka bigla ring mawala sakin si Sydney.
Ilang segundong hindi sumagot si Sydney, akala ko'y babalewalain nito ang sinabi ko kaya laking gulat ko ng hawakan nito ang kamay ko.
"Aliyah, ang puso natin magkadikit na. Simula ng maging magkaibigan tayo, wala na tayong karapatan para iwan ang isa't isa" bumangon ito at hinila ako para makaupo din. May kinuha ito sa bulsa niya.
Isa iyung simpleng bracelet na may palawit na letrang A.
Kinuha ni Sydney ang palapulsuhan ko at ikinabit duon ang bracelet na hawak niya. Pinanood ko lamang siya hanggang sa matapos.
"Para saan to?" nagtataka kong tanong habang nakangiting tinitingnan ang bracelet na ikinabit niya sa akin.
Muling kinuha ni Sydney ang kamay ko at itabi ang kamay niyang may suot ding bracelet na katulad ng sa akin ngunit ang palawit ng sa kanya ay S.
"Simbolo ito ng ating pagkakaibigan" ang matamis na ngiti sa labi nito ay unti-unting nawala nang tiningnan niya ako sa aking mga mata "Aliyah, mangako tayo sa isa't-isa. Walang makakasira sa ating dalawa kahit ano o kahit sino. Hindi natin iiwan ang isa't-isa kahit ano pang problemang dumating".
Mabilis akong tumango at lalong ngumiti. "Walang makakasira sa atin. Mananatili tayong magkaibigan hanggang sa pagtanda natin, pangako yan Sydney".
Kasabay ng pangakong iyun ay ang pangako ding hindi ko hahayaang masaktan ang kaibigan ko, hindi ko hahayaang hindi siya maging masaya. Ibibigay ko ang lahat makita lang ang mga ngiti niya.
Walang katapusang dumaloy ang luha saking mga mata habang sinusulat ko ang liham na ito.
Vin, please take care  of my best friend.
Love,
Aliyah

Komentar Buku (48)

  • avatar
    Floramay Salvo Becaoco

    nice story

    12d

      0
  • avatar
    YguasJosephine

    Ang Ganda po

    08/08

      0
  • avatar
    CabangonRavelyn

    💖💖

    22/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru